You are on page 1of 4

56

LEARNING PLAN IN HELE 5

Grade Level : Grade 5


Date : August 29, 2022
Quarter : First
Subject Teacher : Mr. Bryan Kenneth Ramos

I. Title: Home Economics


Subtopic: Pagbabagong pisikal sa sarili

II. Objectives:
1. Sa paksang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
naipaliliwanag ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata.

2. Natutukoy ang mga pagbabagong pisikal sa sarili tulad ng pagkakaroon ng tagiyawat,


pagtubo ng buhok sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, at labis na pagpapawis.
III. Materials/References
1. Batayang Aklat sa EPP Umunlad sa Paggawa 5
2. Online Resources:
a. https://www.scribd.com/document/443863629/EPP-5-HE-Tungkulin-sa-Sarili
b. https://www.slideshare.net/mariejajaroa/home-economics-aralin-1-tungkulin-sa-
sarili
c. https://depedcsjdm.weebly.com/uploads/7/9/1/6/7916797/2he_4_lm_pp.207-
231.pdf

IV. Lesson Development

A. Engage: Pagtataya 1
Panuto: Basahin at unawiin ang mga pangungusap. Piliin ang angkop o
tamang sagot sa kahon

 Kumain ng MASUSUSTANSYANG pagkain upang gumanda at


lumakas ang katawan
 Magkaroon ng SAPAT na oras ng pagtulog sa loob ng isang
araw
 Magiging kaakit-akit ka kung ikaw ay maliligo ARAW-ARAW
 Ang pagkain ng JUNK FOODS ay hindi makakabuti sa katawan
 Uminom ng WALONG baso ng tubig araw-araw
B. Explore: Pagtataya

Panuto: Iguhit sa patlang ng masayang mukha (☺) kung tama at


malungkot na mukha (☹) kung mali ang sumusunod na pangungusap
________1. Nawawala ang sipilyo mo at nakita mo ang sipilyo ng
nakababata mong kapatid kaya ito muna ang ginamit mo

________2. Maganda ang palabas sa television. May pasok ka pa


kinabukasan kaya sinabi mo na lang sa tiyahin mo na kuwentuhan ka na
lang tungkol sa palabas dahil matutulog ka nang maaga para hindi ka
mapuyat.
________3. Kinakain ni Momay ang mga gulay at prutas na nakahanda sa
hapag kainan.
________4. Naliligo si Angelo araw-araw bago pumasok sa paaralan.
________5. Nauuhaw ka habang naglalakad. Nakita mo sa tindahan na
may malamig na softdrinks pero ang binili mo ay isang bote ng mineral
water.

C. Explain:
Ating tatalakayin ngayon ang mga pagbabagong pisikal sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata. Ang araling ito ay makakatulong upang lubos
na maunawaan ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa iyong
sarili upang hindi ka matakot sa mga pagbabagong ito.

Maraming pagbabago ang nagaganap sa pangangatawan mula sa gulang


na 10 hanggang 16. Tingnan ang larawan. Anu-ano ang iyong napapansin
sa pangangatawan ng dalawang bata? Pagmasdan mo ang iyong sarili.
Ano-anong pagbabago ang iyong napapansin?

Panahon ng pagdadalaga at pagbibinata o puberty ang tawag sa yugto


ng buhay kung kailan maraming pagbabagong nagaganap sa iyong
pangangatawan. Ito ang panahon kung kailan ang pangangatawang
pisikal ng tao ay umuunlad. Normal lamang sa kabataang hahantong sa
pagiging tinedyer ang makaranas ng mga pagbabago sa pangangatawan.
Ito ay hindi dapat ikahiya at sa halip ay pag-aralan at unawain. Inihahanda
sa yugto ng buhay na ito ang katawan upang maging ganap na lalaki o
babae.

D. Expand:
Mga Pagbabago sa Nagdadalaga at Nagbibinata

1. Pagsulong ng taas at bigat.

Ang higit na pagsulong sa taas at bigat ay nagaganap bago maging


pangkasariang ganap. Sa panahon na ito ang isang normal at malusog na
batang lalaki ay karaniwang tatangkad ng mula sa 7 hanggang 12
sentimetro at ang babae mula 6 hanggang 11 sentimetro. Ang biglaang
paglaki ay unang mapapansin sa mga babae kaysa lalaki lalo na kung
magsisimula nang magkaregla. Ngunit sa gulang na 14 hanggang 19,
mabilis na humahabol sa taas at timbang ang mga kalalakihan.
2.Pagbabago sa sukat ng katawan. 

Kasabay ng pagsulong sa taas at timbang ang mga pagbabagong sukat


ng iba’t-ibang bahagi ng katawan. Mabilis na umuunlad ang laki at
komposisyon ng pangangatawan.

3. Pag-unlad ng mga pangunahing bahaging pangkasarian.


Unti-unting ginigising ng pituitary glandsang iba’t-ibang bahaging
pangkasarian ng isang nagbibinata o nagdadalaga upang magsimulang
gampanan ang kani-kanilang tungkulin. Sa mga babae, nagsisimulang
lumaki at magkahugis ang dibdib. Sa panahong ito rin nagkakaroon nan g
buwanang daloy o menstruation. Ang ari naman ng mga kalalakihan ay
unti-unti ring lumalaki at nagbabago upang maging pangkasariang ganap.

4. Pagtubo ng buhok sa iba’t-ibang bahagi ng katawan

May mga pagbabagong nangyayari sa panlabas na anyo ng nagdadalaga


at nagbibinata na nagbibigay sa kanila ng mga katangiang higit na
nagpapatunay ng kanilang kasarian. Ang mga kababaihan ay tinutubuan
ng buhok sa kilikili at sa ibabaw ng ari. Bukod sa nagkakahugis ang
dibdib, lumalapad ang balakang ng nagdadalaga. Ang mga kalalakihan
din ay tinutubuan ng buhok sa mukha tulad ng bigote, sa kilikili, sa ibabaw
ng ari, binti at dibdib.

5. Pagtubo ng tagihawat

Ang mga kababaihan ay nagkakaroon ng tagihawat lalo na kapag malapit


na ang buwanang daloy dahil sa glandular disturbances.Ang mga
kalalakihan din naman ay nagkakaroon din ng tagihawat sanhi ng
pagbabagong dulot ng pagbibinata.

6. Pagiging pawisin
Ang mga kalalakihan ang labis na nagiging pawisin kapag sila ay
nagbibinata na.

Matapos mong malamang normal lamang ang mga pagbabagong


nagaganap sa iyong katawan, iwasan na ang pagkabahala. Sa araw na ito
ay sasagutan ninyo naman ang mga sumusunod na katanungan:
(Magbigay ng iyong sagot sa tanong na hindi bababa sa limang
pangungusap.)

E. Evaluate: Tama o Mali


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang Tama
kung ito ay nagpapakita o tumutukoy sa pagbabagong pisikal ng mga
nagbibinata o nagdadalaga at isulat ang Mali kung hindi.
_______ 1. Pagkulubot ng balat sa katawan.
_______ 2. Pagtubo ng buhok sa kilikili at iba pang bahagi ng katawan.
_______ 3. Paglabas ng sobrang pawis sa katawan.
_______ 4. Pagputi ng buhok.
_______ 5. Pagtubo ng ngipin.
_______ 6. Pagkakaroon ng tagihawat sa mukha at leeg.
_______ 7. Pag-alsa ng dibdib.
_______ 8. Pagkakaroon ng buwanang daloy.
_______ 9. Pagbigat ng timbang.
_______ 10. Pagbaluktot ng likuran.

V. Assignment:

SOAR Activity: Go to your Orange App and answer the activity

You might also like