You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-B MIMAROPA
Division of Marinduque

Banghay-Aralin sa HEALTH 5

I. Layunin:
Recognizes the changes during Puberty as a normal part of growth and development
- Physical Change
1. Nakikilala ang mga pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga
bilang bahagi ng paglaki at pagunlad
2. Pisikal na Pagbabago.

II. Nilalaman:
A. Paksa: Mga Pagababagong nagaganap sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata
B. Sanggunian: MELC - H5GD -Iab - 1 H5GD -Iab - 2

C. Kagamitan: powerpoint presentation, pictures, video presentation


D. Pagpapahalaga: Pangangalaga sa katawan

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Paglalahad ng mga panuntunan

3. Pagtsetsek ng attendance

4. Balik-Aral/REVIEW

Panuto: Pumili ng card at tukuyin kung sino o ano ang inilalahad ng bawat
pangungusap kasama ang gabay na larawan.

1. Ako ang kailangan mo kung ikaw ay may sakit. Madalas mo akong iniinum.
ANO AKO? - GAMOT
2. Ako ang madalas mong kasama sa paaralan. Maaari mo akong kausapin kung ikaw ay may
kailangan.
SINO AKO? - GURO
3. Sa akin ka pumupunta kung ikaw ay nakakaramdam ng sintomas ng Covid-19 virus.
SINO AKO? - DOKTOR
4. Ako ang dapat mong kainin upang ikaw ay maging malakas at malusog.
ANO AKO? - PRUTAS/GULAY

5. Pagganyak/MOTIVATIONM
Game – “Larawan Ko, Hulaan Mo”
May ipapakitang larawang ng mga bata ang guro na nakatago. Huhulaan lamang ng mga mag-
aaral kung sino ang nasa larawan kapag lumabas na ang kabuuang larawan
Mga Tanong:
1. Ano ang masasabi nyo sa larawan?
2. Sino sa inyo ngayon ang nkakaranas na ng mga ganitong pagbabago?
3. Mararanasansan niyo din kaya ang mga pagbabagong naranasan ng mga tao sa larawan

B. Paglinang ng Aralin
1. Pag-aalis ng Sagabal
Ipaliwanag gamit ang powerpoint presentation:
Nasa edad ka ngayon na nagsisimulang magbinata at magdalaga. Lahat ng
tao ay dumadaan sa ganitong yugto ng buhay. Ang tawag dito ay PUBERTY STAGE.

2. Paglalahad/PRESENTATON
A. Pangkatang Gawain
Pipiliin ng mga bawat pangkat sa loob ng kahon ang mga pagbabagong nagaganap sa babae,
lalaki at mga pagbabagong nagaganap sa parehas na kasarian.

 Pagsulong ng taas at bigat.


 Nagkakaroon ng buwanang daloy o menstruation.
 Tinutubuan ng tigyawat.
 Pagtubo ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan
 Paglapad ng balakang
 Mabilis na pag-unlad ng kalamnan na nagbibigay ng kakayahan sa
paggawa ng mabigat na gawain.
 Nagbabago at lumalaki ang boses.
 Pagtubo ng bigote at balbas
 Pagtinis ng boses
 Paglapad ng balikat.
 Pagkakaroon ng hugis ng dibdib.

GROUP 1 – Mga Pagababagong Nagaganap sa mga Babae


GROUP 2 – Mga Pagbabagong Nagaganap sa mga Lalaki
GROUP 3 – Mga Pagbabagong Nagaganap sa Parehas na Kasarian

Pag-uulat ng bawat pangkat

3. Pagtatalakay/ DISCUSSION

Pakikinig sa guro
 Balikan natin ang iniulat/ipinakita ng bawat pangkat
 Upang mas malaman ng guro na naintindihan ng mga mag-aaral ang aralin sa araw na ito ay
magkakaroon sila ng laro.
 Ilalabas ng mga mag-aaral ang drillboard may ipapakitang tanung ang guro na kailangan nilang
sagutin.

4. Paglalahat/ GENERALIZATION
1.Ano nga ba ang puberty?
2. Anu-anong pisikal na pagbabago ang nagaganap sa isang babae sa panahon ng puberty? Sa
mga lalaki?
3. Bakit nga ba kailangang malaman niyo ang mga pagbabagong maaaring maganap sa isang
babae at lalaki?
5. Paglalapat/ APPLICATION

Pagmasadan ang larawan at pasagutan ang mga tanong sa ibaba:

1. Anong pagbabagong pisikal ang nakita niyo sa larawan?


2. Knino ito puwedeng maganap?
3. Ano ang naging reaksyong ng binata sa larawan?
4. Tama ba ang naging reaksyon niya? Bakit tama? Bakit mali?
5. Mayroon ba tayong maaaring gawin upang maiwasan natin ang pagdami ng tigayawat sa panahon
ng pagdadalaga at pagbibinata.

May ipapakitang mga pagbabago ang guro sa screen. Tatayo ang mga lalaking mag-aaral kung
ito ay tumutukoy lamang sa lalaki at kung sa babae ay ang mga babae naman ang tatayo. Kung
parehas nagaganap ay parehas tatayo ang lalaki at babae.

1. Tinutubuan ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


2. Nagkakaroon ng adam’s apple
3. Tinutubuan ng bigote at balbas
4. Nagkakaroon ng hubog ang katawan
5. Nagiging matinis ang boses
6. Nagkakaroon ng tigiyawat.
7. Paglalim ng boses.
8. Paglaki ng bisig.
9.

IV. Pagtataya

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na pagbabagong pisikal kung ito ay parsa sa lalaki, babae o
parehas na kasarian.Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.
 
1. Ang paglapad ng balakang ay pagbabagong pisikal na nagaganap sa?
a. lalaki b. babae c. parehas na kasarian
2. Ang pagtubo ng buhok sa mukha ay pagbabagong pisikal na nagaganap sa?
a. lalaki b. babae c. parehas na kasarian
3. Ang paglaki at paglalim ng boses ay pagbabagong pisikal na nagaganap sa?
a. lalaki b. babae c. parehas na kasarian
4. Ang pagkakaroon ng buwanang dalaw ay pagbabagong pisikal na nagaganap sa?
a. lalaki b. babae c. parehas na kasarian
5. Ang pagsulong ng taas at bigat ay pagbabagong pisikal na nagaganap sa?
a. lalaki b. babae c. parehas na kasarian

V. Takdang Aralin
Gumupit ng larawan ng isang binata at dalaga at isulat ang mga napansing pagbabago pisikal dito.

GLORAINE S. LINGCALLO
Teacher 1 Applicant

You might also like