You are on page 1of 6

Instructional Planning

(The process of systematically planning, developing, evaluating and


managing the instructional process by using principles of teaching
and learning – D.O. 42, s. 2016)

Detailed Lesson Plan (DLP) Format

DLP Asignatura: Baitang: Kwarter: Oras (haba): Petsa:


Blg.:
39 EPP 5 Una 8:20-9:10 Agosto 5, 2019

Gabayan ng Pagkatuto: Nasusunod ang mga tuntuning pangkaligtasan at Code:


(Taken from the Curriculum pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop.
Guide) EPP5AG-0i-17
Susi ng Konsepto ng Pag- Magiging maayos at ligtas ang pag-aalaga ng hayop kung gagawin natin at isasabuhay
unawa ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop.

Domain Adapted Cognitive Process


Dimensions (D.O. 8,s. 2015)
LAYUNIN:
Knowledge Remembering Naiisa-isa ang mga tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-
The fact or (Pag-alala) aalaga ng hayop.
condition of
knowing something Understanding Naipaliliwanag ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa
with familiarity (Pag-unawa) pag-aalaga ng hayop.
gained through
experience or
association
Skills Applying
The ability and (Pag-aaplay)
capacity acquired
through deliberate, Analyzing Nasusuri ang maging epekto sa hindi pagsunod ng mga panuntunang
systematic, and (Pagsusuri) pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop.
sustained effort to
smoothly and Evaluating Nasusunod ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa
adaptively (Pagtataya) pag-aalaga ng hayop at isda.
carryout complex
activities or the Creating
ability coming (Paglikha)
from one’s
knowledge,
practice, aptitude,
etc. to do
something
Attitude Valuing Naisasagawa nang may kawilihan ang pakikilahok sa mga iba’t ibang
(Pang-asalan) gawain ukol sa panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-
aalaga ng hayop.
Values Valuing Pagiging masunurin, mapamaraan, malikhain sa pag-iisip
(Pagpapahalaga)
Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Pag-aalaga ng Hayop
2. Content (Nilalaman)
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran pahina 89, powerpoint
3. Learning Resources ( Kagamitan) presentation, larawan, tsart, metacards/activity sheets, markers, manila
paper
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Panimulang bati ng mga bata sa guro gayundinman ang guro sa mga bata na may galak.
Gawain
Pagkatapos, ilahad ng guro ang mga alintuntunin na dapat sundin sa loob ng klase:
(Managed learner behavior constructively by setting house rules/guidelines)
5 minuto 1. Maging magalang sa pananalita sa lahat ng oras.
2. Makinig ng mabuti sa lahat ng oras.
3. Hintayin ang pagkakataon mo na makapagsalita.
4. Kung nais sumagot o may katanungan dapat itaas lamang ang kanang kamay.
5. Umupo nang maayos.

Balik-aral:
Ano ang wastong paraan ng pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok, kalapati, pugo o itik?
Posibleng sagot: Ang wastong paraan ng pag-aalaga ng mga hayop ay bigyan ng sapat na pagkain
o may patukaan, painumin ng malinis na tubig, malinis na kulungan o tirahan, at may tapunan ng
dumi.

At batay sa ating napag-aralan, maaari rin tayong mag-alaga ng bangus, tilapia, at karpa.
Itanong:
Ilang buwan maaaring anihin ang tilapia? bangus? karpa?

Sagot: Maaaring anihin ang tilapia sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan, samantala ang
bangus naman ay sa loob ng anim na buwan at ang karpa ay isang taon.

Sa loob ng isang taon, ilang beses tayo maaaring mag-ani ng tilapia? bangus? karpa?
(Highlighting integration in Numeracy)
Sagot: Sa loob ng isang taon, maaaring mag-ani ng tilapia ng apat na beses sa isang taon
habang ang bangus naman dalawang beses at ang karpa naman ay isang beses sa isang
taon.

*Ang sinumang makasagot ay bibigyan ng papuri ng guro at ng mag-aaral.

4.2 Gawain Sino sa inyo ang nakaranas na makagat ng alagang hayop?

(Pagkukuwento ng karanasan.)
10 minuto (Managed learner behavior constructively by providing motivation.)
Sa inyong palagay, bakit kaya nagagawang makapanakit ang ating mga alagang hayop?
(Highlighting different teaching strategies that develop critical and creative thinking and/or HOTS)

Paano kaya napapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng nag-aalaga ng hayop?


(Ito ang aalamin ng mga bata sa pamamagitan ng pagbigay ng guro ng iba’t ibang gawain kada
grupo.)

Pangkatang Gawain:
Ibigay ang mga alituntunin para sa pangkatang gawain:
(Managed learner behavior constructively by setting house rules/guidelines)
(Ensuring learners’ active participation through giving of stars with corresponding points)
1. Dapat siguraduhing tahimik ang inyong mga kagrupo – 1 bituin.
2. Gawin ang gawain (activity) nang sama-sama at siguraduhing tumulong ang lahat ng
inyong mga kagrupo. – 2 bituin
3. Natapos ang gawain sa takdang-oras. – 1 bituin
Pangkatang Gawain:
Pagpangkat-pangkatin ang mga bata batay sa kanilang gusto at kakayahan.
(Used differentiated, developmentally appropriate learning experiences to address learners’ gender,
needs, strengths, interests and experiences.)
(Managed classroom structure to engage learners, individually or in groups, in meaningful exploration.)
Unang Pangkat:
Pag-aralan ang mga larawan. Pagsamahin ang mga nagpapakita ng mga panuntunang
pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop.
(Integration in ESP)

Mga gawaing nagpapakita ng panuntunang Mga gawaing hindi nagpapakita ng


pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-aalaga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan
ng hayop. sa pag-aalaga ng hayop.
Mga Sagot:
Mga gawaing nagpapakita ng panuntunang Mga gawaing nagpapakita ng panuntunang
pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-aalaga pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-
ng hayop. aalaga ng hayop.

Ikalawang Pangkat:
Punan ang mga patlang upang mabuo ang mga kaisipan. (Integrasyon sa English)

Katawan beterinaryo guwantes malinis na may sakit

1. Isangguni sa ___________ ang mga alagang hayop lalo na kung may masamang kalagayan.
2. Maglinis ng ______________ pagkatapos gampanan ang gawain.
3. Mahalagang tuyo at _____________ ang tirahan ng mga alagang hayop.
4. Gumamit ng bota, ____________, mask o plastik na damit sa paglilinis ng kulungan at sa
pag-aasikaso ng alagang hayop na may sakit.
5. Ihiwalay kaagad ang mga hayop _________________.

Ikatlong pangkat:
Gumawa ng isang dula-dulaan tungkol sa isang tao na nakagat ng kanyang alagang hayop dahil sa
hindi pagsunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop.
Ipakita ang mga dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon.
(Integrasyon sa Arts and Health)
Ikaapat na Pangkat:
Gumawa ng kanta, rap o tula tungkol sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-
aalaga ng hayop.
(Integrasyon sa English/ Music at Literacy)
Pagkatapos ilahad o i-presenta ng bawat pangkat ang kanilang gawain ay bibigyan sila ng iba’t
ibang istilo ng palakpakan. (Praising the learners/ giving positive feedback)

4.3 Analisis Sa inyong ginawang pangkatan, ano ang inyong natutunan pagkatapos ilahad ng bawat grupo ang
kani-kanilang gawa?
5 minuto
Sa kabuuan, paano kaya napapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng nag-aalaga ng hayop?

4.4 Abstraksiyon Ano- ano ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop?
(Hayaan ang mga mag-aaral makabuo at makapagbigay ng mga panuntunang pangkalusugan at
pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop batay sa ginawa nila sa pangkatan.)
10 minuto
Ilahad at ipaliwanag o ipasagot sa mga bata ang mga gabay na tanong tungkol sa mga
“Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Pag-aalaga ng Hayop”.

1. Mahalagang tuyo at malinis ang tirahan ng mga alagang hayop.


2. Huwag bibigyan ng sariling medikasyon ang mga alagang hayop na may malubhang
kalagayan.
3. Isangguni sa beterinaryo ang mga alagang hayop lalo na kung may masamang kalagayan.
4. Ihiwalay kaagad ang mga hayop na may sakit.
5. Ibaon agad sa lupa ang mga gamot kung hindi na maaaring gamitin upang maiwasan ang
aksidente.
6. Sunugin ang mga hayop na namatay sa sakit upang hindi na kumalat at mahawa pa ng sakit
ng ibang hayop.
7. Gumamit ng bota, guwantes, mask o plastic na damit sa paglilinis ng kulungan at sa pag-
aasikaso ng alagang hayop na may sakit.
8. Maglinis ng katawan pagkatapos gampanan ang gawain.

(Highlighting different teaching strategies that develop critical and creative thinking and/or HOTS)
Bakit mahalaga ang kalinisan sa kulungan ng alagang hayop?
Gaano kadalas dapat tayo maglinis ng kulungan?
(Posibleng sagot: Mahalaga ang kalinisan sa kulungan ng alagang hayop upang
makaiwas sa insekto at bacteria/ upang hindi magkasakit ang mga alagang hayop. Gawin
ang paglilinis ng kulungan araw-araw.)

Ano ang magiging implikasyon/epekto nito kapag maling gamot ang ating maibibigay?
Sino ang mas nakakaalam ng mga gamot para sa mga alagang hayop?
(Posibleng sagot: Kapag binigyan ng maling gamot ang mga hayop na may sakit ay
maaaring lumala o mamamatay ang alagang hayop. Ang mas nakakaalam ng mga gamot
para sa mga alagang hayop ay ang beterinaryo.)

Ipaliwanag kung bakit dapat ihiwalay ang alagang hayop na may sakit. Kung may isang
hayop na may sakit at nakahawa ng isa pang hayop, ilan na ang may sakit? 2 makahawa pa
ng tig-iisa, ilan na silang may sakit?
(Integration in Numeracy)
(Posibleng sagot: Dapat ihiwalay ang alagang hayop na may sakit upang hindi mahawaan
ang iba pang hayop.)

Bakit kailangan sunugin ang mga hayop na namatay sa sakit?


Ano kaya ang maaaring mangyayari o masisira kung patuloy tayo sa pagsusunog ng mga
bagay-bagay?
Maliban sa pagsunog, ano pa sa tingin niyo ang maaaring gawin sa mga alagang namatay?
(Integrasyon sa Science, ESP at Health)

(Posibleng sagot: Kailangang sunugin ang mga hayop na namatay sa sakit upang hindi
kumalat at makahawa sa iba pang hayop. Kung patuloy tayo sa pagsusunog ng mga
bagay-bagay masisira ang ozone layer na kung saan ito yong nagbibigay ng proteksiyon
sa mga hayop, halaman at sa mga tao laban sa UV rays.)

4.5 Aplikasyon Ano ang maaaring maging epekto ng pagsasawalang bahala sa mga panuntunang pangkaligtasan at
pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop?
(Integration in Literacy)
5 minuto Gamit ang graphic organizer, magtala ng posibleng mangyari kapag hindi nasunod ang mga
panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop.
(Integration in Literacy)

Mga maaaring
mangyayari
kapag
ipinagwalang
bahala ang mga
alituntunin sa
pag-aalaga ng
hayop
Possible answers:
 Maaari tayong mapahamak o maaksidente.
 Maaaring mamatay ang ating alagang hayop.
 Maaaring magkasakit ang hayop pati na ang nag-aalaga nito.
 Hindi natin mababawi ang lahat (puhunan) na ating ginugol sa pag-aalaga ng hayop.

4.6 Assessment Analysis of Learners’ A. Sundin ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-
(Pagtataya) Products aalaga ng hayop batay sa bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Nagkasakit ang alagang hayop ni Mario, ano ang pinakamabuti niyang
gawin?
a. Ipagsawalang bahala
5 minuto b. Katayin at isapamilihan
c. Bigyan kaagad ng gamot
d. Sumangguni sa beterinaryo
2. Upang makaiwas sa mga insekto at bacteria, panatilihing _______ ang
kulungan ng hayop.
a. malinis b. marumi c. nilalangaw d. lantad sa araw
3. Alin sa sumusunod ang dapat gawin pagkatapos isagawa ang pag-aalaga
ng hayop?
a. Magpahinga c. Makipagkwentuhan sa kapitbahay
b. Kumain ng almusal d. Maghugas at magsabon ng kamay
4. Ano ang posibleng mangyari kapag hindi sinusunod ang mga
panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop?
a. Lalaking malusog ang mga alaga.
b. Maiiwasan agn abala sa pag-aalaga
c. Magiging kasiya-siya ang pag-aalaga
d. Masusugatan o magkakasakit ang tagapag-alaga
5. Alin sa sumusuonod ang dahilan kung bakit kailangang gumamit ng
bota at gwantes sa pag-aalaga ng hayop?
a. Upang maging kaaya-aya ang itsura habang nag-aalaga
b. Upang madagdagan ang porma habang nag-aalaga
c. Upang magkaroon ng proteksiyon sa katawan
d. Upang maaliw ang mga inaalagaang hayop
B. Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad nito at Mali naman kung
hindi.
1. Hayaang magsiksikan ang mga hayop sa isang kulungan o tirahan
upang makatipid sa ilaw, tubig, lugar at pagkain.
2. Bigyan ng sariling medikasyon ang mga alagang hayop na may
malubhang sakit.
3. Itayo ang kulungan ng hayop malapit sa kabahayan at daanan ng
sasakyan.
4. Bigyan ng wastong pagkain at bitamina upang maging malusog
ang mga alagang hayop.
5. Ang tirahan o kulungan ay dapat panatilihing malinis upang
maligtas sa sakit at peste ang mga hayop.

Susi sa Pagwawasto:
A B.
1. d 1. Mali
2. a 2. Mali
3. d 3. Mali
4. d 4. Tama
5. c 5. Tama
4.7 Takdang- Enhancing/Improving Ano-anong kabutihan ang naidudulot sa pagsunod sa
Aralin the day’s lesson mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan
sa pag-aalagan ng hayop?
2 minuto 1.
2.
3.
4.
5.
4.8 Panapos na May mga alagang hayop ang iyong kaibigan. Batid mong hindi
Gawain tama ang kanyang ginagawang pag-aalaga ng hayop.
3 minuto
Paano mo maipaliliwanag ang mga panuntunang pangkaligtasan at
pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop?
5. Remarks
6. Reflections
A. No. of learners who earned 80% in the C. Did the remedial lessons work?
evaluation No. of learners who have caught with
the lesson.
B. No. of learners who require additional activities D. No. of learners who continue to
for remediation require remediation.
E. Which of my learning strategies worked well?
Why did these work?
F. What difficulties did I encounter which my
principal or supervisor can help me
G. What innovation of localized materials did I
used/discover which I wish to share with other
teachers?

Prepared by:
Name: Vanessa Q. Hequilan School: Jugan Elementary School
Position/
Designation: Teacher I Division: Cebu Province
Contact Number: 09439012583 Checked by:
LORNA I. SOCO
Principal

You might also like