You are on page 1of 5

I.

LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Nauunawaan ang likas na katangian at mga epekto ng paggamit at pag-abuso
sa caffeine, tabako at alkohol.
(The learner understands the nature and effects of the use and abuse of caffeine, tobacco and alcohol)
B. Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ang kakayahang protektahan o pang-ingatan ang pansariling
kausugan sa pamamagitan ng pagtanggi sa paggamit ng drogang gateway.
(The learner demonstrates the ability to protect one’s health by refusing to use or abuse gateway drugs.)
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naipamamalas ang kakayahang manatiling malusog sa pamamagitan ng pag-
(Isulat ang code ng bawat kasanayan) iwas sa paggamit at pag-abuso sa drogang gateway – caffeine, tabako at alak.
(The learner demonstrates life skills in keeping healthy through the non-use of gateway drugs.)
(H5SU-IIIh-12)
II. NILALAMAN Pagpipigil at Pag-iwas sa Paggamit at Pag-aabuso ng Drogang Gateway:
(Prevention and Control of Use and Abuse of Gateway Drugs:)

1. Pagpapaunlad ng mga Kasanayan sa Buhay (pag-iwas o pagtanggi,


mabuting pagpapasya, komunikasyon, paggigiit)
(Development of Life Skills (resistance, decision-making, communication, assertiveness)
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Masigla at Malusog na Katawan at Isipan, Manwal ng Guro, pp. 97 - 100
2. Mga pahina sa Kagamitang
Masigla at Malusog na Katawan at Isipan, Batayang Aklat, pp. 196 - 199
Pang-mag-aaral
3. Karagdagang Kagamitan mula  K to 12 Health Curriculum Guide Grade 5, Aug 2016 Edition, page 52
sa portal ng Learning of 95
Resource (LR)  Mga Nakalululong at Mapanganib na Droga. A&E. NFE Accreditation
and Equivalency Learning Material. DepED. 2001. pp.22-23,30-31
B. Iba pang Kagamitang Panturo mga larawan, talaan o tsart, powerpoint presentation, activity sheets, fishing
bowl o kahon, graphic organizer
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Laro: Pasahan ng Mensahe (Pass the Message)
pagsisimula ng bagong aralin Mensahe: Huwag subukan ang drogang gateway.

Hakbang sa Paglalaro:
1. Bumuo ng tatlong pangkat.
2. Bubunot ang guro ng mga pangalan ng mag-aaral na bubuo sa bawat
pangkat.
3. Ang bawat pangkat ay pipili ng lider na pupunta sa guro upang mabasa o
mapakinggan ang mensahe.
4. Sa hudyat ng guro, ipapasa ng lider ang mensahe sa kasunod niyang
kaklase sa pila.
5. Ang panghuling bata sa pila ang pupunta sa pisara upang isulat ang
mensaheng ipinasa sa kanya.
6. Ang unang pangkat na makapagbibigay ng tamang mensahe ang siyang
mananalo.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Itanong:
1. Ano ulit ang mensaheng ating ipinasa?
2. Bakit natin hindi dapat subukan ang drogang gateway?
3. Ano kaya ang mga maaaring mangyari kung ikaw magsimulang sumubok
ng mga drogang gateway?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Magpakita ng mga larawang nagpapakita ng mga sitwasyong kanilang maaari
bagong aralin nang naranasan o maranasan na may kinalaman sa paggamit ng drogang
gateway.

Itanong:
1. Ano ang ipinapahayag sa unang larawan? …sa ikalawang larawan?
2. Naranasan na ba ninyo ito? Kung oo, ano ang inyong ginawa?
Kung hindi naman, alam ba ninyo ang inyong dapat gawin sa ganitong mga
sitwasyon?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto Ipabasa ang mga nasa pahina 196 – 198 ng kanilang batayang aklat. Isa isang
at paglalahad ng bagong talakayin ang mga kasanayan sa buhay na dapat paunlarin upang malabanan o
kasanayan # 1 maiwasan ang pagsubok ng mga drogang gateway.

 Pag-iwas o Pagtanggi sa Masasamang Impluwensiya


 Mabuting Pagpapasya o Paggawa ng Matitinong Desisyon
 Komunikasyon o Pakikipag-usap
 Paggigiit o Pamimilit
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto Panuto: Alamin kung anong kasanayan sa buhay ang isinasaad ng bawat
at paglalahad ng bagong sitwasyon. Isulat ang
kasanayan # 2 A – kung pagtutol
B – pagpapasaya
C – komunikasyon
D – pamimilit o paggigiit

1. Pagtanggi sa panghihikayat na manigarilyo (A)


2. Pagpadala o pagtanggap ng mensahe (C)
3. Pagpapaliwanag sa masamang dulot ng drogang gateway (C)
4. Paggawa ng desisyon nakabubuti sa sarili, pamilya at sa kapwa (B)
5. Panghihikat nang pagsasabi ng katotohanan (D)
F. Paglinang sa Kabihasaan Pangkatin ang mga mag-aaral sa 4. Bigyan ang bawat pangkat ng isang
(tungo sa Formative Assessment) enbelop na naglalaman ng kanilang gawain at mga kagamitang kakailanganin.

(Itakda ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain.)

Pangkat I – Bilangin Natin! (Integrasyon ng Math)


  Batay sa mga pag-aaral na ginawa sa ibang bansa, katumbas ng
labing-isang (11) minuto ng buhay mo ang mawawala sa bawat isang pirasong
sigarilyo na iyong sisindihan.
“Isang sigarilyo katumbas ng 11 minuto ng buhay mo.”
0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11

Punan ang tsart upang ipakita ang bilang ng minutong nawawala sa buhay
ng mga taong kakilala mo sa tuwing sila ay maninigarilyo. Ibahagi sa klase ang
inyong output.

Halimbawa:

Bilang ng sigarilyong Kabuuang bilang ng


Kamag-anak na
kanilang nauubos sa minutong mababawas
naninigarilyo
isang araw sa kanilang buhay
Lolo Karding 8 (x11) 88 minuto
Tito Bong 11 (x11) 121 minuto
Ate Poleng 5 (x11) 55 minuto

Itanong:
Anong realisasyon ang naganap sa inyo ngayong nalaman ninyo na
nababawasan ang inyong buhay sa tuwing gagamit ka ng sigarilyo. Susubok
ka pa bang manigarilyo?
Anong kasanayan sa buhay ang inyong dapat malinang para
maisakatuparan ang inyong realisasyon na makaiwas sa drogang gateway?
(Inaasahang sagot: pagpapasya o paggawa ng matinong desisyon)

Pangkat II – Gumawa ng isang poster na may patalastas na naghihikayat na


tumanggi sa paggamit ng drogang gateway. ( Maaaring ipakita sa
mga mag-aaral ang halimbawa sa ibaba.)

Itanong:
Anong kasanayan sa buhay ang nais ipahiwatig ng poster na inyong ginawa?
(Inaasahang sagot: pagtanggi o pagtutol at/o pamimilit o panggigiit)

Pangkat III – Buuin ng pangkat ang mga puzzles na may mensaheng


ipinapahayag tungkol sa pag-iwas sa pagkalulong sa bisyo.

Itanong:
Anong kasanayan sa buhay ang ipinahihiwatig o ipinararating ng mga
larawang inyong nabuo? (Inaasahang sagot: komunikasyon o
pakikipag-usap)

Pangkat IV – Bumuo ng isang skit na nagpapakita ng pagkakakataon kung


saan iginigiit o ipinipilit ang pag-iwas sa drogang gateway.
Itanong:
Paano ninyo naipakita ang kasanayan sa buhay na panggigiit o pamimilit sa
inyong skit? (Inaasahang sagot: sa pamamagitan ng pagtanggi
sa alok at panghihikayat na itigil na ang pag-abuso sa drogang
gateway)
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Itanong:
araw na buhay Nakita mong nakikipag-inuman ang iyong tatay o kuya sa kapitbahay, ano ang
gagawin mo? Bakit mo ito gagawin? Paano mo ito gagawin?

H. Paglalahat ng aralin Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bigyan ang bawat pangkat ng isang
bahagi ng graphic organizer kung saan nila isusulat ang kanilang paglalahat sa
natutunang aralin.

Mga kasanayan
sa buhay na
dapat paunlarin
upang makaiwas
sa drogang
gateway

Ano-ano ang mga kasanayan sa buhay na ating dapat paunlarin upang


maiwasan ang drogang gateway?

I. Pagtataya ng aralin Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Anong tawag sa mga substansiyang nakalululong at inaabuso na


kinabibilangan ng caffeine, nikotina at alcohol?
a. drogang gateway c. mineral
b. bitamina d. gamot

2. Aling kasanayan sa buhay ang uunlad kapag ikaw ay tumanggi sa


panghihikayat ng iyong mga kaibigang manigarilyo?
a. pagtutol c. komunikasyon
b. pagpasya d. pagpilit

3. Si Noel ay madalas mapagalitan ng kanyang mga magulang dahil sa


pagsama niya lagi sa mga kaibigan sa paniniwalang sila ay hindi mga
magandang impluwensiya sa kanya. Malaya niyang nagagawa ang
kanyang mga hilig at gusto kapag sila ay kaniyang kasama. Hanggang sa
nagkayayaan ang magkakaibigan upang mag-inuman at manigarilyo ngunit
ayaw ito ni Noel. Paano siya makakaiwas na malulong sa sigarilyo at alak?
a. Huwag sumama at takasan na lamang sila.
b. Sumama at bilisan na lamang ang pag-ubos ng mga ito.
c. Sasabihan ang mga kaibigan na itigil na ang paninigarilyo at pag-inom ng
alak at ibang drugs nalang ang kanilang gamitin.
d. Kakausapin ang mga kaibigan na itigil na nila ang paninigarilyo at pag-
inom ng alak dahil naksasama ito sa kalusugan at yayain na lamang
silang magbasketbol.

4. Kung ikaw si Noel, ano ang kasanayan sa buhay na iyong gagamitin


upang maka-iwas sa pagkalulong sa gateway drugs?

5. Sumulat ng isang sitwasyon kung saan naranasan mong magamit ang


isa sa mga kasanayan na dapat paunlarin upang makaiwas sa
pagkalulong sa gateway drugs.
J. Karagdagang gawain para sa
takdang aralin at/o remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa ng aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyonan sa
tulong ng aking punungguro at/o
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho ang nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like