Department of Education Region XII Bagumbayan District I BAGUMBAYAN CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
PAKITANG TURO SA MAPEH
(HEALTH 5) Quarter 3 Week 1 NOEL A. PACHECA Teacher III Layunin: A. Pamantayang Pangnilalaman The learner understands the nature and effects of the use and abuse of caffeine, tobacco and alcohol. B. Pamantayan sa Pagganap The learner demonstrates the ability to protect one’s health by refusing to use or abuse gateway drugs. C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan) 1. Naipapaliwanag ang mga katangian ng gateway drugs (H5SU-IIIa-7) 2. Natutukoy ang mga produkto, pagkain, at inuming may caffeine (H5SU-IIIb-8) 3. Natatalakay ang mga paraan ng paggamit at pag-aabuso sa may caffeine, tabako, at alcohol (H5SU-IIIc-9) 4. Nailalarawan ang mga pangkalahatang epekto ng paggamit at pag-aabuso sa caffeine, tabako, at alcohol (H5SU-IIId-10) Pamantayan sa Pagaaral:
1. Makinig ng mabuti sa guro
2. Iwasang magsalita o makipagusap sa katabi habang nagsasalita ang guro. 3. Itaas ang kamay kung may katanungan sa mga talakayan at antayin na tawagin ang pangalan bago magsalita. Panginoon po naming Diyos, Salamat po ng napakarami, Dahil ligtas mo po kaming tinipon sa dakong ito Upang makapag-aral po kami ngayon. Sana linisin mo po anuman ang nakita mong hindi mabuti sa aming mga puso. Patawarin mo po kami sa aming mga kasalanan. Ihanda mo ang aming pag-iisip sa pagtanggap ng mga karunungan upang lalo naming maunawaan ang ituturo sa amin ngayon,lalo mo pong tulungan ang aming mahal na guro Pagpalain mo po siya sa kanyang walang sawang pagmamalasakit sa amin. Magiging masaya nawa siya sa kanyang pagtuturo at kami naman ay handang makinig sa kanyang ituturo Ingatan mo po kaming lahat sa buong panahon ng pag-aaral. Sa inyo po lahat ng kapurihan, Hinihingi po namin ang lahat ng ito Sa pangalan ni Hesus na aming Dakilang Tapapagligtas. Amen... Hulaan: Sabihin ang tamang sagot sa mga katanungan 1.Anong produkto ang may dalawang panting na kasama sa 3-in-1? KAPE 2.Ano ang nilalagay sa bibig na hindi nginunguya at nilulunok? SIGARILYO 3.Ano ang likidong iniinom na nakaaapekto sa takbo ng pag-iisip ng tao? ALAK Nakabubuti ba sa katawan ng tao ang pag- inom ng kape? Bakit? Ano ang naidudulot ng sigarilyo sa katawan ng tao? Ano ang mangyayari kapag sobra ang nainom na alak ng isang tao? Panuto: Sa mga nakitang larawan, pumili ng isa at sabihin sa akin kung bakit ito ang inyong napili. Gate Way Drugs - Anumang produktong may kapenia, tabako, at alcohol na ang paggamit ay nagigiging daan sa pagkagumon o paggamit ng ipinagbabawal na gamot tulad ng cocaine o heroin. Halimbawa: Sigarilyo, kape, alak, tsokolate meron itong nikotina na nakakapagdudulot ng sakit tulad ng sakit sa baga.
Meron itong sangkap na caffeine na nakakapagdulot ito ng
mabilis na pagpintig ng puso o palpitation, sakit ng ulo, iritable, at pagtaas ng blood pressure.
Meron itong sangkap na alcohol/ethanol na nagdudulot ng
pagkahilo at halusinasyon sa mga taong nasobrahan sa paginom nito. Katangian ng Gate Way Drugs Ang mga gateway drugs ay mga uri ng pagkain o gamot o inumin na hindi naman mapapabilang sa mga tinatawag na droga, ngunit may mga sangkap na sadyang nakakaenganyo sa iba na gumamit o kumunsusumo pa nito. Sapagkat ang mga gateway drugs ay mga kemikal o sangkap na nakakaadik para sa mga gumgamit nito. Paminsan ito ay ginagamit ng paulit-ulit dahil sa kasanayan ng mga tao rito, at higit sa lahat nagiging daan ito upang mamulat ang mga tao at kabataan sa iba pang ipinagbabawal na gamot. Produktong may sangkap na caffeine • kape • Energy drinks • Soda • Green tea • tsokolate Bumuo ng talata tungkol sa gateway drugs. Ilarawan ang mga produktong may sangkap na caffeine, nikotina, at alcohol. Rubrics sa paggawa ng talata: Kriterya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula (4) (3) (2) (1) Nilalaman Presentasyon Baybay ng mga salita, grammar, capitalization at pagbabantas Kabuuang puntos (12) Paglalahat ng aralin: Ang gateway drugs ay nakahihina at nakaaakit gamitin kung kaya’t paulit-ulit na ginagamit o tinitikman hanggang maging bahagi na sila ng pang-araw-araw na buhay ng ilang kabataan o naktatanda. Ang mga hailimbawa ng gateway drugs ay ang mga produktong may sangkay na caffeine, nikotina at alcohol. Bakit paulit-ulit na ginagamit ng mga tao ang mga produktong may sangkap na caffeine, nikotina, at alcohol? Sa inyong palagay nakakabuti ba o nakakasama ito sa katawan ng isang tao? Ano ang maari mong gawin upang maiwasan ang paggamit ng mga gate way drugs? Pagtataya ng Aralin Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang sangkap na makikita sa sigarilyo at tabako na nakakapagdulot ng sakit sa tao? alcohol b. caffeine c. nikotina d. protina 2. Ano ang masamang naidudulot ng labis na paginom ng mga produktong may sangkap ng caffeine? a. labis na tuwa c. malungkutin b. pagiging iritable d. pagkakaroon ng maraming kaibigan 3. Alin sa mga sumusunod na produkto ang may sangkap ng caffeine? a. gatas b. corned beef c. tsokolate d. softdrinks 4. Alin sa mga sumusunod ang inuming may ethanol? a. alak b. gatas c. lemonade d. soda 5. May mga kabataang nalululong sa inuming may alcohol dahil sa impluwensya ng ____________. kaibigan b. guro c. lola d. nanay
Takdang-aralin Gamit ang kuwaderno, atasang ipagpatuloy ng mga bata ang parirala upang makabuo ng makabuluhang talata. Simula ngayon, iiwasan kong uminom ng soda upang _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _______________.