You are on page 1of 5

LEARNING PLAN IN HELE 5

Grade Level : Grade 5


Date : September 26, 2022
Quarter : First
Subject Teacher : Mr. Bryan Kenneth Ramos

I. Title: Home Economics


Subtopic: Mga Kagamitan at Wastong Paraan sa Paglilinis at Pag-aayos ng Sarili

II. Objectives:
Sa paksang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Naisasaugali ang pagtupad ng tungkulin sa sarili.
2. Nasasabi ang mga kagamitan at wastong paraan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili.
3. Naisasagawa ang mga tungkulin sa sarili.

III. Materials/References
Batayang Aklat sa EPP Umunlad sa Paggawa 5
Online Resources:
https://www.scribd.com/document/443863629/EPP-5-HE-Tungkulin-sa-Sarili
https://www.slideshare.net/mariejajaroa/home-economics-aralin-1-tungkulin-sa-sarili
https://depedcsjdm.weebly.com/uploads/7/9/1/6/7916797/2he_4_lm_pp.207-231.pdf
IV. Lesson Development
A. Engage:

Pagmasdan ang dalawang larawan na nasa ibaba at alamin ang mensaheng nais iparating
nito. Isulat ito sa ibaba.
B. Explore:

Panuto: Basahin ang mga pangungusap at ilagay ang “P” kung ang nangyayaring
pagbabago ay sa pisikal, S nman kung sosyal at E kung Emosyonal.

1. Pagbabago sa laki at timbang


2. Nais maging independent
3. Madaling mairita at mainis
4. Paghanga sa kapwa at pagkakaroon ng interes sa iba
5. Nagsisimulang bumuo ng barkada
6. Pagkakaroon ng tigyawat
7. Pagkakaroon ng buhok sa iba’t ibang parte ng katawan
8. Pagkalito sa pagiging bata o matanda
9. Pagdalo sa mga kasiyahan tulad ng concert
10. Masyadong conscious sa panlabas na anyo

Key to corrections:
1. P
2. S
3. E
4. E
5. S
6. P
7. P
8. E
9. S
10. E

C. Explain:
May mga akmang kagamitan sa paglilinis at pag-aayos sa sarili.
Suriin at pag-aralan ang wastong paggamit sa sumusunod na larawan.
Bahagi Kagamitan Wastong Paggamit
ng
Katawan
Buhok Shampoo Ito ay nagbibigay ng kaaya-ayang amoy sa ating buhok. Ito
rin ang nag-aalis ng mga kumapit na dumi at alikabok sa
ating buhok.

Ito ay ginagamit sa pagsusuklay ng buhok upang


Suklay o matanggal ang mga buhol-buhol   o   gusot   sa   ating
Hair Brush buhok.
Kuko Nailcutter Ito ay ginagamit sa pagpuputol o paggugupit ng kuko sa
kamay at paa. Dapat pantayin ang kuko na ginupit  gamit 
ang  nail  file  o panliha.
Bibig at Sipilyo Ito   ay   ginagamit   kasama   ang oothpaste upanglinisinat
Ngipin tanggalin ang mga pagkaing dumidikit o sumisingit sa
pagitan ng mga ngipin pagkatapos kumain.

Nagpipigil sa pagdami ng mikrobyo sa loob ng bibig.


Pinatitibay nito ang mga ngipin upang hindi ito mabulok.
Toothpaste
Sa pagmumumog dapat gumamit rin ng mouthwash upang
lalong makatulong sa pagpapanatili ng mabangong
hininga. Ito rin ay nakatutulong sa pagpupuksa sa mga
Mouthwash mikrobyong namamahay sa loob ng bibig sanhi ng
mabahong hininga.

Katawan Sabong Ito ay nag-aalis ng dumi at libag sa katawan at nagbibigay


Pampaligo ng mabango at malinis na amoy sa buong katawan.

Ito ay ikinukuskos sa buong katawan upang maalis ang


libag sa ating buong katawan.
Bimpo
Ito ay ginagamit na pamunas sa buong katawan
pagkatapos maligo para matuyo.

Tuwalya

Pulbos

Iba’t ibang paraan ng paglilinisn sa sarili


Ang paliligo araw-araw ay nagpapasigla at nag-aalis ng mga di kaaya ayang amoy, dumi at
alikabok na nakakapit sa katawan. Maaari kang maligo sa umaga o gabi matulog. Sa paliligo
mahalaga na sapat na tubig lang ang gamitin. Ang mga ginamit ay dapat ibalik sa tamang
lagayan pagkatapos maligo.

Hakbang sa wastong paliligo


1. Basain ang iyong buhok at buong katawan.
2. Lagyan ng shampoo ang buhok at imasahe sa iyong anit upang maalis ang amoy ng pawis
at banlawang Mabuti pagkatapos.
3. Sabunin ang buong katawan. Gamitin ang bimpo sa pagkuskos sa iba’t ibang bahagi ng
katawan upang maalis ang libag na naipon dito, higit na bigyan pansin ang leeg, tainga at
likod nito, braso, siko, tuhod at kili-kili at mga singit.
4. Banlawan ang katawan. Maaring ulitin ang pagsasabon upang matiyak na malinis ang
katawan
5. Punasan at patuyuin ng malinis at malambot na tuwalya ang buhok at buong katawan.
Maglagay ng pulbos para sa karagdagang preskong pakiramdam at magsuot ng malinis na
damit

Paglilinis ng Ngipin

1. Ihanda ang isang basong puno ng tubig.


2. Lagyan ng toothpaste ang sepilyo at ikuskos sa ngipin ng dalawang minute gawing
pababa at pataas ang paghagod dito
3. Kuskusin ang dila upang maalis ang mga amoy ng pagkaing nakakapit dito
4. Magmumog upang mabanlawan ang bibig
5. Linisin at hugasan ang sepilyong ginamit bago ibalik sa lagayan, siguraduhin na may
takip ang sepilyo upang hindi gapangan ng mga insekto.
6. Magsipilyo ng 3 beses sa isang araw

Pag aalaga sa buhok

1. Ang buhok ay isang malaking bahagi sa katauhan o personalidad ng tao. Babae man o
lalaki mahalagang malaman mo kung paano mapanatiling maayos at malusog ang iyong
buhok
2. Ang pag gamit ng shampoo ay hindi dapat araw araw upang hindi maalis ang natural na
langis na inilalabas ng buhok.
3. Ugaliin ang pagsusuklay sa buhok upang mapanatili ang kintab ng buhok at upang
mamasahe din ang anit. Tinatanggal din nito ang alikabok at balakubak sa buhok.
4. Ang suklay ay pansariling kagamitan ito ay hindi dapat ipinapahiram

Pag aalaga sa kamay

1. Ang isang taong may maikli at malinis na kuko ay nagtataglay ng magandang kaugalian
pangkalusugan. Mahalagang hinuhugasan ang kamay sa tuwing ito ay narurumihan, bago
at pagkatapos kumain
2. Gupitin ang mahabang kuko pagkatapos maligo gawin ito isang beses sa isang lingo.
Dahil ang maduming kuko ay hindi maganda sa paningin at masama pa para sa inyong
kalusugan.

Paghihilamos

1. Ang bahagi ng katawan ng tao na lagging nakalantad sa dumi at alikabok ay ang ating
mukha, marapat na bigyan ito ng higit na atensyon upang manatiling maganda at maayos
2. Maghilamos s aumaga at sa gabi bago matulog

D. Expand:
Lagyan ng tsek (/) kung pansarili o pampamilya ang mga kagamitang
nakahanay.
Kagamitan Pansarili Pampamilya

1.mouthwas
h

2.toothpaste

3.hair dryer

4.tuwalya

5. sipilyo

6.suklay

7.pulbos

8.bimpo

9.sabon

10.shampoo

E. Evaluate:
Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon.

1. Gumamit ng __________ upang kumintab ang buhok at maalis ang alikabok sa


buhok.
2. Linisin ang ngipin pagkatapos kumain gamit ang ___________ at _________.
3. Kung ang kuko ay mahaba na putulin ito gamit ang ________ na matalim
4. Ikuskos ang ________ upang maalis ang libag sa katawan at bumango ito.
5. Katawan ay patuyuin pagkatapos maligo gamit ang _________ malambot at
malinis.
6. Kapag ang ulo ay nangangati at amoy araw na gumamit ng ________ upang
maalis ang hindi kaaya ayang amoy
7. Magdala palagi ng _________ para gamitin pamunas ng pawis at hindi ang damit
na suot.
8. Maglagay ng _________ para sa karagdagang bango at presko

V. Assignment:

SOAR Activity

You might also like