You are on page 1of 2

Proper Grooming

1. Maligo araw-araw. Nakagagaan at nakagiginhawa ng pakiramdam ito sa simula ng iyong araw at nakakaiwas pa sa
pagkakaroon ng di kanais-nais na amoy.

2. Alagaan ang buhok. Magsiyampo tatlong beses o mahigit sa isang linggo.

3. Suklayin ang buhok. Gumamit ng brush para kumintab ito at matanggal ang mga dumi sa anit.

4. Sipilyuhin ang ngipin lalo matapos kumain. Ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin ay nakadaragdag sa
kagandahan ng mukha. Para masigurong walang sira ang mga ngipin, bumisita sa dentista dalawang beses o mahigit sa
isang taon.

5. Kumain nang sapat sa tamang oras. Ang pagkaing masustansiya ay kailangan ng katawan para manatiling malusog.

6. Mag-ehersisyo araw-araw. Ito ay tumutulong sa mabilis na pagtunaw ng pagkain, pagbabawas ng dumi, maayos na
sirkulasyon at matibay na kalamnan.

7. Matulog sa tamang oras. Iwasang magpuyat para maging masigla ang katawan at pag-iisip at mapanatili ang makinis na
balat.

8. Uminom ng anim hanggang walong basong tubig araw-araw. Ang katawan ay nangangailangan ng tubig para lumabas
ang mga dumi sa loob ng katawan.

9. Putulan at linisin ang mga kuko sa kamay at paa.

11. Maghugas ng kamay bago at matapos kumain at tuwing manggagaling sa palikuran.

13. Maghilamos ng mukha pagkagising sa umaga at bago matulog sa gabi. Dalasan ang paglilinis ng mukha kung
malangis ang balat para maiwasan ang pagkakaroon taghiyawat.

14. Gumamit ng deodorant para hindi magkaroon ng di kanais-nais na amoy sa kilikili.

You might also like