You are on page 1of 9

6 TIPS SA PANGANGALAGA NG KALUSUGAN NG

MATA
Ang mga mata ay pinakamahalagang sensory organ ng tao. Kung wala ito, malaki ang mawawala
sa kakayanang mabuhay ng isang tao. Kaya dapat lamang na ang mga mata ay mapangalagaan at
hindi pababayaan. Narito ang 6 na tips na maaaring magsilbing gabay sa tamang pangangalaga
sa kalusugan ng mata:

1. Kumain ng pagkain na mabuti para sa mata.

Ang pagkain ng sapat at masusustansyang pagkain ang pangunahing paraan ng pangangalaga sa


kalusugan ng mata. Ang mga mahahalagang sustansya na kailangan ng mata upang manatiling
nasa mabuting kondisy0n ay ang lutein, omega-3 fatty acid, zinc, vitamin A, C at E. Ilang pag-
aaral na ang nakapagpatunay sa kahalagahan ng mga sustansyang ito para maiwasan ang mga
sakit na maaaring danasin sa pagtanda gaya ng glaucoma, katarata, at macular degeneration.

Ang mga sumusunod na pagkain ay mayaman sa mahahalagang sustansya na kailangan ng mata


upang manatiling nasa mabuting kondisyon:

Mga berde at madahong gulay gaya ng spinach

Salmon, tuna, at iba pang isda

Itlog, mga beans, at mani

Orange, ponkan, at iba pang citrus na prutas

2. Itigil ang paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng iba’t ibang sakit, hindi lamang sa baga,
kundi pati na rin sa mata. Mas mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng katarata at iba pang
sanhi ng panlalabo ng mata sa mga taong naninigarilyo.

3. Laging magsuot ng sunglasses

Sa Pilipinas kung saan mataas at malakas ang sikat ng araw, makatutulong ang pagsusuot ng
sunglasses upang maprotektahan ang mata mula sa nakasasamang ultraviolet rays na nagmumula
sa araw. Ang sobrang UV rays na nakapapasok sa mata ay maaaring makadagdag sa posibilidad
ng pagkakaroon ng katarata at macular degeneration sa mata na maaring humantong sa
pagkabulag.

4. Gamitan ng proteksyon ang mga mata

Huwag din kakaligtaan ang pagsusuot ng protective goggles na poprotekta sa mata lalo na kung
ang gawain sa trabaho ay maaaring makapinsala sa mata. May ilang sports din na maaaring
makaapekto sa mata kung kaya’t makabubuti ang pagsusuot ng helmet at pangharang sa mata.

5. Iwasang magbabad sa telebisyon at computer

Ang pagtingin nang matagal sa computer at telebisyon ay maaaring magdulot ng ilang mga
kondisyon na maaaring makasasama sa mata gaya ng sumusunod:

Eyestrain o pagkapagod ng mga mata

Panlalabo ng paningin

Panunuyo ng mata

Pananakit ng mata

Upang maiwasan ang mga epektong ito, mabuting dumistansya mula sa screen ng telebisyon o
computer, at bigyan din ang sarili ng sapat na pahinga sa paggamit ng mata.

6. Regular na bumisita sa doktor

Anuman ang edad at kasarian, kinakailangan ang regular na pagbisita sa ophthalmologist o


espesyalista sa mata. Mahalaga ito upang agad na matukoy ang mga unang senyales ng
magkakaroon ng sakit sa mata upang agad na malunasan bago pa lumala.
5 TIPS SA TAMANG PANGANGALAGA SA BALAT
Ang balat na bumabalot sa buong katawan ng tao ang nagsisilbing pangunahing proteksyon ng
katawan mula sa lahat ng uri ng bagay na maaaring makapaminsala sa kalusugan. Kung wala ito,
madaling makapapasok ang mga mikrobyo at makapagdudulot ng sakit. Mawawalan din ng
proteksyon ang katawan mula sa nakasasamang UV rays mula sa araw. Kaya’t marapat lang din
na mapangalagaan ang balt at mapanatili itong malusog sa lahat ng oras.

balat

1. PROTEKTAHAN ANG SARILI MULA SA ARAW

Isa sa mga pinakamahalagang paraan ng pangangalaga sa balat ay ang pag-iwas sa direktang


pagkakalantad nito sa araw. Ang sobrang UV rays na tumatama sa balat ay maaaring magdulot
ng pangungulubot ng balat, mga patse-patse, at iba pang abnormalidad sa dito. Mas tumataas din
ang posibilidad ng pagkakaroon ng kanser sa balat kung palagiang mabibilad ito sa araw. Upang
maproteksyonan ang balat mula sa masasamang epekto ng araw, maaaring sundin ang
sumusunod na hakbang:

Laging gumamit ng pinapahid na sunblock kung susugod sa matinding sikat ng araw.

Sumilong sa may lilim sa mga oras ng katirikan ng araw (10 ng umaga hanggang 3 ng hapon).

Gumamit ng payong o sombrero, o kaya’y magsuot ng damit na may mahabang manggas upang
maprotektahan ang balat mula.

Basahin ang iba pang masasamang epekto ng pagbababad sa init ng araw: Masasamang epekto
ng ultra violet sa katawan.

2. HUWAG MANIGARILYO

Ang paninigarilyo, kailanman ay walang maidudulot na mabuti sa kalusuga, maging sa balat.


Nalilimitahan ang sustansya at oxygen na nakararating sa balat dahil sa pagninikip ng mga ugat
ng dugo na resulta naman ng paghithit ng sigarilyo. At sa kadahilanang ito, ang balat ay mas
nagmumukhang matanda at mas mabilis mangulubot. Mababawasan din ang tibay at elastisidad
ng balat dahil sa pagkasira ng collagen at elastin.
Basahin ang iba pang masasamang epekto ng paninigarilyo: 10 Dahilan para itigil ang
paninigarilyo.

3. MAGING MAS BANAYAD SA PANGANGALAGA NG


BALAT.
May ilang mga gawain na inaakala ng marami na makabubuti sa balat, ngunit sa kabaligtaran,
mas lalo lamang itong nakakasira.

Bawasan ang oras ng paligo. Ang masyadong matagal na pagligo ay maaaring hindi makabuti sa
kalusugan ng balat. Ito’y sapagkat naaalis o nababawasan nang husto ang mahalagang langis sa
balat. Iwasan din ang sobrang init na tubig sa pagligo.

Iwasan ang matatapang na sabon. Ang paggamit ng matapang na sabon sa paghuhugas ng balat
ay maaaring masyadong marahas. Bukod sa mabilis na pagkawala ng mahalagang langis sa balat,
maaaring magdulot din ito ng iritasyon lalo na sa mga sensitibong balat.

Iwasan ang marahas na pagpunas sa balat. Hindi makabubuti sa balat ang marahas na
pagpupunas sa dito kung ito ay basa. Ang pagdadampi ng malambot na tuwalya ay mainam at
sapat na.

Iwasan ang panunuyo ng balat. Kung sakaling matuyo ang balat dahil sa ilang mga bagay, lagyan
ito ng mga pinapahid na moisturizer upang mapanatiling malusog ang balat. Alamin ang iba
pang paraan para maiwasan ang panunuyo ng balat: 8 Tips para maiwasan ang panunuyo ng
balat.

4. KUMAIN NG MGA PAGKAIN NA MABUTI PARA SA BALAT.

Ang mga pagkain na masustansya, lalo na ang mga prutas at gulay na mayaman sa Vitamin C ay
makatutulong sa pagpapanatiling masigla at malusog ng balat. Limitahan din ang mga pagkaing
may mataas na lebel ng taba, at artipisyal na preservatives. Siyempre pa, mahalaga din na sapat
ang iniinom na tubig araw-araw.

5. BAWASAN ANG STRESS

Napatunayan na din ng maraming pag-aaral na ang stress ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng


ilang mga problema sa balat gaya ng pagtubo ng mga tagihawat. Kaya naman mahalaga din na
makontrol ang nararamdamang stress, hindi lamang para mapanatiling masigla ang balat kundi
pati na rin sa ikabubuti ng pag-iisip at kabuuang kalusugan ng katawan. Alamin ang mga paraan
para maiwasan ang stress: Pagrerelax kontra stress.

KAALAMAN TUNGKOL SA PANGANGALAGA NG


BIBIG O ORAL HYGEINE
Ang bibig ang itinuturing na pangunahing pasukan ng iba’t ibang bagay patungo sa loob ng
katawan. Dito pumapasok ang pagkain na kinakain at inumin na iniinom sa araw-araw.
Pumapasok din dito ang hangin na nilalanghap na mahalaga sa paghinga. Bukod pa rito, isa rin
ito sa mga unang napapansin tuwing nakikisalamuha sapagkat ito ang ginagamit sa pagsasalita at
pakikipag-usap. Kaya naman, marapat lamang na ito ay bigyan ng sapat na atensyon at tamang
pangangalaga.

bibig

Ang pagpapabaya sa bibig ay maaaring humantong sa ilang mga kondisyon na tiyak na


makaaapekto sa kalidad ng pamumuhay, mga pagkain na makakain, kabuuang kalusugan, at
pakikisalamuha sa ibang tao. Kabilang dito ang mga sumusunod:

Pagkabulok o pagkasira ng mga ngipin

Mga kondisyon sa gilagid

Mabahong amoy ng hininga

PAANO MAPAPANGALAGAAN ANG KALUSUGAN NG


BIBIG?
Ang kalusugan ng bibig ay nakadepende sa mga uri ng pagkain ng kinakain, wastong
pamamaraan ng pagkain, at pagmementena sa mismong bibig. Kaugnay nito, maaaring sundin
ang sumusunod na mga hakbang:
1. Regular na pagsesepilyo.

Ang regular na pagsesepilyo ng mga ngipin ang pangunahing paraan ng pagpapanatiling malinis
ng bibig. Sa tulong nito, maaalis ang mga nakasiksik na pagkain sa ngipin na siyang
pinamumugaran ng bacteria na siya namang sanhi ng pagkasira ng ngipin. Ugaliin ang
pagsesepilyo nang hindi bababa sa 2 beses sa isang araw. Kung maaari, gawin ito lagi
pagkatapos kumain. Siguraduhin ding gumagamit ng maayos na sepilyo at epektibong
toothpaste.

2. Iba pang pamamaraan ng paglilinis sa bibig.

Bukod sa pagsesepilyo ng ngipin, siguraduhin ding malilinis ang iba pang bahagi ng bibig gaya
ng dila at mga gilagid. Maaaring gumamit ng mouthwash upang mabawasan ang mga bacteria sa
bibig, o kaya ay gumamit din ng dental floss upang lubos na maalis ang mga nakasiksik sa
pagitan ng mga ngipin. Makatutulong din ang pagnguya ng chewing gum sapagkat nagpaparami
ito ng laway na tumutulong naman sa pag-iwas ng pagdami ng bacteria sa bibig.

Basahin ang mga alternatibong paraan ng paglilinis sa ngipin: Alternatibong panlinis ng ngipin.

3. Pagpapatingin sa dentista.

Ugaliin ang pagbisita sa dentista upang matignan kung may kailangang ayusin sa ngipin at
maagapan na kaagad ang tuluyang pagkasira nito. Huwag nang hintayin pang makaramdam ng
pananakit at pangingilo sa ngipin bago magpatingin. Kung maaari, gawi nang 2 hanggang 3
beses sa isang taon ang pagpapa-check-up sa dentista.

4. Pagbabantay sa mga iniinom at kinakain.

Limitahan ang dami ng mga pagkain at inuming may mataas na lebel asukal, lalo na kung
walang sapat na panahon sa paglilinis ng ngipin. Ang mga naiiwang asukal sa bibig ang siyang
pangunahing sanhi ng pagkasira ng ngipin. Bawasan din ang mga pagkain at inumin na acidic
sapagkat maaari itong makasira sa tibay ng ngipin.

5. Pag-iwas sa paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak.


Ang paninigarilyo ay isa sa mga nangungunang dahilan ng pagkasira ng kalusugan ng bibig.
Dahil ito sa ilang mga mga kemikal pumapasok sa bibig sa bawat paghigop ng usok mula sa
sigarilyo. Ang tar na kasamang lumalabas sa usok ng sigarilyo ay maaaring kumapit at magdulot
ng paninilaw sa ngipin na mahirap maalis. Ang alak naman na may mataas na lebel ng asido ay
nakasisira din sa kalusugan ng bibig.
MIGUEL RYAN D. D

You might also like