You are on page 1of 22

PAGBABAGONG PISIKAL NA

NAGAGANAP SA ISANG
NAGDADALAGA AT
NAGBIBINATA
Ayusin ang mga salita sa ibaba.
GEALR-
IULT-
YRATIUTPI DNALG-
ELPPA SMADA-
EGATS YTREBUP-
SAGOT:
REGLA
TULI
PITUITARY GLAND
ADAMS APPLE
PUBERTY STAGE
Regla
Ang regla ay bahagi ng pagbabago sa pangangatawan
ng batang babae patungo sa puberty stage.

Simula sa gulang na 9-15


Tinatawag ito na buwan ng "dalaw".
Tuli o Pagtutuli
Ang pagtutuli ay isa sa pagbabagong pisikal ng lalaki
kung saan ito ay ang pagtatanggal ng sobrang balat
na bumabalot sa gland o ulo ng tite o penis.

Inaalis ito upang hindi manatili at mamahay ang


dumi sa kulubot na balat na maaring pagmulan n
pangangati o inpeksiyon.
karaniwang isinasagawa sa edad na 9 hanggang 12.
Pituitary Gland
Ang pituitary glang ay pagbabagong nagaganap
sa nagdadalaga at nagbibinata sa edad na 10
hanggang 16.

Ito ang glandulang gumagawa ng kemikal o


hormones na kailangan sa paglaki.
Ang sa babae ay estrogen at ang sa lalaki ay
REGISTER NOW
testosterone.
Adams Apple
Ang adams apple ay ang paglitaw ng
gulunggulungan.

nakikita ito sa leeg.

REGISTER NOW
Puberty Stage
Ang puberty stage ay bahagi ng pagbabago sa
pangangatawan ng batang babae dulot ng
hormones na estrogen at progesterone.

REGISTER NOW
Ano - ano ang mga gawaing dapat
isagawa upang mapanatiling malinis,
maayos at malusog ang katawan?
Pangangalaga sa Sarili
Ang wastong pangangalaga sa sarili ay mahalagang
mapagtuunang mabuti ng pansin.
Ito ang mga dapat isakatuparan sa pangangalga ng sarili.
1.Sundin at gawin ang kanais-nais na pag uugali sa pagkain gaya ng;
-kumain sa tamang oras
-iwasang magmadali sa pagkain
-iwasan ang pagkain ng sitsirya
2.Tiyaking regular ang pagdumi araw-araw
3. Panatilihing maayos ang sarili
Kalinisan ay Kaayusan
Hindi kailangang maganda o guwapo ang isang tao.Mahalaga
sa bawat tao ang kalinisan at kaayusan.May mga dapat ugaliin
upang mapaunlad ang personalidad sa pamamagitan ng paglilinis at
pangangalaga ng sarili
1. Maligo araw-araw upang mapanatili ang malinis at kanais-nais na amoy
2.Panatilihing malusog at malinis ang buhok sa pamamagitan ng
magshampoo ng 2-3 beses sa ilang linggo at suklayin nang madalas
3.Magsepilyo ng ngipin tatlong beses sa isang araw pagkatapos kumain.
4.Linisin at putulin ang kuko sa kamay at paa gamit ang nailcutter kapag
mahaba na ito.
5. Magpalit ng damit araw-araw.
6.Mag ehersisyo araw-arw at kumain ng wasto.
Gawain; Tayo ay Gumuhit
Iguhit sa manila paper ang inyong sarili na
nagpapakita ng wastong pag-aayos ng katawan sa
panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
Pag-uulat ng ginawa ng
bawat pangkat
Ano ang nararamdaman
niyo habang isinasagawa
ang inyong pangkatang
gawain?
Paano ninyo isasagawa ag mga
pamamaraang pangkalinisan at
pangkalusugan sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata?
Mga pagbabagong
nagaganap sa isang
nagdadalaga at nagbibinata
NAGDADALAGA
1.Tumatangkad
2.Nagkakahugis ang beywang at lumalapad ang
balakang.
3.Pinamumukulan ng dibdib
4.Unti - unting nawawala ang baby fats sa muh at leeg
5.Mas pinagpapawisan ang katawan na maaring
pagmulan ng masamang amoy
6.Tinutubuan ng buhok sa kilikili
7. Nagkakaroon ng buwan ng regla
NAGBIBINATA
1.Lumalapad ang balikat
2.Tumatangkad at bumibigat ang timbang
3.Lumalaki ang boses
4.Tinutubuan ng bigote,balbas at buhok sa kilikili
5.Nagpapatuli para sa kalinisan
6.Paglitaw ng gulunggulungan (Adams apple)
Pangangalaga ng katawan
sa Panahon ng Pagreregla
1.Kumain ng wasto
2.Magpahinga at matulog nang sapat
3.Panatilihin ang maayos at malinis na katawan
4.Wastong paggamit ng pasador o sanitary napkin
5.Magpalit ng panty araw-araw
6.Mag ehersisyo
Pangangalaga sa katawan ng
Bagong Tuli
1.Magsuot ng maluwang at malambot na short o padyama
2.Linisin ang sugat sa pamamagitan ng pinakuluang dahon
ng bayabas o gamot na ineresita ng doktor.
3.Palitan ng balot at linisin ito araw-araw
4.Kumain ng masusustansiyang pagkain maliban sa
malalansa tulad ng hipon,itlog,pusit at bagoong
5.Panatilihing malinis ang katawan at kasuotan.
6.Mag ehersisyo
Panuto: Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat ito sa sagutang papel.

(makinig sa mga tanong na babasahin ng guro.)


Takdang - Aralin
Makipanayam sa mga magulang,kapatid o
kamag-anak ukol sa iba pang paraan ng
pangangalaga ng sarili kapag may regla at
bagong tuli.Iulat ito sa klase.

You might also like