You are on page 1of 18

MAPEH (HEALTH 5)

PAGBABAGONG PISIKAL,
EMOSYONAL AT SOSYAL SA
PANAHON NG PAGBIBINATA
AT PAGDADALAGA

SHAYNE C. CASIGNIA
Teacher III
Ano-ano ang mga
pagbabagong naganap sa
kanilang dalawa? Sino sa
inyo ang nakaranas ng
ganyang pagbabago?
Ang Karanasan ni Jose
(source:Manwal ng Guro sa MAPEH 5)

Si Jose ay isang mag-aaral ng


Mababang Paaralan ng Calamba. Siya ay
nasa ikalimang baiting at sampung taong
gulang na. Noong nakaraang taon ay may
napansin siyang pagbabago. Tuwing
nagsasalita siya ay pumipiyok ang
kaniyang boses.
Dahil dito ay pinagtatawanan siya ng
kanyang mga kaklase. Hindi lang iyon ang
kaniyang napansin, nagkaroon siya ng
buhok sa kili-kili at nagsimulang tubuan
ng bigote. Lumalapad din ang kaniyang
balikat. Nababahala at natatakot siya sa
mga nangyayari.
Mga Nararanasan Oo Hindi
1. Tinutubuan ng buhok sa kili-kili at paligid ng
ari
2. Tumatangkad
3. Nagkakaroon ng taghiyawat
4. Paglaki ng dibdib
5. Bumibigat ang timbang
6. Nagkakahugis ang baywang at lumalapad
ang balakang
7. Unti-unting nawawala ang baby fats sa
mukha at sa leeg
8. Nagkakaroon ng buwanang dalaw o regla
9. Mas nagiging oily ang buhok
Pagbabagong Pisikal sa Pagbibinata
 Lumalapad ang balikat
 Tinutubuan ng bigote, buhol sa kilikili at
paligid ng ari
 Tumatangkad at bumibigat ang timbang
 Lumalaki at pumipiyok ang boses
 Paglaki ng sex organ
 Nagiging oily ang balat at maaaring
pagmulan ng taghiyawat
 Paglitaw ng gulunggulungan (Adam’s Apple)
Pagbabagong Pisikal sa Pagdadalaga
 Tumatangkad
 Nagkakahugis ang baywang at lumalapad
ang balakang
 Lumalaki ang dibdib
 Nagkakaroon ng buwanang dalaw o regla
 Tinutubuan ng buhok sa kilikii at paligid ng
ari
 Nagiging oily ang balat at maaaring
pagmulan ng taghiyawat
Pagbabagong Emosyonal o Damdamin
 Madaling mairita at sensitibo
 Nagkakaroon ng interes sa pakikitungo sa
iba at paghanga sa kapwa
 Nagkakaroon ng hinahangaan at
ginagawang modelo sa pananamit at
pagkilos
 Pagkalito sa pagitan ng pagiging bata o
matanda
 Masyadong conscious sa panlabas na
kaanyuan
Pagbabagong Sosyal
 Nais maging independent
 Nagsisimulang bumuo ng grupo ng kaibigan,
barkada at posibleng makaranas ng peer
pressure
 Pagkakaroon ng atraksyon o pagkagusto sa
kapwa
 Pagpunta sa mga concert at iba pang
kasiyahan at pagkahilig sa isports
 Pakikinig ng radyo at panonood ng
telebisyon at tutok sa gadgets
MALING KAISIPAN KATOTOHANAN
 Taghiyawat ay dulot ng pagiging madumi sa  Ito ay dulot ng hormones at dulot ng labis na oil n
katawan nananatili sa ating mga skin pores. Tama pa rin n
tayo ay maging malinis sa katawan

 Ang nakararanas ng “wet dreams” ay abnormal o  Normal na pangyayari, nangyayari din sa mg


senyales ng malubhang sakit kababaihan ngunit mas pangkaraniwan sa mg
kalalakihan

 Hindi tatangkad kung hindi natuli  Growth hormones ang responsible sa pagtangkad

 Mutain ang anak pag hindi natuli  Ang muta ay dulot ng mucus, luha atbp.
 Mangangamatis o mamamaga ang ari ng natuli  Normal ang pamamaga, kumonsulta sa docto
kung makikita ng babae kung labis ang pamamaga
 Hindi dapat maligo kung may regla  Mas makbubuti ang pagligo, nababawasan nit
ang pananakit ng puson

 Hindi maaaring mag-ehersisyo o gumawa ng  Nakatutulong ang pag-e-ehersisyo upan


mabibigat na gawain mabawasan ang sakit na dulot ng menstrua
cramp

 Iwasan ang maasim  Dapat lagging kainin nang may katamtaman; piliin
ang mga pagkaing masustansya

 Ang regla ay maduming dugo  Gaya din lang ito ng dugo kapag nasusugatan
walang matibay na pag-aaral na ito ay nakakakini
ng balat
Panuto: Tukuyin kung anong pagbabago ang
isinasaad ng mga sumusunod.
1. Nagkakahugis ang
baywang at lumalapad ang balakang
2. Madaling mairita at
sensitibo
3. Nais maging independent
4. Pagkakaroon ng atraksyon
at pagkagusto sa kapwa
5. Masyadong conscious sa
panlabas na kaanyuan
Lahat ng tayo ay dumadaan sa puberty stage o
panahon ng pagbibinata o pagdadalaga. Huwag dapat
mabahala sapagkat ito’y normal lamang na pangyayari
sa buhay ng bawat tao. Ang mga ito ay ang
pagbabagong pisikal, emosyonal at emosyonal.
.
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, isulat sa kaliwa ang mga
pagbabagong pisikal, emosyonal at sosyal na nagaganap sa mga
lalaki, sa kanan naman ang sa babae, sa gitna, isulat ang mga
pagbabagong nagaganap sa dalawa. Gawin ito sa kuwaderno.

LALAKI BABAE
.

Takdang Aralin
Mag-research ukol sa iba pang
maling kaisipan o paniniwala sa
pagbibinata o pagdadalaga.
THANK YOU
and GOD Bless!

You might also like