You are on page 1of 8

Health 5 Quarter 2 Week 2

Mga Pagbabagong Pisikal, Emosyonal at Sosyal at mga


Paniniwalang may Kinalaman sa Pagdadalaga at
Pagbibinata

I. Introduction

Ikaw ba ay nakakaranas ng maraming pagbabago sa iyong katawan ngayong


pumapasok ka na sa panibagong yugto ng buhay na tinatawag na puberty? Naitanong mo na ba
kung ano-ano ang iyong maaaring maramdaman nagyong ikaw ay nagbibinata at nagdadalaga
na?
Sa araling ito ay iyong malalaman ang mga pagbabagong pisikal, emosyonal at sosyal
na nagaganap sa isang taong nagdadalaga o nagbibinata.

II. Objective

• Recognizes the changes during puberty as a normal part of growth and development
(H5GD-Iab-1)
-Physical Change
-Emotional Change
-Social Change

III. Vocabulary List

• Puberty - ito ay isang mahalagang yugto ng buhay ng tao kung saan maraming
pagbabago ang nagaganap sa katawan
- yugto ng pagdadalaga at pagbibinata kung saan maraming pagbabago ang
nararamdaman at makikita sa katawan
• Pagbabagong Pisikal- mga pagbabago sa katawan na nagaganap sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata

• Pagbabagong Emosyonal- mga pagbabago sa damdamin o emosyon ng isang taong


nasa yugto ng puberty

• Pagbabagong Sosyal - mga pagbabagong nagaganap sa isang taong nagdadalaga o


nagbibinata sa pakikitungo o pakikisalamuha sa kapwa

1
IV. Pre-Test

Panuto: Tukuyin kung panlalaki, pambabae o sa parehong kasarian ang mga sumusunod na
pagbabagong pisikal, emosyonal at sosyal sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata. Isulat
ang L kung panlalaki, B kung pambabae at P kung parehong kasarian.

_______1. Pagkakaroon ng mas maraming oras kasama ang mga kaibigan.


_______2. Simula ng pagkakaroon ng nocturnal emission.
_______3. Pagkakaroon ng unang regla.
_______4. Pagkakaroon ng taghiyawat.
_______5. Pagtangkad at pagiging matured mag-isip.

V. Learning Activities

Tingnan ang dalawang larawan. Suriin ang mga ito at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

A B

1. Ano-ano ang pagbabagong pisikal na napapansin mo nagaganap sa batang lalaki sa


unang larawan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ano-ano naman ang napapansin ninyong pagbabagong pisikal na nagaganap sa batang


babae na nasa larawan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2
Nasa edad ka na ngayon na nagsisimulang magbinata at magdalaga. Lahat ng tao ay
dumadaan sa ganitong yugto ng buhay . Sa module na ito, iisa-isahin ang mga pagbabago sa
pisikal na anyo ng mga lalaking nagbibinata at babaeng nagdadalaga. Bukod sa mga pisikal na
pagbabago, tatalakayin din ang ilang emosyonal at sosyal na pagbabagong nararanasan sa
panahon ng puberty.

Puberty at ang Pagbabago sa Iyong Katawan!


Ang puberty o pagbibinata at pagdadalaga ay mahalagang yugto ng buhay ng tao kung
saan maraming pagbabago ang nagaganap sa katawan. Kabilang sa mga pagbabago sa katawan
ay pisikal, mental, emosyonal at sosyal.

A. Mga Pagbabago sa Katawan ng Lalaking Nagbibinata


Ang mga sumusunod ay ang mga pagbabagong makikita at mararamdaman ng mga
nagbibinata:

❖ Pagkakaroon ng mga buhok sa mukha at katawan


Unti-unting mapapansin ang pagtubo at pagdami ng mga buhok sa iba’t ibang bahagi
ng katawan tulad ng sa mukha, dibdib, tiyan, kilikili, at sa paligid ng ari na minsan ay
kumakalat sa hita. Ang ganitong pagdami ng mga buhok ay normal at hindi dapat
ikabahla. Nagkakaroon na din ng mga buhok sa mukha tulad ng bigote at balbas.

❖ Paglaki ng Adam’s apple at paglaki at paglalim ng boses


Sa panahon ng puberty mararanasan ng kalalakihan ang paglaki ng tinatawag na
Adam’s apple. Kasabay nito ang marahang pagbabago at paglalim ng boses.

❖ Paglapad ng balikat
Ang paglaki at paglapad ng balikat ay paghahanda ng katawan sa mg gawain sa
hinaharap tulad ng pagbubuhat.

❖ Paglaki ng dibdib
Ang paglaki ng kaha ng dibdib ay isa sa mga natatanging katangian ng pagiging lalaki
ngunit dapat na malaman na hindi pare-pareho ang sukat ng laki at lapad ng dibdib ng
mga lalaki.

❖ Paglaki ng kalamnnan
Mas malaki ang kalamnan ng mga lalaki kumpara sa mga babae dahil kailangan ng mga
lalaki ang malakas na kalamnan.

❖ Pagbabago sa ari
Ang isa sa mga kapansin-pansin sa ari ng lalaki ay ang unti-unting paglaki at paghaba
nito. Kasabay nito ay ang paghubog ng scrotum dahil sa lumalaking testicles o testis.
May dalawang testis ang lalaki. Ang bawat testis ay gumagawa ng milyon-milyong
sperm.

3
❖ Ang karanasan tungkol sa nocturnal emission
Dahil ang ari ng lalaki ay nagiging ganap na at tama sa pghubog, ang mga kalalakihan
ay nakararanas ng di-mapigilang paglabas ng semilya habang natutulog sa gabi. Ang
tawag sa ganitong pangyayari ay nocturnal emission. Ito ay normal na nararanasan ng
mga kalalakihan at hindi dapat ikabahala.

B. Mga Pagbabago sa Katawan ng Babaeng Nagdadalaga

❖ Paglaki ng dibdib
Ang paglaki ng dibdib ay palatandaan na ang katawan ay naghahanda na sa malaking
gawain sa hinaharap bilang ina. Ang tisyu sa dibdib ay unti-unting lumalaki. Ang
kalamnan ay malambot at mapula ang paligid. Ang nipple o utong ay lumalaki rin at
namamaga. Magandang tandaan na ang laki at hugis ng dibdib ay hindi pare-pareho.

❖ Pagbabago sa ari
Ang panlabas na ari ay nagiging matambok ng kaunti at nagiging mas malaki kaysa sa
dati. Ang panloob na ri ay nagbabago rin. Ang dalawang obaryo ay nagsisimulang
gumawa ng estrogen, ang pambabaeng hormone at ang itlog ay nagsisimulang
mahinog.

❖ Pagkakaroon ng buhok sa ibang bahagi ng katawan


Ang mga kababaihan ay nagkakaroon din ng mga buhok sa iba’t ibang bahagi ng
katawan tulad ng sa kilikili at sa paligid ng ari. Gayunpaman, ang pagtubo ng buhok
saibang bahagi ng katawan ng babae ay hindi ganoon karami at kakapal ng sa lalaki.

❖ Pagkakaroon ng regla
Ang unang regla ay tinatawag na regla na menarche. Bawat buwan pagkatapos ng
unang regla, ang obaryo ay naglalabas ng isang itlog. Ang itlog ay maghihintay ng
pagkakataong makatagpo ng semilya upang maging punla at pupunta sa bahay-bata
kung saan ito ay lalaki at magiging sanggol sa loob ng siyam na buwan. Kung sakaling
walang nagyaring pagpupunla, ang mga linya ng laman sa bahay-bata ay ilalabas sa
pamamagitan ng regla. Ang ganitong sistema sa buhay ng babae ay karaniwang
mangyayari buwan buwan hanggang sa dumating sa menopausal period. Ang
menopause ay ang paghinto ng regla ng isang babae.

❖ Pagkakaroon ng matinis at maliit na boses, mas maliit na kalamnan sa braso, katawan,


hita, binti at malapad na balakang.

C. Mga Pagbabago na Nararanasan ng Parehong Babae at Lalaki

❖ Pagtangkad
Ang bigla at mabilis na pagtangkad ay nararanasan ng parehong kasarian na tinatawag
na growth spurt.
❖ Pagkakaroon ng taghiyawat o pimples

4
Normal sa kabataan ang pagkakaroon ng taghiyawat sa mukha at ibang bahagi ng
katawan. Ito ay sa kadahilanang nagiging aktibo ang sweat glands at oil glands na
labasan ng langis at pawis sa mukha at katawan ay nababarahan ng mga naghalong
dumi, pawis at langis.

D. Mga Pagbabagong Emosyonat at Sosyal na Nararanasan ng Parehong Babae at


Lalaki

❖ Pagkakaroon ng Crush
Ang pagkakaroon ng crush o lihim na pagtingin at paghanga sa ibang tao ay maaaring
mangyari sa kaparehong gulang o mas matanda. Dapat na maintindihan na ang crush
ay hindi senyales ng pagpasok sa isang seryosong relasyon bagkus ito ay isang
magandang karanasan na batay sa mga katangiang hinahangaan sa isang tao na
maaaring gusto ring makuha, magaya o payak na paghanga lamang ng isang tao.

❖ Pakikisalamuha sa kabilang kasarian


Ang mga nagbibinata at nagdadalaga ay madalas na nakikipag-usap at nakikisalamuha
sa mga nasa kabilang kasarian kaysa sa kaparehong kasarian. Ito ay bahagi ng pag-
eeksperimento at pagsasanay ng mga kabataan tungo sa pakikisalamuha sa iba’t ibang
tao.

❖ Maraming oras na kasama ang mga kaibigan


❖ Pagiging matured ang pag-iisip
Ang utak ay kasama rin ng iba pang bahagi ng katawan sa nagbabago. Mas nagiging
malalim mag-isip ang isang nagbibinata at nagdadalaga. Nagugustuhan nila ang mga
usapan sa pulitika, agham, ekonomiya, at mga usaping panlipunan.

VI. Practice Tasks

Activity 1

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang puberty ay tungkol sa ________.


a. pagbabago ng katawan kabilang ang isipan at emosyon
b. pagiging mas matured ng pag-iisip
c. Pagkakaroon ng crush o paghanga
d. lahat ng nabanggit

5
2. Alin ang hindi pagbabago sa katawan ng babae sa pagdadalaga?
a. Pagkahinog ng itlog
b. Paglapad ng balakang
c. Paglalim ng boses
d. Pagkakaroon ng regla

3. Anong pagbabagong sosyal o panlipunang pagbabago ang makikita sa panahon ng


puberty?
a. Pagkakaroon ng disiplina
b. Pagiging interesado sa kabilang kasarian
c. Pagkakaroon ng iinteres sa mga isyung pambayan
d. Pagkakaroon ng tigyawat

4. Bakit dumadaan sa yugto ng puberty ang isang tao?


a. Ito ay dahil sa paghahanda sa pagiging ina o ama sa hinaharap.
b. Ito ay dahil sa paghahanda sa magiging trabaho sa hinaharap.
c. Ito ay dahil sa paghahanda para sa nalalapit na pagtanda.
d. Ito ay dahil sa personal na kinabukasan.

5. Ang mga sumusunod ay pagbabago sa katawan ng lalaki sa panahon ng pagbibinata


maliban sa isa. Alin ang hindi kasama sa mga pagbabagong pisikal ng isang
nagbibinata?
a. Pagkakaroon ng bigote at balabas
b. Paglapad ng balakang
c. Paglaki ng dibdib at balikat
d. Paglaki ng boses

Activity 2

Panuto: Tukuyin kung panlalaki, pambabae o sa parehong kasarian ang mga sumusunod na
pagbabago sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga. Isulat ang L kung panlalaki, B kung
pambabae at P kung parehong kasarian.

________1. Pagkakaroon ng malalaking bisig


________2. Pagtangkad at pagiging matured mag-isip
________3. Paglaki ng Adam’s apple at paglalim ng boses
________4. Paglapad ng balakang
________5. Pagkakaroon ng regla

6
Activity 3

Panuto: Magtala ng 3 pagbabagong pisikal nagaganap sa babaeng nagdadalaga at lalaking


nagbibinata. Punan ang kasunod na kolum.

Pagbabagong Nagaganap sa Lalaking Pagbabagong Nagaganap sa Babaeng


Nagbibinata Nagdadalaga

VII. Answer Key

Pre-Test: Practice Tasks Activity 1


1. P 1. d
2. L 2. c
3. B 3. d
4. P 4. a
5. P 5. b

Activity 2

1. L 3. L 5. B
2. P 4. B

7
Activity 3

Pagbabagong Nagaganap sa Lalaking Pagbabagong Nagaganap sa Babaeng


Nagbibinata Nagdadalaga
Kahit alin sa mga sumusunod: Kahit alin sa mga sumusunod:

Pagkakaroon ng mga buhok sa mukha at katawan Paglaki ng dibdib


Paglaki ng Adam’s apple at paglalim ng boses Pagbabago sa ari
Paglapad ng balikat Pagkakaroon ng buhok sa ibang bahagi ng
Paglaki ng dibdib katawan
Paglaki ng mga kalamnan Pagkakaroon ng regla
Pagababago sa ari Pagkakaroon ng matinis na boses, maliit na
Nakakaranas ng nocturnal emission kalamnan sa braso, katawan at hita
Pagtangkad Paglapad ng balakang
Pagkakaroon ng taghiyawat Pagtangkad
Pagkakaroon ng taghiyawat

References:

1. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-health-
q1q4
2. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Batayang Aklat pp.146-155
3. Masigla at Malusog na Ktawan at Isipan 5 Manwal ng Guro pp. 72-74

You might also like