You are on page 1of 4

LEARNING PLAN IN HELE 5

Grade Level : Grade 5


Date : September 19, 2022
Quarter : First
Subject Teacher : Mr. Bryan Kenneth Ramos

I. Title: Home Economics


Subtopic: Pagbabagong Pisikal, Sosyal at Emosyonal

II. Objectives:
Sa paksang ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. naipapakita ang kamalayan sa pang-unawa sa pagbabago ng sarili at sa pag-
iwas sa panunukso.

III. Materials/References
1. Batayang Aklat sa EPP Umunlad sa Paggawa 5
2. Online Resources:
a. https://www.scribd.com/document/443863629/EPP-5-HE-Tungkulin-sa-Sarili
b. https://www.slideshare.net/mariejajaroa/home-economics-aralin-1-tungkulin-sa-sarili
c. https://depedcsjdm.weebly.com/uploads/7/9/1/6/7916797/2he_4_lm_pp.207-231.pdf

IV. Lesson Development

A. Engage:
Para sa mga babae: https://www.youtube.com/watch?v=DBe7-PHRav8
Para sa mga lalaki:https://www.youtube.com/watch?v=2mZuTD27CDI

Guide Questions:
1. Ano ang nilalaman ng video na inyong napanuod?
2. Anu – ano ang mga mararanasan nyo bago at pagkatapos ng buwanang daloy?
3. Ilang araw maaaring tumagal ang buwanang daloy?
4. Ano ang iyong pipiliin kung ikaw ay magpapatuli?
5. Bakit kinakailangan na magpatuli ng isang nagbibinata na lalaki?
6. Ano ang kahalagahan ng impormasyon na nakapaloob sa video na inyong
napanuod?
B. Explore:

Isulat ang Tama, kung ang isinasaad ng pangungusap ay wastong ugali; Mali kung di
wasto, at isulat ang wastong salitang ipapalit sa may salungguhit na mga salita.
Halimbawa:
Mali, sanitary napkin 1. Sa panahon ng pagreregla gumamit ng tissue paper upang di
matagusan.

_______________1. Ibalot nang maayos sa isang papel ang ginamit na sanitary napkin at
itapon sa basurahan.
_______________2. Magsuot ng masikip na shorts kahit na ikaw ay bagong tuli.
_______________3. Ikunsulta sa doktor ang mga di-karaniwang karamdaman sa panahon
ng pagreregla.
_______________4. Hugasan ng dahon ng kamias at sampalok ang sugat sa pagtuli.
_______________5. Magtala sa kalendaryong pansarili ng unang araw ng pagdaloy
ng regla at huling araw nito.
_______________6. Makakaranas na pagsakit ng tiyan bago at pagkatapos ng buwanang
daloy na tinatawag na Diarrhea
_______________7. Menopause ang tawag kapag huminto na o hindi na nakakaranas ng
buwanang daloy.
_______________8. Lagyan ng cream na inireseta ng doctor ang isang bagong tuling ari.
_______________9. Linisin ang sugat ng bagong tuli tuwing ikalawang araw.
_______________10. Maglaan ng oras sa pageehersisyo upang mabawasan ang sakit na
nararamdaman

Key to correction:
1. Tama
2. Mali, maluwag na shorts
3. Tama
4. Mali, Bayabas
5. Tama
6. Mali, Dysmenorrhea
7. Tama
8. Tama
9. Mali, Araw-araw
10. Tama

C. Explain:
Epekto sa katawan
Ang mga nagdadalaga ay karaniwang nakararanas ng di-mabuting kondisyon ng katawan
bago o tuwing darating ang buwanang daloy tulad ng sakit ng ulo at pagkahilo,
pagsusuka,pananakit ng dibdib at puson.

Sa mga nagbibinata, ang paglaki ng mga kalamnan sa braso at binti ay


nagdudulot ng ibayong lakas at resistensya kaya’t nahihilig sila sa iba’t-ibang uri ng laro
at isports.

Epekto sa ugali
Kasabay ng pagbabago ng katawan ay unti-unti nagbabago rin ang ugali. Nauuna ang
mga babae kaysa sa mga lalaki. Ang mga babae ay nagiging mahiyain at
maramdamin.Nagiging mapansinin sa sarili o self-concious. Madalas nag-aayos sa
katawan lalo na sa pananamit.Nagkakaroon na sila ng mga taong iniidulo at nais maging
modelo.

Sa panahon din na ito nagiging mapaghanap ng pagkilala at pagtanggap maging


babae man o lalaki. Natatanto nilang hindi na sila bata ngunit hindi pa sapat sa gulang o
mature. Ang ibang kabataan naman ay gumagawa ng mga bagay upang makuha ang
atensiyon ng mga magulang, kaibigan, at hinahangaan. Ang ibang nagbibinata ay
nagkakaroon ng ugaling mapaghimagsik lalo na kung naguguluhan sila at hindi nila
naiintindihan ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili. Ang mga kilos nila ay nagiging
palaban at mapusok. Kailangan nila ng sapat na pamamatnubay at pang-unawa ng mga
magulang at nakatatanda upang maintindihan nila ang kanilang sarili.

Epekto sa pakikitungo
Ang pakikisama at impluwensya ng kapwa kabataan ay matindi sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinta. Ito ang panahon kung kailan ninanais matatag ng nagdadalaga
o nagbibinata ang kanyang sarili iba sa kanyang magulang at mga kapatid. Ang
pakikihalubilo sa ibang kabataang kasinggulang niya ay tumutulong upang makilala
niyang lubusan ang sarili at matutunan kung paano siya makikitungo sa ibang tao.
Nagiging mapag-isip din tungkol sa iba’t ibang pananaw sa pamumuhay ang kabataan.
Maaring sumasalungat ang ilang kabataan tungkol sa pamamalakad ng pamumuhay ng
kanilang magulang na nagiging sanhi ng alitan at di-pagkakaunawaan. Ito ay maaaring
iwasan sa pamamagitan ng maayos at mahinahong pag-uusap ng anak at magulang.
D. Expand: mga maling impormasyon at mga katotohanan tungkol sa mga pagbabagong
pisikal, sosyal at emosyonal
MALING KAISIPAN KATOTOHANAN
Ang tigyawat ay sanhi ng pagiging madumi sa  ang tigyawat ay sanhi ng
katawan “hormones”ito ay dulot ng sobrang oil
na nananatili sa ating skin pores
Hindi tatangkad kung hindi pa tuli ang growth hormones ang responsible sa
pagtangkad ng isang tao
Magiging mutain kung hindi pa tuli ang muta ay karaniwang makikita sa mata
pagkagising s aumaga sanhi ng pagluha at
lucus
Mamamaga ang ari kapag Nakita ng babae normal na mamamaga sapagkat ito ay sugat,
komunsulta sa doktor
Hindi Dapat maligo kung may regla dahil Makakabuti ang pagligo kapag may
magiging pasmado buwanang daloy upang mabawasan ang sakit
na nararamdaman
Hindi maaring gumawa ng mabibigat ng Mababawasan ang sakit kapag nagehersisyo
gawain
Iwasan ang maasim na pagkain ang mga pagkain ay dapat palaging may
limitasyon at mas piliin pa rin ang
masusustansyang pagkain
Ang regla ay maduming dugo ang regla at ang dugo na nakikita natin sa tao
kapag ito ay nasagutan ay parehas lamang

E. Evaluate:
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at ilagay ang “P” kung ang nangyayaring
pagbabago ay sa pisikal, S nman kung sosyal at E kung Emosyonal.

1. Pagbabago sa laki at timbang


2. Nais maging independent
3. Madaling mairita at mainis
4. Paghanga sa kapwa at pagkakaroon ng interes sa iba
5. Nagsisimulang bumuo ng barkada
6. Pagkakaroon ng tigyawat
7. Pagkakaroon ng buhok sa iba’t ibang parte ng katawan
8. Pagkalito sa pagiging bata o matanda
9. Pagdalo sa mga kasiyahan tulad ng concert
10. Masyadong conscious sa panlabas na anyo

Key to corrections:
1. P
2. S
3. E
4. E
5. S
6. P
7. P
8. E
9. S
10. E

You might also like