You are on page 1of 18

Ang Lumalaking

“AKO”
Assalamu ‘alaykum!

I am Ruffaidah Pagagong …

..your “mam” inside the school,


and “kaka” outside 

2
Life

Stages

3
Ano kaya itong
nangyayari sa
akin?
DALAGA NA 4
PAGDADALAGA

Ano nga ba ang PAGDADALAGA?

Ito ang panahon kung kailan makakaramdam ka


ng mga pisikal at emosyonal na pagbabago para
ihanda ang iyong katawan sa pagiging isang
adult. Isa itong tanda na hindi ka na bata, hindi
ka na bagets, hindi ka na si neneng. Nagma-
mature ka na at malapit mo nang marating ang
hustong gulang.

5
Kailan ako
magsisimulang
magdalaga?

6
Kadalasang nagsisimulang magdalaga ang mga babae sa
pagitan ng edad na 8 at 13. Pero dahil iba-iba ang mga tao,
posibleng mapaaga o mahuli ang pagdadalaga ng ibang
kababaihan. May mga nagdadalaga nang mas maaga pa sa
8 years old. At meron ding mga babaeng 13 years old na pero
hindi pa ring nagdadalaga.

7
Ano ang mga pagbabagong
mangyayari sa katawan ko
kapag nagsimulang
magdalaga?

8
Ilan sa mga ito ang naranasan mo na?

✘ Paglaki ng suso. 
✘ Pagtubo ng buhok sa ibang parte ng katawan.
✘ Pagkitid ng baywang at paglapad ng balakang.
✘ Biglaang pagtangkad.
✘ Mas maamoy na katawan.
✘ Pagbabago ng tunog ng boses.
✘ Pagkakaroon ng regla.

9
✘ Lumalaki na ang aking suso. Ano na ang gagawin ko?

Ang paglaki ng suso ay isang maagang


senyales ng pagdadalaga sa mga kababaihan.
Panahon na para subukan mong magsuot ng
bra! Malamang ay wala ka pang masyadong
alam tungkol dito kaya ‘wag mahiyang
magtanong kay nanay o kay ate para
matulungan ka nilang makahanap ng bra na
swak at komportable para sa’yo.

10
✘ Kailan ako tutubuan ng buhok sa ibang
parte ng aking katawan?

Posible ka nang simulang tubuan ng


buhok sa kilikili, binti, at sa paligid ng iyong
ari, o bulbol, kapag ikaw ay nagsimula nang
magdalaga.
Mas kakapal din at posibleng kumulot
ang mga buhok na tutubo sa mga parteng ito
ng iyong katawan. Mag-ingat lang kung gusto
mong mag-ahit para iwas sugat! Kung ‘di ka
pa sanay mag-ahit ay ‘wag mahiyang humingi
ng tulong sa iyong mga magulang o
nakakatandang kapatid.

11
✘ Bigla ba akong tatangkad at lalaki ang aking katawan? 

Oo. Kadalasang nagsisimula ang


pagtangkad ng mga nagdadalagang katulad
mo sa edad na 9 years old. Ang laki ng
iyong itatangkad ay kadalasang
nakadepende sa kung gaano katangkad
ang iyong magulang. Posible ring mas
madalas kang makakaramdam ng gutom
kasi mas aktibo ka na at mas kailangan mo
ng extra energy para sa nagmamature
mong katawan. Kaya ‘wag gutumin ang
sarili!

12
✘ Bakit mas madalas nang mangamoy ang aking katawan? 

Iyan ay dahil sa mas


maraming hormones na ginagawa ng iyong
katawan para tulungan kang lumaki.
Dalawa sa mga hormones na ‘yan ay
ang estrogen at progesterone. Ang
pagkakaroon ng amoy o body odor ay
kadalasang dahil sa pawis at bacteria. Kaya
panatilihin mo lang malinis ang iyong
katawan sa palagiang pagligo at paggamit
na rin ng deodorant.

13
✘ Bakit ako nagkakatigyawat?

Dahil ulit ‘yan sa pagbugso ng hormones, pawis


at bacteria. Mapapansin mo ring parang mas oily
sa pangkaraniwan ang iyong mukha. Ito ay dahil sa
mas aktibo na rin ang iyong mga oil glands. ‘Wag
kang mag-alala kasi kayang-kayang kontrolin ang
tigyawat basta panatilihin mo lang malinis ang
iyong mukha at katawan. Ang iba ay hinuhugasan
lang ng tubig ang kanilang mga mukha at ang iba
naman ay bumibili ng facial wash na hiyang sa
kanila. Huwag mo ring basta-bastang gagalawin o
puputukin ang iyong mga tigyawat dahil posibleng
lumala pa ang mga ito. 

14
✘ Bakit may dugo?

Lahat ng babae ay makararanas ng


pagdurugo o regla. Ito ay normal lang dahil
inihahanda nito ang iyong katawan para sa
pagbubuntis. Buwan-buwan ay nakagagawa ang
ating katawan ng egg cell na magiging baby kung
madagdagan ng sperm cell galing sa lalaki. Kaya,
kung hindi ito nagagamit o nabubuo at nailalagay
sa lining ng uterus, nasisira ito at inilalabas ng
ating katawan.
Tandaan! Maaari ka ng mabuntis kapag nireregla
ka na.

15
✘ May mga araw na masaya ako tapos bigla na lang akong tatahimik at
malulungkot. Bakit ito nangyayari?

Huwag kang magulat kasi parte ng


pagdadalaga ang pagkakaroon ng mood swings o
pag-iba-iba ng disposisyon. Pwedeng ngayon ay
sobrang saya at kwela mo tapos biglang sobrang
sensitibo at madamdamin mo naman kinabukasan.
Ang pabago-bago ng mood ay dahil na rin sa
bugso ng hormones habang ang iyong katawan ay
dumadaan sa proseso ng puberty.

16
✘ Bakit ako nagsisimula nang magkagusto o magka-crush sa ibang
tao?

Ang pagkakaroon ng crush ay nagbibigay sa atin


na magkahalong maganda at nakakalitong mga
damdamin. ‘Yung kumakabog-kabog ang dibdib ‘pag
malapit nang dumaan si crush, normal lang na
magkaroon tayo ng attraction sa ibang tao, kapareho mo
man ng kasarian o hindi. Parte ‘yan ng pagbabagong
nangyayari sa iyong katawan habang ikaw ay
nagdadalaga. Kung hindi mo pa ito nararanasan o
nararamdaman, normal lang din ito! 

17
TANDAAN! 

Ang lahat ng ito ay


normal lang at
nararanasan ng lahat ng
kababaihan. Huwag
mag-alala at alagaan ang
sarili. Panatilihing
malinis ang ating
katawan upang tayo ay
malayo sa sakit.

18

You might also like