You are on page 1of 18

Pagbati ng Mundo

Ihanda ang sarili upang makinig


Handa kang batiin ng buong daigdig
Saan man sa mundo alinmang panig
Iisa lang naman, ating mga tinig.

Ang sabi ng Pilipino’y “Kumusta ka?”


Sa mga dayuhan at mga banyaga
Sa China ay “ni hao”, sa Español ay “hola”
Ito ay pagbati ng pangungumusta!
“Annyeong hashimnikka”, ang namumutawi
Sa mga Koreano sa ibang lahi
“Bonjour” at “Kalimera”, ang bating may ngiti
‘Pag Frances at Griego, mag-uusap lagi.

“Buongiorno”, sabi ng isang Italyana


Sagot ng Hapones, “Sa kaniya’y “Konichiwa”
“Hello” at “How are you?” ang sabi ng madla
Ng mga kaibigan sa America.
Tayo’y magturingan bilang isang
mundo
Ito ay simbolo ng pagpapakatao
Tayo’y iisa, tayo’y pare-pareho
Hindi magkaiba, iisa lang tayo!
 Annyeong hashimnikka
 Bonjour
 Buongiorno
 Hello/How are you?
 Hola
 Kalimera
 Konnichiwa
 Kumusta ka?
 Ni hao
 Annyeong hashimnikka- Korea
 Bonjour -France
 Buongiorno - Italy
 Hello/How are you? - America
 Hola – España
 Kalimera - Greece
 Konnichiwa - Japan
 Kumusta ka? - Pilipinas
 Ni hao - China
 Pang-angkop – salitang ginagamit
natin sa pag-uugnay ng dalawang
salita. Iniuugnay nito ang mga salitang
panuring o naglalarawan tulad ng
pang-uri at pang-abay. Ito ang mga
katagang ng at na.
 1. ng – ginagamit kapag ang naunang
salita ay nagtatapos sa patinig at
idinurogtong ito sa nasabing unang
salita.
Halimbawa:
 totoong tao
 masayang bata
 babaeng maganda
 biniling pagkain
 2. na – ginagamit ito kapag ang
naunang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa n. Inihihiwalay ito sa
unang salita.
Halimbawa:
 maayos na lipunan
 tunay na dakila
Tukuyin ang mga ginamit na pang-angkop sa
bawat pangungusap.
1. Matalik na magkaibigan ang dalawang mag-aaral.
2. Masayang bumalik ang tatay sa kaniyang mahal na
pamilya.
3. Probinsiyang mutya ang tawag niya sa lugar na
pinagmulan.
4. Ang babaeng maganda ay bituing marikit para sa
kaniya.
5. Mahusay na guro ang inilagay sa klaseng maingay.
Lagyan ng pang-angkop ang sumusunod na
pares ng mga salita sa bawat bilang.
1. makisig____lalaki
2. buhay____pangarap
3. makapal____aklat
4. bansa____maunlad
5. lugar____payapa
6. lalaki____makisig
7. minimithi____kalayaan
 8. aklat____makapal
 9. maunlad____bansa
 10. mabulaklak_____hardin
 Kard Katalog – talaan ng may-akda o awtor,
ng paksa, at ng pamagat ng aklat.
 Nakaayos ito nang paalpabeto.
 2 Pangunahing Uri ng Kard Katalog
 1. Kard ng May-akda
 2. Kard ng Pamagat
Kard ng May-akda:

020.5
F17
Call number 2015
Taon ng paglilimbag Guerrero, P.R., Nobyembre 28, 1978
May-akda Alab Filipino 5
Pamagat ng aklat Quezon City, Vibal Group, Inc., 2015
Lugar kung saan inilimbag

Kard ng Pamagat:

Call number 020.5


F17
Pamagat ng aklat Alab Filipino 5
May-akda Guerrero, P.R.,
Lugar kung saan inilimbag Quezon City, Vibal Group, Inc., 2015
 Ang mga numero sa una hanggang ikatlong
hanay ng bawat card ay ang call number ng
aklat batay sa kung paano ito ipinangkat sa
aklatan gamit ang sistemang Dewey
Classification System.
Dewey Classification System

000-099 General Works Encyclopedia


100-199 Pilosopiya Mga Iniisip ng tao
200-299 Relihiyon Relihiyon, Metolohiya
300-399 Agham Panlipunan Gobyerno, Hanapbuhay
400-499 Language Diksiyonaryo, at Iba Pa
500-599 Pure Science Mathematics, Astronomy, Nature
600-699 Applied Science Airplanes, Cars, Homemaking, Teknolohiya
700-799 Fine Arts and Recreation Art, Photography, Music, Sports

800-899 Literatura Tula, Dula, Iba pang Anyo ng Literatura


900-999 History Paglalakbay, Kasaysayan
 3. g – ginagamit ito kapag ang
naunang salita ay nagtatapos sa katinig
na n at idinurugtong ito sa unang
salita.
Halimbawa:
 bayang magiliw
 mayamang pamilya
 mamamayang tapat
 paaralang malaki
 Pangungusap – salita o grupo ng mga salita na
may buong diwa. Ito ay may dalawang bahagi:
ang simuno at panaguri.
 1. Simuno – ito ang paksa o pinag-uusapan sa
pangungusap.
 2. Panaguri – Ito ang nagsasabi o naglalarawan
ng tungkol sa simuno.
Halimbawa:
Ang pulubi ay nagnakaw ng pagkain.
S P
Ang pulubi ay pupugutan ng ulo.
S P
Pinatawad ng hari ang pulubi.
P
S

You might also like