You are on page 1of 5

FILIPINO

LAGUMANG PASUSULIT #2
REVIEWER

Tula, Talatang Nagsasalaysay at Talambuhay

● Tula
○ Isang akdang pampanitikan na maaring mauri sa dalawang anyo.
1. Tradisyonal ng Tula
○ Isang anyo ng tula na may sukat, tuga, at ginagamitan ng mga salitang
matatalinghaga.
i. sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na
bumubuo sa isang saknong.
ii. pantig - isang yunit ng tunog na binubuo ng isang patnig o
kambal katinig.
● Gur-yon
● Ma-ra-ngal
● Ma-ki-pag-la-ban
iii. taludtod - tawag sa bawat linya ng tula.
● Tanggapin mo anak, itong munting guryon

Na yari sa patpat at “papel de Hapon”

Magandnag laruan pula, puti, asul

Na may pangalan mong sa gitna naroon.

iv. tugma - ang pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa


bawat taludtod.
● Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,

Dagiti’y dumagit saan man sumuot,

v. persona - siya ang nagkkwento o nagsasalaysay sa tula.

1
2. Malayang Taludturan
○ Isang tula na isinusulat nang walang sinusunod na patakaran kundi
ang an mang iasin ng sumusulat. Walang tugma.
○ Munting Kubo ni Lolo (p.56)

● Talatang Nagsasalaysay
○ Talata - ay lipon ng mga pangungusap na magkakaugnay at nagpapahayag
ng isang kaisipan.
■ Paksang Pangungsap - pinakabuod o ideya ng talata.

● Talambuhay
○ Ito ay mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may diwang
"tala ng buhay”
○ Ito ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng
isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon.

Nababaybay nang wasto ang salitang natutunan at hiram


Ang pagbabaybay sa Tagalog ay paletra. Isa - isang binibigkas ang mga letra sa maayos na
pagkakasunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang letra, pantig, daglat, akronim,
inisiyal, at iba pa.

Hiram na Salita Baybay sa Filipini

school iskul

sport isport

student estudyante

cake keyk

spirit espiritu

2
Pagsulat ng Liham Pangkaibigan
Ang liham pangkaibigan ay ang mga mensahe sa ating mga kaibigan.

Limang Bahagi

1. Pamuhatan - Ito ay nagsasaad ng lugar na pinagmulan ng liham at ng petsa kung


kailan ito isinulat.
○ 155 New Foundland St., Annex 22, Better Living Subdivision, Paranaque City
○ Ika-29 ng Agosto 2000
2. Bating Panimula - Ito ang nagsasaad ng pangalan ng sinusulatan.
○ Mahal kong Miqoj,
○ Kaibigan,
3. Katawan ng Liham - Dito nakasaad ang nilalaman o mensahe ng liham.
○ Kamusta ka na? Ang nanay at kapatid mo? Nabalitaan ko ko ang pagdating
mo mula sa Amerka. Balitaan mo naman ako. Isa ito sa mga bansang
pinapangarap kong marating balang araw.
4. Bating Pangwakas - Nakasaad ditoang relasyon ng taon sumulat sa sinulatan
gayundin ang panghuling pagbati ng sumulat.
○ Nagmamahal,
○ Ang iyong kaibigan,
5. Lagda - Dito isinusulat ang panglan at lagda ng sumulat.
○ Eman David
○ Mr. Dennis M. Lopez

3
Pagtukoy at pagkalilala sa Panghalip Panao

Panghalip Panao - Ginagamit ang mga ito na panghalili sa ngalan ng tao upang maiwasan
ang paulitulit na paggamit nito.

○ Halibawa: akin, kanila, sila, ko, niya, kaniya


1. Panauhan
A. Unang Panauhan - tumutukoy sa taong nagsasalita
○ Ako ay ang magluluto ngayon.
B. Ikalawang Panauhan - tumutukoy sa taong kinakausap
○ Ikaw ba ang magluluto ngayon?
C. Ikatlong Panauhan - tumutukoy sa taong pinag-uusapan
○ Siya ba ang magluluto ngayon?

2. Kailanan

A. Isahan - Isa ang tinutukoy


○ ako , ikaw, siya, ko, mo, niya
○ Nakita mo ba kung nasaan ang PS4 controller?
B. Dalawahan - dalawa ang pinaguusapan
○ Kayo, kata, kita, nila, ninyo, natin
○ Hindi kita makita! Nasaan ka ba?
C. Maramihan - higit sa dalawa ang pinag-uusapan
○ kami, kayo, sila, nila, namin
○ Hindi namin nabalitaan na may bagyo pala bukas.

3. Kaukulan

A. Palagyo - ginagamit bilang simuno


a. Ikaw ang napili ng klase na maging presidente.
B. Paari - nagpapakita ng pagmamay-ari
a. Ang sapatos na ito ay akin.
C. Paukol o Palayon - tagaganap at bilang layon ng pang-ukol na sa
a. Sa kanila ang mga gamit na ito.

4
Terminolohiya

1. kumpol - isang pangkat, magkakasama


2. asteroid - maliliit na pitak ng bato na paluang-lutang sa kalawakan
3. bumulusok - mabilis na pagbaba mula sa himpapawid
4. mahusay - magaling
5. hambog - mayabang
6. nakaaaliw - nakatutuwa
7. bigkas - sinabi, pagkakasabi

You might also like