You are on page 1of 26

EPP

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan

Del Rosario Christian Institute Inc.


NILALAMAN:
YUNIT I
Maayos na Pangangasiwa sa mga
Gawaing Pantahanan

Aralin 1 Maayos at Mabikas na Paggayak

Aralin 2 Pangangalaga ng Kasuotan

Aralin 3 Mga Tungkuling Dapat Gampanan

Aralin 4 Wastong Pag-aalaga ng Sanggol

Aralin 5 Pangangasiwa sa mga Gawaing

Pantahanan.

Del Rosario Christian Institute Inc.


YUNIT I
Maayos na Pangangasiwa sa mga
Gawaing Pantahanan

Del Rosario Christian Institute Inc.


Aralin 1: Maayos at Mabikas na
Paggayak
Inaasahan kong....
- Matalakay ang kahalagahan ng pagpapanatili

ng maayos at mabikas na paggayak.

- Maipaliliwanag ang mga kailangan sa maayos at

mabikas na paggayak.

- Maipakita ang maayos at mabikas na paggayak.

- Mapangalagaan ang mga pansariling

kagamitan.

- Makaugalian ang paglilinis at pag-aayos ng

sarili.

Simulan Natin:
Maayos Na Ba?

Napansin ng mag-asawang

David at Ana na panay na panay

ang harap sa salamin ng

magkapatid na Christine at Noel.

"Maganda na ba, Inay?"

sabay ikot na tanong ni Christine

kay Aling Ana.

"Ano ba ang pinagkakaabalahan ninyong magkapatid at

kanina pa kayo ikot ng ikot diyan?"

"Nagsasanay lang po kami dahil kasama po kami sa

palatuntunang gaganapin sa Biyernes", sabay na tugon ng

magkapatid.

Del Rosario Christian Institute Inc.


"Aba, di magaling!" pagmamalaki ni Aling Ana.

"Kailangan ay ayusin ninyo ang pagganap para magustuhan

ng mga manonood."

"Ang sabihin mo, Ana, may pinagmanahan ang mga

kabataan natin, di ba?" pabirong sabi ni Mang David.

Nagtawanan ang mag-anak.

"Kayong dalawa ay dapat mag-ayos na mabuti", Sabi ni

Aling Ana.

"Opo, Inay. Katunayan nga ay nalinis ko na ang sapatos

ko at magpapagupit pa ako mamaya", sabi ni Noel.

"Ako po ay mamamalantsa ng isusuot namin ni Kuya

Noel," ang sabi naman ni Christine.

"Siya sige, kailangang ayusin ang pagganap at

pagkilos sa papel na inyong gagampanan," pahayag ni

Mang David.

"At hindi lang iyon," dagdag pa ni Aling Ana. "

Kailangang ugaliin ninyo ang manamit nang maayos at

malinis, mag-ayos ng sariling katawan at kumilos batay sa

inyong edad lalo na ikaw, Christine, ang iyong pag-upo-

upo.,"

"Tatandaan po namin, Inay, Itay," pangako ng

magkapatid.

Talakayin Natin:
Bukod sa mga binanggit ni Aling Ana ay marami pang

ilang natutuhan sa paaralan sina Noel at Christine.

Tinalakay nila ang mga ito sa klase at ipinaliwanag ng

kanilang guro.

Del Rosario Christian Institute Inc.


Sa kanilang talakayan sa paaralan, kanilang natutuhan

na ang batang babae o lalaki na maayos manamit ay malinis

tingnan at amoy mabango. Ang maayos at mabikas na

paggayak ay nakadaragdag ng paggalang sa sarili,

pagpapanatili ng mga kaibigan at matagumpay na

pakikitungo sa mga bagong kakilala. Higit sa lahat, ang

pagsunod sa tamang gawi ng kalusugan, wastong pagtindig

at tamang kasuotan ay mahalagang sangkap ng maayos at

mabikas na paggayak.

Maraming bagay ang dapat tandaan sa pagkakaroon ng

maayos at mabikas na paggayak. Unang-una, dapat laging

sumunod sa wastong gawi ng kalusugan. Kailangang maging

bahagi na ng araw-araw na buhay ang mga sumusunod na

panuntunang pangkalusugan:

1. Wastong pagpili ng pagkaing sapat sa

pangangailangan ng katawan.

2. Sapat na pagtulog at pamamahinga

3. Sapat na ehersisyo na kung maaari ay sa labas ng

bahay isasagawa

4. Palaging pagdumi at wastong paliligo

5. Pagsusuot ng malinis at tamang pananamit sa lahat

ng oras

Bahagi rin ng mabikas na paggayak

ang maayos na pagtindig habang

naglalakad, nakaupo o nakatayo. Ang

maayos at mabikas na pagtindig ay

nagpapakita ng magandang kaanyuan.

Gawin lagi ang mga sumusunod upang

mapanatili ang mabikas na tindig.

Del Rosario Christian Institute Inc.


Tumayo ng tuwid, nakaliyad ang dibdib, nakapasok ang

tiyan, pantay at deretso ang balikat ang mga kamay ay nasa

tagiliran. Ang pagtayo ng tuwid ay tumutulong sa baga,

puso at sa lahat ng bahagi ng katawan upang gumawa

nang maayos.

Ang maayos na paglakad ay nangangailangan

ng maginhawang sapatos, maayos na pagsulong

ng mga paa, tuwid ang ulo at baba ngunit

nakatingin sa dinadaanan.

Umupo nang matuwid na ang likod ay

nakasandal nang maayos sa likuran ng silya.

Ang mga paa ay nakatapak sa sahig na

maaaring nangunguna ang isa.

Kailangan ding maayos ang pananamit. Ang

kasuotan ay dapat maging wasto at angkop sa

estilo, kulay at akma sa katawan. Siguraduhin

ding malinis ang damit na isinusuot araw-araw.

Palitan ang damit panloob araw-araw.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dapat gawin upang

mapanatiling malinis at maayos ang sarili.

Paliligo Minsan sa Isang Araw


Ang isang taong maraming gawain sa maghapon ay

nangangailangan ng madalas na paliligo upang mas

madaling matanggal ang dumi at langis ng katawan. Ang

paliligo ay ginagawa ayon sa kondisiyon ng katawan,

maaaring gumamit muna ng mainit na tubig upang

makatulong sa mabilis na pag-ikot ng dugo sa katawan.

Del Rosario Christian Institute Inc.


Pagbibihis ng Damit
Ang mga damit na gagamitin sa pagbibihis ay kailangang

bagay sa okasyon, angkop sa panahon, bagay sa kulay ng

balat at mabuting panlasa ng nagsusuot. Ang pagbihis ay

maaaring gawin araw-araw. Kailangan ding tingnan muna

ang isusuot kung ito'y maayos at walang sira. Hindi rin

mahalaga kung ang kasuotan ay binili nang mura o mahal.

Pangangalaga sa Buhok
Ang buhok ay isa sa mga mahahalagang dapat alagaan

ng isang tao. Higit na pangangalaga rito ang kailangan para

sa mga babae dahil sila ay nagtataglay ng higit na mahaba

at makapal na buhok kaysa sa mga lalaki.

Napangangalagaan ito sa pamamagitan ng pagsusuklay

araw-araw, paggamit ng shampoo at pagbabanlaw nito

nang maayos. Gamitin ang sariling suklay o brush upang

maiwasan ang pagkahawa sa panlalagas ng buhok at

pagkakaroon ng kuto o lisa.

Pagsisipilyo ng mga Ngipin


Nakadaragdag nang malaki sa

kagandahan ng mukha ang pagkakaroon

ng mapuputi at pantay-pantay na mga

ngipin. Ang mga ngipin ay dapat sipilyuhin

dalawa o tatlong beses sa isang araw lalo

na kapag bago matulog sa gabi upang maiwasan ang

mabahong hininga. Nakatutulong din ang mabuting pagkain

sa kalusugan ng mga ngipin at gilagid. Mahalagang

dumalaw sa dentista paminsan-minsan upang lalong

mabigyan ng wastong pangangalaga ang mga ngipin.

Del Rosario Christian Institute Inc.


Paghihilamos ng Mukha
Ang mukha ang pangunahing bagay na

nakikita sa katawan ng isang tao. Ang

mukha at leeg ay dapat hugasang mabuti

upang maalis ang mga duming nakakapit

dito. Kailangandin ng wastong pagkain,

tamang pagtulog at ehersisyo, maayos na pagkain, at ang

regular na pagkakaroon ng buwanang regla para sa mga

kababaihan.

Pangangalaga sa mga kamay at kuko


Ang mga kamay ay isa sa mga

nakalantad na bahagi ng katawan na

madalas na ginagamit sa paggawa.

Hugasang mabuti ito sa pamamagitan ng

sabon at malinis na tubig lalung-lalo na

kapag bago at pagkatapos kumain at pagkagaling sa

banyo. Kinakailangan ding putulin ng madalas ang mga kuko

at linisin paminsan-minsan.

Nagawa ko ba?
A. Lagyan ng nararapat na bilang ang mga sumusunod na

gawaing pangkalusugan. Isulat ang 3 kung palaging

ginagawa; 2 kung bihirang ginagawa at 1 kung hindi

ginagawa.

Kumakain nang wastong pagkain sa araw-


_________
araw

Natutulog sa tamang oras _________

Nag-eehersisyo tuwing umaga _________

Del Rosario Christian Institute Inc.


Dumudumi araw-araw _________

Naliligo araw-araw _________

Umiinom ng walong basong tubig araw-araw _________

Nagsusuot ng malinis at tamang damit _________

B. Tseklist Para sa Kalinisan at Kaayusan ng Sarili

Oo Hindi

1. Naghihilamos ng mukha pagkagising

sa umaga ______ ______

2. Naliligo araw-araw bago pumasok

sa paaralan ______ ______

3. Naglalagay ng pulbos pagkaligo ______ ______

4. Nagsisipilyo ng ngipin pagkatapos

kumain ______ ______

5. Nagsusuot ng malinis na damit

pagpasok sa paaralan ______ ______

6. Nagsusuklay ng buhok ______ ______

7. Nagpuputol at naglilinis ng kuko ______ ______

8. Naghuhugas ng kamay bago at

pagkatapos kumain ______ ______

9. Nagpapalit ng damit kapag pawisan ______ ______

10. Nagdadala ng panyo o labakara sa

tuwing aalis ______ ______

Del Rosario Christian Institute Inc.


Aralin 2: Pangangalaga ng
Kasuotan
Inaasahan kong....
- Maisa-isa ang mga paraan upang mapanatiling malinis

ang kasuotan

- Matukoy ang payak na sira ng kasuotan

- Maisasaayos nang wasto ang mga sirang kasuotan sa

pamamagitan ng pananahi sa kamay

- Maipamalas ang kalinisan at kaayusan ng kasuotan at ng

mga kagamitang pangkasuotan

Simulan Natin:
Paano Ka Manamit?
Mahalagang matutuhan ng isang nagdadalaga o

nagbibinatang katulad mo ang wastong pangangalaga ng

kasuotan. Malaki ang nagagawa ng pananamit sa kaanyuan

ng isang tao. Maaring ang isang tao ay hindi kasiya-siya sa

paningin ng iba ngunit kung malinis at maayos ang sarili at

ang pananamit magiging kaakit-akit din sa paningin ng iba.

Ano kaya ang magiging hitsura mo kung maganda ang

damit mo ngunit marumi at sira naman ito?

Pagmasdan mo ang mga larawan sa ibaba. Ano ang

masasabi mo?

Del Rosario Christian Institute Inc.


Talakayin Natin:
Kung susuriin mong mabuti ang mga larawan

mapapansin mo na magkatulad ang kanilang mga kasuotan.

Ngunit ano ang kapun-puna? Ang impresyon ang maaaring

ibigay ng isang nagbibinata o nagdadalaga na nagsusuot

ng sirang kasuotan? Sa palagay mo, ano ang mga

nararapat mong gawin? Talakayin natin ang ilan sa mga

paraan ng pangangalaga ng kasuotan.

Paglalaba
Ang isang batang nasa Ika-5 na baitang ay dapat

marunong nang maglaba ng damit. Narito ang wastong

paraan ng paglalaba.

Ihanda ang mga damit na lalabhan.

Tingnan kung may mga sira o maluwagna

mga butones. Ayusin muna bagolabhan.

Baligtarin ang mga bulsa. Baka may mga

mahahalagang bagay sa loob nito na di

dapat mabasa o masira. Tanggalin din

ang mga duming maaaring makamantsa

sa damit. Ihiwalay ang mga may mantsa

at napakarumi. Ihiwalay din ang mga puti

at may kulay lalung-lalo na ang mga

nakakahawa.

Lamasin muna sa tubig upang ang

mga duming nakakapit dito ay

matanggal o lumambot. Unahin ang mga

puti na may kulay; malinis-linis hanggang

sa pinakamarumi. Pigain at paghiwa-

hiwalayin ng lalagyan nang di

magkahawahan. Sa paglalaba sabuning

mabuti ang mga likuran ng kuwelyo, ang

Del Rosario Christian Institute Inc.


leeg, manggas at laylayan. Kusuting mabuti. Gumamit ng

sabong gamay ng iyong mga kamay nang di ito magsugat o

mangati. Sa mga maseselang damit, iminumungkahing

gamitin ang detergent. Ang detergent ay pulbos na sabon.

Ito'y madaling matunaw sa tubig at mabilis bumula.

Ang pagkukula sa ilalim ng araw ay para lamang sa mga

puting labada. Kung di magagawa ito, marami nang sabong

may kemikal na pampaputi ng damit. Mayroon ding mga

tinimpla na tulad ng clorox na mabibili sa mga tindahan.

Banlawang mabuti ang mga damit nang maalis ang mga

nakakapit na dumi at sabon. Gawing paulit-paulit ang

pagbabanlaw hanggang maging malinaw ang tubig na

pinagbanlawan.

Pigain at isampay ang damit hanggang sa

matuyo.

Pagaalis ng Mantsa
Narito naman ang ilan sa mga paraan ng pag-alis ng

mantsa sa damit.

Uri ng Mantsa Paraan ng Pag-aalis

Hayaang matuyo.

Putik Kutkutin ang putik at

ipagpag. Labhan.

Pigaan ng katas ng kalamansi

Kalawang na hinaluan ng asin ang

mantsa habang nakakula sa

Del Rosario Christian Institute Inc.


ilalim ng araw.

Labhang muli.

Gawing paulit-ulit

hanggang sa mawala

ang mantsa ng

kalawang.

Pigaan ng katas ng

kalamansin. Pabayaan
Tinta
ng ilang minuto.

Labhan.

Labhan ang damit sa

Mantika maligamgam na tubig

at sabon. Banlawan.

Punasan ang mantsa

ng mantika. Labhan.

Pintura Lagyan ng paint

thinner o turpentine

pagkatapos. Labhang

muli.

Pigaan ng katas ng

kalamansi. Labhan at

Amag ikula. Ulit-Ulitin ang

ganito hanggang sa

mawala ang mantsa.

Pamamalantsa
Wiligan ang mga plantsahing damit. Bilutin at ilagay sa

isang lalagyan. Takpan ng isang kayo at maghintay ng

kalahating oras upang maging pantay ang pamamasa ng

damit. Samantala, ihanda ang plantsa at plantsahin.

Del Rosario Christian Institute Inc.


Siguruhing malinis ang plantsa at maayos ang plantsahan.

Dapat maging tamang-tama ang lambot nito at di bukol-

bukol. Ilagay sa tamang init ang plantsa. Unahing plantsahin

ang mga kuwelyo, manggas at balikat, bago ang ibang

bahagi ng damit. Ihuli ang mga laylayan. Kung may mga

burda o patched design, plantsahin ito sa kabaliktaran

upang di ito masira.

Gamitin ang hanger o tikluping maayos ang damit na

bagong plantsa upang di ito magusot.

Pag-aayos ng mga Simpleng Sira


Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga payak na sira

ng kasuotan. Pag-aralan natin kung paano aayusin ang mga

ito.

Del Rosario Christian Institute Inc.


Mga Mungkahi sa Pangangalaga ng mga Kasuotan at
Kagamitang Pangkatawan
1. Patuyuin muna ang damit na hinubad bago ilagay sa

lalagyan ng maruming damit.

2. Huwag itago o ilagay sa kabinet ang damit kung ito ay

basa pa.

3. Ilagay o isabit ang damit sa lugar na mahangin.

4. Iwasan ang paggamit o pagsusuot ng damit na nagamit

na. Magpalit araw-araw lalo na ang damit panloob.

5. Tanggalin kaagad ang mantsa o dumi ng damit. Huwag

patagalin sa lalagyan ng maruming damit.

6. Ang mga basang jacket o raincoat ay isabit o patuyuin

kaagad sa mahanging lugar ng bahay.

7. Linisin at itago sa tamang lalagyan ang mga sapatos

8. Sulsihan, lilipan o tahiin kaagad bago labhan ang mga

sirang kasuotan.

Gawin Natin
A. Piliin sa mga gawaing nakatala sa loob ng kahon ang

naaangkop sa bawat bilang.

a. Sulsihin b. Lilipin c. Tagpian

d. Lagyan ng katas ngkalamansing may asin

e. Patuyuin, Kutkutin at ipagpag

f. Wiligan ng tubig at maghintay ng kalahating oras

g. Patuyuin muna bago ilagay sa lalagyan ng

maruning damit

h. Isampay hanggang sa matuyo

Del Rosario Christian Institute Inc.


1. ______ 2. ______ 3. ______ 4. ______

5. ______ 6. ______ 7. ______ 8. ______

Nagawa Ko Ba?
Tama o Mali
______ 1. Nililinis ko muna at pinakikintab ang aking sapatos

bago isuot.

______ 2. Isinusuot ko ang aking damit kahit may sira ito.

______ 3. Pinatutuyo ko muna ang aking jacket at payong

bago itago ang mga ito.

______ 4. Binabaligtad ko ang damit na may burda o

patched design bago plantsahin.

______ 5. Sa paglalaba pinagsasama-sama ko ang mga

puti at may kulay.

______ 6. Nalagyan ng putik ang aking damit. Pinatuyo ko

muna bago kutkutin at saka nilabhan.

______ 7. Winiwiligan ko muna at binabalot ang mga damit

bago plantsahin.

______ 8. Tinatahi ko muna ang mga sira nang damit at

ikinakabit ang butones bago labahan at plantsahin.

______ 9. Inilalagay ko nang maayos sa hanger ang mga

damit na pinalantsa bago itago sa aparador.

______ 10. Pinupunasan ko muna ang upuan bago ako

umupo nang maayos. Iniiwasan kong marumihan at magusot

ang aking damit.


Del Rosario Christian Institute Inc.
Aralin 3: Mga Tungkuling Dapat
Gampanan
Inaasahan kong....
Maunawaan at mapahalagahan ang mga tiyak na

tungkulin ng bawat kasapi ng mag-anak.

- Matukoy ang mga tiyak na tungkulinng bawat kasapi ng

mag-anak.

- Matalakay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng

kamalayan sa mga tiyak na tungkulin ng bawat kasapi.

- Maisagawa ang mga tungkulin nang may pagkukusa,

maluwag sa kalooban at walang panahong inaaksaya.

Simula Natin
Masayang Pagsasama
Ikaanim ng umaga. Sabado. Maagang umalisng bahay

si Aling Clara upang mamalengke sa bayan. Si Mang Nestor

naman ay nagdidilig ng mga halaman.

"Anong oras ka sasalubungin?" Pahabol na tanong ni

Mang Nestor sa asawa.

"Mga ikasiyam siguro," sagot naman ni Aling Clara.

"Ikaw na bahala sa mga anak natin. Hayaan mong

makatulog sila nang husto. Wala naman silang pasok.

Halos hindi pa nakalalayo si Aling Clara ay bumangon

na ang magkapatid na Joy at Jun-Jun na nagbubunot ng

sahig.

"Gising na pala kayo," bungad ni Mang Nestor.

"Opo, Itay," sagot ni Joy na naglilinis sa salas.

Si Mang Nestor ay nagtungo sa kuwarto nilang mag-

asawa. Inabutan niya roon si Jun-Jun na nagbubunot ng

sahig.
Del Rosario Christian Institute Inc.
"Siya nga pala, Jun-Jun, mamayang bago mag-alas

nwebe ay sasalubungin mo ang iyong Inay diyan sa kanto,"

sabi ni Mang Nestor. "Namalengke siya, kaya tiyak na

marami siyang dala."

"Opo, Itay. Mag-iipon po muna ako ng tubig."

Pagkaraan ng ilang sandali, nasa kusina na si Joy at

naghahain na ng almusal nilang mag-aama.

"Itay, Jun-Jun, nakahanda na po ang mesa," tawag ni

Joy sa mag-ama. Sabay-sabay silang dumulog sa hapag-

kainan.

Pagkatapos kumain nag-urong na ng mga pinggan si

Joy at hinugasan ang mga ito. Samantala, lumabas na rin si

Jun-Jun upang mag-ipon ng tubig.

Ikasiyam nga ng umaga nang dumating si Aling Clara.

Tumulong si Joy sa paghahanda ng tanghalian. Nasa salas

naman ang mag-ama at magkatulong na kinukumpuni ang

sirang silya. Tamang-tamang tapos na sila nang tawagin

sila upang mananghalian.

Ikaisa ng hapon. Nasa salas ang mag-anak. Masayang

pinagmamasdan ng mag-asawaang dalawa nilang anak

habang nanonood ng telebisyon.

"Wala na akong mahihiling pa sa ating mga anak.

Bukod sa masipag, mababait at matulungin pa sila. Sana,

manatili silang ganyan at natitiyak kong magiging

matagumpay sila sa buhay." nakangiting sabi ni Aling Clara.

"Matutupad ang kahilingan mo, Clara, dahil na rin sa

mabuting ipinakikita natin sa kanila. Lagi tayong

nakasubaybay at higit sa lahat ginagampanan natin ang

tungkulin natin bilang mga magulang nila. Sila man, ganoon

din, bilang magkapatid at mga anak natin. Ito ang dahilan

ng ating masayang pagsasamahan.

Del Rosario Christian Institute Inc.


Talakayin Natin
Ang kaalaman ng bawat kasapi ng isang pamilya sa

kanyang tungkulin ay daan sa pagkakaroon ng mabuti at

masayang pagsasamahan. Bawat isa ay may dapat

gampanang gawain sa tahanan. Dapat itong tuparin nang

buong husay at sa abot ng makakaya.

Anu-ano nga ba ang mga tungkuling ito?

Bilang ulo ng pamilya ang ama ang itinuturing na

"haligi" ng tahanan, pagkat siya ang pangunahing

naghahanapbuhay o tagapagbigay ng mga

pangangailangang pampamilya. Siya ang nagbibigay-

pasiya para sa kaligtasan ng buong pamilya at nagbabalak

na magpabahay para sa kanila.

Nagpapakita siya ng pagpapahalaga sa ginagawa ng

bawat kasapi at nakikipag-usap sa ina at mga anak tungkol

sa mga gawaing-bahay. Tumutulong din siya sa mga

gawaing-bahay. Tumutulong din siya sa mga gawaing-

bahay kapag walang trabaho. Gumagamit siya ng mahusay

at mabuting pananalita sa pagbibigay ng utos at payo sa

mga anak.

Ang ina naman, ang itinuturing na "ilaw" ng tahanan.

Siya ang kanang-kamay kasama sa pamamahala ng

pamilya. Karaniwang siya ang ingat-yaman sa pamilya at

siyang nag-aasikaso sa halos lahat ng mga gawaing-bahay.

Kaya inaasahang siya ang nagbibigay ng mabuting pag-

aasikaso sa lahat ng mga kasapi lalo na sa maliliit na bata.

Siya ang gumagawa ng halos lahat ng pagpapasiya tungkol

sa ga pangangailangan ng mag-anak sa tahanan. Siya rin

ay tagapayo ng mag-anak. Kung kinakailangan, tumutulong

siya sa paghahanapbuhay ng ama.

Del Rosario Christian Institute Inc.


Ang mga anak na lalaki ang gumagawa ng mga

mabibigat na gawaing-bahay. Sila ang gumagawa ng mga

gawaing kailangan sa labas ng tahanan. Gumagawa din sila

ng simpleng pagkukumpuni ng kasangkapan at kagamitan sa

bahay at tumutulong sa mga gawain ng ama kung sila ay

walang pasok sa paaralan.

Ang mga anak na babae ay tumutulong sa ina sa mga

gawaing-bahay. Nag-aasikaso sila ng mga panauhin at

kaibigang dumadalaw sa tahanan. Sila rin ang tagapag-

alaga ng mga nakababatang kapatid.

Gawin Natin
A. Basahin at iyong tutukuyin kung sinu-sino sa mga kasapi ng

mag-anak ang may tungkuling gampanan ang gawaing

kinakailangan sa bawat sitwasyon. Bigyan ng katwiran ang

iyong sagot.

_____________ 1. May sira ang bubungan ng bahay.

Kailangan itong kumpunihin.

_____________ 2. Marumi na ang punda ng mga unan.

Ganoon din ang kubrekama at mga kurtina sa silid. Kailangan

itong palitan at labhan.

_____________ 3. Mataas na at maraming sanga ang

punong mangga. Maaaring maputol nito ang linya ng

kuryente at telepono. Kailangang ipagbigay-alam ito sa mga

kinauukulan upang maputol.

_____________ 4. May ginagawa sa kusina si Nanay kayat

di niya mabantayan si Baby. Malikot pa naman ito at mahilig

umakyat sa mga silya.

_____________ 5. Namamalantsa ang Ate. Maraming

pinggan at mesa sa lababo na kailangang hugasan.

Del Rosario Christian Institute Inc.


_____________ 6. Iskabetseng lapulapu ang lulutuin para

sa pananghalian. Kailangang linisin ang isda at hiwain ang

sibuyas, kamatis, bawang at luya.

_____________ 7. Kinukumpuni ng tatay at kuya ang

kulungan ng manok. Pawisan sila at pagod. Si Tatay ay

mahilig uminum ng kape kahit mainit. Pampalakas ito sa

kanya. Ang hilig naman ni Kuya ay malamig na juice. Kailngan

nilang dalawa ito.

_____________ 8. Kulang ang kinikita ng ama sa mga

pangangailangan ng mag-anak. Naisipan nilang magtayo ng

isang negosyo. Magtatayo sila ng tindahang sarisari.

Kailangan ang magbabantay dito.

_____________ 9. Tuwing Linggo, si Lola ay nagsisimba.

May kalabuan na ang kanyang paningin at mabagal siyang

kumilos. Kailangan niyang may kasama sa paglalakad.

_____________ 10. May gulayan sa likod-bahay si Mang

Kanor. Kailangan na niyang ilipat ang mga punla sa kamang

taniman. Kailangan niya ng katulong sa paghahanda ng mga

butas na paglalagyan ng punla.

Nagawa Ko Ba?
Kasiyahan ang dulot ng mga anak sa isang tahanan.

Lahat ng pinaghihirapan ng isang magulang ay para sa anak

at mga pangangailangan nitong materyal, emosyonal at

moral. Dahil dito tungkulin ng mga anak ang suklian ito ng

pagmamahal at paggalang. Ginagawa mo ba ang mga ito?

Paano? Bilugan ang bilang ng iyong sagot.

1. Pagbibigay-galang sa lahat ng pagkakataon

2. Pagsunod sa mga utos nang maluwag sa loob

Del Rosario Christian Institute Inc.


3. Pagpapakilala sa kanila sa mga kaibigan

4. Pagtulong sa mga gawaing-bahay

5. Pakikiisa sa mga kapatid at pag-iwas sa pakikipag-away

6. Pagkukuwento ng mga nangyari sa maghapon sa kanila

7. Pag-alaala at pagbati sa mga mahahalagang okasyon ng

kanilang buhay tulad ng kaarawan, anibersaryo at iba pa

8. Pagsunod sa mga tuntunin sa bahay lalo na sa paggamit

ng telepono, radyo, stereo at iba pa

9. Pagsasabi ng tamang lugar na papasyalan at

pagpapaalam bago umalis

10. Pakikipag-usap sa mababang tono, di-paangil o pasigaw

Del Rosario Christian Institute Inc.


Aralin 4: Pangangasiwa sa mga
Gawaing Pantahanan
Inaasahan kong....
Maisagawa ang pangangasiwa sa mga gawaing

pantahanan.

- Matalakay ang mga salik na dapat isaalang-alang sa

mabisang pangangasiwa ng mga gawaing pantahanan.

- Makagawa ng talatakdaan ng mga gawaing pantahanan.

- Makasunod sa mga panuntunang pangkalusugan at

pangkaligtasan sa paggawa.

- Makasunod sa talatakdaan ng mga gawain sa maayos at

matipid na pangangasiwa ng mga gawaing pantahanan.

- Mailapat ang mga hakbang sa mahusay na pangangasiwa

sa mga gawaing pantahanan.

Simula Natin
Kaya Ko Ito
Anak: Inay, meron po akong gawaing-bahay sa asignaturang
EPP ngunit hindi ko po maintindihan.

Ina: Tungkol ba saan ang iyong homework, Anak?


Anak: Tungkol po sa pangangasiwa sa mga gawaing

pantahanan. Napapansin ko po na maghapon kayong

nagtatrabaho sa bahay, ngunit hindi kayo mukhang pagod at

lahat ay nagagampanan ninyo.

Ina: Anak, lahat ng gawain ay dapat may sistema. Halika,

maupo tayo at ipaliliwanag ko sa iyo.

Del Rosario Christian Institute Inc.


Tingnan mo ang mga larawang ito. Dapat ay malaman mo

ang mga salik tungo sa mabisang pangangasiwa ng mga

gawaing pantahanan.

Anak: Ano po ba ang ibig sabihin ng salik?


Ina: Ang salik ay mga sangkap na dapat mong isaalang-

alang sa pangangasiwa ng mga gawain sa tahanan.

Maraming bagay ang ipinaliliwanag ng ina sa kanyang anak.

Sa dakong huli, tinanong ng ina ang anak.

Ina: Makakaya mo kayang gampanan ang pamamahala sa

tahanan pagdating ng panahon.

Anak: Aba, kung magsisimula na poako ngayon, walang

duda, kaya ko ito.

Talakayin Natin
Ang pangangasiwa sa tahanan ay bahagi sa pamumuhay

ng mag-anak. Ang uri ng pamumuhay mayroon ang isang

pamilya ay ayon sa mahusay at mabisang pamamalakad ng

tahanan. Ang ina ay siyang tinaguriang tagapamahala sa

lahat ng gawaing may kinalaman sa loob ng tahanan. Siya

ang tumitingin kung ang lahat ng gawain ay maayos na

natatapos sa tamang panahon. Bawat kasapi ng mag-anak

ay kabilang sa pangangasiwa ng tahanan at kailangang

magampanan nila ang mga gawaing maibigay sa kanya.

Mga Salik na Dapat Isaalang-alang sa Mabisang


Pangangasiwa sa mga Gawaing Pantahanan.
Dami ng mga Gawain
Ang mga gawain sa tahanan ay napakarami kung tutuusin.

Ito ay nangangailangan nang mahusay na pangangasiwa sa

Del Rosario Christian Institute Inc.


pamamagitan ng pagsasalit-salit ng mga mabibigay sa

magagaang mga gawain. Ang mahabang pagpaplano sa

mga gagawin ay makatutulong upang magawa ang mga ito

nang maayos at hindi gaanong mararamdaman ang pagod.

Pagkakasunod-sunod ng mga Gawain


Makatitipid ng oras, kilos at lakas kung mahusay ang

pagkakaayos o pagkakasunud-sunod ng mga gawain. Ang

mga gawaing maaaring pagsabya-sabayin o pagsunud-

sunurin ay naisasagawa upang madaling matapos ang mga

gawain. Habang nagluluto ay maaarin kang maghugas,

maglinis o mag-ayos ng mesa.

Del Rosario Christian Institute Inc.

You might also like