You are on page 1of 42

HOME ECONOMICS

Matatalakay :
• Tungkulin sa sarili

• 2. Pangangalaga sa kasuotan

• 3. Pagpapanatili ng maayos na tindig

• 4. Pagsasaayos ng tahanan at paglikha ng mga kagamitang pambahay

• 5. Pagluluto ng masustansiyang pagkain


Tungkulin sa sarili
sa panahon ng pagdadalaga at
pagbibinata
• Edad ng Pagdadalaga at Pagbibinata
• Ang pagdadalaga at pagbibinata ay isa sa pinakamasaya
ngunit sa iba’y nakakatakot na pangyayari sa buhay ng bawat
tao. Nangyayari ang mga pagbabago sa katawan ng isang tao
sa pagitan ng sampu (10) hanggang labing-anim (16) na taong
gulang.
• Puberty Stage
• • Ang isang yugto ng buhay na may maraming nagaganap na
pagbabago ay ang panahon ng pagdadalaga at pagbibinata o
ang puberty stage. Ito’y mula 10-16 na taong gulang.
• Ito ang panahon na dapat makita at
makilalaang ibat ibang bahagi ng katawan
upang lubusang mapahalgahan ang mga
ito. Isang normal na pangyayari sa nag
dadalaga o nagbibinata na mararamdaman
ang ibat ibang pagbabago na hindi dapat
ikahiya
Ilan sa mga Pisikal na pagbabagong nagaganap sa
nagdadalaga.
• Paglapad ng balakang
• Paglaki ng ari
• Pagtubo ng buhok sa ibabaw ng ari at kili kili
• Pag umbok ng dibdib
• Pagkakaroon ng tigyawat
• Pagkinis at paglambot ng kutis
• Pagkakaroon ng regla buwan buwan
Pagpapanatiling Malinis at Maayos sa Panahon ng
Pagreregla
• Maligo araw araw.
• 2. Ugaliin na linisin ang iba pang bahagi ng katawan tulad ng
ngipin, kuko, tainga, kilikili, singit, at tuhod.
• 3. Magpalit ng pasador tuwing ikatlo o ika-apat na oras o kung
kinakailangan.
• 4. Gumamit ng deodorant, tawas o kalamansi sa kilikili at singit
upang makabawas ng amoy ng katawan.
• Magpalit ng damit at panty bago matulog.
• 7. Kumain ng masustansiyang pagkain at uminom ng sariwang
katas ng prutas. 8. Mag-ehersisyo rin nang wasto, makakatulong
ito sa maayos na pagdaloy ng regla.
Ilan sa mga Pisikal na pagbabagong
nagaganap sa nagbibinata
• Paglawak ng balikat at dibdib ng lalaki
• Pagunlad ng kalamnan
• Pagkakaroon ng adam’s apple
• Pagtubo ng buhok sa ibabaw ng ari at kili kili
• Pagbilis na pagtaas at pagbigat ng timbang
• Pagtubo ng bigote at buhok sa mga binti at
dibdib
• Pagbabago ng boses minsan ay bumababa at
pumipiyok
Wastong pag uugali
Ang pag babagong pisikal ay nag hahatid ng ibat ibang epekto sa
sarili ng mga tinedyer na babae’t lalaki. Tulad ng nabnggit sa
umpisas ng aralin, mahalaga na maunawaan ang pagkakaiba ng
bawat isa.
Wastong pag uugali
May iba na hindi sasapat ang pang unawa at humahantong sa
panunukso ng ibang bata. Kung ikaw ay biktima ng panunukso o
may kilala kang tinutukso dahil sa kakaibang pag babago sa
katawan, maaring kausapin, paliwanagan ang nanunukso o
iwasan ang mga ito. Kung labis na ang panunukso, kausapin ang
magulang o guro tungkol dito.
Tandaan
Ang mga pagbabagong nagaganap sa mga
nagdadalaga at nagbibinata ay may epekto sa
katawan, pag iisip, pag uugali, damdamin at
pakikitungo sa kapwa.

Kailangan pahalagahan at pangalagaan ng


wasto ang sarili sa panahon n pag dadalaga
at pagbibinata.
Pangangalaga sa kasuotan
Ang pangagalaga ng kasuotang ay hindi
mahirap na gawain. Ang kailangan lamang
ay pagsasanay at pagsisikap sa mga gawaing
dapat gampanan. Isa ito sa tungkuling dapat
pag aralan at gampanan ng batang nasa
edad 10-14.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga
kasuotan:

PAG AALIS NG MANTSA


Mainam na tanggalin kaagad
ang mantsa sa damit habang
ito ay sariwa pa at upang
hindi mahirapan sa
patanggal. Mas malinis at
kaaya ayang tignan ang
damit na walang mantsa.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga
kasuotan:

paglalaba
Ginagawa ito sa mga kasuotan
upang maiwasan ang di kanais
nais na amoy, mawala ang
dumi, pawis at alikabok na
kumakapit dito gamit ang
sabon at tubig. Bindi madaling
masira ang mga damit kapag
nilalabhan ng maayos.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga
kasuotan:

.
Pamamalantsa
Hindi kaaya ayang tignan ang
damit na gusot gusot kaya
nararapat itong plantsahin upang
maibalik ang dating hugis at ayos
nito.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga
kasuotan:

Pagsusulsi
Ang may punit na damit ay
dapat sulsihan kaagad upang
hindi limaki ang sia at
magamit pa ito ng mahabang
panahon. Maaring gai ito sa
pamamagitan ng makina o di
kaya’y pagsusulsi gamit ang
kamay.
Mga paraan upang mapanatiling
malinis ang mga kasuotan:

Pag tatagpi
Ito ay isinasagawa kapag ang
damit ay may butas .
Tinatakpan nito ang
bahaging may butas sa
pamamagitan ng pagtatagpi
gamit ang isang kapirasong
tela.
Pagtutupi
Higit na mapapangalagaan
ang mga damit kung ito ay
maayos na nakatupi ayon sa
kulay at gamit nito at may
maayos na lalagyan tulad ng
kabinet aparador o malinis na
kahon.
Mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga
kasuotan:

• Kailangang pahanginan ang mga damit na basa


ng pawis.

• Huwag umupo agad sa mga upuan. Punasan


muna bago umupo o maari ding lagyan muna
ng sapin.
Tandaan
• Ang batang malinis at maayos ang kasuotan ay
hinahangaan.
• Ang kaalaman sa wastong pangangalaga ng
kasuotan at pagkukusang gawin ang mga ito ay
tanda ng pakakaroon ng disiplina at pagiging
masinop.
• Isa sa mga tungkuling dapat gampanan ng batang
nasa edad mo ay ang pangangalaga ng kasuotan.
Pagpapanatili ng maayos na tindig
• Isa sa mga unang napapansin natin sa isang tao ay kung
maayos o hindi ang tindig nito. Isa itong tanda ng isang taong
may tiwala sa sarili o wala. Bukod dito, una ring napapansin
ang iyong kasuotan at kung ito ay malinis, maayos, at angkop
sa okasyon. Tanda naman ito ng pagkakaroon ng respeto sa
kasamahan at sa lugar na dadaluhan.Mahalaga sa isang
nagbibinata at nagdadalaga ang magkaroon ng kaaya-ayang
personalidad.
Ang maganda at kaaya- ayang tindig at galaw ay
nakukuha sa pamamagitan ng sumusunod na gawain:
• Pagkain ng masustansiyang pagkain.
• Pagtulog nang maaga at walong oras sa isang araw.
• Mag-ehersisyo ng regular.
• Tamang pag-upo. Tamang pagtayo
May ipinahihiwatig din itong dahilan upang dapat na isagawa
palagi_ito ay nakakabuti sa kalusugan. Ilan sa mga ito ay napagagaan,
napapadali ang maayos na paghinga, pinapataas ang kakayahang
mag-isip nang malalim(konsentrasyon),pinalalakas at pinatitibay ang
sarili, at higit sa lahat naiiwasan ang mga sakit gaya ng pananakit ng
likod, slippeddisc, at mahinang sirkulasyon ng dugo.
Pagsasaayos ng tahanan at paglikha ng mga
kagamitang pambahay
• Ano ang mga gawain na dapat gawin sa tahanan
• ano ang mga angkop na kagamitan sa pag aayos ng tahanan.
• At ano ano ang mga pamamaraan na dapat gawin.
pagtutulongan Pag kakaisa
Pang araw-araw
• Pagluluto
• Pagwawalis
• Pagliligpit ng higaan
• Paglilinis ng bakuran
• Pagliligpit at pag huhugas ng pinagkainan
• Paglilinis ng bahay
• Pagtatapon ng basura
• Pagdidilig ng halaman
Pang linguhan
• Paglalaba
• Pamamalantsa
• Pagpapalit ng punda at kubrakama
Buwanan o paminsan minsan
• Pagpapalit ng kurtina
• Pag aagiw ng kesamipaglilinis ng bentador
• Pag aayos ng mga damit sa cabinet
• Paggupit ng damo sa bakuran
• Pag putol ng mga sanga sa bakuran.
talatakdaan
• ito ay isang iskedyul ng gwain na
sinusunod ng buong pamilya.
Kagamitan sa paglilinis
• Bunot
Panlinis at panpakintab ng sahig
• Mop
Ginagamit na pamunas sa sahig
• Walis tambo
Panlinis sa sahig at sa patag na mga ibabaw na
kasangkapan.
• Walis tingting
Panlinis sa hindi pantay-pantay at bako-bakong
ibabaw gaya ng garaheat bakuran; pantanggal
ng agiw sa kisame at mataas na dingding
• Dustpan
Pandakot ng dumi at basura.
Kagamitan sa pagkukumpuni
• Screw driver
pagkabit at pagtanggal ng tornilyo
• martilyo
pampokpok o pambunot ng martilyo
• Plais
paghawak sa maliliit na bagay o
pambaluktot o kaya’y pamputol ng alambre
• Lagare
pamputol ng kahoy at bakal
• Gunting
paggupit at pantabas
Paglikha ng kagamitan
• Maaro tayong lumikha ng kagamitan na pwede nating gamitin sa
ating tahanan sa tulong ng ating mga magulang katulad ng:
• Table napkin
• Ito ay ginagamit sa tuwing tayo ay kumakain pwede itong pamunas
ng bunganga o kamay.

Kagamitan:
Hindi na nagagamit na tela o hindi pa nagagamit.
Karayom
Sinulid
Makina kung merong makina ang magulang
Pagluluto ng masustansiyang pagkain
• Ang pagkaing pinaghandaang mabuti ay mag dudulot ng mga
sustansyang kailangan ng bawat kasapi ng mag-anak
• Masustansya mura masarap at angkop na pagkain ang dapat
ihanda sa iba’t ibang okasyon.
• Ito ay mabisang paraan din para makatipid sa lakad.
• Ang wasto at matalinong pamimili ay isinasaisip na mabuti ang
mga hakbang na isinasagawa bago mamili upang masiguro na
mura , masustansya at sariwa ang mga sagkap.
Mga ilang mungkahi na maaaring makatulong sa
inyong pamimili sa palengke:
• Ihanda ang talaan o listahan ng mga bibilhin. Ang listahan ng
bibilhinay depende sa planong lulutoin sa loob ng isang araw o
linggo. Isaalang alang ang dami, paggagamitan, at tinatayang
halaga ng bawat isa upang walang makaligtaan.
• Tiyakin na ang pwesto ng bawat bibilhin, tulad ng karne,
isda,manok, gulay, prutas, mga sangkap upang makatipid sa
lakas at oras ng pamimili.
• Bilhin ang mga pagkaing napapanahon. Tiyak na mura at
sariwa ito.
• Suriing mabuti ang kalidad at halaga ng mga bibilhin. Subuking
ikumpara ang mga produktong bibilhin at isaalang-alang ang
halaga at kalidad nito.
• Pasobrahan ang perang dala. May mga pagkakataon na
tumaas ang mga presyo ng gulay, prutas, isda , karne at iba
pang bilihin.
• Iwasan ang pagmamadali sa pamimili upang walang
makaligtaan.
• Tiyaking tama ang timbang , bilang at uri ng mga panamili.
• Bilanging mabuti ang sukli bago umalis sa tindahan.
• Bilhin ng maramihan ang mga sangkap na ginagamit araw
araw.
• Mag ingat sa mga mandaraya sa rimbangan, sa pagbibilang at
sa pagsusukli.
• Sabihin ang halagang binayad, lalo na kung malaki ito. Bilangin
ang sukli sa harap ng nag abot.
Tandaan ang mga bagay sa pagpili ng sariwang
lulutoin:
• Sa prutas
mabigat ayon sa kanilang laki, walang
hiwa, sugat o butas butas.
• Sa gulay
Malago , matigas o malutong, berde ang
kulay, walang galos, walang sira, o hindi
kinainan ng uod
• Sa isda
Malinaw ang mata, makintab ang kaliskis,
at di kita ang laman, mapula ang hasang at
walang masangsang na amoy.
Tandaan ang mga bagay sa pagpili ng sariwang
lulutoin:
• Sa karne
Dapat walang masangsang na amoy,
walang guhit o mantsang maitim sa
kalamnan, mamula mula at natural ang
kulay, malambot at siksik ang laman.

• Sa manok
Siksik ang laman manilaw nilaw ang taba ,
walang masangsang na amoy, walang
tubig sa pagitan ng laman at balat.
Tandaan
Naisasagawa ang pamamalengke ng mga sangkap sa
pagluluto
• Sa murang edad pa lamang ay mahalagang matutunan ang
wastong pagpaplano at pamimili ng pagkain para sa mag
anak.
• Ang kaalaman sa matalinong pamimili kahit bata pa lamang
ay isang kahigitan sa iba. Hindi ka basta maloloko, hindi din
masasayang ang pera niyo.
• Karapatan mo bilang mamimili ang piliin ang pinaka mahusay
na iyong bibilhin.

You might also like