You are on page 1of 13

HOME ECONOMICS

Aralin 1: TUNGKULIN SA SARILI

Layunin:
1. Nakikilalala ang tungkulin sa sarili.
2. Naisasagawa ang tungkulin sa sarili.
3. Naisasaugali ang mga tungkulin sa sarili ng maayos.

Bilang isang mag-aaral na lumalaki, may mga tungkulin ka sa iyong sarili na dapat mong
gampanan. Kapag ang mga tungkuling ito ay maayos mong isinasagawa, ito ay nagiging bahagi
nang pang araw-araw mong gawain.
Gawain #1
Talakayin ang mga sumusunod. Mapapangalagaan ang ating sarili sa pamamagitan ng;
1. Paliligo araw-araw.
2. Pagpapalit ng malinis na damit at mga damit pang loob araw-araw.
3. Pagkain ng balanced diet.
4. Pagkain nga mga berdeng dahoon ng mga gulay at sariwang prutas.
5. Pagiwas sa pagkain ng junk foods at pag-inom ng softdrinks at iba pang pagkaing
maraming sangkap ng kemikal.
6. Pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
7. Pagtulog ng walo hanggang sampung oras sa loob ng isang araw.
8. Paglalaan ng sapat na oras sa paglalaro o pag eehersisyo.

Aralin 2: MGA KAGAMITAN SA PAGLILINIS AT PAG-AAYOS NG SARILI

Layunin:

1. Nasasabi ang mga kagamitan sa pag-lilinis at pag-aayos ng sarili.


2. Naipakikita ang wastong paraan ng paggamit ng mga kagamitan sa sarili.

Palagi mong isaisip na kailangan mong maging malinis at maayos. May mga kagamitan
na dapat mong gamitin.

Kagamitan para sa Buhok


1. Shampoo - Ito ay nagbibigay ng kaaya-ayang amoy sa ating buhok. Ito rin ang nag-
aalis ng mga kumapit na dumi at alikabok sa ating buhok.
2. Suklay o Hairbrush - Ito ay ginagamit sa pagsusuklay sa buhok upang matanggal ang
buhol-buhol o gusot sa ating buhok.

Kagamitan para sa Kuko


1. Paggupit ng kuko o nailcutter - Ito ay ginagamit sa pagpuputol o paggupit ng kuko sa
kamay at paa. Dapat pantayin ang kuko na ginupit gamit ang nail file o
panliha.
Kagamitan para sa Bibig at sa Ngipin
1. Sipilyo - Ito ay ginagamit kasama ang toothpaste upang linisin at tanggalin ang mga
pagkaing dumidikit o sumisingit sa pagitan ng mga ngipin pagkatapos kumain.

2. Toothpaste - nagpipigil sa pagdami ng mga mikrobyo sa loob ng bibig Pinatitibay nito


ang mga ngipin upang hindi mabulok.
3. Mouthwash - gumagamit nito upang mas lalong makatulong sa pagpapanatili ng
mabangong hininga. Ito rin ay nakakatulong sa pagpupuksa sa
mikrobyong namamatay sa loob sanhi ng mabahong hininga.

Kagamitan para sa Katawan


1. Sabong pampaligo - ito ay nag-aalis ng dumi at libag sa katawan at nag-bibigay ng
malinis na amoy ng buong katawan.

2. Bimpo - ito ay kinukuskos sa buong katawan upang maalis ang libag sa ating buong
katawan.

3. Tuwalya - ito ay ginagamit na pamunas sa buong katawan pagkatapos maligo para


matuyo.
Gawain #1
Tukuyin ang mga sumusunod na mga kagamitan.
1. Ginagamit ito upang maging malinis at matibay ang ngipin. TOOTHPASTE
2. Ginagamit ito sa pag-aayos ng buhok. SUKLAY
3. Pinapanatili nito ang bango at tinatanggal ang mikrobyo sa bibig. MOUTHWASH
4. Pang alis ito ng dumi at mga libag sa katawan.SABONG PAMPALIGO
5. Ginagamit ito pang putol ng mga kuko. NAIL CUTTER

Aralin 3: WASTONG PARAAN NG PAG-AAYOS AT PAGLILINIS NG SARILI

Layunin:
1. Naipakikita ang wastong pamamaraan ng paglilinis at pag-aayos sa sarili.
2. Nasusunod ang iskedyul ng paglilinis at pag-aayos sa sarili.

May kasabihan tayo na ang Kalusugan ay Kayamanan”. Mapapanatili nating malusog


ang ating katawan kung tayo ay naliligo, nagsusuklay ng buhok, nagsisipilyo ng ngipin at
gagawin ang iba pang gawaing pangkalusugan araw-araw.

PAGLIGO
Dapat ugaliing maligo araw-araw para manatili tayong malinis. Gumamit ng sabon sa
buong katawan. Gumamit ng shampoo na akma sa klase ng buhok mo. Bago matulog sa gabi
ugaliin ding maglinis ng katawan upang maging presko ang katawan.

PAGSISIPILYO NG NGIPIN

Ang pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain ay makakatulong ng malaki upang


maiwasang masira o mabulok ang mga ito. Ang bulok na ngipin ay nagiging sanhi ng mabahong
amoy sa bibig. Gumamit ng toothpaste na may fluoride na angkop para sa mga bata.
Ugaliing magsipilyo ng ngipin sa umaga, tanghali at gabi pagkatapos kumain. Ang dila ta
ngalangala ay daoat sipilyuhin.

WASTONG PANGANGALAGA NG KUKO

Mahalagang panatilihing malinis ang mga kuko sa paa at kamay. Iwasang isubo ang
mga daliri sa bibig lalo nakung marumi ang kuko.
Gupitin ang kuko sap aa at kamay isang beses sa loob ng isang linggo. Gumamit ng
nailcutter.

Gawain #2
Sa isang malinis na papel o sa iyong kwaderno, isulat kung anu-ano ang mga ginagawa
mong mga paraan ng paglilinis at pagaayos ng iyong sarili. Lagyan ng tsek (√) sa bawat araw
na ito ay iyong ginagawa.

GAWAIN Lunes Martes Miyekules Huwebes Biernes Sabado Linggo


Pagligo / / / / / / /
Pag gupit ng kuko / / / /
Pagsusuklay / / / / / / /
Pagsisipilyo / / / / / / /
Pagpapalit ng damit / / / / / / /
Pag huhugas ng kamay / / / / / / /
Pagkain ng masusustansiya / / / / / / /
Paglilinis ng tenga / / / /
Paglilinis ng ilong / / / / / / /
PAglilinis ng katawan bago / / / / / / /
matulog

Aralin 4: PAG-AALAGA NG SARILING KASUOTAN

Layunin:
1. Napapangalagaan ang sariling kasuotan.
2. Naiisa-isa ang mga pamamaraan ng pagpapanatiling malinis ng mga kasuotan tulad
halimbawa ng; mag-ingat sa pag-upo, pag-suot ng tamang kasuotan sa paglalaro at iba
pa.

May mga iba’t-ibang kasuotan tayong ginagamit sa iba’t-ibang pagkakataon. Ang damit
na pambahay ay dapat maluwag at malambot para malayang nakakagalaw ang may suot nito.
Karaniwang gawa ito sa malambot na tela. Mahalagang pangalagaan ang iyong mga kasuotan.
Dapat manatiling maayos at malinis ang mga ito tuwing kailangan itong gamitin.

Mga wastong paraan ng pangangalaga ng kasuotan


1. Ingatan ang palda ng uniform o ano mang damit na may pleats. Huwag ito hayaang
magusot sa pag-upo.
2. Huwag umupo sa kung saan saang lugar nang hindi marumihan ang damit o pantalon.
Siguraduhing malinis ang lugar na uupuan.
3. Kapag namantsahan o narumihan ang damit, labhan ito agad para madaling matanggal
at hindi gaanong kumapit ang dumi at mantsa sa damit.
4. Gumamit ng bleach para tanggalin ang dumi at mantsa. Gamitin ang naaayon na kulay
sa damit. May mga chlorox para sa puti at bleach para sa may kulay.
5. Ugaliing magsuot ng tamang damit pantulog tulad na pajama, daster at shorts. Dapat
mga maluluwag na damit ang pantulog upang ito ay maginhawa sa pakiramdam.
6. Kapag natastas ang laylayan ng damit, tahiin ito kaagad pag-uwi sa bahay upang hindi
ito lumaki.
7. Alagaan ang mga damit at iba pang gamit sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ito sa
tamang lalagyan.
Gawain #1
Magtala ng iba’t-ibang paraan ng pangangalaga sa pansariling kasuotan. Isulat sa isang
malinis na papel o sa kwaderno.
1. Ingatan ang palda ng uniform o ano mang damit na may pleats. Huwag ito hayaang
magusot sap ag upo.
2. Huwag hayaang umupo sa kung saang-saan lugar nang hindi madumihan ang damit o
pantalon.
3. Kapag namantsahan o narumihan agng damit, labhan ito agad para madaling
matanggal at hindi kumapit nag gaano ang dumi
4. Gumamit ng bleach pero naaayon sa kulay ng damit para hindi mag iba ng kulay.
Chlorine/ zonrox para sa puti at bleach sa may kulay
5. Upang matgsuot ng tamang damit ng naaayon sa dapat puntahan.

Gawain #2
Gawin at Sagutin ang mga sumusunod:
1. Pag-uwi mo sa bahay, tingnan mo ang iyong mga sariling kagamitan.
2. Gumawa ng teklist tulad ng nasa ibaba.
3. Palagdaan ito sa iyong magulang.

KAGAMITAN INAAYOS DI INAAYOS


1.Mga damit /
2.Mga sapatos /
3.Mga maruruming damit /
4.Mga nilabhan maruruming /
damit
5.Mga personal na kagamitan /
tulad ng suklay, bag, at iba
pa
6.
7.
8.
9.
10.

Para sa guro ng EPP ng anak ko,

Ito ay nagpapatunay na ginawa ng aking anak ang isinasaad sa tseklist sa taas.

___________________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang
Aralin 5: MGA KAGAMITAN SA PANANAHI SA KAMAY

Layunin:
1. Nakikilala ang mga kagamitan sa pananahi sa kamay.
2. Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahing pangkamay.

Mahalaga na matutunan ang iba’t-ibang kagamitan sa pagtatahi gamit ang kamay at


kung paano ito gagamitin. Upang maayos ang mga damit mong napunit, kailangan mo munang
alamin ang mga dapat mong gamitin at kung paano ginagawa ang mga ito.
Mga Gamit sa Pananahi

 Medida - bago gupitin ang telang tatahiin dapat sukatin muna ito gamit ang medida
upang maging akma ang sukat nito.
 Gunting - gumamit ng angkop at matalas na gunting sa telang itatapal sa damit na punit
o damit na susulsihan.
 Karayom at Sinulid - kapag ikaw ay nagtatahi lalo na sa matigas na tela, gumamit ng
didal. Ito ay isinusuot sa gitnang daliri ng kamay upang itulak ang karayom sa pagtatahi.
Sa ganitong paraan maiiwasan matusok ng karayom ang mga daliri.
 Pin Cushion – matapos gamitin ang mga karayom sa pagtatahi, mainam na ito ay
itusok o ilagay sa pin cushion.
 Emery Bag - kapag hindi ginagamit ang karayom, itusok sa emery bag para hindi
kalawangin.

Gawain #1
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela. B
a. Medida
b. Didal
c. Gunting
d. Emery bag

2. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi kalawangin. C
a. Sewing box
b. Pin cushion
c. Emery bag
d. Didal
3. Ginagamit ito sa paggupit ng tela. C
a. Medida
b. Didal
c. Gunting
d. Emery bag
4. Upang hindi matusok ang iyong daliri sa pananahi, ito ang inilalagay sa gitnang daliri. B
a. Medida
b. Didal
c. Gunting
d. Pin cushion

5. Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi. A


a. Karayom at sinulid
b. Didal at medida
c. Gunting at lapis
d. Emery bag at didal

Aralin 6: PAGPAPANATILING MAAYOS ANG SARILING TINDIG

Layunin:
1. Napapanatiling maayos ang sariling tindig sa pamamagitan ng tamang pag-upo at
pag lakad.
2. Naisasagawa ang mga gawain na nagpapanatili ng maayos na tindig.

Ang bawat kabataang katulad ninyo ay nais maging kaaya-aya ang personalidad. Ito ay
makikita sa magandang tindig at amlusog na pangangatawan. Kung malusog ang
pangangatawan sumasabay rito ang magandang pananaw sa buhay.
Ang maganda at kaaya-ayang tindig at galaw ay ankukuha sa pamamagitan ng
sumusunod na gawain.

1. Pagkain ng masusustansiyang pagkain. Kailangan kumain ng iba’t-ibang uri ng pagkain


na magbibigay ng protina, carbohydrates, fats, bitamina, mineral at iba pang nutrients
upang maging malusog.
2. Pagtulog ng maaga at walong oras sa isang araw. Ang isang bata ay kailangan matulog
nang maaga at mahabang oras. Ito ay kailangan sa kanilang paglaki.
3. Mag ehersisyo ng regular. Isang pangkalusugang gawi na kailangan gawin ng isang
bata ang palagiang pag-eehersisyo. Nakabubuti ito sa postura/tikas at tindig ng isang
tao.
4. Tamang pag-upo at pagtayo.
Dapat ang likod ay nakalapat sa sandalan ng upuan kapag nakaupo. Kapag nakatayo
naman ay dapat na diretso ang katawan upang hindi hukot tingnan.
5. Upang masanay ang katawan kailangang parating tuwid ang paglakad upang ang
postura / tikas at tindig ay lagging kaaya-aya.
Gawain #1
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:
1. Ano-ano ang Grow, Go at Glow Foods?

 Go Foods

Ito ang mga pagkaing nagbibigay ng lakas init at sigla, ang mga. Ang
sustansyang nakukuha sa pagkain ng Go Foods masagana ang mga pagkain
ito sa carbohydrates ang ilang halimbawa nito ay ang pasta, grains, cereals,
bread, crackers at iba pa.

 Grow Foods

Ito ay ang mga pagkaing tumutulong sa paglaki ng katawan. Ang mga


pagkain sa pangkat na ito ay mayaman sa protina na siyang tumutulong sa
paghubog ng katawan paglaki ng mga kalamnan at at gayun din sa paglakas
ng buto. Ang Protina din ang nagpapapula ng dugo at nagpapatibay ng mga
ngipin ang pagkain ng grow foods ay nakakatulong din sa pagpapanumbalik
ng lakas ng katawan kung ikaw ay galing sa sakit ang mga halimbawa ng
pagkaing ito ay karne, gatas, keso, itlog at iba pa.

 Glow Foods

ito ang mga pagkaing pananggalang sa sakit at impeksyon, Ang mga


halimbawa ng pagkain ito ay ang lahat ng uri ng mga gulay at prutas, Ang
bitamina A, calcium atmIron ay ang mga sustansyang mahalaga upang
magkaroon tayo ng malinaw na mata, makinis na balat at matibay na buto at
ngipin. Ang Bitamina C naman ang kailangan natin upang lumakas ang ating
resistensya upang may pang laban tayo sa ibat-ibang uri ng sakit, gayun din
pinalulusog din nito ang ngipin at gilagid .

2. Ano ang ginagawa ng mga ganitong mga pagkain sa ating katawan?


- Nakakatulong ito sa pag papalakas ng katawan.

3. Bakit kailangang matulog ng hindi bababa sa walong oras sa isang araw?


- Para mapanatili natin ang magandang kalusugan.

4. Ikaw ba ay palagiang nag-eehersisyo? Ano ang naidudulot nito para sa iyong katawan?
- Opo, nakakatulong ito sa pagpapasigla ng katawban.
5. Ang tamang pagtindig at pag-upo ay kailangang makasanayan. Bakit?
- Mahalaga itong maksanayan para tama at maayos ang ating pustura

Gawain #2
Magtala ng mga taong naging kilala sa bansa dahil sa kanilang magandang tindig at
postura / tikas. Ibigay ang katangian na nagpabukod sa iba. Halimbawa:
1. Shamcy Supsup – Nakilala sa kaniyang “tsunami walk”
1. Gary V. “ Mr. Pure Energey”
2. Catriona Gray “ Lava Walk”
3. Anne Curtis “ Shapeshifter”
4. Robin Padilla “ Bad boy”
5. Pilita Corales “ Asia’s Queen Song”

Aralin 7: ANG MABUTING PAG-UUGALI BILANG KASAPI NG MAG-ANAK

Layunin:
1. Naipapakita ang mabuting pag-uugali bilang kasapi ng mag-anak.
2. Nasasabi ang kahalagahan ng pagpapakita ng mabuting pag-uugali bilang kasapi ng
mag-anak.

Nais ng bawat pamilya ang masaya, tahimik at maunlad na pamumuhay. Matatamo


lamang ito kung may mabuting pag-uugali ang bawat kasapi ng mag-anak, at kung may
mabuting pagsasamahan at pagpapahalaga sa isa’t isa ang mga ito. Narito ang mga
halimbawang maaring maipakita ang mabuting pag-uugali sa mga sumusunod.
a. Oras ng pag-uwi pagkatapos ng klase – mahalaga na ipaalam sa magulang at iba
pang kasapi ng mag-anak ang iskedyul ng klase lalong-lalo na ang oras ng simula at
tapos ng klase. Sa ganitong paraan, alam ng mga kasapi ng mag-anak kung anong oras
ang dating mo sa bahay at anong oras ka hihintayin.

b. Uri ng kaibigan na sasamahan – marapat lamang na ang iyong kaibigan ay kakilala ng


mga kasapi ng mag-anak. Mahalaga ito upang pagdating ng panahon ay may
makapagsasabi o mapagtatanungan tungkol sa iyo kung nagkaroon ka ng problema.
Mahalaga rin ito upang malaman ng kasapi ng mag-anak ang uri ng mga kaibigan na
sinasamahan mo.

c. Mga paraan ng pagpapakita ng paggalang – maipapakita ang paggalang sa lahat ng


pagkakataon at pakikitungo sa kapuwa tulad ng mga sumusunod:
 Paggamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga nakakatanda.
 Pagpila sa kantina at sa pagkuha ng tubig
 Buong puso na pagmamalaki at pag-awit nang malakas ng Pambansang Awit.
 Pagmamano sa mga magulang bago umalis at pagdating sa bahay.
 Pag-hihintay ng pagkakataon na magsalita kung may nag-uusap-usap.

d. Pagtupad sa gawaing bahay- ang pagtupad sa mga nakatakda s aiyo na mga gawaing
bahay na mahalaga. Kinakailangang gampanan o sundin ang nakatakda mong Gawain
upang maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa mga kasapi ng mag-anak. Ang hindi
pagtupad nito ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng suliranin ang mag-anak.
Ang pagtupad sa nakatakdang gawaing bahay ay nagdudulot ng kaginhawaan at
mabuting pagsasamahan ng bawat kasapi ng mag-anak.

Gawain #1
Isulat sa kwaderno ang mga pangungusap na nagpapakita ng wastong pag-uugali;
bilang kasapi ng mag-anak:
1. Pagmamano sa magulang pag-alis at pagdating sa bahay.
2. Pagkain ng masustansiyang pagkain.
3. Pagsunod sa mga batas trapiko.
4. Pag-aalaga sa mga nakababatang kapatid.
5. Pagganap ng mga nakaatang na tungkulin sa tahanan.
6. Pagsunod sa mga alituntunin sa tahanan.
7. Pakikipaglaro sa mga kaibigan sa libreng oras.
8. Pagpaparaya sa isa’t isa.
9. Pagbibigay halaga sa bawat kasapi ng pamilya.
10. Paliligo araw-araw.

Gawain #2
Itala sa iyong kwaderno ang tatlong mabubuting pag-uugaling dapat talayin ng kasapi ng
pamilya:
A. Tatay
1. haligi ng tahanan
2. Masipag
3. Mapagmahal

B. Nanay
1. Ilaw ng tahanan
2. Maasikaso
3. Maalaga
Mga Anak
1. Masipag
2. Masunurin
3. Masiyahin

Aralin 8: WASTONG PAGLILINIS NG TAHANAN

Layunin:
1. Naisasagawa ang wastong paglilinis ng bahay.
2. Nagaganit ang wastong kagamitan sa paglilinis ng bahay.

Sinasalamin ng malinis na tahanan ang isang masayang pamilya. Mula sa mga


magulang hanggang sa nakababatang kapatid ay dapat tulong-tulong sa pagpapanatili ng
masinop, maayos at malinis na tahanan.
Kasiya-siyang pagmasdan at ang pakiramdam kapag malinis ang tahanan. Nagdudulot
ito ng kapanatagan sa mga kasapi ng mag-anak. Ang sumusunod ay ilan sa mga paglalarawan
ng malinis na tahanan;
1. Maayos ang pagkakalagay ng mga kagamitan sa loob ng tahanan.
2. Makintab at walang alikabok ang sahig, patiang kagamitan tulad ng mesa, mga
upuan at mga palamuti.
3. Maaliwalas.
4. Mabango ang pakiramdam.
Mga wastong pamamaraan ng paglilinis ng bahay
1. Pagwawalis – gumamit ng walis-tambo sa pagwawalis ng sahig. Dahan-dahan ang
pagwawalis upang hindi lumipad ang alikabok. Simulan sa mga sulok at sa tabi ng mga
silid patungong gitna ang pagwawalis. Gumamit ng pandakot at dakutin agad ang
naipong dumi.

2. Pag-aalis ng alikabook – ang mga kasangkapan ay madaling maalikabukan. Kailangan


punasan ang mga ito araw-araw. Ang lumang damit o lumang kamiseta ay maiinam
gamitin kung ito ay malambot at hindi nag-iiwan ng himulmol. Sa pag-aalikabok,
simulant sa mataas na bahagi ng mga kasangkapan, pababa. Ang mga dekorasyon at
palamuti ay kailangang punasan din.

3. Paglalampaso ng sahig – ang paglalampaso ng sahig na gamit ang mop ay ginagawa


pagkatapos walisan ang sahig. Basain at pigain ang mophead. Ilampaso ito sa sahig sa
pagitan ng muwebles, sa sulok at ilalim ng mesa at cabinet. Kapag marumi na ang
mophead, banlawan sa isang timba na katamtaman ang dami ng tubig o itapat ito sa
gripo at yugyugin hanggang sa maalis ang dumi. Pigain at gamiting muli.
4. Pagbubunot – binubunot ang sahig upang kumintab. Punasan muna ang sahig bago
lagyan ng floorwax. Gawing manipis at pantay-pantay ang paglalagay. Patuyuin muna
ito bago bunutin. Punasan ng tuyong basahan upang lalong kumintab.

Ang paglilinis ng bahay ay karaniwang ginagawa araw-araw. Subalit mayrioon ding mga
gawaing paglilinis na ginagawa nang lingguhan at paminsan-minsan lamang.

Gawain #1
Sa inyong tahanan, ano-ano ang gawaing paglilinis ang ginagawa araw-araw?
Lingguhan? At paminsan-minsan? Gawin ito sa isang malinis na papel or sa iyong kwaderno.

Paglilinis na Ginagawa Araw- Paglilinis na Ginagawa Paglilinis na Ginagawa


araw Paminsan-minsan Paminsan-minsan
Pagwawalis Pag tutupi ng mga damit
Pag-aalis ng alikabok Paglilinis ng palikuran
Paglalampaso ng sahig Pagbubunot ng damo sa
hardin
Paghuhugas ng plato Pagpapalit ng punda, kumot
pagbubunot paglalaba

Gawain #2
Piliin ang wastong karugtong na pangungusap sa loob ng kahon. Isulat ang titik nito sa
patlang.

a. Tuyong basahan
b. Dahan-dahan
c. Timba
d. Sulok
e. Pababa
f. Binubunot

1. Ang mga kasangkapan ay madaling maaalikabukan. Kailangang punasan ang mga ito
ng ________araw-araw. A
2. Ang sahig ay ________upang kumintab. F
3. Ang pagwawalis ng sahig ay ginagawa nang _______ upang hindi lumipad ang alikabok.
B
4. Sa pag-aalikabok, simulant sa mataas na bahagi ng mga kasangkapan __________. E
5. Ang pagwawalis sa sahig ay sinisimulan sa mga _________ patungo sa gitna. D
Gawain #2
Magtala ng limang gawain ng paglilinis sa inyong tahanan, at ibahagi ito sa mga kaklase
sa susunod na araw.
1. PAGWAWALIS NG SAHIG
2. PAG-AALIS NG ALIKABOK
3. PAGLILIGPIT NGT KALAT
4. PAG BUBUNOT
5. PAG PUNAS SA BINTANA

You might also like