You are on page 1of 3

1. I. LAYUNIN: 1. Nasasabi ang mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili 2.

Naipakikita ang
wastong paraan ng pagga - mit ng mga kagamitan sa paglilinis at pag- aayos sa sarili II. PAKSANG ARALIN:
Paksa: Mga Kagamitan sa Paglilinis at Pag- aayos ng Sarili Sanggunian: Curriculum Guide 2013–EPPHE –
Oa-1Kagamitan: Iba’t ibang pansariling kagamitan tulad ng suklay, nailcutter, sipilyo, bimpo, tuwalya, at
iba pa.

2. PANIMULANG PAGTATAYA: Ibigay ito sa mag-aaral. Ipasuri ang mga nasa larawan. Pabilugan ang
wastong letra kung saan ito ginagamit. 1. a. kuko b. buhok c. ngipin d. talampakan 2. a. ngipin b. ulo c.
buhok d. kuko 3. a. katawan b. buhok c. kili-kili d. ilong

3. PAGGANYAK Ipasuri sa mag-aaral ang kanilang sarili bago pumasok ng paaralan at tanungin: Ano-
anong paghahanda sa sarili ang ginagawa mo?

4. Tingnan at suriing mabuti ang mga kagamitan sa paglilinis ng katawan na nasa larawan. Alin sa mga ito
ang ginagamit mo araw-araw? Alin ang ginagamit mong isang beses sa isang linggo?

5. Palagi mong isaisip na kailangan mong maging malinis at maayos. May mga kagamitan na dapat mong
gamitin para sa iyong sarili lamang at may mga kagamitang maaari ring gamitin ng iba pang kasapi ng
pamilya.

6. May mga akmang kagamitan sa paglilinis at pag–aayos sa sarili. Suriin at pag-aralan ang wastong
paggamit sa sumusunod na larawan.

7. Shampoo – ito ay nagbibigay ng kaaya-ayang amoy sa ating buhok. Ito rin ang nag-aalis ng mga
kumapit na dumi at alika- bok sa ating buhok.

8. Suklay o hairbrush – ito ay ginagamit sa pagsusuklay ng buhok upang matanggal ang mga buhol-buhol
o gusot sa ating buhok.

9. Panggupit ng kuko o nail - cutter – ito ay ginagamit sa pagpuputol o paggugupit ng kuko sa kamay at
paa. Dapat pantayin ang kuko na ginupit gamit ang nail file o panliha.

10. Sipilyo – ito ay ginagamit kasama ang toothpaste upang linisin at tanggalin ang mga pagkaing dumi -
dikit o sumisingit sa pagitan ng mga ngipin pagkatapos kumain. Toothpaste- ay nagpipigil sa pagdami ng
mikrobyo sa loob ng bibig. Pinatitibay nito ang mga ngipin upang hindi ito mabulok.

11. Sa pagmumumog dapat guma- mit rin ng mouthwash upang lalong makatulong sa pagpapa- natili ng
mabangong hininga. Ito rin ay nakatutulong sa pag- pupuksa sa mga mikrobyong namamahay sa loob ng
bibig sanhi ng mabahong hininga.

12. Sabong pampaligo – ito ay nag- aalis ng dumi at libag sa katawan at nagbibigay ng mabango at
malinis na amoy sa buong katawan. Bimpo – ito ay ikinukuskos sa buong katawan upang maalis ang libag
sa ating buong katawan.

13. Tuwalya – ito ay ginagamit na pamunas sa buong katawan pagkatapos maligo para matuyo.
14. PAGLALAHAT Upang mapanatiling malinis at maayos ang sarili, dapat gu - mamit ng iba’t ibang
pansari- ling kagamitan tulad ng suklay, nailcutter, sipilyo, bimpo, tuwalya, atbp.

15. Hanay B a. Ginagamit ito upang maging malinis at matibay ang ngipin. b. Ginagamit ito sa pag-aayos
ng buhok. c. Pinapanatili nito ang bango at tinatanggal ang mikrobyo sa bibig. d. Pang-alis ito ng libag at
iba pang dumi sa katawan. e. Ginagamit ito bilang pamputol ng kuko.

16. II. Sagutin ang mga tanong: 1. Bakit dapat ugaliing maging maayos palagi ang ating sarili?(2 puntos)
2. Ano ang magandang maidudulot nito sa ating katawan?(3 puntos)

17. Gumupit ng mga larawan ng iyong pansariling kagamitan at idikit ito sa bond paper. Sabihin kung
paano mo gagamitin ang mga ito upang mapanatiling malinis at maayos ang iyong sarili. Ilagay ang mga
ito sa isang folder.
EPP IVJuly 4- LunesTUNGKULIN SA SARILII. Layunin:1. Naisasagawa nang wasto ang mga tungkulin sa
sarili2. Naisasaugali nang maayos ang mga tungkulin sa sariliII. Paksang Aralin:Paksa:Mga tungkuli sa
sariliSangggunian:K to 12 Curriculum Guide 2013-EPP4HE Umunlad sa Paggawa 4:Batayang Aklat sa
Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan Chona D. Castano,PhdKagamitan:tsart ng wastong
pagsasagawa ng mga tungkulin sa pagaayos sa sariliIII. Panimulang Pagtataya:Ipasagot sa mga mag-aaral
ang sumusunod na tanong:1. Ano ang dapat mong gawin paggising sa umaga?a. Buksan agad ang TV at
manood ng paborito mong palabas.b. Kunin iyong laruan.c. Maligo, magsipilyo ng ngipin, at magbihis ng
malinis na damit.d. Umupo sa isang tabi at panoorin si nanay habang gumagawaIV. Pamamaraan:A.
Pagganyak Tumawag ng isang mag-aaral namalinis at patuyuin sa harapan ng klase.Itanong ang mga
sumusunod:1. Ano-ano ang dapat mong gawin upang mapanatiling maayos at malinis ang iyong sarili?2.
Sa ilang pangungusap, paano mo ilalarawan ang iyong kamag-aralB. PaglalahadBago pumasok sa
paaralan, ano-anong paghahanda sa sarili ang ginagawa moPaano mo isinasagawa ang mga
paghahandang ito?C. Pagpapalalim ng Kaalaman Talakayin ang Linangin Natin saLM/. Ipasagot ang mga
aytem sa Gawin Natin sa LM.D. PagsasanibItanong:1. Bakit dapat ninyong isagawa ang mgaparaan upang
mapangalagaan ang iyong katawan nang naaayon sa takdang oras?2. Ano-ano ang positibong katangian
ng isang mag-aaral na malinis at maayos sa sarili?E. PaglalahatPagbuo ng kaisipan sa mga tingkulin sa
sarili.V. Pagpapayaman ng Gawain:Ipasagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod:1. Magsaliksik sa
internet ng iba pang paraan ng pag-aalaga sa sarili,2. Gumawa ng poster tungkol sa wastong pagaalaga
sa sarili.

You might also like