You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa EPP 1V

I. Layunin :
 Nakikilala ang mga kagamitan para sa paglilinis at pag-aayos ng sarili.

II. Paksang Aralin:


Mga Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos ng Sarili

Sanggunian: Tungo sa Pag-unlad, pahina 156-161

Mga Kagamitan:
Laptop, powerpoint, larawan, suklay, toothpaste, shampoo, sipilyo, nail cutter, cotton
Buds, dental floss, tawas, bimpo

Pagpapahalaga: (Values infusion) : kalinisan

III. Pamamaraan:
1. Pangunahing Gawain:

a. Panalangin
b. Patatala ng Lumiban
c. Pagwawasto ng Takdang Gawain

2. Paghahanda:
a. Paghahawan ng balakid
- Ipabasa ang talasalitaan.

TALASALITAAN:

nail cutter hairbrush toothpaste sipilyo


shampoo habonera bimpo

b. Balik – aral: Gabay sa Pagpili ng Masustansyang Pagkain

c. Pagganyak: ( Awit o Pagpapakita ng larawan)

3. Paglalahad:

a. Panimula ( Introduction )

Ang ating aralin ngayon ay… ( batay sa awit o larawang ipinakita )

b. Gawain ( Activity )
Magpalaro ng bugtungang“Sino Ako?”. Ipahula ang bugtong na ang kasagutan ay ang mga
salita sa talasalitaan.

c. Pagtatasa ( Analysis )
Anu-anong paghahanda sa sarili ang ginagawa mob ago ka pumasok sa
paaralan? Mahalaga ba ang mga ito? Bakit?

d. Abstraksyon ( Abstraction )
Palagi mong isaisip na kailangan mong maging malinis at maayos. May mga kagamitan na
dapat mong gamitin para sa iyong sarili lamang at may mga kagamitang maaari ring gamitin
sa paglilinis at pag-aayos sa sarili. Suriin at pag-aralan ang wastong paggamit sa video na
inyong panonoorin.
Mga Kagamitan sa Paglilinis at pag-aayos ng Sarili

1. Shampoo – ito ay nagbibigay ng kaaya-ayang amoy sa ating buhok. Ito rin ang nag-
aalis ng mga kumapit na dumi at alikabok sa ating buhok.
e. Paglalapat (Application)

Pagpapangkat
1. Ipahanay sa kani-kaniyang pangkat ang mga kagamitan sa paglilinis ng sarili ayon
sa gamit
ng bawat isa.
2. Ipaalala ang mga pamantayan sa pangkatang paggawa bago simulan ang gawain.
3. Pagwawasto ng guro sa pangkatang gawain.

f. Pagpapahalaga ( Values Infusion )


Mahalaga ang kalinisan…..

4. Pangwakas na Gawain:
a. Paglalahat
Upang mapanatiling malinis at maayos ang sarili, gumamit ng iba’t-ibang pansariling
kagamitan tulad ng suklay, nailcutter, sipilyo, bimpo, tuwalya, atbp.

IV. Pagtataya:
Pagtambalin ang Hanay A sa mgasalita sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A B

1.Ngipin a. Cotton buds

2.Buhok b. Jump rope

3. Kilikili c. Shampoo

4. Balat d. Dental floss

5. Tainga e. tawas

f. pulbos

V. Takdang Gawain:
Tanungin ang lolo, lola, o kahit sinong matandang nasa inyong barangay kung ano ang
ginamit na shampoo o deodorant noong sila’y bata pa. Itanong kung paano ginamit at kung ano ang
epekto ng mga ito. Gumawa ng isang maikling talata tungkol dito.

You might also like