You are on page 1of 32

Petsa: __________ ARALIN 1 I. LAYUNIN Nakikilala ang mga kagamitan sa paglilinis at pagaayos sa sarili. II.

PAKSA AT KAGAMITAN Mga kagamitan sa paglilinis at pagaayos ng sarili ELC-A 1.1.1 p.1 Gumawa at Umunlad p.2-5 Kagamitan: Larawan ng gamit para sa buhok, kuko, ngipin at katawan, tsart KBI- Kalinisan at Kaayusan sa Sarili III. PAMAMARAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Anu ano ang dapat ninyong gawin upang maging malinis at maayos ang sarili? 2. Talasalitaan bimpo- maliit na twalya na ikinukuskos sa buong katawan upang maalis ang libag. espongha- malambot at parang pyeltrong may palaman o anu mang kauri nito na ginagamit sa pagpupulbos. habonera- lalagyAan ng sabon B. Panlinang na gawain 1. Pangganyak Ano ang ibig sabihin ng salawiukain Ang kalinisan ay kagandahan? Ano ang masasabi ninyo sa batang malinis at malusog ? Alam mo ba ang mga gagawing dapat sundin upang manatiling malinis at maayos? Alam mo rin ba ang mga kagamitan na angkop gamitin sa pagsasagawa ng mga ito? 2. Paglalahad: Pagaaral ng larawan tungkol sa mga kagamitan sa paglilinis at pagaayos ng sarili Pagbigay ng mgfa pamantayan s apagmamasid ng larawan (Anu anu ang mga pamantyan sa pagmamasid ng larawan?) pagpapakita ng mga larawan ng mga kagamitan sa paglilinis sa paglilinis at pagayos ng sarili. 3. Pagtatalakayan Pag-uusap sa larawan . Anu ano ang mga nakikita ninyo sa larawan ? Alin alin amg mga gamit sa buhok? sa kuko? sa ngipin? sa katawan? Bakit kailangang makilala nating ang mga kagamitan sa paglilinis at pagaayos ng sarili? Paano makatutulong ito sa ating kalinisan? kaayusan? Kung ikaw, ano ang gagamitin mo sa paglilinis at pagaayos ng iyong buhok? katawan? kuko? Paano mo mapapanatili ang kalinisan at kaayusan ng iyong sarili? 4. Paglalahat May ibat ibang kagamitan sa paglilinis ng sarili tulad ng shampoo para sa buhok, nail brush para sa kuko, sepilyo sa paglilinis ng ngipin at bimpo sa katawa. C. Pangwakas na Gawain Isulat ang ibat ibang kagamitan sa paglilinis at pagaayos ng sarili. Buhok Ngipin Kuko Katawan

IV.

PAGTATAYA Basahin ang Sumusunod na Sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa Kwaderno. Mahaba ang kuko ni Aleix. Alin sa mga sumusunod ang dapat gamitin sa pagputol ng kuko. a. blade b. labaha c. gunting d. nail cutter Nais ni Rovel na lumabas ang natural na kislap ng kanyang buhok. Ano ang dapat niyang gamitin? a. tuwalya b. tuwalya c. Nail Brush d. nail cutter Si Emmanuel ay iniiwasan ng kanyang kamagaaral. Nagsesepilyo naman siya taalong beses sa isang araw. Ano kaya ang mabuti niyang gamitin upang maging mabango ang kanyangh hininga? a. asin b. tawas c. tubig d. tuwalya Natapos maligo si Marielle. Ano ang kanyang kukunin upang matuyo ang basang katawa? a.bimpo b. kumot c. damit d. tuwalya Papasok na si Juan Miguel sa paaralan. Gusto niyang makita kung malinis at maayos ang kanyang sarili. Alin ang kanyang gagamitin upang makita ang sarili? a. kama b. unan c. kabinet d. salamin

V.

TAKDANG ARALIN Gumupot ng mga larawan ng mga kagamitan sa pagaayos sa at lagyan ng paglalarawan ang bawat isa, idikit sa kwaderno. Kinabukasan ang pasahan. 10 ang kataasang puntos at 3 ang kababaan.

Petsa: __________ ARALIN 2 LAYUNIN Naisasagawa ang wastong pamamaraan ng paglilinis at pagaayos ng sarili II. PAKSA AT KAGAMITAN Wastong Pamamaraan ng Paliligo at Pagsisipilyo ELC A 1.1.2 p.1 Gumawa at Umunlad 4 p.6-9 Kagamitan: Larawan, tsart ng mga tunay na kagamitan sa paglilinis at pagaayos ng sarili KBI- kalinisan at Kaayusan ng sarili. III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Kilalanim muli ang mga ito sa pagsasagot ng mga tsart. Pagtapatin ang Hanay A sa B at Isulat ang sagot sa Table. Hanay A Hanay B Sagot 1. Shampoo A. Gamit sa paglilinis ng Ngipin 1. 2. Suklay B. Panggupit ng kuko sa kamay at paa 2. 3. Nailcutter C. Kagamitan sa buhok, para mapanatiling malambot 3. 4. Sepilyo D. Kagamitan sa buhok sa pagaayos nito. 4. 5. Bimpo E. Maliit na twalya na pangkuskos sa katawan 5. I. 2. Pagwawasto ng Takdang aralin 3. Talasalitaan: Talakayin sa Klase ang kahulugan ng salitang: Guguan- hugasan o kusutin ng gugo, sabon, atbp. ang buhok Anit- balat ng buhok Presko- nauukol sa malamig at maaliwalas B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Magpakita ng larawan ng isang batang naliligo at isang batang nagsisipilyo. Tanungin ang mga bata kung ginagawa nila ito bago pumasok. Naisagawa ba ito ninyo ng wasto? 2. Paglalahad Ang paliligo ay gawaing araw araw upang mapanatiling malinis at maginhawa ang katawan. Natatanggal ng paliligo ang pawis at alikabok na kumakapit sa balat at naiiwasan ang pagkakaroon ng di kanais nais na amoy sa katawan. ang pagsisipilyo naman ay isang paraan ng pagpapanatiling malinis ang ating ngipin at maiwasan ang pagkakaroon ng mabahong hininga. Ngayon, ay magpapakitang gawa si Lito at si Nene ng kanilang ginawang paglilinis ng sarili. Pagbibigay ng pamantayan Panunuod *Tumahimik at maupo ng maayos *Magmasid ng mabuti sa mga nagaganap *Itala ang mga mahahalagang pangyayari. Pagpapakita ng piping palabas or Silent Film 3. Pagtatalakayan Anu ano ang nakita ninyo sa palabas? Pagbalik tanawan natin ang isinagawang paliligo ni Lito. Naisagawa ba niya ng sunod sunod na hakbang sa wastong paraan ng paliligo. Basain ang ulo pati katwan Kuskusin ng shampoo at pabulain Sabunin ang katawan hagang maging malakrema ang mga bula Banlawan ang buhok at buong katawan Punasan at patuyuin ng malinis na twalya ang buhok at buong katawan. Sa paglilinis ng ngipin, sinunod ba ang sumusunod na hakbang. Maghanda ng isang baso ng malinis na tubig. Ikuskos ang sipilyong may toothpaste sa mga ngipin hanggang sa bumula ito. Kuskusin din ang mga ngipin sa magkabilang pisngi Magmumog ng malinis natubig Magmumog muli hanggang maalis ang bula sa bibig Masahihin ang gilagid ng hintuturo. Naipakita ba nila ang hakbang sa paliligo? Paglilinis ng ngipin? Bakit kailangan nating malaman ang mga hakbang na ito? Ganito rin ba ang ginagawa mo? 4. C. Paglalahat May mga wastong paraan ng paliligo at pagsisipilyo Pangwakas na gawain Pasagutanang iskor kard ayon sa isinasagawang paglilinis sa sarili. ANTAS NG KAHUSAYAN Pamamaraan Napakahusay Maayos Maayos ayos Nasusunod ko ba ng wasto at maayos ang mga bawat hakbang?

Hindi maayos

Naghahanda ba ako ng isang baso ng malinis na tubig? Pagkukuskos ng sipilyong may toothpaste Pagkuskos ng ngipin sa loob ng magkabilang pisngi Pataas pababang paghagod ng sipilyo IV. PAGTATAYA Pagsunod sunodin ang paraan ng wastong paliligo at pagsisipilyo. A. Paliligo ____Banlawan ang buhok at katawan upang maalis ang sabon ____Gumamit ng bimpong may sabon sa paghihilod ____Basaing mabuti ang buhok at katawan ____Kuskusin ng sabon ang buong ang buong katawan ____Punasana at patuyuin ng malinis na tuwalya ang buhok at katawan B. Pagsisipilyo ____Magmumog ng malinis na tubig hanggang maalis ang bula ____Maghanda ng isang basong tubig, Hugasan ang sepilyo at lagyan ang toothpaste ____Masahihin ang gilagid sa pamamagitan ng hintuturo ____Ikuskos ang sepilyong may toothpaste sa mga ngipin hanggang sa bumula. ____Kuskusin ang mga ngipin ng pataas-pababang paghagod. V. TAKDANG ARALIN Suriin ang pansariling kalinisan at kaayusan. Ilista kung anu ano ang dapat gawin upang mapabuti ang sariling kalinisan. Isulat ito sa kwaderno 3- 5 pangungusap.

Petsa: __________ ARALIN 3 LAYUNIN Naisasagawa ang wastong pamamaraan ang paglilinis at pagaayos ng sarili. PAKSA AT KAGAMITAN Wastong pamamaraan ng Paghihilamos ELC A 1.1.2 p.1 Gumawa at Umunlad pp.12-13 Kagamitan: larawan tsart, kagamitan sa paghihilamos KBI- Kalinisan at kaayusan ng sarili PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral- Anu ano ang wastong pamamaraan ng paliligo? Paano isinasagawa ang paglilinis ng ngipin? 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Tal;asalitaan Dampian diitan ng marahan o magaan Bukong bukong (buol) umuumboksa dakong ibaba ng binti sa gawing loob at labas. B. Panlinang na gawain 1. Panggnyak Sino na ang nakakita kay Judy Ann sa personal? sa sine? sa TV? Alam nyo ba ang kanyan sikretop sa pagpapanatiling makinis ang kutis lalo na sa kanyang mukha? 2. Paglalahad Ngayuon ay magpapakita si Onemig at Ejong bilang palabas. Pagbibigay pamantayan sa panonood at pagganap: -Tumahimik at maupo ng maayos -Magmasid ng mabuti sa mga nagsisignap -Itala ang mga mahahalagang pangyayari. 3. Pagsasagnap 4. Pagtatalakayan Anu ano ang nakita ninyo sa palabas ni Ejong? Naipakita ba niya ang hakbang sa paghihilamo? paano? Bakit kailanganng malaman ang mga hakbang na ito/ paano isinasagawa ang mga ito? Bakit?

I. II. III.

Talakaying kasunod ang ginawang palabas ni Onemig? Paglalahat may wastong pamamaraan ng pagsasagawa ng paghihilamos tulad ng mga sumusuod: 1. Punuin ng malinis na tubig ang isang planggana. 2. Basain ang mukha hanggang sa may tainga 3. Sabunin at kuskusin ang mga kamay. pahiran ng sabon ang buong mukha. Hagurin ng paikot at pataas ang mata, pisngi, ilong, noo, tainga at leeg. 4. Banlawan ang mukha upang maalis ang madulas na pakiramdam dulot ng sabon. 5. Dampian ng malinis na tuwalya hanggang sa matuyo. C. Pangwakas na Gawain Hayaang gawin ng mga bata ang sumusunod na pagsubok sa paggagawa. Pangkatin ng dalawang grupo at pumili ng lider. Unang Pangkat: Paghihilamos Pangalawang Pangkat: Paglilinis ng binti at paa. IV. PAGTATAYA Lagyan ng (/) kung ang nasabing pagsasagawa ay paghihilamos at (||) kung ito ay paglilinis ng paa. ___1 Pahiran ng sabon ang buong mukha ___2 Dampian ng malinis na tuwalyaa ang mukha hanggang sa matuyo. ___3 Ibabad sa maligamgam na tubig na may kaunting asin pagkatapos linisin. ___4 Punasan ng tuwalya o lumang damit na malinis ang mga binti at paa. ___5 Pahiran ng sabon ang malinis na bimpo. V. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN Gumawa ng poster na nagpapakita ng wastong paglilinis ng katawan ( Due: Makalawa) (By group) 5.

Petsa: __________ ARALIN 4 LAYUNIN: Nagagamit ng wasto ang sariling kagamitan II. PAKSA AT KAGAMITAN Wastong paggamit ng sariling Kagamitan ELC IV-A 1.1.3 p1 Gumawa at Umunlad pp.23-24 Kagamitan: Totoong bagay ng kagamitang pansarili KBI Kalinisan at Kaayusan III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain Balik Aral Paano mo ginagawa ang paglilinis ant pagaayos ng sarili? Pagwawasto ng takdang Aralin Talasalitaan B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Paano mo ginagamit ang pansariling kagamitang pangkalusugan? 2. Paglalahad Anu-ano ang mga bagay o kagamitang pansarili na ginagamit sa paglilinis ng katawan? I. Maraming ibat ibang kagamitan ang kailangan sa paglilinis at pagaayos ng sarili. May mga gamit sa buhok, kuko,ngipin, at katawan. Bawatkagamitan ay may sadyang gamit. Pinadali ng mga ito ang paglilinis at pag aayos ng ibat ibang bahagi ng katawan. Ngayon ay ipinakita ng ilang mag aaral ang wastong paggamit ng pansariling kagamitan sa paglilinis. Pagbibigay ng pamantayan sa panonood. Pagpapakitang gawa ng mga bata ng paggamit ng kagamitang pansarili Pagtatatalakayan -Anu ano ang mga pansariling kagamitan na ginagamit ng mga bata sa paglilinis ng katawan? buhok? ngipin? at kuko? -Bakit ginagamit ang hairbrush sa buhok at hindi ang suklay? -Paano nila ginagamit ng wasto ang suklay? hairbrush? nailcutter? nailbrush? atbp? - Ano naman ang wastong kagamitang gagamitin mo sa paglilinis ng katawan? buhok? ngipin? at kuko? -Bakit kailangang gamitin ang mga ito sa wastong paraan? -Anong kaugalian ang matatamo ninyo kung gagamitin ninyo ang mga pansariling kagamitang tinatalakay? Dapat ba nating isagawa ang mga pamamaraang ito? Bakit? Paglalahat Maraming kagamitang pansarili na dapat pag ukulan ng pansin at pagiingat tulad ng mga gamit sa paa, ulo, at kagamitang pansarili tulad ng sepilyo C. Pangwakas na Gawain Ipapakita ng mga piling mga bata ang wastong paggamit ng mga pansariling kagamitan sa katawan, buhok, ngipin at kuko. Sitwasyon Naghahanda sa pagpasok ang mga anak ni Aling Belen. Kinuha nila ang kanilang mga pansariling kagamitan at sinimulan ang paglilinis ng sarili tuald ng: *Wastong paggamit ng suklay, hairbrush, nailcutter, sepilyo, at tuwalya. IV. PAGTATAYA Lagyan ng ( / ) ang hanay na nagpapakita kung paano ginagamit ang mga pansariling kagamitang nasa ibaba. Antas ng Kahusayan ng Paggamit Kasangkapang ginagamit Suklay Sepilyo Nailcutter Hairbrush Tuwalya V. Maayos Maayos ayos Hindi Maayos

3. 4. 5.

6.

TAKDANG ARALIN/ KASUNDUAN Gamitin ng wasto ang pansariling kagamitan sa paglilinis at pagaayos ng sarili.

Petsa: __________ ARALIN 5 LAYUNIN: -Nangangalaga sa mga kagamitan sa paglilinis/ pagaayos sa sarili. PAKSA AT KAGAMITAN Pangangalaga sa mga kagamitan sa paglilinis/ pagaayos sa sarili. ELC IV A 1.1.4 p.1 Gumawa at Umunlad pp.5-10 Kagamitan: Larawan, tsart KBI Pagkamasaya at pagkamalinis PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral- Anu Ano ang mga kagamitan sa paglilinis at pagaayos ng sarili? Paano ginagamit ang mga ito? 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Talasalitaan: eskoba pangkuskos o panglilinis habonera lalagyan ng sabong pampaligo bimpo maliit na twalya B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Si Nina ay malimit maligo. Ngunit palagi niyang iniiwang bukas ang gripo kahit punong puno na ang tubig sa timba. Palagi ring nauubos agad ang sabong pampaligo dahil nabababad sa tubig at hindi nilalagay sa habonera. Madalas na natatapakan niya ito at at nadudulas niya. Iniiwan nalang niya ang bimpong ginamit at tuwalya. Sa tingin mo anong uri ng bata si Nina? Gusto mo ba siyang tularan? Bakit? +Magpagawa ng isang Panel Discussion+ 2. Pagtatalakayan Talakayin ang isinagawang Panel Discussion. Gumawa ng mga tanong tungkol sa mga nagawang Panel Discussion.

I. II. III.

IV.

Paglalahat May mga gawain sa pangangalaga ng mga kagamitan sa paglilinis at pag aayos ng sarili C. Pangwakas na Gawain Lagyan ng ( / ) ang gawain sa pangangalaga ng mga kagamitan sa paglilinis at pagaayos ng sarili at ( X ) kung hindi. ___1 Ilagayang sabong pampaligo sa habonera matapos maligo. ___2 Ikuskos ang sepilyong may toothpaste sa mga ngipin hanggang sa bumula ito. ___3 Labhan agad ang bimpo matapos gamitin ___4 Isampay ang tuwalya matapos gamitin ___5 Suklayin at ayusin ang buhok. PAGTATAYA Bilugan ang salitang Tama kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pangangalaga sa kagamitan sa paglilinis at pagaayos ng sarili at Bilugan ang mali kung hindi. 1. TAMA MALI Maghanda ng isang basong tubig sa pagsesepilyo. 2. TAMA MALI Hugasan mabuti ang sepilyo matapos gamitin. 3. TAMA MALI Sapat na tubig lamang ang gamitin sa paliligo. 4. TAMA MALI Iwasang mababad ang sabong pampaligo sa tubig at ilagay sa habonera 5. TAMA MALI Iskubahin ng brush ang suklay ng tubig at sabon upang ito ay luminis. TAKDANG ARALIN / KASUNDUAN Itala ang mga gawain sa pangangalaga ng kagamitan sa paglilinis at pagaayos ng sarili

3.

V.

Petsa: __________ ARALIN 6 LAYUNIN Nakakaugalian ang paglilinis at pag aayos ng sarili. PAKSA AT KAGAMITAN Paglilinis at Pagaayos ng Sarili. ELC IV Blg. 1.1.5 p.2 Gumawa at Umunlad IV pp. 14-18 Kagamitan: tsart, mga larawan KBI Pagiging malinis at maayos sa sarili PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Kahapon, tinalakay natin ang ibat ibang pamamaraan sa paglilinis ng katawan. Anu ano ang mga paraan para maging malinis ang ating katawan? 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Talasalitaan fibers ang mga hibla na nakukuha sa mga prutas. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Kapansin pansin ang pagiging masigla, masayahin, at malinis ni Monica. Palagi siyang listo at malinis at kinagigiliwan ng kanyang kapwa bata. Ito ang mga katangiang nalalarawan sa isang batang malusog. Ano sa palagay mo ang dahilan ng pagkakaroon ni Monica ng ganitong katangian. 2. Paglalahad Ang pagkakaroon ng wastong kaalaman ukol sa pangangalaga ng ating kalusugan ay makatutulong sa pagkakaroon ng malusog, malinis, at maayos na sarili. Ngayon ay ating pagaaralan ang mga kaugalian na dapat ugaliin sa paglilinis at pag aayos ng sarili. Ipapakita ng guro ang mga larawan na nagpapakita ng kaugalian sa paglilinis at pagaayos ng sarili. 3. Pagtatalakayan Pagtatalakay sa mga kaugaliang ipinakikita ng bawat larawan. Paglalarawan ng mga bata kung paano isinasagawa ang nakitang kaugalian at pagbibigay ng kahalagahang idinudulot sa atin kapag isinasagawa ang mga kaugaliang ito. 4. Paglalahat Ang maayos na kaanyuan at malinis na pangangatawan ay nakakamit kung susundin ang mga kaugaliang pangkalusugan Pangwakas na Gawain Sa sagutang papel pasagutan ang iskor kard

I. II. III.

C.

Panuto: Lagyan ng ( / ) ang hanay na nagpapakita kung gaano kadalas isinasagawa ang kaugaliang nakatala. Mga Kaugalian Kumain 3 beses sa isang araw Matulog ng 6 na oras Uminom ng 8 beses na tubig Nagbabawas ng dumi araw araw Nageehersisyo Palagi Minsan Hindi Ginagawa

Talaan ng iskor 5-lubos na kasiyasiya 4-higit kasiyasiya 3-kasiyasiya 2-kailangang isagawa 1-hindi kasiya siya IV. PAGTATAYA Isulat sa sagutang papel ng Wasto o Hindi Wasto ayon sa mga kaugaliang kanilang natutunan sa araling ito. ________1. Pagyuko sa likod ng nagbabasa ________2. Pagtulog sa tamang haba ng oras ________3. Pagkain ng junk food ________4. Pagliban sa pagkaian upang hindi mahuli sa paaralan ________5. Paglalakad upang maehersisyo ang katawan. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN Sumulat ng dapat ugaliin sa pagsasagawa ng mga kaugaliang may kaugnayan sa paglilinis at pag aayos ng sarili.

V.

Petsa: __________ ARALIN 7 LAYUNIN Natutukoy ang uri ng kasuotan at mga bahagi ng isang kasuotan. PAKSA AT KAGAMITAN Ibat ibang uri ng Kasuotan ELC A Blg. 1.2.1 p.2 Gumawa at Umunlad p.20 Kagamitan: larawan, tsart KBI- Kaayusan at Katipiran PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Mga kasuotan na nagbibigay proteksyon sa katwan. 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Talasalitaan kasuotan B. Panimulang Gawain 1. Pagganyak Bakit pa kaya kailangang magsuot tayo ng damit? Dapat bang pilliin and dami na ating gagamitin sa araw araw at sa hinihingi ng pagkakataon at panahon? Ano ang mga uri ng kasuotan na dapat gamitin? 2. Paglalahad Pagpapakita ng ibat ibang kasuotan Paguusap tungkol sa larawan Paghambingin ang mag uri nito Pag uuri ng iabt iabng kasuotan. 3. Pagtatalakayan Ano ang uri ng kasuotan ayon sa pagkakataon o panahon ng pagsusuot nito? Paano makakatulong ang pagpapangkat pangkat ng mga kasuotan sa maayos na pamamaraan nito? Kung ikaw ang mamamahala ng iyong kasuotan, paano mo papangkatin ang mga kasuotan sa iyong tahanan? 4. Paglalahat May ibat ibang uri ng kasuotan ayon sa pagkakataon ay ayon sa sumusunod: Damit pambahay, pantrabaho, panlaro, pantulog, pamasok, at panlakad, pantaginit, panlamig, pantagulan, at panloob. C. Pangwakas na Gawain Pagmomodelo ng kasuotan at may narrator. 1. Damit Pambahay 2. Damit pantrabaho 3. Damit Panlaro 4. Damit Pantulog 5. Damit Panlakad 6. Damit Panlamig 7. Damit Pampasok o Uniporme PAGTATAYA Basahain ang sumusunod na situasyon. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. ________1. Galing sa paaralan si Rosana, Nagpalit siya ng damit. Anong damit pambahay ang isusuot nya? a.epron b.blusa c.daster d.pantalon ________2. Dadalo sa birth day party si Carmina. Ano ang isusuot niya? a.bestida b.shorts c.jogging pants d.pantalon at t-shirt ________3. Alin ang isusuot ni Raymund upang hindi siya makaramdam ng ginaw. a.night gown b.kapote c.uniporme d.sweater ________4. Anong uri ng kasuotan ang sando, panty, at brief? a.panloob b.panlakad c.pantulog d.pantaglamig ________5. Papasok sa paaralan si Emmanuel, ano ang isusuot niya? a.uniporme b.sando c.pajama d.jogging pants TAKDANG ARALIN / KASUNDUAN Gumupit ng larawan ng iabt ibang uri ng kasuotan at idikit sa kwaderno ayon sa pangkat.

I. II. III.

IV.

V.

Petsa: __________ ARALIN 8 LAYUNIN Natutukoy ang mga payak na sira ng kasuotan PAKSA AT KAGAMITAN Ang mga payak na sira ng kasuotan ELC A Blg. 1.2.2 p.21 Gumawa at Umunlad IV pp.28-35 Kagamitan: larawan, mga sirang damit KBI Kasipagan at Kaayusan PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Ang mga uri ng kasuotan. 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Talasalitaan Pagkukumpuni- Pagaayos at pagbububong muli sa anu mang nasira Kutsetes- maliit na butones na yari sa aluminyo na ikinakabit sa damit bilang panara sa tagiliran o likuran. Punit- ang sira o pagkasiara ng damit B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Tanungin ang mga bata tungkol sa kanilang karanasan at ang mga dahilan ng pagkasira ng kanilang damit. 2. Paglalahad Sa tulong ng mga larawan at mga damit na may sira, ipakilala / ipakita ang ibat ibang uri ng sira ng kasuotan. Anu ano ang mga sira ng kasuotan ang nakita ninyo? Isulat sa pisara ang mga pangalan ng sira ng kasuotan at ipabasa Halimbawa -tanggal na butones -tanggal na kutsetes -tuwid na punit -tastas ang tupi ng palda magpakita ng mga ksauotang may sitra at ipatukoy ang mga sira nito. 3. Paglalahat Ang ibat ibang payak na sira ng kasuotan ang ang mga sumusunod: tanggal na kusetes. tastas tupi tanggal na butones at punit na damit. C. Pangwakas na Gawain: Magpakita ng ibat ibang uri ng Kasuotan, tukuyin kung anu anong uri ng sira ang matatagpuan dito. PAGTATAYA Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. ___1 Anong uri ng sira ng kasuotan ang nangangailangan ang pagsusulslsi? a.tanggal na butones b.punit na damit c.tanggal na otomatiko d.tanggal na kutsetes ___2 Ang sira na makikita sa tupi ng damit ay tinatawag na a.punit b.butas c.tastas d.gasgas ___3 Anong uri ng punit sa damit ang nangangailangan ng paggamit ng mahahabang sinulid? a.tuwid na punit b.pahilis na punit c.tatlong sulok na punit d.butas ___4 Alin sa mga sumusunod na mga sira ng kasuotan ang hindi nangangailangan ng pagpapalit ng kasangkapan a.tanggal na butones b.tanggal na otomatiko c.tanggal na kutsetes d.punit na damit ___5 Maging malinis maayos at maganda ang kasuotan kung ang sira nito ay a.sinusunog b.kinukumpuni c.pinupunit d.tinatanggal TAKDANG ARALIN / KASUNDUAN Magdala ng kasuotan na may payak na sira at kagamitan sa pananamit gaya ng sinulid, karayom, atbp.

I. II. III.

IV.

V.

Petsa: __________ ARALIN 9 LAYUNIN Natutukoy ang gamit ng bawat kagamitan sa pananahi. PAKSA AT KAGAMITAN Kagamitan sa Pananahi ELC Blg.1.2.3.1 p.2 Kagamitan: larawan o tunay na bagay ng mga kagamitan sa pananahi tulad ng karayom, sinulid, didal, gunting, atbp. KBI Pagkamaayos PAMAMARAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Paano mo wastong pagsasaayos ng mga sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay tulad ng tastas na lagayan? tanggal na butones? tuwid na punit? 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Talasalitaan Didal- ginagamit sa pangsangagalang sa darili kap nananahi ngh kamay. Pin Cussion tusukan ng aspili o karayom Emery Bag - hasaan ng karayom Sewing Box lalagyan ng kagamitan sa pananahi B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Ikaw ba ay marunong manahi sa kamay? Anu-ano ang mga kagamitan na ginagamit mo sa pananahi 2. Paglalahad a. Pagpapakita ng larawan / tunay na bagay ng ibat ibang kagamitan at kasangkapan sa pananahi tulad ng karayom, sinulid, gunting, didal, medida, aspili, atbp. b. Pagtatalakayan tungkol sa larawan / bagay. Anu ano ang makikita sa larawan? Saan ginagamit ang bawat isa? Bakit mahalagang may kagamitan / kasangkapan tayo sa pananahi? Ano ang kabutihang dulot ng pagkakaroon ng sariling gamit sa pananahi? Anong kabutihang dulot ang pagkakaroon at kaalaman sa mga gamit sa pananahi? 3. Paglalahat May ibat ibang kagamitan sa pananahi. Bawat isa ay may kanya kanyang gamit, kayat kinakailangang ang paggamit nang wasto, upang makatiyak na magiging maayos ang gawin. C. Pangwakas na Gawain Isulat sa patlang ang tamang kasagutan sa bawat bilang. Piliin ang tamang kasagutan sa bawat bilang. Piliin ang tamang kasagutan sa loob ng kahon

I. II. III.

Emery bag Sewing box sinulid


1. 2. 3.

pin cussion medida didal

IV.

4. 5. PAGTATAYA Matching Type: Hanay A 1. Aspili 2. Didal 3. Gunting 4. Medida 5. Karayom

Ang ______________ ya may ibat ibang uri, kulay, laki, at dami na ginagamit sa pananahi Sa _______________ inilalagay ang mga aspili at karayom kung hindi ginagamit. Ang ______________ ay may laman na basag na pinggan o pinong buhangin na pinag tutusukan ng karayom kung hindi ginagamit. Iniingatan ng _______________ ang daliri upang hindi matusok ang karayom. Ang _______________ ay nilalagyan ng gamit sa panahi

V.

Hanay B Sagot a. inilalagay sa daliri upang hindi matusok 1. b. Pamigil sa paggalaw ng tela 2. c. Ginagamit sa pagsusulsi at pananahi 3. d. Ginagamit sa paggupit ng tela 4. e. Dito inilalagay ang gamit sa pananahi 5. f. Ginagamit upang makuha ang wastong laki, taas, haba, at lalim ng isang bagay. TAKDANG ARALIN / KASUNDUAN Itala sa kuwaderno ang mga kagamitan sa pananahi at ang gamit ng bawat kagamitan.

Petsa: __________ ARALIN 10 LAYUNIN Nasasagawa ang mga panimulang hakbang ng pananahi sa kamay / pag aayos ng mga sira ng kasuotan. III. PAKSA AT KAGAMITAN Pananahi ng tastas na laylayan ng palda ELC A- Blg. 1.2.3.2 p.33 Kagamitan: palda na tastas ang laylayan, mga kagamitan sa pananahi KBI Kalinisan at Kaayusan PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Pagtukoy na mga payak na sira ng kasuotan 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Talasalitaan Himulmol bala balahibong lumalawit sa naninisnis na damit Hibla himaymay na pananahi sa mga kasuotan Tupi pagkakalupi ng damit B. Panlinang na Gawain (Ituro kung paano magtahi) (Step by Step Procedure) + Maisasagawa nang wasto ang pananahi ang tastas na laylayan ng palda kung susundin ang mga hakbang sa pagsasagawa nito. C. Pangwakas na Gawain Sagutan ang Evaluation tool for Group Activities Note : Ang EVALUATION TOOL FOR GROUP ACTIVITIES ay naka print na at nasa bandang likuran ng Lesson Guide na ito. IV. PAGTATAYA Ayusin sa wastong pagkakasunod sunod ang mga hakbang sa pananahi ng tastas at tupi. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot. ___________________1 Lagyan ng aspili ang lugar na may tastas ___________________2 Itusok ang karayom sa kabaligtarang bahagi ng damit ___________________3 Ibuhol ang sinulid sa may gawing taas ng tupi ___________________4 Ihanda ang karayom at sinulid na kasingkulay ng damit ___________________5 Maglaan ng kalahating pulgadang pagitan ng bawat tupi. TAKDANG ARALIN / KASUNDUAN Mula ngayon kung may tastas na laylayan ng palda ay tahiin agad upang di humaba ang tastas

I.

II.

V.

Petsa: ________ ARALIN 11 LAYUNIN Nasasagawa ang pag-aayos ng mga sira ng kasuotan sa pamamagitan ng pananahi sa kamay. PAKSA AT KAGAMITAN Pagkakabit ng tanggal na butones ELC A- Blg. 1.2.3. p.2 Gumamawa at Umunlad pp. 29KBI Pagiging maayos sa Paggawa PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Anu-ano ang mga payak na sira ng kasuotan? 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Talasalitaan Butones na Flat uri ng butones na ginagamit sa polo o blusa; karaniwang may 2 o 4 na butas tangal - naalis itusok- isuot B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sino sa inyo ang may butones ang polo/ blusa? Anong iyong gagawin kung ang isusuot na blusa/ polo ay may tanggal na butones? 2. Paglalahad Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng mumunting sira ang mga kasuotan lalo na kung madalas gamitin. Dapat matutuhan ang pagkukumpuni ng mga tanggal na butones bago ito gamitin. Ihanda ang kagamitan sa pananahi tulad ng damit na may tanggal na butones, sinulid, karayom.atbp. Pagbasa ng hakbang sa pagkakabit ng tanggal na butones na flat: HAKBANG SA PAGKAKABIT NG BUTONES NA FLAT 1. Markahan ng lapis ang lugar na paglalagyan ng butones. Gumamit ng karayom na may dobleng sinulid at may buhol sa dulo. Pumili ng sinulid na kasing kulay ng damit . Ang haba ng sinulid na gagamitin ay sukatin mula sa dulo ng mga daliri ng kamay hanggang sa siko. 2. itusok ang karayom sa kabaligtaran ng damit at ilabas sa minarkahang lugar na kinapapatungan ng butones. Kumuha ng maliit na tahi sa tabi ng minarkahang lugar. 3. Isuot ang dulo ng karayom sa mga butas ng butones. Itusok na muli ang karayom sa minarkahang lugar. 4. Ipasok at ilabas nang ilang ulit ang karayom sa mga butones. Huwag palabasin sa kabaligtaran ng damit ang huling tahi. 5. Paikutin nang ilang ulit sa ilalim ng butones ang sinulid upang magkaroon ng leeg ang butones. Ang leeg ng butones ay tumutulong upang maging pantay at maayos ang damit kapag ibinutones. 6. Itusok sa kabaligtaran ang karayom at ibuhol nang dalawang beses ang sinulid. Ipakita ng guro ang haknang pagkakabit ng butones. 3. Pagtataalakayan Anu-ano ang mga kagamitang kinakailangan sa pagkakabit ng butones? Ano ang sunod-sunod na hakbang ng pagsasaayos ng pagkakabit ng butones? Kung ikaw ang magkakabit ng butones, paano mo mapapanatiling maayos ang iyong ginagawa?

I.

II. III.

Tumawag ng isa hanggang dalawang bata upang magsagawa ng pagkakabit ng butones na sinusunod ang ipinakitang turong mga hakbang. 4. Paglalahat Maisaayos ng wasto ang pagkakabit ng tanggal na butones kung susundin ang hakbang sa pagsasagawa nito. 5. Paglalapat Pagsasagawa ng mga bata ng pagkakabit ng butones na sinusunod ang hakbang. C. Pangwakas na Gawain Sagutan ang Iskor Kard sa pagmamarka sa Gawain Mga Sukatan ng Gawain 1. Nasunod ko ba nang wasto at maayos ang bawat hakbang? 2. Ginawa ko ba ang takdang gawain ayon sa panuto? 3. Naging maingat at matipid na ako sa paggamit ng kagamitan? 4. Natapos ko ba ang gawain sa takdang panahon? Oo Hindi Bahagya

IV.

PAGTATAYA Ayusin ang mga umusunod na hakbang sa sa pagkakabit ng butones ayon sa tamang pagkakasunod sunod. Isulat ang titik. ___1 ___2 ___3 ___4 ___5 Paikutin ng ilang ulit ang sinulid upang magkaroon ng leeg. Isuot ng ilang ulit ang sinulid sa mga butas ng butones. Markahan ang lugar na paglalagyan ng sinulid. Maglagay ng aspili sa ilalim ng sinulid sa mga butas ng butones. Itusok ang karayom sa kabaligtaran ang ibuhol ng 2 beses.

V.

TAKDANG ARALIN / KASUNDUAN Laging gawing maayos at malinis ang pagsasagawa ng pagkakabit ng butones.

Petsa: ________ ARALIN 12 LAYUNIN Nasasagawa ang wasto ang mga kasiraan ng kasuotan tulad ng tuwid sa punit sa pamamagitan ng pananahi sa kamay. PAKSA AT KAGAMITAN Pagkukumpuni ng tuwid na punit sa pamamagitan ng pananahi sa kamay. ELC A- Blg. 1.2.3.2 Gumamawa at Umunlad pp. 33-34 KBI Kaayusan sa Paggawa PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Paano mo gagawin ang pagkakabit ng butones? 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Talasalitaan punit, pagsusulsi, pagkukumpuni B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Pagpapakita ng dalawang damit, ang isa ay walang punit ang isa ay may punit. Alin dito ang gusto ninyong isuot? Ano ang gagawin mo sa may punit na damit upang mapakinabangan ito? 2. Paglalahad Ipakita ang damit na may punit na tuwid. Paano muli itong mapapakinabangan? Ano ang naiitutulong ng pagsusulsi? Pano gagawin ang pananahi upang matiyak na mapakinabangan muli ito? Ipakitang turo ng guro ang tungkol sa pananahi o pagsusulsi ng punit na tuwid na nakasulat sa tsart. 1. Ihanda ang karayom at sinulid. Gumamit ng dobleng sinulid na kasingkulay ng damit na susulsihan. 2. Itusok ang karayom sa kabaligtaran panig ng damit. 3. Hatakin ang karayom at gumawa ng maliliit na patutos na tahi. Iwasang hatakin nang mahigpit ang sinulid upang huwag kumulubot ang tinatahi. 4. Pagsalit-salitan ang haba ng bawat hanay na tutos, gawing mahaba ang unang hanay at maikli naman ang sumunod. Ang isang ay kailangang dumaan sa ibabaw ng punit at kasunod na hanay naman ay sa ilalim. 5. Palagpasin nang kaunti ang pagtatahi nang patutos mula sa dulo ng punit. Ibuhol sa kabaligtaran ng damit ang sinulid.

I.

II. III.

3. Paglalahat Maisasagawa ang pagsusulsi ng tuwid na punit kung susundin nang maayos ang hakbang sa pagsasagaw a nito.

C. Pangwakas na Gawain Sagutin nang wasto ang iskor kard sa pagmamarka sa gawain. Mga Sukatan
1. 2. 3. 4. 5. Naging maingat ba ako sa paggamit ng kagamitan? Nagpapamalas ba ako ng gawain ayon sa hakbang na ibinigay? Gumawa ba ako ng gawain ayon sa hakbang na binigay? Nasunod ko ba nang wasto ang bawat hakbang? Natapos o ba sa takdang oras ng pagsusulsi?

Oo

Hindi

Bahagya

IV.

PAGTATAYA Lagyan nang tamang bilang ang sumusunod na hakbang sa pagsusulsi upang maiayos sa wastong pagkasunod-sunod. _______1. Palagpasin nang kaunti ang pagtahi nang patutos mula sa dulo ng punit. _______2. Ihanda ang karayom at sinulid. Lagyan ng buhol ang dulo ng sinulid. _______3. Hatakin ang karayom at gumawa ng maliliit at patutos ang dulo ng sinulid. _______4. Itusok ang karayom sa kabaligtarang panig ng damit. _______5. Pagsali-salitin ang haba ng bawat hanay ng tutos.

V.

TAKDANG ARALIN/ KASUNDUAN Basahin at isulat ang paraan ng pagsusulsi ng pahilis na punit.

Petsa ________ ARALIN 13 I. LAYUNIN Ipinapakita ang mga paraan upang mapanatiling maayos ang kasuotan sa paglalaba ng mga damit panloob. PAKSA AT KAGAMITAN Pagpapakita ng Wastong Paraan ng Damit Panloob ELC A 1.2.4 p.3 Gumawa at Umunlad pp. 24 26 Kagamitan palanggana, sabon, maruming kamison / panty KBI Kalinisan sa Kasuotan PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Paano mo iaayos ang sira ng iyong kasuotan? 2. Talasalitaan damit panloob mga damit na sinusuot na di nakikita dahil nasa loob. Hal. Kumison, panty, breif, bra kumukupas mga damit na lumalanit / kumakatas pabulain hayaing mag lobo ang sabon B. Panimulang Gawain 1. Pagganyak Sino ang naglalaba ng mga damit ninyo? Nakaranas na ba kayong maglaba? Ano ang inyong nilalabhan? 2. Paglalahat Sa paglalaba ng damit panloob ay dapat na ihanda ang lahat ng gagamitin sa paglalaba. Ihiwalay ang kamison, bra breif, at panty. Unahin ang puting panloob bago ang may kulay. Kuskusing mabuti ng sabon ang parte na madaling kapitan ng dumi. Banlawan ng 3 beses at isampay sa di natatanaw o nakikita ng tao. C. Pangwakas ng Gawain: Pagpapakita ng bawat grupo ng wastong paglalaba ng panloob. PAGTATAYA Ayusin ayon sa wastong hakabang sa paglalaba ng damit panloob. Isulat ang bilang sa puwang. ________1. Sabunin ang damit ________2. Pagbukodbukodin ang mga kulay sa puting damit. ________3. Ikula ang puting damit ________4. Banlawan ng 3 beses ang damit ________5. Isampay ng maayos ang damit ________6. Ihanda ang mga kagamitan sa paglalaba. TAKDANG ARALIN / KASUNDUAN Gawain sa bahay ang ating ginawa ngayon at isulat sa kwaderno ang kinalabasan nito. FORMAT: OO HINDI Naisagawa mo ba ang paghihiwalay ng damit puti sa de kolor? Naihanda mo ba ang mga kagamitang panlaba? Pinaghiwalay mo ba ang puti sa de kolor na damit habang sinasabon, kinukusot, at binabanlawan ito? Humingi ka ba ng tulong sa nakatatanda sa iyo? Isinampay mo ba ang damit ng maayos?

II.

III.

IV.

V.

Petsa ________ ARALIN 14 I. LAYUNIN Naipakikita ang mga paraan upang mapanatiling maayos ang kasuotan sa pag-aalis ng mga mantsa sa damit. PAKSA AT KAGAMITAN Wastong Paraan ng Pag-aalis ng Mantsa sa Kasuotan ELC A 1.2.4 p.3 Gumawa at Umunlad pp. 16- 17 Kagamitan larawa, tsart, damit na may mantsa, asin, kalamansi, tubig KBI Kalinisan sa Kasuotan PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Anu-ano ang wastong paraan ng paglalaba? B. 2. Talasalitaan ammonia kemikal na maaring gamitin sa mga mantsang mahirap tanggalin. asetona isang kemikal na sumisipsip at nakatatanggal ng dumi kalawang duming nanggagaling sa bakal at kawad C. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Ano ang kulay ng inyong uniporme? Bakit may paltak ito? 2. Paglalahad Ngayon ay pag-aaralan natin ang pag-aalis ng mantsa ng damit. Ipakikita ang paraan ng pagaalis ng mantsa ng damit. Pagpapakitang turo ng guro: 3. Pagtatalakayan Ano ang nararapat na gawin kapag namantsahan ang damit ng dagta at kalawang? 4. Paglalahat Ang mantsa ng kalawang at dagta ng prutas ay madaling maalis kung lalagyan ng katas ng kalamansi o asin o pinitpit na kamyas at ibabad sa araw. D. Pangwakas ng Gawain: Papangkatin ang klase upang maisagawa at maipakita ang karanasan sa pag-aalis ng mantsa, kalawang at dagta sa damit. E. PAGTATAYA Pagsunud-sunurin ayon sa pagsasagawa Lagyan ng bilang. _________ Budburan ng asin upang di kumalat ang mantsa. _________ Ibilad sa araw _________ Pigaan ng kalamansi _________ Lagyan ng kalamansi _________ Lagyan ng asin _________ Ulitin ng ilang beses F. TAKDANG ARALIN / KASUNDUAN Saliksikin kung paano maalis ang mantsa ng chewing gum, chocolate, atbp.

II.

Petsa__________ ARALIN 17 I. LAYUNIN Natatalakay ang mga paraan ng pag-aalaga sa nakababatang kapatid sa pamamagitan ng pagpapaligo. PAKSA AT KAGAMITAN Wasyong Paraan ng pag-aalaga sa Nakababatang Kapatid sa Pamamagitan ng Pagpapaligo ELC Blg. 2.2.1.1 p.4 Umunlad sa Paggawa V Kagamitan:- larawan, relia ng ibat-ibang kagamitan sa paliligo, manika KBI- Pagkamalinis PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik-Aral Ano ang kabutihang naidudulot ng bawat katangian sa kasiyaysiyang pagsasamahan ng mag-anak? 2. Pagwawasto ng Takdang-Aralin 3. 3. Talasalitaan bimpo- itoy gamit na pangpunas sa katawang may sabon. Panghilod itoy gamit na pang-alis ng libag sa katawang di kayang maalis ng bimpo. (Ang guro ay puwede ring gumamit ng larawan o ipakita ng aktual ang talasalitaang nililinang) B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sino sa inyo ang may karanasan sa pagpapaligo ng nakababatang kapatid? 2. Paglalahad (Pagkukuwento ng Guro) 3. Pagtatalakayan Anu-ano ang ang mga hakbang sa paliligo sa nakababatang kapatid? Ilang beses dapat paliguan ang bata? Saan dapat paliguan ang bata? 4. Paglalahat Ang pagpapaligo sa nakababatang kapatid ay isang paraan ng pagtulong sa magulang at pagpapanatiling malinisito. K. Pangwakas na Gawain A. Pagpapangkat-pangkatin ang mga bata upang ipakita ng gawa ang wastong paraan ng pagpapaligo sa nakababatang kapatid na gagamitin ang ibat ibang kagamitan sa paliligo ng isang manika. B. Lagyan ng bilang sa unahan ng bawat patlang ang wastong pagkasunodsunod ng paraan sa paliligo sa nakababatang kapatid IV. PAGTATAYA Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad na paraan ng pagpapaligo sa nakababatang kapatid at Mali kung hindi wasto. _________1. Buhusan muna ang katawan ng bata, bago ihanda ang kagamitan sa paliligo. _________2. Sabunin ng dalawang ulit ang ibat-ibang bahagi ng katawan ng bata. _________3. Lagyan ng pulbos ang katawan ng bata pagkatapos itong tuyuin ng tuwalya. _________4. Gamitan ng bimpo sa panghilod ng katawan ng bata upang maalis ang libag. _________5. Ihanda muna ang lahat ng kagamitan sa paliligo. V. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN Ngayong alam na ninyo ang paraan ng pagpapaligo, kayo na ang magpapaligo sa inyong nakababatang kapatid kapag may ginagawa ang nanay.

II.

III.

Petsa __________ ARALIN 18


I. LAYUNIN Natatalakay ang mga paraan ng pag-aalaga sa nakababatang kapatid sa pamamagitang ng pagbibihis. PAKSA AT KAGAMITAN Wastong Paraan ng Pag-aalaga sa Nakababatang Kapatid sa Pamamagitan ng Pagbibihis. ELC Blg. 2.2.1.1 p.4 Umunlad at Gumawa V Kagamitan larawan KBI Pagkamatulungin / Pagkamaayos PAMAMARAAN Panimulang Gawain 1. Balik Aral Wastong paraan ng pagpapaligo sa nakababatang kapatid. 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Talasalitaan katamtamang luwag tamang-tama lamang ang luwag panara anumang magagamit na pananakip ng damit B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Ang nanay ni Arnel ay laging umaalis ng bahay upang magtrabaho. Upang makatulong sa nanay siya ay nagaalaga ng bunsong kapatid na tatlong taong gulang pa lamang . Tuwang tuwa ang nanay niya dahil tuwing uuwi siya ng bahay ay malinis ang kasuotan ni baby. Makakatulad kaya kayo Arnel sa kanyang pagiging matulungin? Paglalahad Pag-aaralan natin ngayon ang wastong paraan ng pagbibihis sa ating nakababatang kapatid. Pagpapakitang gawa ng guro sa wastong paraan ng pagbibihis sa nakababatang kapatid at pagpapaliwanag tungkol dito. Mga Paraan ng Pagbibihis sa Nakababatang Kapatid 3. Pagtatalakayan -

II.

III. A.

2.

Anu-ano ang dapat tandaan sa pagbibihis sa nakababatang kapatid? Paano bibihisan ang tatlong taong gulang? Bakit mahalagang matutuhan ang pagbibihis sa nakababatang kapatid?

4.

Paglalahat Ang Pagbibihis sa nakababatang kapatid ay isang paraan ng pagtulong sa magulang at sa pagpapanatiling maayos ng kapatid gayon na rin sa mga kasuotan niya. Pangwakas na Gawain Balik pakitang gawa ng mag-aaral ang wastong paraan ng pagbibihis sa nakababatang kapatid. PAGTATAYA Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa ss. ang dapat pinakaunang dapat gawin kung bibihisan ang nakababatang kapatid? a. hubaran ang bata b. ihanda ang damit na kailangan c. pulbusan ang dibdib at likod ng bata d. tumawag ng kapat-bahay na makatutulong Alin sa ss. ang mga katangiang dapat taglayin ng damit ng nakababatang kapatid? a. malaki maluwag at mahaba b. mamahalin, matibay at uso sa yari c. mamahalin, maganda at maraming gayak d. simple katamtaman ang luwag at matibay Mainit ang panahon. Alin ang ibibihis mo sa iyong nakababatang kapatid? a. damit na sira ang panara b. damit na yari sa koton c. dyaket at sombrero d. mahaba ang manggas Naglalaro ang kapatid mo, nakita mong marumi at basang-basa siya ng pawis. Ano ang gagawin mo? a. bibihisan kahit basa pa siya ng pawis b. titiyaking malinis ang katawan bago bihisan c. pabayaang basa ng pawis at madumi d. hindi alam ang gagawin Birthday ng pinsan mo. Inutusan ka ng nanay mo na bihisan ang nakababa mong kapatid. Paano mo siya bibihisan? a. damit na pambahay ang isusuot sa kanya b. sando at shorts ang isuot sa kanya c. simple at angkop sa okasyon ang pipiliing damit d. itatanong sa nanay ang isusuot niya

5.

IV.

2.

3.

4.

5.

V.

TAKDANG ARALIN/ KASUNDUAN Tutulong sa nanay sa pagbibihis sa nakababatang kapatid.

Petsa___________ ARALIN 19 I. layunin Natatalakay ang mga paraan ng pag aalaga sa nakababatang kapatid sa pamamagitan ng pagpapakain. PAKSANG AT KAGAMITAN Wastong Paraan ng Pag-aalaga sa Nakababatang Kapatid sa Pamamagitan ng Pagpapakain ELC. Blg. 2.2.1.1 p.4 Gumawa at umunlad IV pp. 66-67 Kagamitan Tape recorder KBI Pagkamayulungin / Pagkamaalalahanin PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik- Aral Wastong paraan ng pagbibihis sa nakababatang kapatid. 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Talasalitaan babero telang nilalagay sa dibdib ng bata upang hindi marumihan B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Magpakita ang guro ng larawan ng batang malusog. Ano ang masasabi ninyo sa batang ito? etc. 2. Paglalahad May mga mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagpapakain sa nakababatang kapatid. pakinggan natin ang isang tape interview. Pero bago ang tape review ano ang mga pamantayang dapat sundin sa pakikinig? TAPE INTERVIEW Guro : Magangdang umaga sa inyong lahat . ngayong araw na ito ay tatalakayin natin ang tungkol sa wastong pagpapakain ng sanggol . Makikinig tayo sa isang tape interview. ( Paghahanda ng mga bata sa pakikinig). Ang tape interview ay pangungunahan ni Maricel , leader ng pangkat II. Maricel : Magandang araw po sa inyo gng,. Fe Santos. Gng. Santos: Magandang araw naman. May maipaglilingkod ba ako sa inyo? Mga batang kasama ni, Maricel : Opo. Nais po naming malaman ang paraan ng inyong pagpapakain sa inyong anak na tatlong taong gulang na. Gng. Santos: Bakit ? Pinag-aaralan ninyo ba iyan? Maricel : Aba opo. Ito po ay kabilang sa pagtulong namin sa aming magulang ang magalaga ng nakababatang kapatid at ang pagpapakain sa kanila ay bahagi ng pag-aalaga sa kanila. Gng. Santos : Sa pagpapakain mahalagang tandaan ang kalinisan. Ang kagamitan gaya ng pinggan, tasa baso, kutsarita, at platito ay kailangang malinis gayun din ang pagkain . Ito ay dapat na masustansiya, hindi gaanong mamahalin at malinis. Kailangang silay pakainin sa tamang oras at sa pagpapakain , sasanayin ninyo na hindi pa husto ang isip nila kaya kailangang turuan sila Maricel : Anu ano naman ang inyong pinakakain? Gng. Santos: regular na pakainin gaya ng kanin, isda, gulay, at karne. May prutas din sila araw-araw. Pinaiinom ko rin siya ng kalamansi juice. Kailangan ding iba-iba ang pagkain para hindi siila magsawa. Huwag ninyong lalagyan ng marami ang kanilang pinggan . Kinakailangang sapat na dami lang ang inyong ilalagay upang hindi masayang ang pagkain. Makabubuting lagyan parin sila ng babero kapagkumakain upang hindi marumihan ang kanilang damit.

II.

III.

Maricel : Maraming salamat po sa inyong mahalagng impormasyon sa amin. Ito po ay dagdag kaalaman sa amin. Gng. Santos: Walang anuman. Handa akong tumulong sa anumang pangangailangan ninyo. 3. Pagtatalakayan: - Anu-ano ang mga kagamitan sa pagpapakain ng nakababatang kapatid? - Anu-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng pagkain ng bata? - Kailan ninyo dapat pakainin ang bata? 4. Paglalahat Ang pagpapakain sa nakababatang kapatid ay isang paraan ng pagtulong sa mga magulang at pagpapakita ng pagkamaalalahanin sa kapatid. Ito ay nangangailangan ng tiyaga at pang-unawa sa mga bata. K. Pangwakas na Gawain Isulat sa patlang sa unahan ng bilang kung dapat o di- dapat sundin ang sinasabi ng bawat pangungusap sa pagpapakain sa nakababatang kapatid. _______1. Piliting pakainin sa pagpapakain ang bata kahit ayaw ng kumain. _______2. Tiyaking masustansiya ang pinakakain sa kanya. IV. PAGTATAYA Panuto: Sipiin ang bilang at lagyan ng (/) ang mga panuntunan sa pagtulong sa pagpapakain sa nakababatang kapatid at ekis (X) kung hindi . _________1. Pakainin Ang bata sa takdang oras. _________2. Punuin ang plato ng bata upang ganahan. _________3. Paglaanan ang batang kapatid ng sariling baso , plato, tasa, kutsarita at platito. _________4. Susuyuin o pilitin ang batang kapatid sa pagpapakain upang siyay huwag mapalipasan ng gutom. _________5. Turuan ang bata ng kagandahang asal sa hapag kainan.

V.

TAKDANG ARALIN/ KASUNDUAN Tutulong sa nanay sa pagpapakain ng nakababatang kapatid at susunduin ang mga panuntunan sa pagpapakain.

Petsa__________ ARALIN 20
I. LAYUNIN Natatalakay ang mga paraan ng pag-aalaga sa nakababatang kapatid sa pamamagitan ng pagkikipaglaro. PAKSA AT KAGAMITAN Wastong Paraan ng Pag-aalaga sa Nakababatang kapatid sa pamamagitan ng Pakikipaglaro. ELC. Blg, 2.2.1.1 p.4 Gumawa at Umunlad IV pp. 64-66 Kagamitan- larawan KBI Pagkamaayos PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik- Aral Anu-ano ang wastong paraan sa pagpapakain ng nakababatang kapatid? 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Talasalitaan Nakababata kapatid na mas bata kaysa isa. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Kapag kayo ay nag-aalaga ng inyong nakababatang kapatid, nakikipaglaro ba kayo ba kayo sa kanila? Anu-ano ang mga larong nilalaro ninyo? Paglalahad Pagpapakitang gawa ng isang batang naglalaro ng bola, naglalaro ng bahay bahayan , naglalaro ng xylophone at nagkukulay ng larawan. Tiganan at suruin ang mga larawan ( Ang guro ay magsasaayos ng mga larawan kung saan ang isang sampung taong gulang na bata ay nakipaglaro sa isang kapatid na tatlong taong gulang). ( Magpakita rin ang guro ng ilang uri ng larawan at magpaliwanag tungkol sa mga larawan.) Pagtatalakayan Bakit mahalaga sa bata ang paglalaro? Saang lugar dapat maglaro? Bakit hindi dapat iwanan ang bata sa paglalaro? Ano ang dapat ituro sa nakababatang kapatid sa mga laruang ginamit? Paano ang pagpili ng laro at mga laruan sa mga nakababatang kapatid? Paglalahat Ang paglalaro sa nakababatang kapatid ay isang paraan ng poag-aalaga at pagtulong sa magulang.

II.

III.

B.

2.

3. 1. 2. 3. 4. 5. 4.

K. Pangwakas na Gawain Panuto: Lagyan ng tsek (/) sa tapat ng hanay kung dapat o di-dapat gawin ang isinasaad ng pangungusap sa pakikipaglaro sa nakababatang kapatid. Dapat 1. 2. 3. 4. 5. IV. PAGTATAYA Isulat ang T kung wasto ang kaisipan at M kung hindi. ________1. Ipaunawa sa kapatid kung paano ginagamit ang laruan para sa kanila ________2. Iwanan ang bata ng nag iisa sa paglalaro ________3. Ang larong takbuhan relay at larong bola ay nakakapagod kaya hindi dapat paglaruin ang bata. _ ______4. Ang lugar na paglalaruan ay kailangang iligtas sa sakuna. _______5. Turuan ang mga bata sa pagliligpit ng laruan. V. TAKDANG ARALIN/ KASUNDUAN Isulat sa isang talata ang wastong paraan ng pakikipaglaro sa nakababatang kapatid. Ipakita sa kapatid kung paano ginagamit ang laruan Bigyan ang nakababatang kapatid ng kahit na anong laruan upang malibang Iba- ibang laro ang dapat ipalaro sa kanila. Iangkop ang laro sa kanyang gulang at kakayahan Huwag papagllaruin ang kapatid sa maduming lugar. Di-dapat

Petsa_____________ ARALIN 21
I. LAYUNIN Naipakikita ang wastong paraan at mga panuntunang pangkalusugan / pangkaligtasan sa aalaga sa nakababatang kapatid. PAKSA AT KAGAMITAN Wastong Paraan at mga Panuntunang Paangkalusugan at Pangkaligtasan sa Pag-aalaga sa Nakababatang Kapatid. ELC. Blg. 2.2.1.2 p.5 Gumawa at Umunlad IV p. 64 Kagamitan larawan KBI Kalusugan at Kaligtasan PAMAMARAAN A. 1. Panimulang Gawain Balik Aral Anu ano ang wastong paraan ng pag aalaga sa nakababatang kapatid? Pagwawasto ng Takdang Aralin Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sinu-sino ngang muli sa inyo ang may nakababatang kapatid? Paano ninyo sila inaalagaan? Paglalahad ROLE PLAYING Bawat pangkat ay ipakikita ang ibat ibang paraan ng pag aalaga ng nakababatang kapatid. I. Pagpapaligo II. Pagbibihis III. Pagpapakain IV. Pakikipaglaro V. Pagpapatulog VI. Pagkukuwento 3. Pagtatalakayan 1. Paano isinasagawa ng bawat pangkat ang pag-aalaga sa nakababatang kapatid? 2. May mga panuntunang pangkalasugan at pangkaligtasan bang sinunod? 3. Bakit dapat sundin ang mga panuntunanang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag aalaga ng nakababatang kapatid? pag-

II.

III.

2. B.

2.

4.Paglalahat May mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan na dapat sundin sa bawat paraan ng pag aalga ng nakababatang kapatid. K. Pangwakas na Gawain Maglista ng mga bagay sa inyong tahanan na maaring maging sanhi ng sakuna sa mga nakababatang kapatid. Sabihin o ipakita kung ano ang dapat gawin upang maiwasan ang aksidente. IV. PAGTATAYA Isulat ang T. kung wasto ang kaisipan at M kung mali. _______1. Isaisip ang gulang at interest ng bata sa pagpili ng laruan para sa kanila _______2. Iwanan ang bata na nag iisa sa paglalaro. _______3. Pakainin ang bata sa takdang oras. _______4. Kuwentuhan ang nakababatang kapatid ng yungkol sa buhay ng kapit bahay. _______5. Patulugin ang nakababatang kapatid sa lugar na maaliwalas. V. TAKDANG ARALIN/ KASUNDUAN Sa napag - aralan natin ngayon, bawat isa sa inyo na nag- aalaga ng nakababatang kapatid ay inaasahan na makasunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan habang nag aalaga

Petsa _____________ ARALIN 22 I. LAYUNIN Naipapakita ang kasitahan at kawilihan sa pag-aalaga ng nakababatang kapatid. PAKSA AT KAGAMITAN Kasiyahan at kawilihan sa Pakikipaglaro. ELC Blg. 2.2.1.3 p.5 Gumawa at Umunlad IV pp. 64-66 Kagamitan larawan KBI Kasiyahan PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Anu ano ang mga magagandang kaugalian na dapat iuro sa nakababatang kapatid kapag siya ay kumakain? Pagwawasto ng Takdang Aralin Talasalitaan Kawilihan katangiang nag papasidhi sa pagkagusto upang malaman at matutuhan ang tungkol sa isang bagay. Mausisa may ugaling laging nagtatanong tungkol sa anumang bagay.

II.

III.

2. 3.

B.

Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mahalaga ba sa mga batang lumalaki ang paglalaro ? ang mga laro ba ay dapat maging angkop sa gulang at kakayahan ng isang bata? Paglalahad Diyalogo Kalagayan ; May pupuntahan ang nanay , si Totoy ay naiwan sa pagbabantay ng kanyang nakababatang kapatid, upang masiyahan ang kanyang nakababatang kapatid, iananyayahan nya itong maglaro. Pagtatalakayan 1. Bakit mahalaga ang paglalaro? 2. Dapat bang bigyan ang angkop na laruan ang mga bata? 3. Saan ba ang agnkop na lugar sa paglalaro? 4. Kung ikaw si Jake, papaano mo mabibigyang kasiyahan at kawilihan ang pakikipaglaro mo sa iyong nakababatang kapatid? Paglalahat Ang mga laro ng bata ay dapat maging angkop sa gulang at kakayahan. Isipin kung anong uri ng laro ang kinawiwilihan ng bata. Ang palaruan ay dapat na maging malinis at ligtas sa mga sakit.

2.

3.

4.

K. Pangwakas na Gawain pagsasagawa ng mga dalawang bata ng napiling laro para sa kanyang nakababatang kapatid habang masinsinang sinusubaybayan ng guro. IV. PAGTATAYA Panuto : lagyan ng tsek (/) kung ginagawa ng mga ito at ekis (x) kung hindi. _________1. Binibgyan ng angkop na laruan ang mga bata. _________2. Tinuturuan ng tamang laro ang nakababatang kapatid. _________3. Iniiwang nag iisa ang bata habang naglalaro. _________4. Ang lansangan ang angkop na lugar sa paglalaro? _________5. Inaalagaan mo habang mabuti ang nakababata mong kapatid?

V.

Takdang Aralin/ Kasunduan Sumulat ng ilang pangungusap kung bakit kawili - wili ang pakikipaglaro sa nakababatng kapatid.

Petsa ______________ ARALIN 24 I. LAYUNIN Naipapakita ang kasiyahan at kawilihan sa pag aalaga sa pagpapaligo ng nakababatang kapatid. II. PAKSA AT KAGAMITAN Kasiyahan at kawilihan sa pagpapaligo ELC Blg. 2.2.1.3 p5 KBI Pagmamahal PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Anu ano ang wastong paraan ng pag aalaga ng bata? Anu ano ang mga panuntunang pangkalusugan / pangkaligtasan sa pag aalaga ng nakababatang kapatid? Pagwawasto ng Takdang Aralin Talasalitaan kasiyahan, kawilihan, pagpapaligo

III.

2. 3.

B.

Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Ano ang inyong nadarama kapag nag aalaga ng bata? Natutuwa ba kayong magpaligo ng bata? Paglalahad Interview ( Ina ng Tahanan ) Pagtatalakayan Sino ang iniinterbyu sa klase? Ano ang karanasan niya sa pag aaloaga ng bata? Paano niya ipinakikita ang kasiyahan at kawilihan sa pag aalaga? Kung kayo si Aling Rosie paano ninyo ipakikita ang kasiyahan at kawilihan sa pag aalaga ng inyong nakababatang kapatid. Paglalahat Sa pagpaligo ng nakababatang kapatid kinakailangang maipakita sa bata ang kasiyahan at kawilihan paliguan siya. Buong pagmamahal, matiyaga at mabait na ipararamdam sa nakababatang kapatid. ang kasiyahanng paliguab sila.

2.

3.

4.

IV.

PAGTATAYA Panuto : Lagyan ng tsek (/) kung kasiyahan ang nadarama o ekis (x) kung nababagot. ________1. Paliguan nang buong tiyaga ang nakababatang kapatid araw araw ________2. Sigawan ang bata kung ayaw maligo. ________3. Sabunan ang buong katawan tulad ng haplops ng pagmamahal. ________4. Nakalulugod pagmasdan kung ang kapatid ay nasisiyahan sa pagliligo. ________5. Sunod sunurin ang paraan ng pagliligo upang matapos kaagad.

V.

TAKDANG ARALIN /KASUNDUAN Mag interview sa ibang ina ng tahanan kung paano nila ipinakikita ang kasiyaha at kawilihan sa pagpapaligo.

Petsa _____________ ARALIN 25

I.

LAYUNIN Naipakikita ang kasiyahan at kawilihan sa pagbibihis ng nakababatang kapatid. PAKSA AT KAGAMITAN Kasiyahan at Kawilihan sa pagbibihis. ELC Blg. 2.2.1.3 p.5 Gumawa at Umunlad KBI - Pagkamatiyaga PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Paano mo maipakikita ang kasiyahan at kawillihan sa pagpapaligo ng mga nakababatang kapatid? 2. Talasalitaan pagbibihis, matiyaga Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Pagkatapos ninyong paliguan ang inyong nakababatang kapatid paano mo binibihisan sila? 2. Paglalahad ( Pakitang gawa ng guro ) 1. Paghahanda ng mga kagamitan 2. Pag alaala sa mga pamantayan habang nagpapakitang gawa ang guro. 3. Pagtatalakayan sa ipinakitang gawa ng guro. 4. Paano mo kinukumbinse ang inyong nakababatang kapatid sa pagbibihis? 3. Pagtatalakayan Anu ano ang dapat iwasan sa paglalagay ng damit sa ulo pababa tulad ng blusa o kamiseta? Anong damdamin ang dapat mong ipakita sa pagbibihis ng nakababatang kapatid upang ito ay palaging magbihis 4. Paglalahat Dahan-dahan angbpagbibihis sa nakababatang kapatid upang di masaktan. Huwag sigawan o tawanan sa kanilang damit na isusuot. Ipakita ang kabaitan sa kapatid upang mawili siyang magpabihis. Pangwakas na gawain Basahin ang tanong tanong at piliin ang pinakatamang sagot sa apat na pagpipilian. 1. Ang pagbibihis ng kapatid ay dapat ___________. a.pakaingatan b. pagdamot c. pagalitan d. pakamahalin 2. Ang pag aalaga ng bunsong kapatid ay kasiya siya lalo kung _________. a. Bibihisan ng buong giliw b. lilinisa mayat maya c. tutuksuin at pagtatawanan d. may pananakot 3. Sikaping iwasan ang ______ sa pagbibihis ng kapatid. a. pamimilit b. pagkatiyaga c. pagmamahal d. pagkawasto 4. Ang kawilihan sa pagbibihis ng kapatid ay trabahong _____________. a. kasiya siya b. kabagutan c. katiyagaan d. katamaran 5. Ang pagbibihis ng kapatid ay gawaing __________. a. mabuti b. masama c. maramot d. maramot

II.

III.

B.

C.

IV.

PAGTATAYA Panuto : Piliin ang tamang sagot sa apat na pagpipilian. Isulat ang titik lamang sa sagutang papel. 1. 2. 3. Upang maiwasan ang di pagkakaunawaan ng kapatid at nagbihis dapat ay magkaroon ng a. pagkagiliw b. pasensiya c. pagtitiyaga d. lahat ay nasa itaas Ang pagbibihis ng kapatid ay tungkuling dapat bigyan ng ___________. a. kahalagahan b. kasiyahan c. kapabayaan d. kaayusan Alin sa sumusunod ang di nagpapakita ng kawilihan sa pagbibihis ng kapatid? a. pagtitiyaga sa pagbibihis ng kapatid? c. pag aayos ng pagbibihis ng kapatid b. ipagpaubaya sa kapitbahay d. linisan bago bihisan Ang pagbibihis ng nakababatang kapatid ay tungkulin ng ______________ a. lola b. ama c. ina d. ate Ang pagbibihis ng kapatid ay isang kasiya - siyang gawi at kalulugdan ng ___________ a. kapitbahay b. pamilya c. kapatid d. kaaway

4. 5.

V.

TAKDANG ARALIN/ KASUNDUAN Manood ng pagbibihis ng bata ng isang ina at saloobin nito.

Petsa _____________ ARALIN 28

I.

LAYUNIN Naipapakita ang kasiyahan at kawilihan sa pag aalaga sa pagpapakain ng nakababatang kapatid. PAKSA AT KAGAMITAN Kasiyahan at Kawilihan sa Pagpapakain ELC Blg. 2.2.1.3 p.5 Gumawa at Umunlad pp.66-67 KBI Pagkamasigla at pagkamasaya PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Anong kasiyahan ang ipinakikita mo sa pagbibihis ng nakababatang kapatid? 2. Talasalitaan pagpapakain , kasiyahan, kawilihan B. Panlinang na Gawain 1. 2. Pagganyak paano ka nakatutulong ng pagpapakain ng kapatid? Nasisiyahan ka ba na pagsilbihan sila? Paglalahad ( Sanaysay ) Kasiyahan sa Pagpapakain ng Nakababatang Kapatid Kailangan ng mga bata ang wasto at sapat na pagkain upang sila ay lumaki. Bilang kapatid ay tungkulin mong tulungan ang nanay sa paghahanda ng pagkain at bigyan ng mahalagang dapat gawin upang makaugalian ng bata ang wasto at maayos na pagkain. Kapag naturuan ninyo ng tamang pagkain mawiwili kang magpakain ng kapatid. Sikaping maging kasiya siya ang oras ng pagkain. Iwasan ang pamimilit, pagmamakaawa, panunuyo o pananakot sa nakababatang kapatid. Turuan at matutuwa sila sa mga nagawa mo. Pagtatalakayan Anu ano ang dapat mong gawin para makaugalian ng bata ang wasto at maayos na pagkain? Paano magiging kasiya siya ang oras ng pagkain? Anu ano ang maaring ituro sa hapag kainan? Paano mo maipakikita ang kawilihan sa pagpapakain? Paglalahat Turuan ang bata ng mabuting pag uugali sa hapag kainan upang maging kasiya- siya ang oras ng pagkain. Maipakikita mo rin sa mga bata ang inyong tiyaga, pagkokonsidersyon, pagkamasaya sa pagpaang g pagkain sa kanila. Paglalapat Anu ano ang mga paraan ng pagpapakain ng nakababatang kapatid? Paano mo maipakikita ang kasiyahan o kawilihan sa pagpapakain.

II.

III.

3.

4.

5.

IV.

PAGTATAYA Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang mga bagay na tama at nasiyahan ka sa pagpapakain. ________1. Sikaping maligaya ang lahat ng oras ng pagkain. ________2. Plilitin ang bata sa pagpapakain kahit pagod ito. ________3. Maglaan ng oras o bigyan ng sapat na panahon upang makatapos sa pagkain. ________4. Maglaan ng sarili g plato, tasa, baso at bp. ________5. Ipinakikita na dapat tahimik sa oras ng pagkain.

V.

TAKDANG ARALIN / KASUNDUAN Mag isip ng mga larong maaring laruin at maipakita ang kasiyahan o kawilihan sa pagpapakain.

Petsa ____________ ARALIN 29 I. LAYUNIN Natutukoy ang mga gawaing nauukol sa paglilinis ng tahanan. PAKSA AT KAGAMITAN Gawain sa Paglilinis ng Tahanan ELC Blg. 2.2.2 1 p.5 Gumawa at Umunlad pp. 47 48 Kagsmitsn larawan KBI Kasipagan at Kalinisan PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Anu ano ang mga katangian upang magkaroon ng moral sa paggawa? 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Talasalitaan Pasamano babahang bintana Agiw sapot ng gagambang nakapitan ng mga dumi B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Anu ano ang mga gawaing nauukol sa paglilinis ng tahanan ? Paano isinasagaw ang mga ito? 2. Paglalahad Pakikinig sa Ulat ( Isang bata ang babasa ng ulat ) PAGLILINIS NG TAHANAN Ang paglilinis ay napapadali kung nahahati hati ang mga gawaing ito sa bawat kasapi ng mag anak. Ang mga gawain sa paglilinis na kailangang gawin araw araw , may lingguhan at may paminsan- minsan lamang. Kabilang sa pang- araw-arw na gawain ang pagwawalis ng sahig, pagpupunas ng mga kasangkapan, muwebles at mga pasamano, pagbubunot ng sahig, pagliligpit ng mga kasangkapang ginamit at pagtatapon ng basura. Ang paglalampaso ng sahig, paglalagay ng plorwaks, pag-aalis ng agiw sa kisame at dingding, pampunas ng mga bintana at pag aayos ng mga gamit sa kabinet at ibang lalagyan ay ilan naman sa panglinguhang gawain sa tahanan. Paminsan minsan, binabago natin ang ayos ng muwebles at kasangkapan sa bawat kuwarto ng tahanan. Ang masusing paglilinis ng buong bahay ay ginagawa rinb ng mag anak lalo na at bago dumating ang mga espeyal na okasyon tulad ng Pista, Pasko, o Bagong Taon. 3. Pagtatalakaya Ano ang mga gawain sa paglilinis sa tahanan? Sa paanong paraan isinasagawa ang paglilinis? Bakit kailangang maglinis ng araw araw, panglingguhan at paminsan minsan? Kung ikaw ay pinaglilinis, alin ang pipiliin mong gawin ng paglilinis? Paglalahat Ang paglilinis ay namamalaging ligtas sa mga mikrobyo at peste na pinanggagalingan ng sakit. May tatlong paraan ng paglilinis araw- araw, lingguhan, at minsanan Pangwakas na gawain Paano isinasagawa ang mga sumusunod pagwawalis ng sahig paglalagay ng plorwaks pag aalis ng agiw sa kesame paglalagay ng kurtina

II.

III.

4.

5. 1. 2. 3. 4. IV.

PAGTATAYA Panuto: Basahin at isulat ang wastong titik ng bawat gawaing nauukol sa paglilinis ng tahanan na naayon sa bawat sitwasyon. A. Pagwawalis B. Pag aayos C. Pagpupunas D. pag aagiw E. Pagpupunas -----------------1. Ginagamit ang walis at pandakot upang maalis ang dumi. __________2. Nagpupunas ng plorwaks si Nena sa sahig. __________3. Gumagamit ng bunot si Cora upang kumintab ang sahig. __________4. Gumamit ng basahan s jennifer sa pag- aalis ng mga alikabok sa mesa at upuan. __________5. Gumagamit ng may mahabang tangkay na walis ang Nanay para malinis ang kisame.

Petsa _____________ ARALIN 23 I. LAYUNIN Naipapakita ang kasitahan at kawilihan sa pag-aalaga ng nakababatang kapatid. PAKSA AT KAGAMITAN Kasiyahan at kawilihan sa Pakikipaglaro. ELC Blg. 2.2.1.3 p.5 Gumawa at Umunlad IV pp. 64-66 Kagamitan larawan KBI Kasiyahan PAMAMARAAN C. Panimulang Gawain 1. Balik Aral Anu ano ang mga magagandang kaugalian na dapat iuro sa nakababatang kapatid kapag siya ay kumakain? Pagwawasto ng Takdang Aralin Talasalitaan Kawilihan katangiang nag papasidhi sa pagkagusto upang malaman at matutuhan ang tungkol sa isang bagay. Mausisa may ugaling laging nagtatanong tungkol sa anumang bagay. Panlinang na Gawain Pagganyak Mahalaga ba sa mga batang lumalaki ang paglalaro ? ang mga laro ba ay dapat maging angkop sa gulang at kakayahan ng isang bata? Paglalahad Diyalogo Kalagayan ; May pupuntahan ang nanay , si Totoy ay naiwan sa pagbabantay ng kanyang nakababatang kapatid, upang masiyahan ang kanyang nakababatang kapatid, iananyayahan nya itong maglaro. Pagtatalakayan 5. Bakit mahalaga ang paglalaro? 6. Dapat bang bigyan ang angkop na laruan ang mga bata? 7. Saan ba ang agnkop na lugar sa paglalaro? 8. Kung ikaw si Jake, papaano mo mabibigyang kasiyahan at kawilihan ang pakikipaglaro mo sa iyong nakababatang kapatid? Paglalahat Ang mga laro ng bata ay dapat maging angkop sa gulang at kakayahan. Isipin kung anong uri ng laro ang kinawiwilihan ng bata. Ang palaruan ay dapat na maging malinis at ligtas sa mga sakit.

II.

III.

1. 4.

2. 5.

6.

7.

8.

K. Pangwakas na Gawain pagsasagawa ng mga dalawang bata ng napiling laro para sa kanyang nakababatang kapatid habang masinsinang sinusubaybayan ng guro. III. PAGTATAYA

Panuto : lagyan ng tsek (/) kung ginagawa ng mga ito at ekis (x) kung hindi. _________1. Binibgyan ng angkop na laruan ang mga bata. _________2. Tinuturuan ng tamang laro ang nakababatang kapatid. _________3. Iniiwang nag iisa ang bata habang naglalaro. _________4. Ang lansangan ang angkop na lugar sa paglalaro? _________5. Inaalagaan mo habang mabuti ang nakababata mong kapatid?

IV.

Takdang Aralin/ Kasunduan

Sumulat ng ilang pangungusap kung bakit kawili - wili ang pakikipaglaro sa nakababatng kapatid.

Petsa _____________ ARALIN 30 I. II. LAYUNIN Napananatiling malinis ang tahanan ayon sa kakayahan. PAKSA AT KAGAMITAN -Pagpapanatili ng Kalinisan ng Tahanan -ELC A Blg. 2.2.2.5 p.6 -KBI- Kasipagan at Kalinisan. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral 2. Talasalitaan Muwelbes cleanser plorwaks gabok B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Ano ang Ginagamit ninyo upang maging maganda ang inyong tahanan? 2. Paglalahad Kuwento Si Ester at Buddy ay mag asawang may dalawang anak. Umuupa lamang sila ng apartment nang lumipat sila ay marumi ang loob nito. Nililinis nila ito at naguumpisa silaay marumi ang loob nito. Nilinios nila ito at naguumpisa sila sa itaas, pababa. Inuna nila ang kisame. Tinaggal ang agiw at dumi sa pamamagitan ng walis tingting. Nilagyan niya ng takip ang mga muwebles ang mga mwebles upang hindi malagyan ng Gabok. Pinunasan nila ang dingding ng sabon, basahan at eskoba. Nilagyan nila ng cleanser ay hindi matanggal ang dumi. Nilinis nila ang salaming bintana ng basahan at tuyong diyaryo. Kumuha sila ng basahang tuyo upang punasan ang mga muwebles. Sirang kamiseta ang kanilang ginamit upang walang himulmol na maiwan. Kahuili hulihan nilang winalisan ang sahig mula sulok patungo sa gitna ng silid. Ginamit niya ang pandakot para hindi malipad ang gabok. Pinahiran ng plorwaks ang sahig at saka binunot. Nakita ni Buddy na marumi ang kainan kung kayat pinunasan muna niya ang basa bago ang plorwaks. natapos ang mag asawa na may galak na tuwa. Pagtatalakayan Ano ang unang nilinis ni Buddy at Ester? Bakit kisame muna? Ano ang ginamit na panglinis sa dingding? Ano ang dapat gamitin sa bintana, salamin at kahoy? Anong klaseng pamunas ang mabuti sa muwebles? Bakit kamisera? Bakit pinapahiran ng plorwaks ang sahig?

III.

3. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 4. C.

Paglalahat Ang tahanan ay napapanatiling malinis at maganda kung ito ay lilinisin ayon sa kakayahan. Pangwakas na Gawain Magsulat ng 2 bagay upang masagot ang sumusunod na katarungan. Ano ang maaring idulot kung malinis ang baha? Paano mo ito magagawa sa silid aralan? Magiging maligya ka ba kapag makikita mo na malinis ang silid aralan mo ay malinis? Bakit?

IV.

PAGTATAYA 1. Kumpletuhin ang pangungusap. 2. Simulan ang paglilinis mula sa ________ 3. Punasan ang dingding ng sabon at _________ 4. Punasan ang muwebles ng ________ 5. Ang dulot ng plorwaks ay pakintabion ang ________ 6. Paano mo nililinisan ang iyong tahanan? ______ TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN Gawin sa bahay ang ating pinagaralan at i report bukas. Pag may panahon ay mag ho-home visitation ako sa bahay ninyo.

V.

Petsa _____________ ARALIN 31

I. II.

III.

LAYUNIN Napananatiling malinis ang tahanan ayon sa kakayahan. PAKSA AT KAGAMITAN -Pagpapanatili ng Kalinisan ng Tahanan -ELC A Blg. 2.2.2.5 p.6 -KBI- Kasipagan at Kalinisan. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Balik Aral 2. Talasalitaan Muwelbes cleanser plorwaks gabok B. Panlinang na Gawain 5. Pangganyak Ano ang Ginagamit ninyo upang maging maganda ang inyong tahanan? 6. Paglalahad Kuwento Si Ester at Buddy ay mag asawang may dalawang anak. Umuupa lamang sila ng apartment nang lumipat sila ay marumi ang loob nito. Nililinis nila ito at naguumpisa silaay marumi ang loob nito. Nilinios nila ito at naguumpisa sila sa itaas, pababa. Inuna nila ang kisame. Tinaggal ang agiw at dumi sa pamamagitan ng walis tingting. Nilagyan niya ng takip ang mga muwebles ang mga mwebles upang hindi malagyan ng Gabok. Pinunasan nila ang dingding ng sabon, basahan at eskoba. Nilagyan nila ng cleanser ay hindi matanggal ang dumi. Nilinis nila ang salaming bintana ng basahan at tuyong diyaryo. Kumuha sila ng basahang tuyo upang punasan ang mga muwebles. Sirang kamiseta ang kanilang ginamit upang walang himulmol na maiwan. Kahuili hulihan nilang winalisan ang sahig mula sulok patungo sa gitna ng silid. Ginamit niya ang pandakot para hindi malipad ang gabok. Pinahiran ng plorwaks ang sahig at saka binunot. Nakita ni Buddy na marumi ang kainan kung kayat pinunasan muna niya ang basa bago ang plorwaks. natapos ang mag asawa na may galak na tuwa. 7. Pagtatalakayan 7. Ano ang unang nilinis ni Buddy at Ester? 8. Bakit kisame muna? 9. Ano ang ginamit na panglinis sa dingding? 10. Ano ang dapat gamitin sa bintana, salamin at kahoy? 11. Anong klaseng pamunas ang mabuti sa muwebles? Bakit kamisera? 12. Bakit pinapahiran ng plorwaks ang sahig? 8. Paglalahat Ang tahanan ay napapanatiling malinis at maganda kung ito ay lilinisin ayon sa kakayahan. C. Pangwakas na Gawain Magsulat ng 2 bagay upang masagot ang sumusunod na katarungan. Ano ang maaring idulot kung malinis ang baha? Paano mo ito magagawa sa silid aralan? Magiging maligya ka ba kapag makikita mo na malinis ang silid aralan mo ay malinis? Bakit? D. PAGTATAYA Kumpletuhin ang pangungusap. Simulan ang paglilinis mula sa ________ Punasan ang dingding ng sabon at _________ Punasan ang muwebles ng ________ Ang dulot ng plorwaks ay pakintabion ang ________ Paano mo nililinisan ang iyong tahanan? E. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN Gawin sa bahay ang ating pinagaralan at i report bukas. Pag may panahon ay mag ho-home visitation ako sa bahay ninyo.

You might also like