You are on page 1of 4

Banghay-Aralin sa MTB

Marso 27, 2023

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:
a. Nakikilala o natutukoy ang mga salitang kilos (MT3G-IIIf-h-1.5.4)
b. Naipapahayag ang kahulugan ng pandiwa (MT3G-IIIf-h-1.5.4)
c. Nakapagbibigay ng halimbawa ng pandiwa (MT3G-IIIf-h-1.5.4)
II. Nilalaman
Paksa: Pandiwa
a. Sanggunian: Pivot Grade 3 Module (Pahina 25-29)
b. Iba pang kagamitang panturo: mga larawan, tsart, tarpapel, kartolina, yesa/chalk, manila paper, at
telebisyon
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
 Balik-Aral
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na salita kung magkasalungat o magkasingkahulugan.
a) araw-gabi f) sobra-labis
b) saya-ligaya g) mataas-matangkad
c) marikit-maganda h) madilim-maliwanag
d) malinis-madumi i) masipag-tamad
e) hapo-pagod j) eskwelahan-paaralan
 Pagganyak
Ipaawit at ipasayaw
"Kung Ikaw ay Masaya"
(Pagpapakita ng awit sa isang manila paper)
Pagkatapos umawit itanong:
Ano-ano ang mga dapat nating gawin kung tayo ay masaya batay sa ating inawit?
Ginagawa niyo rin ba ang mga ito kapag kayo ay masaya?
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
(Pagpapakita ng larawan)

Ano ang ipinapakita ng mga larawan?


Bakit kaya sila sumasagot ng mga modyul sa kanilang bahay?

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Layunin ng Bagong Aralin


Pamilyar ba kayo sa mga larawang ito? Ano-ano ang mga ito?
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot ng mga larawan.

1. a. health protocols
b. face masks
c. face shield
d. hand sanitizer
2. a. health protocols
b. face masks
c. face shield
d. hand sanitizer

3. a. health protocols
b. face masks
c. face shield
d. hand sanitizer

4. a. health protocols
b. face masks
c. face shield
d. hand sanitizer

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan

Pagbibigay ng pamantayan kapang nagbabasa ng diyalogo

“Idol ko si Nanay”
Habang sumasagot sina Mico at Mila ng kanilang modyul ay dumating ang kanilang nanay galing sa palengke.
Mila: Dumating na ang Nanay. Mano po, Inay.
Aling Minda: Mamaya ka na magmano anak at maghuhugas muna ako ng kamay. Kailangang maging malinis ang
aking kamay bago mo ito hawakan dahil ako ay galing sa labas.
Mico: Oo nga po pala Inay, kailangang maging maingat tayo sa panahon ngayon. Para saan po pala itong binili ninyo
at mukhang maraming tela ito?
Aling Minda: Para iyan sa tatahiin kong face mask anak. Naisipan ko kasing manahi at magbenta ng mga face masks
para may dagdag tayong panggastos ngayon.
Mila: Wow! Ok po iyan Inay. Tutulungan ko rin po kayong maglako sa labas.
Aling Minda: Naku! Hindi pwede anak. Pinagbabawal sa ngayon ang paglabas ng mga bata dahil sa COVID-19. Alam
mo naman ‘yun ‘di ba?
Mila: Opo, Inay. Pero susundin ko naman po ang mga health protocols. Isusuot ko po ang aking face mask at face
shield na binili ni Tatay. Dadalhin ko rin po ang aking hand sanitizer.
Aling Minda: Kahit na anak, mas makabubuting nandito lang kayo ng kuya mo sa bahay. Mas ligtas kayo rito. Siya ng
apala, natapos niyo na bang sagutan ang inyong mga modyul?
Mico: Tapos na po ako, Inay. Si Mila naman po ay hindi pa tapos.
Aling Minda: Oh, bakit hindi mo pa tapos Mila?
Mila: Hindi ko po kasi masyadong naintindihan ang inyong paliwanag sa Matematika kahapon Inay, kaya nahihirapan
akong sagutan itong karagdagang gawain.
Aling Minda: Ah ganun ba anak? Sige at ipaliliwanag ko ulit s aiyo ‘yan mamaya pero magluluto muna ako ng ulam
para makakain na tayo ng pananghalian.
Mila: Sige po Inay. Tutulungan ko na po kayo sa paghahanda ng mga sangkap.
Mico: At magsasaing na rin po ako.
Aling Minda: Ang sisipag talaga ng mga anak ko. Manang mana sa akin.
Mila at Mico: Siyempre naman po Inay.

Mga Tanong:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


2. Ano ang naisipang gawin ni Aling Minda?
3. Ano ang nais gawin ni Mila upang makatulong sa kaniyang ina?

4. Bakit hindi pinayagan ni Aling Minda si Mila?


5. Ano-ano ang mga health protocols na susundin ni Mila para lamang makatulong sa kanyang ina?
6. Bakit hindi agad natapos ni Mila ang pagsagot ng modyul?
7. Ano-ano ang mga alam ninyong health protocols ngayong panahon ng pandemya maliban sa mga nabanggit
sa kwento?

Basahin natin ang mga salitang galing sa binasang teksto:

sumasagot maglako
maghuhugas magluluto
magbenta magsasaing
Itanong:
Ginagaya ba ninyo ang mga salitang ito?
Tatawag ang guro ng ilang mga mag-aaral para ipakita sa harap ng klase ang mga salitang nasa itaas.
- Ano-ano ang inyong mga ginawa?
- Ano ang ipinapakit ng mga salitang ito?
- Ano kaya ang tawag sa mga salitang ito?

E. Paglalapat
I. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita ay pandiwa o hindi.
1. Pula Pandiwa Hindi Pandiwa Bakit?
2. Nagsusulat Pandiwa Hindi Pandiwa Bakit?
3. Natutulog Pandiwa Hindi Pandiwa Bakit?
4. Sumasayaw Pandiwa Hindi Pandiwa Bakit?
5. Bilog Pandiwa Hindi Pandiwa Bakit?

II. Pangkatang Gawain


Pangkat A Pangkat B Pangkat C
Kagamitan: manila paper, Kagamitan: manila paper, marker Kagamitan: speaker, musika
marker
Panuto: Bilugan ang pandiwa sa Panuto: Awitin at isayaw ang
Panuto: Gamitin sa pangungusap. salita/pandiwa. kantang “Kung Ako ay
pangungusap ang mga 1. Si Lea ay magaling kumanta. Masaya” at banggitin ang
sumusunod na salita/pandiwa. 2. Mahilig sumayaw ng mga mga pandiwang
a. Tumatakbo bagong tugtugin si Mark. ginamit/binanggit.
b. Bumibili 3. Nag-aral nang maigi si Ben kaya
c. Uminom mataas ang kanyang grado sa
pagsusulit.

F. Paglalahat
Ano ang Pandiwa? Magbigay ng mga halimbawa nito at gamitin ito sa pangungusap.
Pagpapahalaga: Ano-ano ang mga dapat nating gawin upang makaiwas sa COVID-19?

G. Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang mga pandiwa sa mga pangungusap.
1. Araw-araw nag-eehersisyo si Mira at Mica.
2. Si Melissa ay madalas kumain ng masustansiyang pagkain.
3. Binigyan ako ng aking mabait na Ninong ng dalawang daan noong nakaraang Pasko.
4. Naglakad nang matulin si Jess dahil huli na siya sa klase.
5. Nagluluto ng Adobo ang Nanay sa kusina.
IV. Pagtataya
Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na salitang kilos/pandiwa na nasa kahon upang mabuo ang
usapan.
ipapasa hihingi tumawag nabura sinayaw

Isang araw, tinawagan ni Ana ang kanyang kaibigang si Bea.


Ana: Hello Bea!
Bea: Hi Ana! Kumusta ka?
Ana: Ayos naman ako. 1. ______________ ako dahil 2._____________ sana ako ng kopya ng video ng
sayaw na pinapaggawa sa atin ni Bb. Reyes sa P.E. 3. _________________ ko kase ang video sa aking
cellphone. May kopya ka ba nun?
Bea: Ay, mayroon ako. 4. _______________ na nga naming iyon ni Linda kahapon. Ni-record ko na at 5.
_____________ ko na kay Ma’am kanina. Sandali, ie-mail ko sa iyo ang video.
Ana: Sige para mapag-aralan ko na rin ang sayaw. Maraming salamat s aiyo Bea. Ido-download ko na lang
ang video. Paalam!
Bea: Walang anuman Ana. Paalam!

V. Karagdagang Gawain
Panuto: Gamitin ang sumusunod na pandiwa sa usapan sa tahanan, paaralan, o pamayanan.
1. maghuhugas
2. maglalaba
3. sumagot
4. nagsusulat
5. nagwawalis

Inihanda ni:

MAXIMO C. LACE JR.

You might also like