You are on page 1of 17

Filipino 3 - Q1 - Week 6

Pagsunod sa
Nakasulat na Panuto
na may 2-4 na Hakbang
BALIKAN
Balikan
PANUTO: Isulat nang papantig ang mga salitang may salungguhit sa unang linya at
bilang naman ng pantig nito sa kabilang linya.
1. Nakahuli ng maraming gagamba si Lorenz.
Pagpapantig: Bilang ng pantig:
2. Nagluto si nanay ng malinamnam na sabaw.
Pagpapantig: Bilang ng pantig:
3. Binuksan ni Aling Nena ang telebisyon.
Pagpapantig: Bilang ng pantig:
4. Rumaragasa ang daloy ng tubig sa ilog tuwing umuulan.
Pagpapantig: Bilang ng pantig:
5. Hindi pa ako nakakasakay ng eroplano.
Pagpapantig: Bilang ng pantig:
Balikan
PANUTO: Lagyan ng tsek (✓) ang mga bula na naglalaman ng kambal katinig o
klaster na mga salita.

prito gulaman prutas dragon klase

braso troso blusa helmet tsinelas


TUKLASIN
Tuklasin
PANUTO: Pakinggan ang mga panuto sa ibaba at sundin ang mga
hakbang nito.

Tumayo ng tuwid.

Ilagay ang iyong kanang kamay sa kaliwang dibdib.

Awitin ang pambansang awit ng Pilipinas.

Umupo ng maayos at makinig ng mabuti sa ating aralin.


SURIIN
Suriin
Pagsunod sa Nakasulat na Panuto
na may 2-4 na Hakbang

Ang panuto ay nagsasabi kung ano ang dapat gawin. May


panutong binubuo ng dalawa hanggang apat na mga hakbang.
Mahalaga na unawaing mabuti ang bawat hakbang upang
maisagawa ng tama ang panuto.
Araw-araw ay nakababasa o nakaririnig tayo ng mga
panuto.

Maaring ito ay mga panuto na galing sa ating mga magulang


tungkol sa mga gawaing bahay.

Nagbibigay din ng panuto ang guro sa mga gawain sa


paaralan.

Maging ang ating pamahalaan ay may mga hakbang din na


ibinibigay sa atin.
SUBUKIN
Subukin
PANUTO: Sundin ang panutong may dalawa hanggang
apat na hakbang.

Bakatin ang iyong kaliwang kamay.

Isulat sa loob ng kamay ang pangungusap na, "Nakasusunod ako sa panutong


may dalawa hanggang apat na hakbang."

Kulayan ng dilaw ang loob ng kamay.

Isulat ang iyong buong pangalan sa ilalim ng kamay.


ISAGAWA
Isagawa
PANUTO: Basahing mabuti ang mga panuto. Gawin ang mga hakbang na
sinasabi nito.
1. Isulat ang iyong buong pangalan sa loob ng kahon. Kulayan ng dilaw ang
mga patinig at asul naman ang mga katinig.

2. Kulayan ng berde ang ikatlong kahon. Isulat sa ikalimang kahon ang unang
titik ng iyong pangalan.
Isagawa
PANUTO: Basahing mabuti ang mga panuto. Gawin ang mga hakbang na
sinasabi nito.
3. Bilugan ang numero ng iyong baitang, kulayan mo ito ng pula. Ikahon ang
iyong edad, kulayan mo ito ng dilaw.

1 2 3 4 5 6 7 8 9
4. Isulat ang iyong palayaw sa loob ng kahon. Kulayan ang kahon base sa
paborito mong kulay.
SAGUTIN
Sagutin
PANUTO: Isayos ang mga panuto na nakasulat sa ibaba. Lagyan ng
bilang na 1-4 ang patlang upang maisunod-sunod ang tamang
hakbang.
Mga hakbang sa Paghuhugas ng Kamay
Punasan ang kamay ng gamit ang malinis na tuwalya.

Banlawan ang kamay gamit ang malinis na tubig.

Hugasan ang kamay ng malinis na tubig.


Lagyan ng sabon ang kamay at kuskusin ang harap at likod nito.
Salamat sa pakikinig!
Paalam!

You might also like