You are on page 1of 3

SCRIPT FOR FLAG RAISING CEREMONY

SAM: Isang mapagpala at masiglang umaga sa ating


lahat. Sa ating mga guro, kapwa mag-aaral at sa ating
punongguro, Ma’am Francis Cristy C. Fonacier,
Magandang umaga po!!!
JHELO: Bilang pagsisimula ng ating Flag Raising
Ceremony, at pakikibahagi sa selebrasyon ng Buwan
ng mga Kababaehan, tayo pong lahat ay
inaanyayahang tumayo nang tuwid at sumabay sa
pag-awit ng Lupang Hinirang sa pagkumpas ni
Ginang ALICIA U. BERNALES, guro mula sa
Ikatlong Baitang. Susundan ito ng panalangin na
pangungunahan ni ZARA CHESKA F. BALICANO
mula sa Grade-3 Aquamarine.
Lupang Hinirang ----
Panalangin ----
SAM: Para sa pagbigkas ng Panatang Makabayan,
tinatawagan ko si DYLAN OLIVER L. CORTEZ at
susundan ito ng Panunumpa sa Watawat ng
Pilipinas sa pagbigkas ni JELLA BERNADETTE S.
NOBLE , kapwa mula sa Grade 3-Amethyst.
Panatang Makabayan….
Panunumpa sa Watawat…..

JHELO: Para sa pagbigkas ng Deped Mission,


Vision, at Core Values, ito ay pangungunahan nina
KEIRA MORALES , Carlie Peñaranda at Jhon
Carlo Osua, mga bata mula sa Grade-3 Topaz.
DepEd Mission….
DepEd Vision…..
DepEd Core Values….
SAM: Sa puntong ito, awitin natin ang Himno ng
Lungsod Quezon, Sangay ng Lungsod Quezon at
Himno ng NCR sa pagkumpas muli ni Ginang Alicia
U. Bernales.
Quezon City Hym,
Sangay ng Lungsod Quezon
NCR Hymn
JHELO: Ngayon naman, ikinagagalak ko po na
tawagin ang ating guro sa Ikatlong baitang, Ginang
RUTHLOVE D. PEÑA para sa panibagong
kaalaman sa araw na ito.
Bigyan natin ng masigabong palakpakan.

SAM: Sa sandaling ito ay bigyan natin ng mainit na


palakpakan ang ating mahal na punongguro, Ginang
FRANCIS CRISTY FONACIER, para sa kanyang
mga paalala at anunsyo.

JHELO: Maraming salamat po Ma’am Cristy.


At para ma exercise ang ating katawan, sabay sabay
po tayong tumayo at umindak para sa ating
energizer. Pangungunahan ito ng mga mag-aaral
mula sa IKATLONG BAITANG.

SAM: At dito nagtatapos ang ating programa.


Maraming salamat po sa pakiisa. Ako si
SAMANTHA ANDREA ARANDA mula sa Grade 3-
DIAMOND

JHELO: at ako naman si FRANZ JHELO B.


LAREZA, ang naging mga tagapagdaloy ng
palatuntunan.

SABAY:Muli magandang umaga po sa inyong lahat.

You might also like