You are on page 1of 2

SPEIL (BUWAN NG WIKA)

J: Sa ating minamahal na punong guro Gng. Clarissa A. Soriano mga kapwa ko guro, minamahal na
magulang ng aming magaaral, at sa mga magaaral ng Panghulo Elementary School. Isang Magandang
Hapon.
S: Sa pagdiriwang ng buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika upang magbalik tanaw
ang kadakilaang ginawa ng ating itinuring na Ama ng Wikang Pambansa, Manuel Luiz Quezon siya ang
nagging tulay upang magkaroon ng pagkakaisa ang gating bansa sa pagtalaga ng isang pambansang wika
ang mga Filipino.
J: Sa taong ito, Ang paaralang Elementarya ng panghulo ay nakikiisa sa buong bansa na ipinagdiriwang
ang buwan ng wika na may temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Pilipino.”
S: Sa pagsisimula ng ating pagdiriwang, maarang tumayo ang lahat upang kantahin ang isang makabayang
awit na pangungunahan ni Gng. Millani Borden.
Manatiling nakatayo para sa isang panalangin na pangungunahan ni Bb. Jhovelyn C. Alfonso.
J: Ngayon naman ay making tayo sa isang pambungad na pananalita ng ating minamahal na punong guro
si Gng. Clarissa A. Soriano. Bigyan po natin ng isang masigabong palakpakan.
Maraming Salamat po Gng. Clarissa A. Soriano para sa iyong magandang mensahe.
S: Sa puntong ito tunghayan natin ang isang presentasyon mula sa mga piling mag-aaral sa unang baiting
isang (katutubong sayaw)
Maraming salamat sa isang napakagandang presentasyon.
J: Ngayon naman ay dumako tayo sa paggawang ng mga sertipiko sa mga batang nagwagi sa ibat ibang
kategorya ng mga patimpalak.
S: Inaanyayahan ko po ang ating minamahal na punong guro Gng. Clarissa A. Soriano kasama ang ating
pangkalahatang tagapamahala Gng. Loida M. Deguzman para maggawad ng mga sertipiko.
Unahin Natin : Sulkas Tula, Poster Making Contesty, Pagsulat ng Slogan
Maraming salamat po Gng. Clarissa A. Soriano at Gng. Loida M. De Guzman.
J: Tunghayan natin ngayon ang pagbigkas sa tula. Siya po ay nagmula sa ikaapat na baiting. Siya ay walang
iba kundi si Aikee Gabriel Tabinas. Bigyan po natin ng isang masigabong palakpakan.
S: Isang katutubong sayaw naman mula sa Ikatlong baitang. Bigyan po natin ng isang masigabong
palakpakan.
J: Ngayon naman ay making tayo sa isang makabayang awit. Ito ay ihahandog sa atin ng isang magaaral
na galling sa ikaapat na bating. Bigyan po natin ng isang masigabong palakpakan si Vhetiemay E. Zamora.
Maraming salamat sa isang napakagandang awitin.
(PAGGAWAD NG MGA SERTIPIKO SA MGA GURO)
S: Tunghayan natin ang huling presentasyon isang sabayang bigkas mula sa mga piling magaaral sa
ikalimang baitang. Bigyan po natin sila ng isang masigabong palakpakan.
Maraming salamat sa isang napakahusay na pagbigkas ng sabay sabay.
J: Ngayon naman po ay making tayo sa pampinid na pananalita mula sa ating pangkalahatang
tagapamahala walang iba kundi si Gng. Loida M. De Guzman. Bigyan po natin ng isang masigabong
palakpakan.

ENDING

You might also like