You are on page 1of 2

Ang buwan ng wika ay isa sa pinakamahalagang pagdiriwang na

ating isinasagawa sa bawat taon tuwing buwan ng agosto . Ito


ay ang selebrasyon na kung saan binibigyan natin ng halaga o
ating gunugunita ang ating wikang Pambansa bilang isang
pilipino. Dito natin mas mas binibigyang importansya ang
pagiging matapang ng ating ama ng wika na si Manuel Quezon,
ang ating dating pangulo na ipaglaban ang ating sarili wika. Ito
ay nagpapakita lamang na sya ay totoong Makabayan at may
pagmamahal sa ating sariling wikang Pambansa. Ang Buwan ng
Wika ay taon-taon ding pinagdiriwang sa lahat ng paaralan sa
buong pilipinas. Lahat ay may kanya kanyang ideya o plano
upang magkaroon ng Maganda at masayang pagdiriwang ang
buwan ng wika. Mayroong nagkakaroon ng iba’t ibang
patimpalak tulad na lamang ng paligsahan sa pag-guhit, tagisan
ng talino ng bawat piling mga mag-aaral, paligsahan sa
pagbabaybay, sa pagsayaw at hinding hindi mawawala ang
paligsahan sa pagsayaw. Bilang isang mag-aaral na nasa ika-
sampung baiting ay ito ang aking mababahaging karanasan sa
pagdiriwang ng buwan o lingo ng wika. Mayroong limang club
na maaring mapagpilian naming mga mag aaral, ito ay ang ap-
esp club, English -filipino club, science – math club, performing
arts club at ang sports club. Ako ay napunta sa sports club
kasama ang tatlo ko pang kaklase. Mayroong iba’t ibang
paligsahan para sa elementarya at pagkanta at pagsayaw
naman ang sa aming mga nasa sekondarya. Kailangan naming
bumuo ng isang interpretative dance na nagpapakita ng
pagmamahal natin sa ating wikang Pambansa bilang isang
Pilipino para sa presentasyon ng aming club sa buwan ng wika.
Madali man naming nakuha ang mga steps ngunit nahihirapan
kaming magsabay sabay sa aming pagsayaw. Hindi talaga
maiiwasan ang mayroong nauuna at nahuhuli. Magkakasunod
na buong araw ang aming pagprapractice para sa presentasyong
ito at masaya kami dahil sa huling araw ng aming pag papractice
ay kita naman naming ang pagbabago sa aming interpretative
dance. Noong mismong araw na ng aming pagdiriwang sa
buwan ng wika ay magkahalong kaba at pananabik ang aming
nararamdaman dahil kami ang unang magpeperform. Noong
una ay medyo nagkakalituhan pa kung saan kami mag iintro
ngunit nagawa din naman naming ito ng maayos. Maging ang
aming sayaw ay naitanghal nmain ng may kaayusan at
katiwasayan. Napalitan ng saya at pagkaproud ang aming mga
pagod noong iannounce na nila na ang aming grupo ay ang
nakakamit ng ikalawang pwesto. Lahat ng club ay nagpakita at
nagbigay ng kanilang mga sariling effort upang magkaroon ng
Magandang presentasyon ang kanya kanyang interpretative
dance. Masaya din kami para sa aming mga kaclub na mga
batang nasa elemntarya dahil isa rin sila sa nagbigay ng
karangalan sa aming grupo. Sa lahat ng larangan ng patimalak
na isinagawa noong buwan ng wika ay lahat sila ay may
nakuhang medal at award. Kaya naman sa lahat ng aking
karanasan ng pagdiriwang ko ng buwan ng wika ay masasabi
kong ito ang isa sa masaya at hinding hindi ko rin
makakalimutang selebrasyon para sa buwan ng Agosto, ang
buwan ng wika.

You might also like