You are on page 1of 4

Buwan ng Wika 2022

Dwayron: Sa ating minamahal na school director Ginoong Alex P. Yun, punong –guro na si
Ginoong Antonio P. Torevillas, sa ating school administrator Bb. Elizabeth Casquejo, sa lahat ng
mga guro, at kapwa ko mag-aaral dito sa Cordova Korea Friendship School magandang hapong
sa inyong lahat.
Sa pagdating ng buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang nating ang “Buwan ng Wika” Upang
gunitain natin ang kadakilaang ginawa ng ating itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa,
Manuel L. Quezon. Siya ang naging tulay upang magkaroon ng pagkakaisa ang ating bansa sa
pagtalaga ng pambansang wika ang Filipino. At sa taong ito ang Ckfs ay nakiisa sa buong bansa
na ipagdiwang ang Buwan ng Wika na may temang “ Filipino at mga katutubong Wika:
Kasangkapan sa pagtuklas at Paglikha”, kaya pala mayroon tayong asignatura na MTB o Mother
Tongue Based na meron hanggang ngayon , para pala ito ay panatilihin at hindi tuluyang mawala
ang mga wikang pamana galingsa ating mga ninuno.Itaguyod ang karapatan ng mamamayang
katutubosa malayang pagpapahayag, pagkakaroon ng akses sa edukasyon, at paisipasyon sa mga
gawaing pampamayanan gamit ang katutubong wika bilang pangunahing kahingian sa
pagpapanatiling buhay ng mga wikang pamana.

Ayesha: Mga panauhin, mga butihing kaibigan, mga mag-aaral ng Pamantasan ng Cordova
Korea Friendship School, nawa’y masiyahan kayo sa inyong masasaksihan sa hapon na ito, ukol
sa ating palatuntunan, kaya naman magsitayo ang lahat para sa panalangin mula sa ikaapat na
baitang at manatiling nakatayo para sa pag-awit sa Lupang Hinirang.

Dwayron: Kayo’y puwede ng umupo at maraming salamat sa inyong pagdalo sa ating


palatuntunan.

Ayesha: Para magbigay ng pambungad na pagbati tinatawag ko ang school director Ginoong
Alex P. Yun, masigabong palakpakan para sa kanya.

Dwayron: At ngayon naman ating pakinggan ang minamahal nating punong-guro dito sa ating
paaralan, Ginoong Antonio P. Torevillas para sa kanyang mensahe.
Ayesha: Salamat sa inyong mga magaganda at nakaka inspire na mga mensahe, ngayon naman
ay saksihan natin ang naiibang pamukaw- sigla na ihahandog ng mga butihing mag-aaral para sa
kanilang katutubong kasuotan at pagpapakilala sa sarili. Bago ang lahat ipakilala ko muna sa
inyo ang mga hurado, na sila rin ang magiging hurado natin mamaya para sa ating “ Talentadong
Pinoy sa CKFS”
- Siya ang school admistrator sa CKFS, ang walang kupas ang kabataan at kagandahan
sa panlabas at panluon man na kaanyuan walang iba Bb. Elizabeth Casquejo.
- Ikalawa- siya ang guro sa asignaturang English, siya din ang nagsilbing tagapayo sa
amin kapag meron kaming nagawang hindi maganda. Bigyan natin ng masaganng palakpakan
Bb. Elsie Silab.

Dwayron: Ngayon hindi makukumpleto at hindi maging matagumpay ang ating palatuntunan
kung wala ang mga pamantayan o batayan at desisyon na magmula sa ating mga hurado. Kaya
naman tatawagin ko si Bb. Elsie para sa pamantayan.

Ayesha: Bigyan natin ng tatlong bagsak si Bb. Elsie.

Dwayron: Ngayon naman, salubungin natin ang pinakahihintay na sandali. Ang mga kapwa ko
mag-aaral at kami na magpapakilala sa aming mga sarili. Bigyan natin ng malakas na palakpakan
ang lahat. Tayo ay magsisimula sa unng baitang hanggang sa ika anim na baitang.

Ayesha: Maraming salamat mga kapwa ko mag-aaral.

Dwayron: Sa puntong ito ating masasaksihan ang pagtatanghal sa bawat baitang. Ang unang
grupo na magpapamalas ng kanilang natatanging galing ay mula sa unang baitang sa tulong ng
kanilang guro na si Ginang. Marla at susundan sa ikalawang baitang na pinangungunahan naman
ni Ginang Shai, sa ikatlong baitang na pinamumunuan ni Bb. Amor, sa ikaapat na baitang sa
tulong ni Bb. Charmi at sa ikalima at ika anim na baitang na pinamumunuan ni Bb. Edshel. Isang
malakas at masigang palakpakan.
Ayesha: Muli, maraming salamat sa napakagalak at nakakabighaning pagtatanghal. Dahil diyan,
bigyan natin ng sampung bagsak ang bawat isa.

Dwayron: Ngayon naman ating saksihan ang mga mag-aaral upang ipamalas ang kanilang
katago-tagong talento.

Ayesha: Ngayon, magsisimula tayo sa ating ikaanim na baitang na mag-aaral tawagin natin si
Therese ang ating unang kalahok sa Talentadong Pinoy, isang masigabong palakpakan.

Dwayron: Salamat Therese, ngayon naman ang susunod ay sina Ezekiel at Daniel. Handa na ba
kayong matungayan ang kanilang baong talento?

Ayesha: Kung gayon, bigyan natin sila ng masaganang palakpakan.

Dwayron: Ngayon, magsipaghanda na ang susunod na sasalang sa ating paligsahan na


“Talentadong Pinoy sa CKFS” tAtawagin ko sila upang pumila sa kanang bahagi ng entabladong
ito. Ang susunod na magtanghal ay sina Azher, Alana, Liana, Glaiza, Skybelle, Ellyze, Adam,
Zanjie, Shylah, Ayshe, at Matheo.

Ayesha: Maraming salamat sa inyong mahusay na talento, at sa pagbabahagi nito sa kapwa


ninyo kamag-aral. Isang napakalakas na palakpakan para sa lahat ng sumali sa patimpalak na ito.

Dwayron: Ngayon naman ay tinatawag kung muli si Bb. Elsie para sa pamantayan , ago pa
namin iaanunsiyo ang mga nagwagi sa kasuotang Pinoy at Talentadong Pinoy sa CKFS 2022.

Ayesha: At ngayon naman ay inaanyayahan namin ang lahat na tumayo at susunod tayo sa mga
indak ng ating mga guro para sa sayaw na “ Sumunod Sumayaw at Pinoy ako Pinoy tayo.
Magsipalakpakan ang lahat.

Dwayron: Ngayon naman, handa naba kayong malaman kung sino ang nagwagi sa ating
palatuntunan?
Ayesha at Dwayron: Huwag na nating patagalin pa. Ang mananalo ay mag-uwi ng tropeyo.
Ang nagwawagi sa kompetisyon sa “Kasuotang Pinoy 2022” ay si _____________________ at
ang “Talentadong Pinoy sa CKFS ay si _________________. Maraming salamat mga kalahok at
congratulations sa inyong lahat.

Dwayron: Ngayon naman tatawagin ko si Bb. Amor para sa pangwakas na mensahe.

You might also like