You are on page 1of 3

ARAW NG AKADEMIKONG PARANGAL AT PAGKILALA 2022-2023

Harvey and Alyssa: PAGKILALA


Harvey: Ito ay pagtuturing na tunay o umiiral ang isang bagay. Ito ay ibinibigay, hinahayag at
inilalapat sa tao o institusyon upang bigyang turing ang kanyang nagawa o naiambag sa
pagpapaunlad hindi lamang sa kanyang sarili, maging sa kanyang kinabibilangang antas.
Alyssa: At ngayong araw, ating bibigyang pagkilala ang mga natatanging mag-aral, na nanguna,
umangat at namayagpag sa kanilang antas na kinabibilangan.
Harvey: Mga Binibini at Ginoo, isang mapagpalang araw sa inyong lahat, at…
Harvey and Alyssa: MABUHAY!
Alyssa: Sa umagang ito ay ating masasaksihan ang ARAW NG AKADEMIKONG PARANGAL AT
PAGKILALA sa Paaralang Santiago Integrated National High School taong pampaaralan
dalawang libo at dalawampu’t tatlo
Harvey: Upang pormal na simulan ang ating palatuntunan, inaanyahan ko po na tumayo ang
lahat upang magbigay daan para sa processional at pagpasok ng mga kulay na pangungunahan
ng SINHS Senior Scouts
---START OF PROCESSIONAL---
Alyssa: Sa mga sandaling ito, ating pong nasasaksihan ang pagpasok ng mga kagalang-galang
na mga panauhin, ang ating pinakamamahal na punong guro, at butihing ulong guro
Harvey: Sa puntong ito, ating mamamalas ang pagapasok ng mga maasahang gurong
tagapamahala ng Baitang Pito at Baitang Walo mula sa Pang-umaga at Panghapong klase.
Alyssa: Kasalukuyan pong pumapasok ang mga masigasig na mga guro ng Santiago Integrated
National High School
Harvey: Sa mga sandaling ito, ating namamalas ang pagpasok ng mga natatanging mag-aaral
na nagkamit ng parangal at pagkilala mula sa Baitang Pito kasama ang kanilang magulang at
tagapamatnubay.
At sinusundan ng pagpasok ng mga natatanging mag-aaral na nagkamit ng parangal at
pagkilala mula sa Baitang Walo kasama ang kanilang magulang at tagapatnubay.
Alyssa: Manatiling nakatayo ang lahat upang magbigay ng daan at paggalang sa pagpasok ng
mga kulay na pangungunahan ng SINHS Senior Scouts.
Maaari na po kayong humarap.
---END OF PROCESSIONAL---
---START OF PROGRAM PROPER---
---MESSAGES--
Alyssa: Sa pagpapatuloy ng ating palatuntunan, inaanyayahan na manatiling nakatayo ang
lahat sa pagpupugay at pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas na kukumpasan ni Gng.
Rowena B. Manalo, susundan ng isang Panalangin na pangungunahan ni Gng. Camille E.
Cerbito at ang pag-awit ng Himno ng Heneral Trias na kukumpasan muli ni Gng. Rowena B.
Manalo
Alyssa: Maraming salamat po, maaari na pong umupo ang lahat.
Harvey: Sa mga sandaling ito, upang magbigay rin ng kanyang pambungad na pananalita, ating
palakpakan ang walang sawang sumusuporta at pinakamamahal nating Punong-guro, Gng.
Cecilia C. Papa
Harvey: Maraming salamat po, Dr. Cecil Papa!
Alyssa: Ngayon naman ay ating mamalas ang paglalahad ng isang mensaheng magbibigay ng
inspirasyon na magmumula sa isa ring maasahan at responsableng Pangulo ng GPTA, walang
iba kundi si Ginoong Sonny M. Saporsantos.
Alyssa: Salamat po Sir!
Harvey: Upang magbigay ng kanyang mensahang kapupulutan ng inspirasyon, narito ang ating
masipag at maaasahang Kapitan ng ating Barangay, Ginoong Rolando L. Pagkaliwangan.
--Upang ipaabot ang kanyang mensahe, ating tinawagan ang kanyang kinatawan na si
__________________________________________________--------
Harvey: Maraming salamat po, Kap!
Alyssa: Sa mga oras na ito, upang magbigay ng kanyang pampasiglang mensahe, ating saksihan
at bigyan ng masigabong palakpakan ang walang sawa ang suporta, at lubos na maasahang
Tagapagmasid Pansangay ng mga Pampublikong Paaralan, Ginoong Rogin O. Contemprato
Alyssa: Maraming salamat po Sir Rogin
Harvey: Sa mga oras na ito, upang magbigay ng kanyang pampasiglang mensahe, ating
saksihan at bigyan ng masigabong palakpakan ang walang sawa ang suporta, at lubos na
maasahang Tagapamanihalang Pansangay ng mga Pampublikong Paaralan, Gng. Daisy Z.
Miranda, CESO V.
Harvey: Salamat po Maam Daisy.
---END OF MESSAGES---
---AWARDS & RECOGNITION---
***GRADE 7***
Alyssa: At ngayon, nakarating na sa tayo sa pinaka inaabangan, pinaka hihintay, at ang sentro
ng palatuntunang ito, ANG PAGGAWAD NG PARANGAL AT PAGKILALA sa mga natatanging
mag-aaral sa iba’t ibang larangan at antas.
Alyssa: Atin pong inaanyahan ang mga natatanging mag-aaral mula sa baitong PITO kasama
ang kanilang mga magulang o tagapatnubay!
Alyssa: Baitang PITO/SIYAM may KARANGALAN
--tawag ng names—
Alyssa: Baitang PITO/SIYAM may MATAAS NA KARANGALAN
At ngayon ay bibigyang nating pagpupugay ang mga natatanging mag-aaral na lumahok at
nagwagi sa iba’t ibang kompetisyon.
---RECOGNITION OF AWARDS---
***GRADE 8***
Harvey: Atin pong inaanyahan ang mga natatanging mag-aaral mula sa baitong WALO kasama
ang kanilang mga magulang o tagapatnubay!
Harvey: Baitang WALO/LABING ISA may KARANGALAN
--tawag ng names—
Harvey: Baitang WALO/LABING ISA may MATAAS NA KARANGALAN
Harvey: At ngayon ay bibigyang nating pagpupugay ang mga natatanging mag-aaral na
lumahok at nagwagi sa iba’t ibang kompetisyon.
---RECOGNITION OF AWARDS---
---END OF AWARDS & RECOGNITION---
Alyssa: Muli, ating binibigyang pagpupugay ang mga mag-aaral, mga guro at higit lalo ang
kanilang mga magulang at tagapatnubay sa paggabay, pag-alaga at pagmamahal sa ating mga
mag-aaral, para po sa inyo ang mga karangalang ito
Harvey: Nawa ay wag kayong mapagod na suportahan sa abot ng inyong makakaya ang mga
mag-aaral na ito upang maabot nila ang kanilang pangarap dahil ANG PANGARAP NILA’Y
PANGARAP NIYO RIN.
Alyssa: Sa puntong ito, upang magbigay ng kanyang pangwakas na pananalita, ating bigyan ng
masigabong palakapakan ang ating butihing Ulong Guro III, Gng. Corazon P. Arcilla
Alyssa: Maraming salamat po Maam!
Harvey: Bago matapos ang palatuntunang ito, nawa'y tumimo sa ating puso't isipan ang mga
karangalang ating nakamit ay nagmumula sa Diyos dahil Siya ang namumuno sa lahat. Nasa
kanyang kamay ang kapangyarihan, kalakasan, pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat. Kaya
karapat-dapat nating ibalik sa Kanya ang pasasalamat na tayo'y nakapagkamit ng karangalan
sa araw na ito.
Alyssa: Sa lahat ng mag-aaral na naririto, ipagpatuloy ninyo ang pagkakaroon ng positibong
perspektibo sa pag-aaral sapagkat sabi nga sa makabuluhang mensahe sa Kawikaan 4:13 (apat
berso labingtatlo) "Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitawan: iyong ingatan;
sapagkat siya'y iyong buhay."
Harvey: Muli, ang aming taos pusong pagbati sa ating lahat.
Alyssa: Muli, ako si Binibining Alyssa R. Bobadilla
Harvey: at Ginoong Harvey K. Helilio,
Alyssa and Harvey: ang mga tagapanguna ng programang ito, maraming salamat po!
Alyssa: Mga Binibini at Ginoo, ating tunghayahan… ANG RECESSIONAL!

You might also like