You are on page 1of 5

PAMBUNGAD NA PALATUNTUNAN

Charisse: Kamusta LSPU! Isang kaaya-aya at pinagpalang hapon sa inyong lahat at


mabuhay! Bago magsimula ang programa nais ko lamang batiin ang lahat ng aming
mga kamag-aral na taga pakinig sa hapong ito BS Entrep 2E maraming salamat sa
inyong oras at partisipasyon, sa aming guro sa komfil Bb. Cecile B. Hubabib at sa
aming panauhing tagapagsalita. Lubos akong nagpapasalamat sa inyong pakikiisa. Sa
hapong ito ay ating masasaksihan ang birtwal na palihan na may temang
“Paggalugad ng kahalagahan ng Pasalitang pag-uulat sa maliit at malaking pangkat”

Bago tayo magsimula ay narito ang mga iilang paalala bago magsimula ang webinar.
3 slides

Mangyari lamang po na palagiang icheck ang inyong mga mikropono upang hindi
maantala ang mga magsasalita maraming salamat po.

ROLL CALL
Ngayon ay tinatawagan ko naman si Bb. Jaime banaag para pangunahan ang roll call

Jaime: Kamusta! Handa naba ang lahat? ilang sanadali na lamang ay magsisimula na
ang ating palatuntunan. Ngayong hapon ay isa na namang makabuluhang
pagpupulong na tiyak akong mara tayong matutununan at makakalap na
impormasyon. Handa naba ang lahat na makinig, makisaya at matuto???. Para sa
aming mga kamag-aral na tagapakinig sa BS ENTREPRENEURSHIP 2E. At sa lahat ng
ating mga panauhing makakasama sa hapong ito maraming salamat po at nawa’y
kayo ay masiyahan at makapulot ng aral sa inihanda naming presentasyon.

Jaime: Alam kong ang lahat ay sabik at handa ng matuto sa araw na ito kaya naman
hindi ko na patatagalin pa

PANALANGIN
Jaime: Bago natin pormal na simulan ang programa halina at ilagay natin ang ating
sarili sa presensya ng panginoon na pangungunahan ni bb. Glaidel espiritu at
susundan naman ng Pambansang awit ng Pilipinas.

Glaidel: Sabay-sabay po nating damhin ang presensya ng ating Poong Maykapal sa


ating pambungad na panalangin.

VIDEO NG PANALANGIN
VIDEO NG PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS
INTRODUKSYON AT LAYUNIN NG SEMINAR

Charisse: Sa pagpapatuloy ng ating progarama bigyang daan naman natin ngayon


sina Bb. Princess ubaldo at G. tyrone de guzman sa paghahatid ng introduksyon at
layunin ng webinar na ito.

Princes : Maraming salamat binibining charisse, muli magandang umaga sa inyong


lahat narito ako upang bigyang linaw ang ating programa ngayon na may temang
“Paggalugad sa kahalagahan ng Pasalitang pag uulat sa maliit at malaking pangkat”.
Lahat sa atin ay malimit na nagsasagawa ng ulat lalong lalo na ang mga guro at mga
mag-aaral hindi ba? Ngayon ang palihan na ito ay nakasentro sa kahalagahan ng Pag-
uulat ang mga gabay at ibat-ibang pangkat kung saan tayo maliit na nagsasagawa ng
ulat. Narito kami ngayon upang magbahagi ng mga kaalaman at mapalawak ito ukol
sa nasabing paksa.

Princes : Narito ang ilan sa mga layunin ng palihan na ito.

Tyron :

1. Upang maipamulat sa mga tagapakinig na maging malawak ang pang-unawa


hinggil sa mga bagay-bagay na dapat matutunan bilang isang tagapagsalita.

2. Mga gabay sa maayos na pag-uulat.

3. Paghahanda para sa pag-uulat.

Pagpapabatid ang nais naming ihatid sa hapon ito, ang usapin sa palihan na ito ay
mahalaga at lubos na kapaki pakinabang hindi lamang sa propesyunal na gawain
kundi pati sa pang araw-araw na buhay.

PAMBUNGAD NA PANANALITA

Didit: Maraming salamat g. tyron de guzman .Sa dakong ito ay inaanyayahan ko


naman ang pinuno ng aming pangkat na si Bb. Charisse vivien Oliveros upang
magbigay ng pambungad na pananalita.

Charisse : Muli magandang hapon sa ating lahat sa hapong ito ay isinasagawa natin
ang birtwal na palihan. Kung saan naka sentro ang talakayan sa halaga ng pag-uulat.
Bago ang lahat ay nais ko munang batiin at pasalamatan ang aming guro sa komfil na
si bb. Cecile b. Hubahib para sapgakakataong makapaglunsad ng ganitong programa.
At gayon din sa aming panauhing tagapagsalita para sa bukal niyang pagdalo sa
hapong ito.

Alam ng marami kung gaano kahirap ang sitwasyon ng edukasyon sa panahon ng


pandemya. Lahat tayo ay sumusubok na matuto sa ibat-ibang paaran upang
maisalba ang pag-aaral. Ganon din sa mga guro na patuloy na nagsusumikap sa
paghahanap ng solusyon upang maipahatid saating mga tahanan ang
karunungang ating kailangan. Malaki ang pasasalamat ko sa tulong ng online
classes at mga ganitong programang pampaaralan sa dulot nito sa bawat mag-
aaral. Ang paksa ng ng presentasyon ngayon ay napapanahon sapagkat marami
sa atin ang gumagawa nito sa pang araw-araw sa eskwelahan at trabaho. Ang
webinar na ito ay maghahatid ng kalidad na kaalaman at iimpormasyon para sa
tamang pag-uulat sa maliit at malaking pangkat. Maraming gagalugadin ang
paksang ito, na tiyak kong nakaaaliw na matutunan. Ang tanging hangarin namin
ay makapagbigay ng karunungan na alam namin kapaki pakinabang sa lahat ng
mga tagapakinig, matulungan nawa ng programang ito ang mga mag-aaral at
mga guro. Muli maraming salamat po. Muli maraming salamat po at tayoy
magpatuloy sa makabuluhang talakayan.

GLAIDEL: Bago tayo magpatuloy sa gawain Narito ang isang maiksing


dokumentaryo o short film. Na may kaugnayan sa paksa natin sa hapong ito,
lalong- lalo na sa sitwasyon ng edukasyon sa panahon ngayon. Gawing
komportable ang inyong mga sarili at pagtuunang pansin ang nasabing video.
Mangyaring icheck ang inyon mga mikropono upang hindi makaantala sa gawain.

Documentary Video (Burnout)

Charisse: Ang short film na iyon na may pamagat na burnout, marahil ay marami
sa atin ang nakakaranas nito sa panahon ngayon at sa mga oras na ito. Lalo sa
pag-aaral na nasabi nga doon na iba parin talaga ang sistema kung tayo ay sama-
sama at may gurong nagpapaliwang sa harapan. Pasalamat narin tayo sa midya
at teknolohiya dahil natutulungan tayo nitong makausad.

Princess: Tama ka diyan bb.! Sabi nga piliin natin ang pangalawa, lumaban,
manampalataya at magpatuloy.

PAGPAPAKILALA SA PANAUHING TAGAPAGSALITA

Princess: At ngayon ay magpapatuloy narin tayo at magtungo sa pinakahihintay


ng lahat ang pagtalakay ng ating tagpagsalita. Alam kong lahat tayo ay sabik na
matuto at makilala sya kaya naman hindi ko na patatgalin pa. Halinat tamasahin
ang kaalamang matututunan mula sa hinahangaang panauhing tgapagsalita.

Princess: Siya ay nagtapos sa Laguna State Polytechnic University Sta.Cruz


Campus sa kursong Bachelor of science in secondary education major in filipino.
Nagturo sa Sti college sta. Cruz
Siya din ay miyembro ng dulaang sanghaya theater organization.
Isang event host at kasalukuyang nagtuturo sa cavinti integrated national
highschool.

Princess: Malugod ko pong ipinakikilala sainyo si g. jerome tejero


(Isang birtwal na palakpakan para sakanya)
PAGTALAKAY NG TAGAPAGSALITA

Eunice: Maraming salamat sa ating tagapagsalita sa kaniyang napakahusay at


punong puno ng hindi lamang kaalaman kundi puno ng sigla at aliw na pagtalakay
ukol sa ating paksa. Nawa’y nakapulutan ninyo ito ng aral ang makabuluhang
mensaheng iyon. Dahil ako mismo ay napuno ng kaalaman sa hapong ito.

PAMPASIGLANG BILANG
Charisse: Bago tayo magpatuloy sa ating programa ay ating aliwin ang ating sarili
para sa isang pampasiglang bilang na ihahatid ni bb. Mica vinela Abayari sa saliw
ng isang awitin.

Mica

Charisse: Maraming slaamat sa napakahusay na pag-awit at nagbigay ng mataas


na enerhiya sa pampasiglang bilang sa hapong ito.

PAGGAWAD NG SERTIPIKO
Charisse: Dumako naman tayo ngayon sa paggawad ng sertipiko sa ating
tagapagsalita.
Magalang ko pong inaanyayahan si Bb. Eunice ramos para igawad ang sertipiko
ng pagkilala sa ating tagapagsalita.

Eunice: Maraming salamat. Bb. Ngayon narito po ang nilalaman ng sertipiko.


Narito naman ang serttipiko para sa mga tagapakinig.

Upang makuha ang mga sertipiko mangyaring pindutin ang link na nasa chat box.

PANGWAKAS NA PANANALITA
Eunice: Para maghatid ng pampinid na pananalita ay inaanyayahang kong
naman si bb. Mica vinela abayari

Mica: Muli maraming salamat po sa inyong lahat nawa’y marami tayong


natutunan sa araw na ito na maaari nating gamitin sa pag-aaral, pagtuturo at sa
pang araw-araw na pamumuhay. Maraming maraming salamat sa inyong oras at
partisipasyon.

PANGWAKAS NA PANALANGIN
MIca: At Para sa pangwakas na panalangin inaanyayhan ko si bb. Jaime banaag
Jamie: Panalangin

You might also like