You are on page 1of 2

1st BAFIL PINNING CEREMONY (Host’s script)

Hosts; Ely Pangan at Dan Henric

Ely: Ang mga bata ngayon ay lider ng bukas at ang mga guro nagiging daan upang ihanda sila sa
kinabukasan. Sinasabing may malaking bahagi ang mga Guro sa ating lipunan. Nagbibigay ng
layunin sa mga bata/estudyante, na kailangan nila bilang sandata sa takbo ng buhay at gamitin
bilang inspirasyon at makamit ang tagumpay sa kanya kanya nilang buhay.

Dan: Maligayang pagdating para sa ating kaunaunahang Pinning ceremony ng BAFIL na may
temang….

Both: Dunong at Danas: Pagsulong ng makatang guro sa tanglaw ng kaalaman

Dan: Ako nga po pala si Dan Henric

Ely: At ako naman po si Ely Pangan, kami ang inyong mga tagapagdaloy!

Dan: Para pormal na buksan ang ating seremonya ay inaanyayahan ang lahat na tumayo at
sumama sa pambungad na panalangin sinusundan ng pag-awit ng pambansang awit ng pilipinas.

Dan: Maaari napo kayong umupo.

Ely: Sa pagkakataong ito, samahan ninyo akong bigyan ng masirgabong palakpakan ang wala
sawang sumusuporta at butihing TAGAPANGULO ng Departamento ng Filipino – Dr. Debbie
M. Cruspero para sa kanyang Pambungad na mensahe.

Dan: Maraming salamat po ma’am Debbie, ngayon naman ay ating pakinggan ang ating Dekana
ng Kolehiya ng Agham Panlipunan at Humanidades – Dr. Carmela G. Ong para sa kanyang
Words of Challenge (pwede pa ni siya mabago depende na sa’yo dan).

Ely: Salamat po ng napakarami ma’am Ong, para makabuluhang mensaheng natanggap ng


bawat isa. Ngayon ay hindi lamang diyan nagtatapos ang pagbibigay ng inspirasyon para sa atin
at para sa inyo na naglulusong sa pagiging pre-service teacher. Hayaan niyo pong ipakilala
naming ang ating pangunahing tagapagsalita

(basahon ang bionote)

(it’s either ely or dan)


(depende)

Ely or Dan: Ating salubungin, G. Melvin M. Ynion MAEd!

Dan: Maraming po sir Melvin, sa pagbabahagi ng inyong makulay na karanasan bilang pre-
serive teacher!

Ely: Ngayon ay aking inaanyayahan …………(para sa pagbibigay ng sertipiko sa guest speaker)


Hayaan niyo munang basahin ang nakasulat sa sertipiko.

Dan: Ating palakpakan at pasalamatan!

Dan: Mga binibini’t ginoo, ito na po ang pinakahinihintay ninyo – Ang pinning ceremony. Sa
pangunguna ng ating tagapayo ng SABFIL Prop. Love I. Batoon.
Ely: Palakpalakan po ninyo ang inyong sarili dahil kayo na dadako sa panibagong hamon bilang
pre-service teacher!
Ely: Ngayon sa pagtatapos ng seremonya, ay malugod ko pong inaanyayahan ang Pangulo ng
SABFIl Bb./Kgg. na, Mary Jane T. Evangelio – para sa ipagkakaloob sa atin ang Mensahe ng
pasasalamat.
Dan: Palakpakan po natin!
Dan: Sa pagkakataong ito, na kung maaari ay tumayo po ang lahat upang sama-sama nating
awitin ang Himno ng Pamantasang Mindanao!

Ely: Maraming salamat ako nga po pala si Ely Pangan


Dan: At ako naman si Dan Henric ang inyong mga tagapagdaloy!

You might also like