Palatuntunan Para sa Mga Guro 2019
Intro:
Maam Winnie: Ang mga guro ang isa sa itinuturing na mga maka-bagong bayani ng ating
sambayanan. Nagsisilbi sila bilang pangalawang magulang na humuhubog sa kaisipan ng
mga kabataan upang sila ay magkaroon ng isang maliwanag at mas mahusay na
hinaharap at ng dahil sa mga bayaning guro ang lipunan ay di nagiging mangmang.
Sir Chandi: Ang pagiging guro ay hindi madali. Ito ay isang nakakapagod na propesyon at
nangangailangan ng mahabang pasensya at pagmamahal sa kanilang bokasyon na napili.
Ibinubuhos nila ang kanilang pisikal na lakas, kaalaman, at kung minsan maging ang
kanilang sariling salapi, at nagtitiis para tayo ay maturuan at matuto.
I. Pambansang Awit
Maam Winnie:Ang pagkabayanihan ng mga guro ay ipinamana sa atin ng ating mga ninunong
bayani na nag-iwan ng mga aral at halimbawa nang sila’y lumaban at nagbuwis ng buhay para sa
ating kalayaan. Ipinamalas nila na ang pagmamahal sa tinubuang lupa at sariling lahi ay ang
pinakadakilang anyo ng pag-ibig. Na siyang katangian ng mga makabagong bayaning guro.
Sir Chandi:Ikinintal nila sa ating mga isipa’t damdamin na ang pagkakaroon ng sariling
pamahalaan ay mahalagang salik ng pagkabansa – isang pamahalaang kinikilala, iginagalang at
ipinagmamalaki ng mga nasasakupan.
Maam Winnie:Kaakibat ng pagtatatag ng sariling pamahalaan ay ang pagbalangkas ng saligang
batas na magiging batayan ng mga alituntuning susundin ng mga mamamayan para sa ikabubuti
ng lipunang ating ginagalawan.
Sir Chandi:Naging inspirasyon ang mga ninuno’t bayani natin upang tayo’y mangarap at
gumawa ng mga hakbang tungo sa mga repormang kinakailangan upang higit na mapagbuti ang
kalagayan ng ating bansa. Kaya Pasisimulan natin ang ating palatuntunan sa pagbibigay
pugay sa ating bandila at sa ating pagka-Pilipino sa pamamagitan ng pag-awit ng Lupang
Hinirang.
Kaya aking inaatasan ang lahat na magsitayo upang ating awitin ang ating pambansang awit at
Himno Fernandino, na pamumunuan ng mga opisyales ng PHSSGo at Koral ng mga mag-aaral
ng Pampanga High School.
II. Pambungad na Pananalita- Bb. Edilberta C. Esguera
Maam Winnie:Aming mga guro ay sadyang masipag,
Sa kanilang pagtuturong kanilang hinaharap,
Sa mga estudyanteng kanilang tagapakinig;
Silang mga guro’y sadyang nakakabilib.
Sir Chandi:Pangalawang magulang ng mga mag-aaral,
Nagtuturo ng mabuti at pagiging marangal,
Sadyang napakahusay ng kanilang katangian,
Sa ating mga asal, itinuturo ang kagandahan.
Maam Winnie:Sa mga mag-aaral na sadyang makukulit,
Di maiiwasang ang guro ay magsungit,
Ngunit wag mangamba, sila talaga’y mababait,
Hangga’t maari sila ay magtitiis.
Sir Chandi:Anumang mga pagsubok kaya nating lampasan
Sa ipinapakita ng mga gurong kabayanihan
Kaya sa tula’y aking sasabihin na,
Guro ko, Mahal ko, Bayani Ka!
Kaya ngayon isang masipag at kagalang-galang na guro at tagapamuno ng Senior High School
ang aking tatawagin upang magbigay ng mensahe sa ating lahat, Walang iba kundi si Ma’am
Edilberta C. Esguera… bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan.
III. Pagbati sa nga Panauhin:
Maam Winnie:A, Ba, Ka, Da.. Banggit sa umpisa
Nakaturo sa mga letra na nasa pisara
Habang nakatingin sa’ming munting mata
Na para bang laging may hatid na pag-asa.
Sir Chandi:Ikaw o Guro..pangalawang ama’t ina
Kapag nasa inyong tabi, kami’y walang pangamba
Takot at sakit ay hindi alintana
Pagkat aming batid ikaw ay kasangga.
Maam Winnie:Sa araw-araw na pagpasok sa eskwela
Kayo ang aming nakakasama
Nagbibigay kaalaman,para sa kinabukasan
Sa maraming taong ginugol sa paaralan
Kayo ang syang naging sandigan,
Nagbibigay sagot sa’king mga katangungan
Sir Chandi:Aking pasasalamat ngayo’y binibigkas
Kulang pa nga ito sa pasasalamat kong wagas
Kayo ang nagsilbing baitang sa hagdan tungo sa pangarap
Pangako ko sa inyo ako’y lakas loob na haharap.
Maam Winnie:Di ko mabatid kung pa’no ibabalik
Mga paghihirap niyong sa amin ay hatid
Sa tingin ko’y sasapat na ang tatlong diploma’y makamit
Kahit gaano pa kahirap,kukunin itong pilit.
Sir Chandi:Tama! Kayo ang gabay tungo sa magandang buhay,
Mga turo ninyo ay walang kapantay,
Hinding-hindi malilimutan, anuman ang maranasan
Guro Bayani kang tunay…Kaya nararapat lang na ikaw ay pinasasalamatan Noon, Ngayon at
Magpakaylanman!
Mga Panauhin:
G. Richard M. David
Dr. Ronnie S. Mallari
Konsehal Harvey A. Quiwa
Bise-Alkalde Jimmy T. Lazatin
Alkalde-Edwin D. Santiago
IV. Pagbibigay-pugay sa mga Retiradong Guro-( G. Ivan T. Sales- PHSFEC President at mga
Retiradong Guro)
Maam Winnie:Huwaran kung sila ay tawagin,
Espesyal sila sa buhay natin
Sila ang dahilan ng ating tagumpay,
Sila ang tumutulong at umaagapay.
Sir Chandi:Guro ikaw ay tunay na huwaran…
Kaya nararapat ka lamang parangalan,
at pahalagahan at mahalin ng sambayanan .
Mahalaga ka sa bayan at puso ninuman,
Pagpupugay sa iyo ay nararapat lamang….
Maam Winnie:Huwaran, sila ay dapat hangaan…
Dulot nila ay kaalamang wala ng katapusan
Kadalasan sila ay mabait….
Ngunit minsa’y nagsusungit
Ngunit sa likod nito
Ay mga labi’y masaya at nakangiti
Tayo ay natututo
Sa kanilang mga itinuturo
Tayo ay kanilang sinasagip
Upang sa tamang landas di malihis….
Sir Chandi:Mahal nila tayo, dapat mahal din natin sila….
Magandang kinabukasan kasi ay dulot nila….
Dahil halos lahat ng oras nila ay kanilang ginugugol sa pagtuturo,
Kahapon, ngayon at bukas sila ang ating mga guro …
Sapagkat lumisan man sila sa paaralang pinaglingkuran…
Mananatiling buhay ang kabutihang inyong nagawa sa pinagsilbihang paaralan.
Kaya ngayon ay aking tinatawagan sina Gng. Fe Rosalinda R. Caylao- Punong-Guro ng
Pampanga High School at G. Ivan T. Salas ang tumatayong pangulo ng PHSFEC upang
pangunahan ang Pagbibigay Pugay sa ating mga Retiradong Guro…Bigyan po natin sila ng
masigabong palakpakan….
V.Panalangin Para sa mga Guro- AVP
Maam Winnie:Isang dakilang propesyon ang pagtuturo
Ating kaunting dunong kanilang pinupuno
Kaalamang habambuhay na mananatili,
Mga Guro ng Pampanga High School, hanggang sa lahat ng guro sa buong mundo
Tayoy mga tunay na bayani…at dapat lamang na ipagpunyagi….
Sir Chandi:Tinuturing silang kasangga at kasandigan….
Na syang nagpupuno ng ating kakulangan
Nagsisilbing modelo ng Lahat
Naglilingkod sa atin ng tapat.
Maam Winnie:Bayani natin itinuturing ang ating mga guro
Dahil ang kanilang propesyon ay di biro…
Pagod at puyat kanilang dinaranas…
Upang mabigyan tayo ng magandang bukas
Sir Chandi:Saludo ang lahat sa bawat guro…
Kung wala ang mga guro mananatiling mangmang ang bawat lipi
Salamat sa lahat ng kabayanihan sa bayan na iyong ibinahagi
Mga nagawang Kabayanihan at kadakilaan ay tunay na kapuri-puri…
Bilang tanda na tayong lahat ay may pagkakaisa at pagmamahal….sabay-sabay nating aawitin
ang awiting “ Make Me A Servant “ sa pangunguna ng mga mag-aaral na Koral ng ating paaralan.
V. Pagtatanghal ng PHSSSGo Officer
Maam Winnie:Sa aming musmos na isipan
Binigyan nyo ng mga kaalaman
Na di namin makakaligtaan
Saan man landas na tahakin o paroroonan
Sir Chandi:Sa bawat araw na pagtuturo
Guro ay may laging bagong mga ngiti
Na sa kalungkutan ng umaga ay pumapawi
Nagpapasigla sa umaga namin kaya gumaganda…
Maam Winnie:Sa oras ng problema
Mga guro ay inyong malalapitan
Handang tumulong saan man
Handang magsakripisyo ano man…
Sir Chandi:Mga Huwarang guro
Di Nagsasawang magturo
Puyat at pagod kanilang puhunan.
Upang kami ay turuan
Upang kami ay may matutunan
Kaya marapat na sila
Ay ating pasalamatan ng walang hanggan.
Kaya sa pamamagitan ng isang natatanging bilang mula sa mga opisyales ng PHSSSGo…sila ay
magpapakitang gilas sa kanilang talentong natutunan sa loob ng paaralan, bilang tanda ng
kanilang pasasalamat…Bigyang po natin sila ng masigabong palakpakan….!
VI. Pagkuha ng Larawan ng Bawat Departamento
VII. Pananghalian
VIII. Kantahan- DOS Palikeros
Maam Winnie:Magmula umaga hanggang dapithapon
Lagi nating kasama saan man naroroon
Sa loob man o labas ng ating silid
Kaagapay mo sa lahat ng panahon.
Sir Chandi:Handang ituro lahat ng nalalaman
Sa mga mag-aaral na kanilang minamahal
Sila din ang naghubog ng dunong at talino ng bawat kabataan
Na siya ring malalapitan sa oras ng kagipitan at pangangailangan.
Maam Winnie:Kahit ano pang klase ng panahon
Umula’t umaraw sila ay naririyan at naroroon…
Turo, basa, sulat hanggang sa di maglaon…
Tayo ay matuto sa kanilang tulong….
Sir Chandi:Kung minsan marami ang nagtataka
Bakit sila ganoon kabait sa iba?
Siguro ay sadyang ganoon na sila…
Ang pagod sa pagtuturo ng maghapo’y di alintana.
Maam Winnie:Para silang leon kung minsan pag tayo’y pinagsasabihan
Parang anghel kung sila naman ay mag-alala
Marahil ang guro ay nilikha ng Maylalang
Upang magsilbing inspirasyon at bayani ng mga lipunan.
Sir Chandi:Di nila tayo kayang iwanan
Sa gitna ng problema o karamdaman,
Asahan mong lagi silang nandyan
Sa liwanag, pighati o kadiliman man.
Kung nagpakitang talento ang ating mga mag-aaral ay di naman magpapatalo ang mga piling
guro ng ating paaralan…para sa isang natatanging bilang na Kantahan at Kasiyahan, kaya
bigyan natin sila ng masigabong palakpakan…DOS PALIKEROS….
IX. Pangwakas na Pananalita
Maam Winnie:Masaya…
Karamay…
Sandigan…
Gurong Maasahan…
Sir Chandi:Tama ikaw…
Ang aking ilaw…
Ilaw na patnubay…
Ikaw ang aking kaagapay…
Maam Winnie:Kapanglawan…
Kapayapaan…
Kaalaman
Kinabukasan…
Sir Chandi:Guro…
Tama Ikaw…
Tanging kayo…
Super hero ng Buhay ko…
Ngayon aking naman tinatawagan si Ma’am Loida R. Maglanque para sa pangwakas na
pananalita….