You are on page 1of 5

SA AKING MGA DAKILANG GURO

Magandang umaga po Ginang at Bb

Magandang umaga po Ginoo

Madalas ito ang maririnig sa mga

Katulad kong mag aaral na pumapasok sa paaralan

Subalit……..

Nagagawa pa nga ba namin ito?

Ilan taon na nga ba ?

Nakakamiss na…..

Yung mga sandaling

Umaga pa lamang ay laman kana ng lansangan

Magkaminsan ay napapakandirit ka pa

At tila ba ay hinihila ka ng mga paa mo

Para lamang marating ang paaralang pinapasukan

Yung tipong ….

Nasa harapan ka na ng gate ng paaralan

Makakasalubong mo ang iyong guro

Sabay yukod at abot ng mga dala-dala

Goodmorning po,magandang umaga po guro

Nakakmiss ang ganitong senaryo

Na para bang may paligsahan at palakasan

Kung sino ang magaling siya ang pansinin

At tiyak siya ang may dala ng mga gamit ni guro

Pero…..

Hindi naman ito totoong paligsahan o palakasan


Siguro lamang kaming mag aaral ay likas na

Ang katuwaan at nasasabik sa mga guro

Sa tuwing sasapit ang umaga sa pasukan

Dahil sa totoo lang

Sa magdamag napagkakatulog

At sa umagang pagbangon sa higaan

Ay animo na lamang ay mag unahan

Ang mga paa sa paggayak upang

Pumasok sa paaralan

Bakit?

Di naman sa sumisipsip o nagpapalapad ng papel

Ang totoo tila ba isang panuoring nakakasabik

Yung Makita mo ang mga ngiti sa mga guro

At tila ba parang sanay at hinahanap hanap

Na natin yung mga kataga nila

Oyy…anak maaga pa naman

Hala humawak muna kayo ng walis

At pulutin ang mga kalat sa paligid

Na tayong mga estudyante ay tila walang kapaguran

Na sumusunod at tatalikd sa ipinag uutos

Ang mga hiyaw …..halakhak ni guro

Na bagamat magkaminsan at sumisindak sa atin

Ay isang katotohanang may magandang dulot sa atin

Dahil kung hindi sa taas ng boses nila

Malamang yung natutulog nating isipan


Baka hanggang ngayon wala parin pagbabago

Halakhak……

Ang mga tawang tila baga

Ay di na kayang mapigilan

Sa tuwing napapasaya natin

Ang ating mga guro na para bang

Isang masarap na awitin

Na sa ating pandinig ay

Umaalingawngaw ang kanilang

Mga halakhak ng tuwa

Nakakalungkot ……..lamang

Na tila ba ang mga ganitong

Gawain na nakagawian na naming

Ay para baga na wala ng katapusan

Tila isa nalamang itong pantasya

Na sa guni guni mo na lamang makikita

Yung mga akbay ni guro na nagpapakalma sayo

Mga himas ng kamay nya sa iyong buhok

Na nagpapahiwatig na maganda ang iyong ginawa

Ang mga ngiti at tingin

Na bagamat may alinlangan tayo pag ito ay nakikita

Ito naman ay pahiwatig ng isang babala

Na tayo ay tumahimik at tumalima

Ang mga kumpas ng mga kamay nila

Sa tuwing nasa harapan natin sila


Ewan…..malabo na yata nating Makita

Hindi bale…Ginoo,Ginang at Bb naming mga guro

Hindi man tayo nagkakadaupang palad

Sa klase at mga aralin

Malayo man ang ating mga sarili sa bawat isa

Alam namin hindi kayo nawawala

Nariyan kayo at patuloy na gumagabay sa amin

Nagtitiyaga na mabigyan kami ng kaalaman

Nililinang pilit ang aming karunungan

Kahit na ang hirap at balakid na inyong hinaharap

Alam naming hindi kayo sumusuko

Nariyan kayo matiyaga,nakikinig at nakikiramdam

Nakatingin kahit na ang pagitan natin ay isang

Salamin na madalas biglang lumalabo

At magkaminsan ay manaka nakang nawawala

Dahilang tulay na nag uugnay sa atin

Upang tayo ay magkita at makapag usap

Ay inaagaw ng mga mahihinang koneksyon

Pero nandiyan pa din kayo nagtitiyaga

Kahit na nanlalabo na ang mga mata

At kinakapa na lamang ang maliliit na titik

Upang maihatid sa amin ang mga kaalaman

Na nais ninyong maiambag at maikintal

Sa aming mga pagsasaliksik

At pag aaral sa araw araw


Maraming salamat aming mga guro

Umasa kayong hindi namin kayo bibiguin

Tutumbasan namin ng masigabong pag aaral

At marubdob na hangaring matuto at mapag aaralan

Ang lahat ng inyong itinuturo sa amin

Siguro,baka nga, isang araw

Bigla may isang himala

At bumalik na ang normal na pag aaral

At muli tayong magkikita….

Muli ang aming pasasalamat at pagpupugay sa inyo

Ikinararangal at ipinagmamalaki namin kayo

Tunay at wagas ang inyong kadakilaan

Dahil sa ipinamalas nyong galling at pagtitiyaga

Sa pagtuturo sa amin

NICOLE SENIA TAYSA

Sobrang namiss ko ang lahat ng aking guro

At nagpapsalamat po ako sa inyong lahat mula sa

Mababang paaralan aking pinangmulan FPDLES

Hanngang sa bago kong tahanan ng STA.ISABEL

sa ganitong paraan po mapasalamatan ko po kayo

AKING MGA GURO

You might also like