You are on page 1of 2

Ala alang hindi matatawaran

Kasama yung mga gurong hindi mapapantayan

Hindi makakalimutan ang lahat ng mga tinuro

Sino ba naming makakalimot sa mga corny nilang biro

At mga hugot na, mga hugot nilang nakakatawa

Mga banat nilang napaka kwela

Pero walang halong biro

Salamat po

Kahit minsay madalasan naming kayong nakakalimutan pasalamatan

Hindi naming malilimutan ang inyong mga tinuran

At hindi mag sasawang balikan yung mga panahong tayoy nasa silid aralan

Nagtatawanan, Naglolokohan at nag hahalakhakan

Eto yung mga ala- alang kay sarap balikan

Yung mga payong sa unay hindi mainitindihan

Madalas pa ngay akala naming kamiy inyong pinahihirapan

Ngunit sa pag daan ng mga araw,buwan at taon ,mga tinuro at sinabi nyo ay nagagamit namin sa
kasulukuyang panahon

Apat na letra isang salita

Isang katagang kahulugay napakahalaga

Wala sa dami ng leksyon

Wala sa dami ng aralin o diskusyon

Kundi sa mga aral na nagsisilbi naming baon

Mapa sensiya,filipino,hekasi,matematika,teka mapa anomang asignatura yan kailanmay hindi


mapapantayan ang inyong ginawang kabayanihan

BAYANI ka, oo BAYANI ka.IKAW, ikaw ang gurong gurong sumibol noon pa man

Buhay ang inialay sakripisyoy nakabatay

Dunong at husay sayoy nakasalalay

Kaagapay sa lahat ng bagay.


Sabi nga nila

“Ang tunay na sukatan ng dakilang guro,ay hindi sa dami ng katbiyan o sa taas ng degree na
natamo,kundi sa bilang ng mga mag-aaral na natuto at sa bibigay ng inspirasyong mula sa kanyang puso.”

Kaya naman sa pag tatapos nitong tula taos puso kaming nagbibigay ng respeto at taas noong
sumasaludo.

Ikaw, kayo,kayo poy isang napaka gandang ehemplo sa Kabataang katulad ko.

Kaya naman sa mga kapwa ko mga mag aaral

Aking wiwikain ay lagi nating pakatandaan

Na hindi lahat ng kaalaman ay hindi nag mumula sa google,internet o maging sa libro

Kundi sa puso……

Sa puso ng isang guro

Kayat sabay sabay natin silang batiin ng maligayang buwan ng mga guro.

You might also like