You are on page 1of 2

Pinatay na niya ang ilaw. Tapos na siya sa kanyang Gawain.

Tumungin
siya sa salamin at napatanong sa sarili. “Kaya mo pa ba? Suko ka na?”, iyan ang
mabigat na tanong ng kanyang sarili.

May mabubuo bang pagkatuto kung wala ka? Magkakaroon ba akong


sapat na kaalaman kung wala ka? Hindi yata makukompleto ang aking pagkatuto
kung wala ka mahal kong guro. Kulang ang aking pagkatao ‘pag wala ka sa
buhay ko. Hindi ako magiging ganap na estudyante kung wala ka sa tabi ko.

Kahanga-hanga, katangi-tangi, isa kang huwara at tunay na dakila na


matuturing. Isa kang guro na labis ang pagsuyo sa iyong estudyante para lang
makinig, makuha ang atensyon at matuto sa lahat ng itinuturo mo. Hindi ka
sumusuko para pangaralan at magbigay inspirasyon sa lahat. Kahit labis ang
paghihimutok mo at maraming daing, andyan ka pa rin para patnubayan,
gabayan at tulungan para kami ay maging isang mabuting estudyante. Kapuri-
puri ang lahat ng iyong pagos at pagsusumikap para lang maituro ng sapat,
tama, matuwid at makatotohanan ang lahat ng paksa na nais mong ipaabot sa
aming lahat. Kahit na may dinadala kang problema, nagagawa mo pa ring
tumawa at makisaya sa amin. Isang maghapong nakatayo at maghapong
nagsasalita pero hindi ninyo ipinaramdam na kayo ay napapagod na.

Ako ay lubos na humahanga sa inyo mahal kong guro. Kaya mataas ang
aking respeto dahil alam namin na hindi madaling maging isang guro. Sa lahat
ng hirap, puyat at paglaan ng inyong boses, lubos kitang pinapasalamatan. Kayo
ay isang anghel na ipinadala nang Maykapal para maging kompleto ang aming
pagkatao, hindi ninyo kami pinapabayaan at patuloy kayong nagmamasid para
maabot namin ang aming pangarap.

Kulang ako kung wala ka sapagkat ikaw ay nagsilbing pangalawang


magulang sa aming lahat. Hindi sana kami magiging ganito sa buhay kung wala
kayo mahal naming guro. Para kayong isang tubig na kapag wala kayo, hindi buo
at mamamatay ang mga tao. Katulad din ng tubig, kayo ay nagbibigay-buhay at
pag-asa sa aming lahat para maipagpatuloy ang mga naudlot naming pangarap.
Kayo ang pumupuno ng karunungan at nawawaglit ang kamangmangan ng
bawat tao.
Maraming salamat guro, isang pagpupugay para ipagdiwang ang inyong
araw, isang araw na maging maligaya kayong lahat. Maraming salamat sa mga
masusustansyang salita at sana lahat ng estudyanteng inyong tinuturuan ay
nakikinig, isinasapuso at hindi hinahayaang makalimutan ang inyong mga
binibitiwang salita.

 
 

You might also like