You are on page 1of 3

REPLEKSYON

SA

KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON
Ang pagbuklat ng bawat libro ay isang simbolo ng pagkakatuto. Ang pakikinig sa mga
bawat salita ng isang guro ay paraan para mapaunlad ang sarili. Ang mga pagsusulit na
naghahasa ng iyong kakayahan at talino.

Bilang isang mag-aaral, tungkulin ng bawat indibidwal ang makinig, matuto at paunlarin
ang sarili. Sa araling “Kontekstwalisadong Komunikasyon” nabuksan at mas nahasa nito ang
aking isipan sa kung ano ang pagkakaiba, kahulugan ng pakikipagkomunikasyon, talakayan,
tamang paggamit ng wika at iba pa. Dito natutunan ko kung paano makikipagtalakayan o
makikipagkominikasyon ng maayos sa kapwa ko tao. Naipapakita din dito ang mga bagay na
dapat nating gawin at iwasan sa pakikipagtalakayan. Sa pagtatalakay ng araling ito, mas
napaunlad ang kaalaman ng bawat indibidwal ukol sa pagbibigay ng sariling kaalaman o
opinyon. Napakahalagang malaman ng bawat isa ito sapagkat makatutong ito sa hinaharap.

Ang araling ito ay malaki ang naiambag sa kaalaman ng bawat mag-aaral.


Naipapahiwatig nito ang kahulugan, kahalagahan ng paggamit ng tamang wika sa
pakikipagtalakayan sapagkat nauso na ngayon ang teknolohiya at nakakalimutan na ng bawat
mag-aaral ang halaga at ganda nito. Hindi naitatanging ang bawat kabataan ngayon ay nakatuon
na lamang sa social media at hindi nabibigyang pansin ang kanilang galing o nakatagong mga
talento. Sa pagbubuklat at pagbabasa ng aming aralin dito ay aking natutunan ang mga wasto at
iba’t ibang paraan ng pagbasa at pagsusulat. Sa bawat salita na binibitawan ng aming guro ay
ang paglawak at pagkatuto upamg mapaunlad ang aking sarili at mga pagsusulit na nagpapatunay
na ang bawat mag-aaral ay may natutunan at nahasa ang kakayahan at talino ng estudyante.

Ako bilang mag-aaral. Ina amin ko noong unang pasukan sa paaralan ako ay nabobored
sa araling ito. Hindi ako masyadong nakikinig sa mga pinagsasabi nila. Pero noong tumagal at
nagkaroon kami ng mga magaganda at inspirasyonal na “activities” o gawain na pinapagawa ng
aming guro dito mas nabigyan ko ng pansin ang aralin na ito. At dito nagsimula ang lahat, ang
pagkatuto at pagkahasa ng aking isipan at kaalaman bilang isang mag-aaral. Kaya naman
maraming pasasalamat ko sa aming guro sa walang sawang pag uunawa sa amin kahit na minsan
hindi naming siya pinapakinggan dahil sa pangungulit ng aking mga kaibigan na kahit minsan
kami ay napapagalitan. hindi siya nagsawa sa amin kundi mas lalo pa siyang naging mabait at
mabuting guro sa amin.
Sa aking pagkatuto ikaw ang pasimuno. Ikaw ang dahilan sa aking pagbabago. Nawa’y
ipagpatuloy mo ito. Aking guro, hindi sapat ang salitang pasasalamat sa mga ginawa mong
kabutihan sa amin, nawa’y bigyan ka pa ng poong maykapal ng lakas at sigla upang sa ganun ay
mas marami ka pang matutulongan at mabibigyan kaalaman. Maraming salamat sa lahat lahat
maestra sa kabutihan man o hindi. Mahal ka namin, sana dika magbabago. THANKYOU AND
GOD BLESS YOU ALWAYS MA’AM!  ADVANCE MERRY CHRISTMAS AND A
HAPPY NEW YEAR!

You might also like