You are on page 1of 1

Kahalagahan ng Intrapersonal na Komunikasyon Bilang Isang Mag-aaral

Hindi natin maikakaila na napakalaki ng kahalagahang dulot ng komunikasyon sa ating

pamumuhay dahil kung wala ito ay hindi magiging ganap ang ating buhay sa mundo. Nakapaloob sa antas

ng komunikasyon ang intrapersonal na komunikasyon, kung saan binigyang kahulugan ito bilang

komunikasyon na iisa lamang ang tagapagpadala at ang tagatanggap ng mensahe. Bilang isang mag aaral,

labis na nakatutulong ang intrapersonal na komunikasyon sa paghubog ng ating pagkatao, hindi lamang ito

nakatuon sa ating ugnayan sa inner self bagkus ay nakapaloob din dito ang pagpoproseso ng emosyon at

impormasyong natanggap, pagunawa sa binabasa, pinapanood, at pinapakinggan, na labis na nakaka apekto

sa atin bilang estudyante.

Likas na sa tao ang kausapin ang kanyang sarili, minsan sa pabulong na paraan, ngunit sa kadalasan

ay sa isip lamang. Sa pamamagitan ng pagmumuning ito ay labis na nalilinawan ang ating kaisipan sa ibat

ibang mga bagay. Dahil sa ganitong repleksyon ay natututuhan natin na kumilos na hindi lamang para sa

ating sariling layon kundi para sa mas malaki at kolektibong hangarin. Halimbawa na lamang nito ay sa

pangkatang gawain, bago tayo gumawa ng desisyon ay nakikipagusap muna tayo sa ating sarili kung ang

ating gagawin ay makabubuti lamang para sa ating sarili o makabubuti para sa buong pangkat. Magagamit

rin ito sa pag-aaral dahil sa tulong nito ay nakikilala natin ang sarili nating mga kalakasan at kahinaan na

makakatulong para masuri kung saang asignatura tayo nararapat na maglaan ng mas maraming atensyon.

Ang intrapersonal na komunikasyon ay napakahalaga dahil para sa akin ito ang nagsisilbing pundasyon sa

antas ng komunikasyon dahil dito nakabase kung paano tayo makikisalamuha sa iba tulad na lamang sa

ating mga kapwa estudyante at guro na kapag lubos nating nauunawaan ang ating sarili ay susunod na rito

ang pag unawa sa iba. Lubos na nakatutulong ang intrapersonal na komunikasyon sa pag-aaral dahil

kadalasan itong ginagawa ng mga estudyante kapag nagsasanay para sa isang pagsusulit, interbyu,

presentasyon at iba pa. Ilan lamang ang mga nabanggit sa kahalagahan ng intrapersonal na komunikasyon

bilang mag-aaral.

You might also like