You are on page 1of 3

KAISIPAN

Sulating Teknikal. Saan ko ba ito madalas makita? Kailan ko ito madalas gamitin?
Kailangan ko pa ba talaga itong malaman? Bakit? Para saan? Yan ang mga katanungang
pumasok sa isip ko nang aking mabasa ang titulo na nakatakda sa aming grupo para gawan ng
interpretasyon o dalumat. Hindi ko maiwasang tamarin na basahin ito lalo na at may kahabaan
ang teksto paukol sa paksang ito. Subalit, nang aking mabasa ang tekso, iba’t-ibang kaisipan ang
pumasok sa aking isipan, at gayon na rin sa aking mga kagrupo; ang ilan ay magkakapare-pareho
kami ng paniniwala at ang iba naman ay may kakaibang nakuhang kaisipan.

Una na rito ang kahalagahan ng sulating teknikal. Katulad ng nabanggit sa teksto na


aming binasa, maraming anyo ang sulating teknikal na karaniwang nababasa at nakikita namin sa
araw-araw. Maaaring sa magasin o dyaryo namin ito matagpuan, mapanood sa telebisyon o
mabasa sa mga karatula at maraming pang iba. Sa paaralan, hinuhubog ang ang mga estudyante
sa sulatíng teknikál mula sa mga lingguhang komposisyon, buwanang buk report, ulat ng
fildwork, isinulat na interbiyu, at hanggang term peyper. Pero ang mas napagtuunan namin ng
pansin ay ang kahalagahan nito para sa amin bilang isang mag-aaral sa taong ito. Ngayong online
class, napakahalaga para sa amin na mapakinggan at maunawaan ang bawat panuto ng aming
guro. Dahil ang isang anyo ng sulating teknikal ay pagbibigay ng mga hakbang na dapat gawin,
pasok rito ang aking sinasabi. Kadalasan, ang mga guro ay mahigpit sa kanilang mga panuto.
Kailangan mo itong sundin ng naaayon sa kanyang sinabi dahil kung hindi ay ikaw ay
makakatanggap ng kaparusahan. Maaaring bawasan ka ng puntos o may iba ring guro na
mahigpit at bibigyan ka ng “zero” na marka para sa nasabing gawain. Ganoon kahaga ang mga
panuto, dahil ito ang magiging gabay natin hindi lamang sa mga pagdating sa akademikong
gawain kundi pati na rin sa pakikipagsapalaran sa buhay.

Bukod sa pagsunod sa mga panuto, na isang anyo ng sulating teknikal, mahalaga na


mahigpit na batay sa katunayan ang impormasyon, at hinahangad din ng sulatíng teknikál ang
maayos at organisadong pagdudulot ng mga impormasyon. Sa pagtuturo ng aming mga guro sa
ibat’t ibang asignatura, mayroon silang sinusunod na tinatawag nilang “lesson plan”. Ang lesson
plan na ito ay naglalaman ng organisadong pagkakasunod-sunod ng mga leksyon na ituturo nila
sa amin na kanilang sinusunod o marahil ay kanilang hindi nasusunodn sapagkat sila ay may
iba‘t-ibang estilo ng pagtuturo. Kadalasan magsisimula sila mula sa isang malawakang paksa
hanggang sa unti unti nila itong babalangkasin upang maunawaan namin ng mabuti ang mga
paksa. Ganoon kahalaga ang pag-oorganisa ng impormasyon, sapagkat nagbibigay ito ng
malinaw at tiyak na kaalaman na kung saan ay mas napapadali sa amin na maunawaan ang mga
aralin. Ngunit hindi sapat na organisado lamang ang impormasyon, sapagkat ito ay dapat may
katotohanan rin, lalo na ang mga guro ang isa sa mga pinagkukunan naming ng kaalamanan,
mahalaga na may kredibilidad ang mga detalyeng kanilang tinuturo.

Natukoy rin sa paksa ang mabisang paglalahad. Mas bibigyan ko ng pansin sa paksang
ito ay ang aming paglalahad ng opinyon. Opinyon na hindi lamang binase sa aming damdamin o
paniniwala, kundi base sa aming mga kaalaman, na-oobserbahan at nasaliksik na mga
impormasyon na alam naming may kredebilidad. Sa aming edad, wala pa ring lakas ang aming
boses sa paglalahad nga aming mga opinyon. Hindi pa rin kami madalas paniwalaan, dahil kami
ay bata pa rin pagdating sa karanasan at kulang sa kaalaman. Marahil tama sila, pero may mali
rin sila sa ibang aspeto. Pero paano ba namin maisasatinig ang aming opinyon na paniniwalaan
ng iba at hindi magmumukang walang respeto at mas marami pang alam kesa sa aming mga
guro. Nagbigay ng ilang panuntunan ang teksto kung paano. Isa rito ay ang pagpili ng
kahalagahan ng mga salita at pagbalanse nito. Idagdag pa rito ay ang pagtimbang sa mahalaga at
di mahalagang sipi at ang paghahanay ng mga angkop na argumento. At higit sa lahat ay ang
pag-alam namin sa aming limitasyon bilang mag-aaral.

Ngayon naman ay tukuyin natin ang pagpapalawak ng ating kaalaman patungkol sa


wikang Filipino bilang aming ika-apat na kaisipan. Maraming paraan para tayo ay magkaroon ng
malawak na bokabularyo o talasalitaan ng ating sariling wika. Ilan sa mga nabanggit sa teksto ay
pagbabasa ng sari-saring panitikan, paggamit ng mapagtitiwalaang diksiyonaryo at ibang
sanggunian, pagdalo sa mga lektura at simposyum at panonood ng dula. Hindi naman namin
kailangan maging makata na tila ba kami ay nagmula sa sinaunang panahon. Subalit mahalaga na
magkaroon kami ng malawak na talasalitaan sapagkat makakatulong ito hindi lamang sa aming
pag-aaral kundi pati na rin sa maraming bagay.

At ang panghuling kaisipan na napansin ng aming grupo ay sa paglipas ng panahon, tila


ba naiwan na ang ating wika. Kung ang mundo ay patuloy sa progreso at tayo ay nasa panahon
na nang modernisasyon, ang ating wika ay tila ba napag-iwanan dahil sa napakabagal na pag-
usad nito patungo sa kaunlaran. Marahil dahil walang malinaw na kahulugan ang ibang mga
salita ng ating wika. Kaya nasasabi ng iba na ito ay maligoy o mabulaklak, nakakalito, kailangan
ng mahahabang pangungusap at paulit-ulit lamang. Pero sana, paglipas ng panahon,
magtagumpay na ang mga taong masugid na nagsusulong ng dagdag diksyunaro ng wikang
Filipino, at sa wakas ay makahabol na ang ating wika sa pag-unlad ng mundo.

You might also like