You are on page 1of 2

Pagpapayahag ang isa sa mga bagay na hindi na maaalis pa sa buhay ng isang indibidwal.

Simula pagsilang ay nakakabit na ito hanggang sa pagtanda at hanggang sa paglisan sa mundo.


Habang ang edad ng tao ay patuloy na naglalakbay ganun na rin ang ating kaalaman sa
pagpapahayag, pasulat o pasalita. Ngunit higit na mabibigyang pansin ang paggamit ng retorika
lalo at higit sa mga pribado o pampublikong pahayagan, patalastas, at marami pang iba na kung
saan ay mga gawa ng mga taong edukado, propesyunal, at mga taong may matataas na pinag-
aralan sa buhay. Sila ang may mga masteral’s degree, o nakakabit na sa kanilang pangalan ang
Phd, o Doctor of Philosophy. Sila ang mga tao na masasabing hinog na sa larangan na kanilang
napili, at kami ay nagsisimula pa lamang na bumunga.

Masasabing ang lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang kahinaan at kalakasan, at sa


paggamit ng retorika ang sangkap upang makabuo ng isang malasang pagpapahayag ay
masasabing kalakasan ng isang tao.

Bilang isang mag-aaral matikas akong titindig upang sabihin na malayo pa ako, ngunit
malayo na. Sa aking pag-akyat sa mundo ng isang pagiging mag-aaral sa kolehiyo, marami pa
akong kakainin upang may mailuto. Sa usaping pagpapahayag, masasabi ko na hindi pa masining
ang aking mga gawa, hilaw pa kung ako ay maririnig na magsalita, mapurol ngunit may kaunting
talim kung magsusulat. Ang paggamit ko ng retorika ay aking binabatay sa lugar kung saan ko
ito gagamitin lalo at higit kung ako ay magsasalita, binabatay ko rin sa mga taong nakaka-usap
ko. Katulad ng iba, maraming bagay pa ang aking dapat malaman sapagkat marami pa akong
kahinaan.

Una, hindi pa malawak ang aking bokabularyo, hindi katulad ng aking ama na malalim na
ang kaniyang silid salitaan na kung saan ay maliit na bagay na lamang ang paggawa ng mga tula
para sa kaniya, mga tula na hindi pangkaraniwan kundi tulang pangmakata. Sadiyang ang
Filipino ay hindi lamang basta isang wika, ito ay malalim kung ating sisisirin at titingnan.

Karagdagan, maraming kalituhan pa ang namumutawi sa aking isipan, tulad na lamang


ng tamang paggamit ng mga salita, simpleng bagay ngunit sa ganitong edad ay hindi pa rin
masasabing hasa na, kaya ang pagiging masining ay hindi kagaya ng isang pagwawalis na madali
lamang.

Sa maraming kahinaan, maraming paraan para maging kalakasan ang lahat ng ito. Una,
ang pagbubuo ng pahayag na masining, matibay, tama, at maayos ay hindi makakaya ng isang
upuan lamang, matagal na panahon pa ang aking gugugulin. Kasunod na hakbang upang
maitama at matamasa ko ang kagalingan sa paggamit ng retorika, palagiing maging isang mag-
aaral, huwag magmataas na kung saan ang tingin sa sarili ay narating na ang kasukdulan.
Sapagkat kung ang mamumutawi sa akin ay ang pagiging mataas sa sarili, para ko narin sinabi
na wala ng panahon sa akin upang maragdagan ang aking kaalaman. Panghuli, lalo ko pang
bubuksan ang aking isipan sa marami pang kaalaman at ihanda ang aking sarili sa pagbabago.
Kami ang kabataang mag-aalaga at mag-aangat sa bayan na aming sinilangan. Pagiging
matalino, masigasig, at matatag. Puhunan upang marating ang tagumpay. Retorika, magiging
kalakasan. Masining na pagpapahayag ang magiging bunga. Maging bunga para sa ating sarili,
pamilya, at bayan.

You might also like