You are on page 1of 2

“Retorika”

Mahigit tatlong buwan na rin ang nakalipas noong magsimula ang amin pangalawang semestre
sa aking kursong Batsilyer sa Agham ng “Accountancy” at isa sa aking asignatura rito ay ang Retorika at
Panitikan ng Pilipinas. Masaya’t maayos ang naging simula ng aming pagtatalakay ng mga paksa ngunit
nagkaroon ng hindi kanais-nais na pandemya na dumating pagkatapos na lamang ng ilang linggo sa
ikalawang semestre na nagdulot ng kadahilanang hindi kami magkaroon ng “Physical classes”. Kahit
nagkaroon nito ay hindi ito masyadong naging hadlang upang makapag-aral pa rin kami at maituloy ang
amin klase.

Lingid sa ating kaalam ay gumagamit tayo ng rhetoric sa pang araw-araw nating


pakikipagtalakayan sa ating mga kausap, ito man ay ang ating mga kamag-anak, kaibigan, kaklase o guro.
Ito ang tumutulong sa atin upang mahikayat natin ang ating kausap sa pamamagitan ng epektibong
pagsasalita o pagsusulat upang maiparating natin ng maayos ang nais natin ipahiwatig. Sabi nga sa
pinagmulan nito na, nagsimula ang retorika bago pa man dumating si Kristo at patuloy na umuusbong at
umuuland sa paglipas ng panahon at naging paraan na nang pakikipagtalastasan sa kasalukuyang
panahon. Ayon nga sa libro ng Classical Rhetoric 101: An Introduction, ang rhetoric ay isang “art of
persuasion through effective speaking and writing” kung saan ay naglalayon na mapalakas ang
mahingang argumento. Ito ang aking nais ibahagi sapagkat ito ang isa tutulong sa akin sa aking
paglalakbay sa propesyong tatahakin ko. Ang isa pang rason ay dahil makatutulong ito sa pagpapalawak
ng aking isipan kung ako pa ay mag-aaral ng iba pang agham.

Kaunti lamang ang aming mga naging suliranin at balakid sa pakikipagtalakayan sapagkat
kakaumpisa pa lamang ng aming pangalawang semestre at masaya akong natutunan ang retorika kahit
na sinasabi nilang “minor subject” lamang naming ito. Nais ko rin magbigay ng isa pang paksa kung saan
ay nakapukaw ng akin atensyon dahil makatutulong din ito sa pagpapalakas ng aking punto sa isang
talakayan, ito ay ang Logos, Pathos at Ethos. Logos, ito ay nakatuon sa lohika o rason ng isang bagay. Ito
ay magagamit sa pamamagitan ng pagsasaad ng katotohanan o katunayan tulad ng historya or mga
analohiya. Ang Pathos naman ay base sa emosyonal na aspeto, kung saan ay hihikayatin mo ang iyong
kausap o mga tagapakinig sa pamamagitan ng pagpukaw sa kanilang emosyon tulad na lamang ng
pagbibigay ng emosyonal na istorya o ‘di kaya nama’y makabuluhan na pakikipagtalakayan na pupukaw
sa kanilang emosyon. Samantalang ang huli naman ay Ethos kung saan ito ay napakaimportante lalo na
sa realidad sapagkat ditto nakabase kung papaniwalaan ka ba talaga ng iyong mga kausap dahil sa iyong
kredibilidad na magbigay sa kanila ng impormasyon. Sa Ethos din nakapaloob ang iyong pagkatao at
mapapaunlad ito sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na wika base sa iyong mga tagapakinig o
tagapanood. Dito nakikita ang iyong pag-iintindi sa inyong mga pagkakaiba. Pinili ko rin ang Logos,
Pathos at Ethos sapagkat ito ang tutulong sa akin upang mas mapa-unlad ko pa ang aking pagkatao. Ito
rin ay makatutulong sa aming mga magiging aktibidad sa aming paaralan sa mga susunod na taon tulad
ng mga debate at pananaliksik.

Ang aking karanasan sa asignaturang ito ay isang naging malaking parte ng buhay ko sapagkat ito
ang bubuo sa akin patungo sa aking hangarin sa buhay. Isang napakagandang karanasan na matutunan
itong mga paksa upang mas mapaunlad ko pa ang aking pakikipagtalastasan sa ibang tao. Naalala ko pa
noong kami ay nagpresenta ng kaligiran o kasaysayan ng retorika kung saan ay nabigyan kami ng
pagkakataon upang maipakita ang aming abilidad sa pagbibigay ng impormasyon sa mga tagapakinig.
Nagkaroon din ng pangalawang pagkakataon upang makapag-ulat tungkol sa mga paksang ibinigay
samin kung saan ay dapat namin magamit ang Logos, Pathos at Ethos sa mga iba’t ibang uri ng media na
maitatalaga sa amin at ang naitakda sa amin ay ang Billboard at brochure. Napakasayang karanasan para
sa akin na maiapply ang aking pinag-aralan sa realidad kung saan ay pipili kami ng Billboard at Brochure
at hahanapan naming ito ng Logos, Pathos at Ethos. Ang napili naming billboard ay ang komersyal ng
isang “Fast Food Chain” kung saan ay ipinaliwanag namin na may kredibilidad ito sapagkat isa itong
malaking negosyo dito sa ating bansa na hindi basta basta magbibigay ng maling impormasyon at ang
emosyonal na epekto nito sa mga tao ay napakalaki sapagkat ang impormasyon nila ay nakakapukaw ng
atensyon ng mga mamamayan ngunit ang litrato nilang nilagay na pagkain na kasama sa menu nila ay
hindi katulad ng nasa personal kung saan ay nakakasira sa kanilang kredibilidad at lohika ng pagbibigay
ng ‘di makatotohanang imahe ng sukat at itsura ng pagkain.

Isang napakagandang karanasan na magiging alaala ang mga naging sandal ing aming pag-aaral
sa retorika at kahit na matapos na itong semestre namin ay mananatili pa rin ito sa aking isipan at
patuloy na iaapply ito hindi lamang sa pangpropesyonal na usapan bagkos kahit sa simpleng
pakikipagtalastasan sa aming paar.alan o sa kaibigan upang mas maipahiwatig ko ng maayos ang akin
punto. Kahit na napakabilis lang at nakansela ang aming klase dahil sa kumakalat na sakit ay hindi ito
naging hadlang upang maipagpatuloy ang pag-aaral. Hindi man ito katulad ng dati kung saan ay nasa
isang silid kami at maayos na nakikipag-usap sa isa’t isa at nagbibigay ng ideya ay nagbigay na lamang
ang aming guro ng gagawin na makatutulong sa amin upang matutunan ang mga natitirang paksa. Ang
mga pangyayaring ito kabigla-bigla at ang pagkakaroon nila ng “online class” upang maibigay pa rin ang
kanilang serbisyo sa mga mag-aaral ay kahanga-hanga

Ang Retorika ay napakahalaga sa atin sapagkat ito ay makatutulong sa pang araw-araw nating
pamumuhay. Simula na lamang sa mga “pre-school” na tinuturuhan gamit ang mga libro na nabuo dahil
sa mga propesyonal na may sapat na kaalaman at ini-apply ang Logos, Pathos at Ethos. At para na rin sa
may gawa ng aming pinag-aaralan na dahil sa Retorika ay napapalakas pa ang pag-aaral sa iba’t ibang
agham tulad na lamang ng aming kursong Accountancy na hindi man natin napapansin ngunit ginamitan
din ito ng retorika upang mapalakas ng mga argumento at nadiskubre. Kung wala itong retorika ay
marahil nagpapahayag na lamang tayo ng ating saloobin ng walang matibay na punto. Ito’y mahalaga
kaya’t natutuwa ako na natalakay at natutunan ko ito.

You might also like