You are on page 1of 48

KABANATA I

Suliranin at sandigan nito

Panimula

Mabisang instrumento ng lubusang pagkatuto ang pagbabasa

bunga nito tayo ay magkakaroon ng mga bagong kaalaman, nalilibang o

naaaliw at nagbabago ng kaasalan. Samakatuwid ang pagbabasa ng

anumang uri ng katha ay nagkakabisa sa ating isip, damdamin at

kaasalan. Isang batayang katotothanan na ang isang tiyak na bahagi ng

ating buhay sa bawat araw ay naiuukol sa pagbabasa maari ring

pasumala o insidente o di sinasadya gaya ng billboard, patalastas sa TV

ngalan ng produkto. Kapag namimili at ibang mga bagay sa paligid

(Belvez, 2004)

Ayon kay Toze ang pagbabasa ay nagbibigay ng impormasyon na

nagigigng daan sa kabatiran at karunungan. Ito`y isang dahilan,

kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at

nakapagdulot ng ibat-ibang karanasan sa buhay. (Barnales, 2001)

May mahalagang bahaging ginagampanan ang pagbabasa sa

paghasa ng talino at isipan. Kailangan ang masidhi at malawakang

pagbabasa na siyang makapagbubukas ng daan sa lahat ng karunungan


at disiplina tulat ng agham panlipunan, siyensya at matematika.

(Barnales, 2001)

Dagdag pa nito, Ang pagbabasa ay isang susi ng pagtuklas sa mga

malawak pang karunungan, sa pagbabasa nadidivelop ng tao ang

kanyang katauhan, natatamo niya ang kaligayahan at nakakamtan niya

ang kasiyahan at kayamanang dulot ng karunungan nakakatakas sa

mga tekstong kanyang binabasa. (Arrogante, 2007)

Modern na ang panahon, nagbabago ang henerasyon nabago na

rin ang kaalaman ng mga kabataan, kung ating papansinin ang paligid

ang pagbabagong nagaganap sa makabagong henerasyon ay dulot ng

mga makabagong kaalaman na natuklasan lalong lalo na sa larangan ng

teknolohiya.

Taon-taon, may mga makabagong akalat na nailalathala na

ginagamit, binabasa at pinagbabasehan sa pag-aaral ngunit sa

kasalukuyang panahon hindi maikakaila ang pagbase at pagkuha ng

mga impormsyon na gamit ang teknolohiya dahilan upang makaligtaan

ang kahalagahan ng pagbabasa dulot ng natuklasan sa makabagong

henerasyon.

Ayon kay Barnales, ang komunikasyong dulot ng media ay isang

matagumpay na paraan upang matamo ang iba`t-ibang karunungan.

Subalit kahit anong husay ng media hindi pa rin mapag-aalinlanganan

ang kahalagahan ng isang mahusay na pagbabasa. (Barnales 2001)


Naging bahagi ng pangaraw-araw na pamumuhay natin ang

pagbabasa saan man tayo magpunta, simula sa paggising, sa pglalakad,

papili ng makakain, sa pag-aaral at marami pang iba ay may kaakibat

na pagbabasa kung kayat napakahalagang tayo`y matuto umunawa ng

ating binabasa. Sapagkat ang mga natutunan natin sa pamamagitan ng

pagbabasa ay naiipon bilang kaalaman.

Kaugnay ng mga kaisipang inilahad sa itaas isinagawa ang pag-

aaral na ito sa hangaring malaman ang antas ng pang-unawa sa binasa

ng mag-aaral na nasa Baitang 7 sa Mataas na Paaralan ng Fatima.

Upang malaman ang mga pagbabago sa kasalukuyang kalagayan pag-

unawa sa binasa ng mga mag-aaral.


Paglalahad ng suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mailarawan ang antas sa pag-

unawa sa binasa ng mga mag-aaral na nasa baiting-7 sa Mataas na

paaralan ng Fatima.

Upang matugunanan ng mananaliksik ang mga suliranin tungkol

sa Antas ng Pag-unawa sa binasa sasagutin ang mga sumusunod na

katanungan:

1).Ano ang anta ng pang-unawa ng mga mag-aaral na nasa baitang 7 sa

mataas na paaralan ng Fatima sa kanilang binasa batay sa apat na

kasanayan:

a.) Kakayahan sa Pagkilala sa Pangunahing Diwa sa binasa

b.)Pagkilala sa Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari sa binasa

c.)Pagkilala sa Detalye ng binasa

d.)Talaslitaan

2.) Sa anong kasanayan sa pagbasa magaling ang mga mag-aral?

3.) Sa anong kasanayan sa pagbasa sila mahina?

4.) Ano ang Implikasyong pang-edukasyonal?


Saklaw at limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa pag-aaral sa Antas

sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral na nasa baitang 7 sa mataas

na paaralan ng fatima lungsod ng heneral santos.

Ang antas ng pang-unawa sa binasa batay sa apat na kasanayan:

kasanayan sa pa pagkilala sa pangunahing diwa ng binsa, pagkilala sa

pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa binasa, pagkilala sa detalye ng

binasa a t tlasalitaan at Implikasyong pang-edukasyonal.

Kahalagahan ng pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga guro upang mabigyan sila

ng impormasyon at tagapangasiwa ng mataas na paaralan ng Fatima

ukol sa antas ng pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral sa apat na

kasanayan sa pagbasa batay sa magiging resulta ng pag-aaral pagbuo ng

kanilang balak at istratehiya sa pagtuturo.

Sa ganitong paraan higit na malalapatan ng karampatang

lunas ang suliranin upang lalo pang mapaunlad ang kakayahan ng mga

mag-aaral ay madadagdagan pa at pag-uukulan pa ng pansin ang

pagtuturo sa pag-unawa, kung mataas naman ang magiging resulta ng

isinagawang pag-aaral ay maari pa itong pataasin sa tulong ng

karagdagang gawain na ibibigay sa guro.


Para naman sa sususnod pang mananaliksik magigigng

sanggunian ang pag-aaral na ito at magsisilbing gabay din ito ng mga

administrador upang maiangat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-

unawa sa binasa.

Mahalaga rin ito sa mananaliksik sapagkat sa pamamagitan nito

ay higit niyang mapalawak at mapaunlad ang kanyang kaalaman sa

larangan ng pananaliksik at pagbasa at maging gabay niya kung saan ba

naging magaling at mahina ang mag-aaral ng sa ganoon ay magagamit

niya kung siya`y magtuturo na.

Katuturan ng termino

Pagbasa- ayon kay Toze ang pagbabasa ay nagbibigay ng impormasyon

ng nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ito`y isang aliwan,

kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at

nakapagdulot ng ibat-ibang karanasan sa buhay. (Barnales, 2001)

Pag-unawa sa binasa -

Pag-unawa ito sa mga kaisipan na ipinahahayag ng mga simbolo

at salitang nakalinang. (Barnales, 2001)

Mag-aaral ng Mataas na Paaralan ng Fatima


Ito ay ang mga mag-aaral sa baitang 7 ng mataas na paaralan ng

Fatima Lungsod heneral santos sila ay ang magiging respondente ng

pag-aaral na ito.

Mataas na paaralan ng Fatima

Ang pangalan ng pag-aaral na napabilang sa brgy. Fatima

Lungsod Heneral Santosna siyang lokal ng pag-aaral.


KABANATA II

Kaugnay na literature at pag-aaral

Sa kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnayna literature at pag-

aaral na ginawang batayan ng pag-aaral.

Kaligiran ng Fatima National High School

Nagsimulang maipatayo ang Fatima National High School bilang

karugtong ng General Santos City High School (GSCHS) dahil sa

lumolobong populasyon ng mga mag-aaral at sa mga hiling at


pangangailangan ng silid-aralan, naipatayo ang ekstensyon bilang

bahagi ng General Santos City High School (GSCHS).

Naipatayo ang paaralan sa pamamagitan ng pagtutulungan at

pagsisikap ng Brgy. Kapitan kasama ang kanyang mga konsehal, Retired

Superintendent Constacia Q. Hintay Ed. D , Mrs. Cristina N. Mari, Mr.

Ruben M. Aquino at mga magulang sa komunidad.

Matatagpuan ang Fatima National High School sa sentro ng Brgy.

Fatima. (9) siyam na kilometro ang layo mula sa Lungsod ng Heneral

Santos. Ang Lupang pinagtayuan ay isang Relocation area na donasyon

ng gobyerno na may sukat na (4) apat na ektarya. Nagsimula itong

maipatayo noong June 1991 na may 291 na kabuuang bilang ng mga

mag-aaral sa unang taon at pangalawang taon at may Pitong bilang ng

mga Guro.

Lumago at umunlad ang paaralan pagkalipas ng ilang taon dahil

na rin sa pagdami ng mga populasyon sa Brgy. Fatima at lungsod.

Binigay ng Local Government (NGO) National Government at (PTCA)

Parents Teachers Community association ang mga pasilidad na

gagamitin bilang silid-aralan ng mga mag-aaral.

Dahil sa pag-unlad at paglobo ng populasyon na natamo ng

Paaralan ay naging dahlian upang ipaghiwalay sa (GSCHS) at gawing

ibang paaralan, pinangalanan itong FATIMA na may acronym na Focus

Academic Technical Instruction and Mastered Achievement.


Sa kasalukuyan marami ng mag-aaral, mga magulang at mga

guro, na siyang nagpaunlad at nagpaganda ng mga pasilidad at guro na

nagtuturo ng maayos. Sa ngayon ay mayroong 3,175 kabuuang bilang

ng populasyon at 105 na bilang ng mga guro at dalawang local school

Board Teachers at 10 binabayarang PTA ng mga guro sa ilalim ng

pamamahala ng Departmrnt of Education ng Division Schol of General

Santos City.

Kaugnay na literatura

Ang inilahad ng manaliksik ay may kaugnayan sa kanyang pag-

aaral dahil kapwa tungkol sa pag-unawa sa binasa ang kanilang pinag-

aralan.

Ang kakayahan sa pagbasa ay isa sa pinakamahalagang

kasanayan na dapat matamo ng isang mag-aaral sa unang taon pa

lamang ng kanyang pag-aaral sa paaralan. Dito nakasalalay ang

tagumpay niya at kaunlaran sa hinaharap. (Castro, 2012)

Ang pagbabasa ay nangangailangan ng mahusay na pagkilala,

pagkuha at pag-unawang mga ideya at kaisipan mula sa simbolong

nakalimbag. Pagbibigay ng inerpretasyon sa mga bagay na nakalimbag.

(Libunao, 2008)
Napakahalaga ng pag-unawa sa pagbasa dahil sa hindi

mabibigyan ng kahulugan o interpretasyon ang anumang bagay na

nakalimbag o nakatala. Samakatuwid, ang pagbasa ay pagbibigay-

kahulugan o interpretasyon sa anumang simbolo o salitang nakalimbag

ngunit isadiwa nating kapag walang pag-unawa ay walang pagbasa at

maaring pasasatinig o pangagagad lang sa mga salitang nakatala ang

isinagawa natin hindi pagbasa.(Libunao, 2008)

Sinasabi ng mga dalubhasa na walang kaakibat na pag-unawa ay

walang pagbasa nagaganap lamang daw pagbabasa ang kapag makikita

ng impormasyon at kaalaman sa binabasang aklat. Kung hindi

nagaganap hindi masasabing nagaganap ang pagbasa. (Alcomister,

1997)

Ayon nga kay Barnales sinasabing sa pang-araw araw na buhay

80 % ng mga Gawain natin ay nasasangkot ang pagbasa. Binabasa natin

ang ngalan-ngalan ng kalye, ang mga patalastas ang mga tala ng

pagkain sa restoran at pamilihan, mga babala sa daan at marami pang

iba. Bumabasa tayo ng pahayagan, magazine, komiks at ibat-ibang uri

ng babasahin at aklat para sa ating kasiyahan. Kapag tayo `y nag-aaral

lalong maraming oras ang inilalaan sa pagbabasa. Sinsabing 90 % sa

napag-aralan ng tao ay mula sa kanyang karanasan sa pagbabasa.

(Barnales. 2001)
Ayon na rin kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon

na nagiging daan ng kabatiran at karunungan. (Belvez, 2004)

Sinang-ayunan ito ni Barnales, ayon sa kanya, ang pagbabasa ay

tiket sa paglalakbay sa mga lugar sa daigdig na nais mong marating ,

pagkilala sa bantog at dakilang taong hindi ko nakikita. Itoy patnubay sa

karanasan at mga mithiing iyong pinapangarap. Ang pagbabasa ay ang

hakbang sa anumang larangan ng pag-aaral at pagkatuto (Barnales,

2001)

Dagadag pa ni Castro, isang mahalagang salik ang pagbabasa

upang magkaugnay ang panloob na sikolohikal at panlabas upang

humarap sa isang daigdig ng kabatiran, imahinasyon at katotohanan at

higit sa lahat ang katagumpayan.(Castro, 2012)

Ayon naman sa Dalubhasa sa pagbabasa ang karanasang dulot ng

pagbabasa ay nagbibigay ng lubos na kasiyahan at kaluwalhatian sa

buhay na hindi maipagpapalit sa kahit anong material, Sa pagbabasa,

nagiging ganap ang pagkatao ng isang nilalang sapagkat nagiging sapat

ang kanyang kaalaman, kaligayahan at kasiglahan sa pakikisalamuha

sa mga kapaki-pakinabang na gawaing nagpapaunlad ng kanyang sarili

sa kapawa at sa lipunang kanyang kinapapabilangan (Mendoza, 2007)

Ayon naman kay Kenneth Goodman ang pagbabasa`y isang

suliranin sa prosesong pangwika, isang larong saykolohistika. Ang

kaayusan sa salita o pahiwatig na sematic ay makatutulong nang malaki


sa pagkaintindi o pagkaunawa sa mga pahayag. Naniniwala si Good man

na ang pagbabasa ay kinapapalooban ng interaksyon sa pagitan ng wika

at kaisipan at ang proseso nito ay pag-ikot ng paghahalimbawa,

paglikha, pagsubok at pagkilatis sa katotohanan.(Castro, 2012)

Sinabi ni Belvez ang pagbabasa ay nagbibigay ng impormasyon at

nagiging daan sa kabatiran at karunungan. Ayon pa rin sa kanya, ito ay

aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran, paglutas sa mga suliranin at

nagbibigay ito ng ibat-ibang karanasan sa buhay (Belvez, 2000)

Dagdag pa ni Galang, ang taong may kakayahang bumasa ay

mabilis ang pagkatuto. Sa pamamagitan ng pagbabasa ang isang mag-

aaral ay maraming natutunan at nagiging handa sa pagaharap sa mga

suliranin sa buhay.(Galang, 2008)

Inilarawan ni Smith ang dalawang uri ng impormasyong higit na

kailangan sa larangn ng pagbabasa, ang biswal na impormasyon na

makukuha sa mga limbag na pahina at ang hindi biswal na

impormasyong sumasaklaw sa pagkaunawa sa wika, pamilyar sa paksa

kakayahan sa pagbasa ang kaalaman sa kahulugan ng salita. Ayon kay

Smith, ang kasanayan sa pagbasa ay nakasalalay sa hindi gaanon

paggamit ng mata. Habang nasasanay ang tao sa pagbasa, ang kanyang

naiintindihan o nalalaman ay nasasalig sa kanyang kakayahan.(Castro,

2012)
Ayon naman sa pananaw ng ibang mananaliksik, ang pagbasa ay

ang pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon sa mga titik

at simbolong nakalimbag sa pahina.(Libunao, 2008)

Dagdag pa nito batay pa rin sa iba pang mananaliksik, ang

pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga

sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita ang mga ito.

(Castro, 2012)

Ika nga ni Barnales, may mahalagang bahagi ng ginagampanan

ang pagbasa sa paghahasa ng talino at isipan. Kailangan ng masidhi at

malawakang paghahasa na siyang makapagbubukas ng daan sa lahat ng

karunungan at disiplina tulad ng agham panlipunan, siyensya,

matematika, pilosopiya, kalusugan, sining at iba pa.(Barnales, 2001))

Ipinapakita lang sa mg pag-aaral na ang pagbasa ay isang

pinakamahalagang salik tungo sa pagkatuto. Ito`y nakatulong sa

pagpapalawak ng ating isipan, nakakatulong sa pag-aaral at nakakaipon

ng mga kaalaman maari nating magamit sa hinaharap.

Kaugnay na Pag-aaral

Ang pag-aaral ni Awis (1996) tungkol sa “kakayahan sa pag-unawa

sa binasa ng mga mag-aaral sa unang taon ng mataas na paaralan ng

Buayan, Lungsod ng Heneral, Santos, Lumabas sa kanyang pag-aaral na


ang mga mag-aaral na nasa unang taon ay nabibilang sa katamtamang

antas sa pag-unawa sa binasa sa lahat ng kasanayang ibinigay tulad ng

pagkilala sa pangunahing diwa, pagkilala sa pagkasunod-sunod ng mga

pangyayari, pagkilala sa Talasalitaan at Pagkilala sa Detalye.

Ang pag-aaral ng mananaliksik sa kasalukuyang ay may

kaugnayan sa pag-aaral ni awis dahil aalamin din niya ang antas ng

pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral sa baiting 7 ng mataas na

paaralan ng Fatima.

Sa pag-aaral naman ni Dayondon (1998) tungkol sa “kakayahan sa

pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa unang taon ng mataas na

paaralan ng Alabel. Natuklasan niya ang mga mag-aaral ay may

katamtamang antas sa kakayahan sa Pagkasunod-sunod ng mga

pangyayari at Pagkilala sa Detalye. Mahina ang kanilang antas sa

pagkilala sa kahulugan ng mga salita. Mahinang-mahina ang kanilang

kakayahan sa pagkilala sa pangunahing diwa sa binasa. Sa kabuuan ay

nasa katamtamang antas pag-unawa sa binasa ang kanyang natuklasa.

Ang pag-aaral ng mananliksik sa kasalukuyan ay may kaugnayan sa

pag-aaral ni Dayondon dahil aalamin din ang kakayahan sa pag-unawa

sa binasa ng mga mag-aaral sa unang taon sa mataas na paaralan ng

Fatima.

Ang pag-aaral ni Mama(1997) tungkol sa kakayahan sa pag-unawa sa

binasa ng mga Mag-aaral sa unang taon ng Mataas na Paaralan ng


Polonoling Tupi, South Cotabato lumabas na ang kaniyang pag-aaral sa

unang taon ay may mababang antas sa kakayahan sa pag-unawa sa

binasa . Katamtaman ang kanilang kakayahan sa talasalitaan.

Mababang antas naman ang kanilang nakuha sa pagkilala sa

pagkasunod-sunod at Pagkilala sa Detalye sa binasasa kabuuan ay

nakakuha ang mga mag-aaral ng mababang antas sa kakayahan sa

pagbasa.

Ang Pag-aaral ni Mama ay may kaugnayan sa kasalukuyang pag-

aaral dahil aalamin din ang kakayahan sa pag-unawa ang mga mag-

aaral sa uanang taon ng Mataas na Paaralan ng Fatima.


KABANATA III

Pamamaraan

Upang masagot ng mananaliksik ang mga suliranin sa pag-aaral

na ito, inilalahad sa kabanatang ito ang disenyo, Lokal, respondent at

pangkalahatang pamamaraan na gagawin ng mananaliksik.

Disenyo ng pag-aaral

Sa paglalahad ng datos, gagamitin ng mananaliksik ang

pamamaraang palarawan na kung saan ilalarawan ang Antas ng pang-

unawa sa binasa ng mag-aaral ng baiting 7 sa mataas na paaralan ng

Fatima.

Sa pangangalap ngdatos ay tuwirang pamamaran ang ginamit ng

mananaliksik sapagkat direktang kinalap ang mga datos sa

pamamagitan ng pagbibigay ng pagsusulit sa mga mag-aaral ng baiting 7

sa mataas na paaralan ng Fatima.

Lokal na Pag-aaral

Ang pangangalap ng datos sa pag-aaral na ito ay isinagawa sa

mataas na paaralan ng Fatima Lungsod Heneral Santos.


Respondente

Ang mga respondent sa pag-aaral na ito ay ang mag-aaral ng baitang 7

sa mataas na paaralan ng Fatima Lungsod Heneral Santos na may siyam

na raan anim naput tatlong (963) kabuuang populasyon na binuo ng

labing walong (18) pangkat. Sa pamamagitan ng Stratefied Random

Sampling ni Walpoll ay may siyamnaput pito (97) ang naging

respondente ng manananaliksik.

Pangkalahatang Pamamaraan

Ang unang hakbang na ginawa ng mananaliksik ay gumawa ng

liham pahintulot na napapatungkol sa kanyang pag-aaral. Ang

pangalawang hakbang ay personal na binigay sa Punong-guro. Kinuha

naman agad ng mananaliksik ang kabuuang listahan ng mga mga mag-

aaral sa baitang-7 sa mataas na paaralan ng Fatima

Sa pangatlong hakabang ay pumili ng respondent ang

mananaliksik gamit ang “Stratefied Random Sampling” ni walpoll buhat

sa labing walong (18) pangkat ng mga mag-aaral sa ika pitong baitang ng

mataas na paaralan ng Fatima na binubuo ng siyam na raan anim naput

tatlong (963) kabuuang bilang ng populasyon ng mga mag-aaral.

NI = Ni. n
N

NI – sukat ng isang grupo o klase ng mga mag-aaral

N- kabuuang bilang
n- target sample size ng mga mag-aaral

N1= 54.96 = 5184 = 5.383 0r 5


963 963

N2= 56.96 = 5376 = 5.582 0r 6


963 963

N3= 57.96 = 5472 = 5.682 0r 6


963 963

N4= 44.96 = 4224 = 4.386 0r 4


963 963
N5= 57.96 = 5472 = 5.682 0r 6
963 963

N6= 30.96 = 2880 =2.990 0r 3


963 963

N7= 43.96 = 4128 =4.286 0r 4


963 963

N8= 54.96 = 5184 =5.383 0r 5


963 963

N9= 56.96 = 5376 =5.582 0r 6


963 963

N10= 57.96 = 5472 =5.682 0r 6


963 963

N11= 57.96 = 5472 =5.682 0r 6


963 963

N12= 57.96 = 5472 =5.682 0r 6


963 963

N13= 59.96 = 5664 =5.881 or 6


963 963

N14= 58.96 = 5568 =5.781 or 6


963 963

N15= 54.96 = 5184 =5.383 0r 5


963 963

N16= 58.96 = 5568 =5.781 or 6


963 963

N17= 57.96 = 5472 = 5.682 0r 6


963 963

N18= 53.96 = 5088 =5.283 0r 5


963 963

Kabuuan: 97

Pang-apat ay kumuha ang mananaliksik ng balidong pagsusulit sa

tesis ni Hadija I. Awis na kanya ring ginamit sa kanyang pag-aaral, Sa

tulong ng mga guro sa baitang-7, ang pagsusulit ay ibinigay noong

Nobyembre 3, at Noobyembre 27, 2014.

Sa pagsusuri naman ng mga datos iniwasto ng mananaliksik ang

sinagutang pagsusulit upang malaman ang iskor ng mga mag-aaral.

Pagkatapos ay inayos ng mananaliksik ang papel sa pinakamataas

hanggang sa pinakamababa.

Istatistkal na Kagamitan

Ang mananaliksik ay gumamit ng Frequency Distribution at

Weighted Mean sa pagkuha ng bilang ng sagot ng mga respondente.Sa

bawat tanong at pagkatapos ay iraranggo ang kasagutan ng mga

respondete.
Narito ang pormula sa pagkuha sa pagkuha ng Weight Mean.

(Bergado, Lorna R.)

X= ∑fx

X= mean

f= bilang ng tagasagot

x= rank

n= kabuuang bilang ng mga respondent

Kinuha din ang lahat ng iskor sa ibat-ibang kasanayan at hinati sa

lima (5) upang matukoy ang mean interval para sa Frequency

distribution.

Ang mananaliksik ay gumamit ng “Frequency Distribution” at

“Weighted Mean sa pagsusuri at pagkakahulugan sa mga datos ng

nakalap.

Mean interval Rating Scale. Deskripsyon


4.5-5.0 5 Pinakamagaling
3.5-4.49 4 Magaling
2.5-3.49 3 Katamtaman
1.5-2.49 2 Mahina
1.0-1.49 1 Pinakamahina
KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGA NG

MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng antas ng kakayahan sa pag-

unawa sa binasa ng mga mag-aaral sa unang taon ng Mataas na

Paaralan ng Fatima.

Ang mga datos na inilahad ay nagpapakita ng antas sa pag-unawa

ng mga sa baiting-7 sa mataas na paarala ng Fatima. Ang pag-aaral na

ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.

1).Ano ang antas ng pang-unawa ng mga mag-aaral na nasa

baitang 7 sa mataas na paaralan ng Fatima sa kanilang binasa batay sa

apat na kasanayan:

a.) Kakayahan sa Pagkilala sa Pangunahing Diwa sa binasa

b.)Pagkilala sa Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari sa binasa

c.)Pagkilala sa Detalye ng binasa

d.)Talaslitaan

2.) Sa anong kasanayan sa pagbasa magaling ang mga mag-aral?

3.)Sa anong kasanayan sa pagbasa sila mahina?

4.) Ano ang Implikasyong pang-edukasyonaLsa pag-aaral na ito?


Talahanayan I. Talaan ng Ispesipikasyon

Kasanayan Bilang ng aytem Kabuuang


Bilang ng Aytem

Pagkilala ng 6,7,18,20,28,36,38, 9
pangunahing diwa 45,49,

Pagkilala sa 12, 13,14,23,25,26,27 16


pagkasunod-sunod ng 31,32,33,40,41,42,
mga pangyayari 43, 46, 47, 48

Pagkilala sa detalye 1,8,9,10, 11,12,15, 13


19,21,24,29,30
44

Pagkilala sa 2, 3, 4,5,16,17,22,34,
Talasalitaan 35,37,39,50, 12

KABUUAN 50

Ang talahanayan I ay nagpapakita ng bilang ng aytem sa pagkilala

sa Pangunahing diwa, Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari, Pagkilala

sa Talasalitaan at Pagkilala sa Detalye

Napapaloob di sa Talahanayan ang kabuuang bilang ng mga

Pagsusulit na ginamit ng mananaliksik sa pagkuha ng mga datos.


Talahanayan II. Frequency Distribution ang iskor ng siyamnaput pitong

(97) mag-aaral sa baiting-7. Batay sa limampung (50) katanungan sa

kakayahan sa pag-unawa sa binasa.

Raw Frequency Deskripsyon Weigted mean


Talahanayan III. Frequency Distribution ang iskor ng siyamnaput pitong

(97) mag-aaral sa baiting-7. Batay sa limampung (50) katanungan sa

kakayahan sa pagkilala sa pangunahing Diwa.

Raw Frequency Deskripsyon Weigted mean


9-10
7-8
5-6
3-4
0-2

Talahanayan IV . Frequency Distribution ang iskor ng siyamnaput pitong

(97) mag-aaral sa baiting-7. Batay sa limampung (50) katanungan sa


kakayahan sa pagkilala sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa

binasa.

Raw Frequency Deskripsyon Weigted mean


14-16
11-13
8-10
4-7
0-3

Talahanayan IV . Frequency Distribution ang iskor ng siyamnaput pitong

(97) mag-aaral sa baiting-7. Batay sa limampung (50) katanungan sa

kakayahan sa pagkilala sa detalye

Raw Frequency Deskripsyon Weigted mean


11-12
8-10
5-7
3-4
1-2

Talahanayan IV . Frequency Distribution ang iskor ng siyamnaput pitong

(97) mag-aaral sa baiting-7. Batay sa limampung (50) katanungan sa

kakayahan sa pagkilala sa detalye

Raw Frequency Deskripsyon Weigted mean


11-12
8-10
5-7
3-4
1-2
Talahanayan V . Frequency Distribution ang iskor ng siyamnaput pitong

(97) mag-aaral sa baiting-7. Batay sa limampung (50) katanungan sa

kakayahan sa pagkilala sa talasalitaan

Raw Frequency Deskripsyon Weigted mean


12-13
10-11
7-9
4-6
1-3
Talahanayan VI . Frequency Distribution ang iskor ng siyamnaput pitong

(97) mag-aaral sa baiting-7. Batay sa limampung (50) katanungan sa

kakayahan sa pagkilala sa Talasalitaan

Raw Frequency Deskripsyon Weigted mean


11-12
8-10
5-7
3-4
1-2
Implikasyong Pang- edukasyonal
KABANATA IV

BUOD, KONKLUSYON, ROKOMENDASYON

Buod

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa antas ng pag-unawa sa binsa.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na

katanungan

1).Ano ang antas ng pang-unawa ng mga mag-aaral na nasa baitang 7 sa

mataas na paaralan ng Fatima sa kanilang binasa batay sa apat na

kasanayan:

a.) Kakayahan sa Pagkilala sa Pangunahing Diwa sa binasa

b.)Pagkilala sa Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari sa binasa

c.)Pagkilala sa Detalye ng binasa

d.)Talaslitaan

2.) Sa anong kasanayan sa pagbasa magaling ang mga mag-aral?


3.)Sa anong kasanayan sa pagbasa sila mahina?

4.) Ano ang Implikasyong pang-edukasyonaLsa pag-aaral na ito?

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagtaya sa antas sa pag-

unawa sa binasa ng mga mag-aaral na nasa Unang taon ng Mataas na

paaralan ng Fatima. Siyam na raan anim naput tatlo (963) ang

kabuuang bilang ng mga mag-aaral nasa baiting-7, at siyamnaput pito

ang bilang ng mga respondent, sila ay pinili sa pamamagitan ng

Stratefied Random at gumamit ng Fishbowl technique sa pagpili ng

naging Resondente.

Upang matiya
BIBLIOGRAPIYA

Mga Aklat:

Arrogante, Jose A. S. Pinaunlad ng Pagbasa at Pagsulat sa ibat-ibang


Disiplina 2003. Mandaluyong City National Book Store.

Austero, Cecilla S. Filipino sa ibat-ibang Disiplina. 199. Valenzuela


City: Mutya Publication House.

Belvez, Paz M. Ed. D. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo.2000 Manila


Rex Book Store.

Belvez Paz, M. et al. Pagbasa at Pagsulat sa ibat ibang Disiplina. 2004.


Manila Rex Book Store.

Barnales, Rolando A. et al. Pagbasa at Pagsulat sa ibat-ibang Disiplina


2001. Valenzuela City: Mutya Publishing House.

Castro, Florian P. et al. Pagbasa at Pagsulat tungo ssa Pananaliksik


2012 Manila Grandbooks Publishing Inc.

Galang, Teresita T. Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. 2008.


Manila Rex Book Store

Libunao,Lydia Dr. et al. Modyul 1 sa Filipino 1: Sining ng


Pakikipagtalastasan. 2008. Manila. Rex Book Store.

Mendoza , Zenaida at Romero, Marcela L. Pagbasa at Pagsulat sa ibat-


ibang Disiplina sa Antas Tersarya 2007. Manila. Rex Book Store

Tumangan Alcomitser P. Sr. Sining ng Pakikipagtalastasan(Fil 1) 1997.


Makati City

Tesis:

Awis, Hadija I 2000. Kakayahan sa Pag-unawa sa Binasa ng mga mag-


aaral sa unang Taon ng Mataas na Paaralan ng Buayan , Lungsod
Heneral Santos . Mindanao State University.
Dayondon, Ellen L. 1998. Kakayahan sa pag-unawa ng mga mag-aaral
sa unang Taon ng Mataas na Paaralan ng Alabel. Mindanao State
University.

Mama, Enon A. 1996. Kakayahan sa Pag-unawa sa Binasa ng mga mag-


aaral sa Unang Taon ng Mataas na Paaralan ng Polonuling Tupi, Timog
Cotabato. Mindanao State University

Republika ng Pilipinas
MINDANAO STATE UNIVERSITY
General Santos City
November 11, 2014

G. LEONARDO B. GENOGUIN
Punong-Guro II
Mataas na Paaralan ng Fatima
Lungsod ng Heneral Santos

Mahal na G. Genoguin,

Magandang araw po.

Isa po sa Parsyal na pangangailangan sa aming kolehiyo ay ang


asignaturang Fil 199 (Tesis).

Humihingi po ako ng pahintulot sa inyo na makapagbigay ng


pagsusulit sa November 12, 2014 sa inyong paaralan sa ika- pitong
baitang. Ito po ay may kaugnayan sa aking pag-aaral. Na napapatungkol
po sa “Antas ng Pag-unawa sa Binasa ng mag-aaral ng baitang-7 sa
mataas na paaralan ng Fatima.”

Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang mga tulong


maibibigay ninyo sa akin, Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang ,

HAKIMA B. ARSAD
Mag-aaral

Naitala ni:

CHRISTOFFERSON T. DEL SOL

Tagapayo
Minodipikang Balidong pagsusulit na halaw sa Pag-aaral ni Nielda Diambangan
mula sa tesi ni Hadija I. Awis

NAGLAHO NA NA BA ANG MAGALAN NA DILA

Modern na ang panahon. Kaya hindi na uso ang matandang kaugalian.


Hindi na uso ang pagmamano, pagbibigay-pitagan sa matanda at sa iba pang
anyo ng paggalang. Kung mangyayari ito at patuloy na naganap sa pang-araw-
araw na sitwasyon., sadyang nakakalungkot . Isipin na lamang natin ang mga
magulang, o kaya nama`y ang isang mag-aaral na pabalang kung magtanong
sa kanyang guro, nagiging mas masahol pa tayo sa isang anak kung papaano
nakikipag-usap sa kanyang mga magulang, o kaya nama`y ang isang mag-aaral
na pabalang kung magtanong sa kanyang guro, nagiging mas masahol pa tayo
sa isang anak kung papaano nakikipag-usap sa kanyang mga magulang, o
kaya nama`y ang isang mag-aaral na pabalang kung magtanong sa kanyang
guro, magiging mas masahol pa tayo sa isang lipunang pinagtamouhan ng
sibilisasyon kung ito ang mangyayari.
Ang salitang paggalang ay kasingkahulugan ng pagmamahal. Kung
walang pagmamahal tiyak na walang paggalang na nadarama. Dahil sa
magalang na pananalita at pagkilos kung kaya may kapayapaan sa ating
paligid. Dahil sa magalang na pananalita at pagkilos kung kaya may
kapayapaan sa ating paligid. Musmos spa tayo ay tinuruan na tayo ng ating
mga magulang ng kaugaliang ito. Hanggang sa pagtuntong natin sa paaralan
ang kaugaliang ito ay isa sa mga pangunahing pagpapahalagang moral na
binbigkas n gating mga guro. At marahil sa ating pagtanda, dala-dala pa rin
natin ang magandang ugaling ito na likas na Filipino upang tayo naman ang
magtanim sa isipn at dila ng ating mga magiging anak at mga apo.

(mula sa: pambata vol. 10)

Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat sa patlang ang titik.

___________ 1. Ano ang panahon ang tinutukoy sa katha?


a. kasalukuyan
b. pagbabago
c. tag-int
d. bagyo
____________2. Ang pagbibigay-pitagan ay ___________ .
a. pagrespeto sa matanda
b. pagmamahal sa mga magulang
c. pagmamano sa matatanda
d. pagsunod sa nais ng kamag-anak
___________3. Ano ang kasingkahulugan ng salitang musmos.
a. bata
b. dalagita
c. sanggol
d. binatilyo
____________4. Ang magtanim sa isipan at dila ay ____________.
a. pagbibigay ng pagkai
b. pagtuturo ng ugali
c. pagbibigay ng kayamanan
d. pag-iipon ng kayamanan
___________ 5. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ayon
sa
kaligiran nito? “Parang pinagtampuhan ng tadhana ang
kanyang
pagmumukha”
a. pinagtaksilan
b. pinagalitan
c. pinagpaguran
___________ 6. Ano ang pangunahing diwa ng katha?

a. Kahalagahan ng paggalang
b. Pagbabago ng panahon
c. Pagiging bastos ng kabataan ngayon
d. Pagtuturo ng mga magulang sa anak

POLUSYON SA TUBIG

Madaling makilala ang polusyon sa hangin, ang pinagmulan nito –usok


mula sa panggatong, paninigarilyo, pagbuga ng mga tambutso`t, tsimenea ng
sasakyan at pabrika, at iba pang butil na itinapon sa baga ng tao.
Ngunit may sariling pinagmulan ang polusyon sa tubig. Ang pabrika na
mahilig atayo sa tabing ilog o dagat para marahil kombenyenteng magtapon sa
tubig), ay magtatapon ng chemical waste na madaling ikalat ng tubig. Sa lupa ,
maaring ang dumi ay matipon sa isang lugar . kakaunting lason lamang ay
ikakalat sa tubig, at kung ito ay tubig sa ilog, dadalhin ng agos sa
pinakamalayong lugar.
Ang langis na itinatapon ng mga bapor, lantsa at iba pang sasakyang
dagat ay nakakalason din. Ang polusyon sa tubig ay tiyak na nakamamatay
lalo na sa mga isda, kalikasan, sa mga halaman, at ang ilog na napupuno ng
mga na itinatapon ng mga tao ay tiyak na nakakamatay din. Kapag tag-araw,
medyo nagsasalat sa tubig kahit panghugas man lamang. Ang isdang nahuhuli
sa dagat, bagotalagang dumi ng mercury na napupunta sa mga isda,ang
pinayagan o passable na human consumption o walang peligrong kainin.
Ngunit may mga isdang kapag sobra ang taglay na lason sa katawan ay
tahanang ipinagbabawal. Kung may nakakalusot, saka natin mababalitaan na
may grupo o pamilya ng mga taong nalason sa pagkain ng sang uri ng isda.

(mula sa: komunikasyon 1)

Pagsasanay
Panuto: Piliin ang pinakaangkop na salita at isulat sa patlang ang titik.
___________ 7. Ang isang palatandaan ng polusyon ay______________.
a. Pagkalason ng lamang dagat
b. Karaniwang paglubog ng sasakyang dagat
c. Kawalan ng pasahero sa sasakyang dagat
d. Pagkakaroon ng sakit na tuberculosis o TB
___________ 8. Karaniwan sa mga itinatayong pabrika ay nasa tabing dagat
Sapagkat ___________.
a. Madaling makakuha ng tubig dito
b. Madaling magtapon ng dumi sa dagat
c. Hindi delikado kapag may sunog
___________9. Sino ang sumusuri sa mga lamang dagat kung ito ba ay
maaring
ipagbili sa pamilihang bayan?
a. Department of Trade and Industry
b. Department of Health
c. National Food Authoroty
d. Department of Social Welfare and Development
___________ 10. Sino ang unang naaapektuhan ng polusyon sa tubig
a. Sasakyang dagat
b. Mga pabrika
c. Lamang dagat
d. Mga mangingisda
___________ 11. Ang karaniwang pinagmulan ng populasyon sa tubig
ay ___________
a. Langis ng mga pabrika
b. Usok ng ma pabrika
c. Agos ng tubig mula sa ilog
d. Pagpapasabog sa dagat ng bomba
___________ 12. Ang unang resulta ng pagtatapon ng basura sa ilog
ay___________
a. Pagkaubos ng mga tubig
b. Pagbabaw at pagkatuyo ng ilog
c. Pagbata sa mga karatig pook
d. Pagkalason ng mga isda at iba pang lamang dagat.

PAKIKILAHOK SA MGA KILUSANG PAMPAMAYANAN

Ang bawat pamayanan ay may mga layuning sinisikap makamtan upang


mapabuti ang pamumuhay ng mga naninrahan dito. Bilang kasapi ng
pamayanan at lipunan, bawat isang tao ay may tungkuling tmulong upang
makamit ang mga layuning ito. Ang kaunlaran at pagpapabuti ng pamayanan
ay dapat maging pananagutan ng lahat.
Kailangan ang pagtutulungan upang ang pamayanan ay mananatiling
matiwasay at ligtas na lugar para sa mga mag-anak na nakatira rito. Dapat
pangalagaan ang kapakanan at kalusugan ng lahat. Mahalagang magsumikap
upang mapabuti ang kalagayan pangkabuhayan ng pamayanan at sa gayon ay
magkaroon ng hanapbuhay ang lahat. Kailangan ding maglaan ng mga
pagkakataon at panahon ang mga mamamayan upang magait nila ang kanilang
malayang oras sa mga kapaki-pakinabang sa gawin.
(mula sa : Agap at Sikap)

Pagsasalaysay
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa
pagkakalahad

___________ 13. A. Bilang ng pamayanan at lipunan, ang bawat isa ay may


tungkulin upang makamit ang mga layuning ito.
B. ang bawat pamayanan ay may mga layuning sinisikap
makamtan upang mapabuti ang pamumuhay ng mga
naninirahan dito.
C. Kailangan ang pagtuulungan upang ang pamayanan ay
manatiling matiwasay at ligtas na lugar.
D. ang kaunlaran at pagpapabuti ng pamayanan ay dapat
maging panangutan ng lahat.
a. abcd b. bacd c. cbda d. Dbac

___________14. a. Dapat pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng lahat.


b. Mahalagang magsumikap upang mapabuti ang
kalagayang pangkabuhayan
c.kailangang maglaan ng mga pagkakataon at panahon ang
mga mamayan.
d. Upang magamit nila nag kanilang malayang oras sa mga
kapakipakinabang na Gawain

a. abcd b. bacd c. cabd d. Dbac

___________ 15. Sa isang pamayanan, ano ang karaniwang nais makamtan


Upang mapabuti ang pamumuhay ng mga naninirahan
dito?
a. Magandang pamamahala ng pmahalaan
b. Pagkakaroon ng maraming mapapasukang trabaho.
c. Pagkakaroon ng maraming sasakyan
d. Pagakakaroon ng maraming gusali

___________ 16. Ano ang kasalungat ng salitang matiwasay?


a. Magulo
b. Mahusay
c. Maabot
d. Masakop
___________ 17 Ano ang kasingkahulugan ng salitang makamit?
a. Mahaplos
b. Malibot
c. Maabot
d. Masakop
___________18 Ano ang pangunahing diwa ng sanaysay?
a. Pagmamaasakit sa bayan
b. Pagbibigay galang sa pangulo
c. Pagpapahalaga sa sarili
d. Pakikipagkapwa tao

Ang 4-H Club

Ito ay samahan ng ga batang magbubukid na may gulang 10 hanggang


21. Ang 4-H na tinutukoy sa samahang ito ay ang puso o heart, ulo o head,
mga kamay o banda at kalusugan o health. Naniniwala ang mga kasapi nito na
kailangang gamitin ang ulo upang mag-isip at mangatwiran, ang puso upang
maging maunawain, maalalahanin at matapat, ang mga kamay upang maging
kapaki-pakinabang, bihasa at mgaling sa paggawa at mahusay ang
pamumuhay. Ang 4-H Club ay tumutulong upang pahalagahan ng mga
kabataan ang mga proyektong pangkabuhayn tulad ng pagmamanukan, pag-
aalaga ng baboy, paghahalaman ng gulay, pag-iimbak ng pagkain, ang
Gawaing kamay, pag-aalaga ng isda, pag-aayos at pagpapaganda ng athanan at
iba pang kapaki-pakinabang na Gawain.

(mula : Agap at Sikap)

Pagsasanay
Panuto: Piliin ang tamang sagot at isulat sa patlang ang titik

___________ 19. Ang mga batang magbubukid ay anak ng mga ___________.


a. Mahirap
b. Magsasaka
c. Mayayaman
d. Mangingisda
___________20 Ang pangunahing diwa ng katha ay ___________.
a. Paglayo ng kabataan sa bawal na gamut
b. Pagsasama ng mga kabataan sa paggawa
c. Pagtuturo ng mga kabataan sa pakikisama
d. Pagsasanay ng mga kabataan sa paggalang
___________ 21. Ilang taon ang mga batang maaring sumapi sa samahan ng
mga
batang magbubukid?
a. 10-21 taong gulang
b. 10-20 taong gulang
c. 12-22 taong gulang
d. 12-21 taong gulang
___________ 22. Ano ang kasalungat ng salitang pag-iimbak?
a. pagwawaldas
b. pagtatayo
c. paglilibing
d. pagbibigay
___________ 23. A. Ang 4-H tinutukoy sa pangalan ng samahang ito ay ang
puso, kamay, kalusugan, ulo.
B. Kailangang gamitin ang ulo upang maging umisip at
mangatwiran.
C. Ito ay samahan ng mga batang mambubukid na may
gulang 10 hanggang 21.
D. Pahalagahan ng mga kabataan ang mga proyektong
pangkabuhayan tulad ng pamamanukan, pag-
aalaga ng babiy , paghahalaman at marami pang
iba.

a.cabd b.abcd c.dabc d. bacd


___________ 24. Aling bahagi ng katawan ng lumilinang sa paggawa?

a. Paa c. ulo
b. Kamay d. Tuhod

RED CROSS: Tagasagip ng mga sugatan

Ang organisasyong Red Cross na unang-unang tumulong sa panahon ng


gyera at kalamidad ay itinatag noong 1864 sa Geneva ni Henry Dunant, isang
Swiss na nahintakutan sa mga madugong eksena na kanyang nasaksihan sa
Solferino, matapos manalo sa gyera ang French laban sa Amerikano.

Sa pagpupulong noong 1864 sa Geneva, dumalo sa may 2 bansa. Sa


naturang pagpupulong, nabuo ang mga pangunahing layunin ng Red Cross at
iro ay ang mga sumusunod: Sa panahon ng digmaan , ang mga bilanggo at mga
sugatan ay kailangang respetuhin; ang mga ospital ng mga sundalo ay dapat
ideklarang walang kinikilingan: ang mga doctor, nars at ang kanilang
mahahalagang kagamitan ay dapat maprotektahan; at naturang organisayon
ay magsisilbing tagapamagitan o intermediary at initiyak sa kalagayan ng mga
biktima ng giyera`t kalamidad. Bilang pagpupugay kay Henri Dunant, ang
watawat ng Switzerland kasama ang binaligtad na kulang ang piniling maging
watawat ng Red Cross. Hindi lang sa panahon ng gyera maasahan ang Red
Cross, kundi maging sa kalamidad gaya ng lindol, baha, tagtuyo at taggutom.

(mula sa : Pambata vol. 10)

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari ayon sa pagkakalahad at


isulat sa patlang ang tamang sagot.

___________ 25. a. Matapos manalo sa giyera ang mga French laban sa


Australian
b. isang Swiss na nahintakutan sag a madugong eksena na
kanyang nasaksihan sa Solferino.
c. Itinatag noong 1864 sa Geneva ni Henri Dunant.
d. Ang organisasyong red cross na unang-unang tumutulong
sa panahon ng giyera at kalamidad.

a. dcba b. Abcd c. Dbca d.cdba

___________26. a. Ang mga ospital ng military ay dapat na walang kinikilingan


b. Sa panahon ng giyera, ang ga bilanggo at mga sugatanay
kanilang respetuhin
c. sa pagpupulong noong 1864 sa Geneva, dumalo ang may 25
bansa.
d. Sa naturang pagpupulong, nabuo ang mga pangunahing
layuni ng
Red Cross.

a. dacb b. cdba c. dcba d. dbca

___________ 27 a. Hindi lang panahon ng giyera maasahan ang Red Cross kundi
maging sa panaho ng kalamidad
a. Ang watawat ng Switzerland kasama ang binaligtad na
kulay ang
piniling maging watawat ng Red cross.
b. Ang naturang organisasyon ay magsisilbing tagapamagitan
o
intermediary na titiyak sa kalagayan ng mga biktima sa
giyera
c. Ang mga nars doctor at ang kanilang mga mahalagang
kagamitan ay dapat na maprotektahan.

a.dcba b. cdba c.dcba d.dbca

___________ 28. Ano ang pangunahing diwa ng sanaysay?


a. Pagtutulungan
b. Pagbibigyan
c. Pagtatag
d. Pagkakawang-gawa
___________ 29. Sino ang nagtatag ng Red Cross?
a. Geneva Swiss
b. Frenc Observer
c. Henri Dunant
d. Switzerland
___________ 30 Natatag ang Red cross ___________
a. dahil sa nasaksihang labanan
b. dahil palaging may giyera sa Solferino
c. dahil maraming namatay sa sakit
d. dahil walang tumutulong sa gobyerno sa giyera.
SA LANDAS NG BUHAY

Sinasabing ang buhay ay isang paglalakbay sa isang landas patugo sa


pook na pinapangarap.ngunit ang landas ay hindi lagging maganda gaya ng
ianaakala ng marami. Kung minsan ay patag kung minan ay baku-bako.
Tahakin mo ang landas ng buhay. Maaring iyon ay hindi lagging
maganda ngunit nasa dulo niyon ang katuparan ng iyong pangarap, tuntunin
mo ang landas na iyon at huwag kang hihiwalay. Sa pagsasagawa mo noon ay
sinusunod angbatas ng buhay at ng lipunan upang huwag maligaw at
mapahamak.
Ang iyong paglalakbay mapapansin mong hindi ka nag-iisa. Marami
kang makakatagpo. Ang iba ay mahina samantalang ang iba ay malakas. Ang
iba ay nangangailangan samantalang ang iba ay hindi, natutubguhan ng
kanilang kita ang kanilang pangangailangan. Ito ang pinakamagandang
pagkakataon ng tulungan mo ang hindi na muling maibalik pa.
Subalit hindi lamang iyan ang dapat mong gawin. Kailangan mong
makiisa sa ibang may mabuting hangarin at nagsisikap lumutas ng mga
suliraning dumarating sa buhay. Tumutulong ka at makiisa sa kanila. Sa
paggawa mo niyan ay lalo kang lalakas at lalong madaragdagan ang iyong
kaalaman at kakayahan sa pakikimuhay. Magpatuloy ka sapagkat ang bawat
hakbang mo ay dagdag na kahulugan. Sa paggalang ng iba ay amarating mo
ang pook na iyong pinapangarap.

(mula sa : Sining kumonikasyon)

Pagsasanay
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari at isulat sa
patlang ang
titik ng tamang sagot.

___________31. a. Ngunit ang landasan ay hindi lagging maganda gaya


ng
inakala ng marami
b. Sinasabing ang buhay ay isang paglalakbay sa isang
landas
Patungo sa pook na pinapangarap.
c. Maaring iyon ay hindi lagging maganda ngunit nasa
dulo
niyon ang katuparan ng iyong mga pangarap.Kung
minsan ay patag iyan at kung minsan ay maku-bako
d. Kung minsan ay patag iyan at kung misan ay
mabaku-bako.

a. badc b. cdba c. abcd d. dcba

___________32. a. Subalit hindi lamang iyon ang dapat mong gawin


b. Magpatuloy ka sapagkat ang bawat hakbang ay
dagdag
na kahulugan.
c. Maaring iyon ay hindi lagging maganda ngunit nasa
dulo niyon ang katuparan na iyong mga pangarap.
d. Kung minsan ay patag iyon ay hindi baku-bako

a. bacd b. cdba c. abcd d. dcba

___________ 33. a. Ito ang pinakamagandang pagkakataon upang


tulungan mo ang mga nangangailangan sapagkat sa
landas ng buhay ang panahon at pook na lumilipas ay
hindi na muling mababalikan pa.
b. Ang iba ay nangangailangan ang iba ay hindi.
Natugunan ang kanilang kita ang kanilang
pangangailangan.
c. Sa iyong paglalakbay napapansin mong hindi ka pa
nag-iisa
d. Marami kangmakakatagpo, ang iba ay mahina ang
iba ay malakas

a. Abcd b. Cdba c adcb c. Badc

___________ 34. Iyon sa ikatlong pangungusap ay tumutukoy sa ___________.


a. sa buhay
b. dulo ng kaplaran
c. daan ng buhay
d. ang tao.
___________35. Ang salitang pakikipamuhay ay tumutukoy sa ___________.
a. Buhay ng tao sa mundo
b. Mga kapitbahay ng isang tao
c. Mga buhay
d. Pakikisama ng isang tao sa iba.

PASASALAMAT SA DIYOS

kayraming anyong-tubig sa bayan kong pilipinas na ang dulot ay pagkaing


sariwa at masarap; Nariyan ang lawa`t ilog, sapa`t batis saka dagat na ang
dulot ay kariktan sa`ting baying nililiyag.

Sa ating ga anyong-tubig ang pagkai`y anong dami;


Basta lamang masipag ka, marami kang mahuhuli...
Mga isdang pumapalag at pagkain sa kabibe,
Mga sugpo`t alimango, saka hipong malaki

May perlas na mapuputi sa pusod ng karagatan.


Hiyas itong mahalaga na ang dulot ay kayamanan,
Pagka`t handog niya ang biyaya na walang hanggan.

(mula sa: Mga bugtong, Tula, Salawikain, Sawikain atbp.)

Pagsasanay
Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot at isulat sa patlang ang titik

___________ 36. Ano ang pangunahing diwa sa unang saknong?


a. Kagandahan at likas na yaman ng Pilipinas
b. Kariktan at kagandahan ng Pilipinas
c. Katapangan at pagkamasipag ng mga Pilipino
d. Lubog sa tubig ang Pilipinas
___________37. Ang tinutukoy na anyong-tubig sa unang saknong ay
a. Ilog, lawa at karagatan
b.Bukirin, kapatagan at kabundukan
c. Mga ilog at kapatagan
d.Baha, tag-init at tagbagyo
___________ 38. Ano ang pangunahing diwa sa tula?
a. Paglalarawan sa mga likas na kayamanan
b. Ang likas na yaman na ipinapapasalamat
c. Pagbibigay-galang sa mga ninuno
d. Paghahandog ng likas na yaman sa mga tao
___________ 39. Ano ang kahulugan ng pusod ng karagatan?
a. Sa baybay ng dagat
b. Sa ibabaw ng dagat
c. Sa gitna ng dagat
d. Sa tabi ng dagat

NAMIGAY NG ALAHAS

Isang mabait na misis sa New Hamsphire US, ang di sinasadyang


naipamigay ang kanyang pinakaiingatang $ 200,000 halaga ang mga alahas.
Ang alahas na pinakakatago-tago niya sa lata ng tomato soup sa cabinet ay
naidonasyon niya sa mga nasalanta ng kalamidad. Marami kasi siyang
naimbak na tomato soup sa cabinet kaya ito ang naisipang niyang ipamigay.
Nalimutan niya doon pala naitago ang mga alahas dahil iniiwa niya ito sa mga
magnanakaw sakaling pasukin siya sa bahay.
Ang latang ito ay ipinasadya niya na katulad ng tomato soup at may
screw sa ibabaw na nabubuksan kapag pinipihit. Ang mga alahas ay dalawang
wedding bands, engagement ring, kuwintas ng perlas , brooches , pins at
pendant na bigay sa kanya ng kanyang yumaong asawa.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring tumatawag sa kanya para maibalik
ang mga alahas. Ang masama ay hindi pala naka-insured ang mga ito.
(mula sa: Filipino Star)
Pagsasanay
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari at isulat sa patlang ang
titik.

___________40. a. Naipamigay ang kanyang pinakaiingatang $ 20,000 halaga


ng alahas
b. at inilagay sa cabinet ay naidonasyon niya sa mga nasalanta
sa kalamidad.
e. Marami kasi siyang nakaimbak na tomato soup sa cabinet.
f. Ang alahas na pnakatago-tago niya sa lata ng tomato soup

a. abcd b. abdc c. adbc d. cadb

____________41. a. Hanggang sa nagyon ay wala pa ring tumatawag sa kanya.


b. Ang masama ay hindi pala nakainsured
c. Para maibalik ang mga alahas
d. Isang pendant , na bigay sa kanya ng yumaong asawa.

a. dabc b. abcd c. cdba d. dbac

___________ 42. a. May screw sa ibabaw na nabubuksan kapag pinipilit


b. iniiwas niya ito smga magnanakaw sakaling pasukin siya
sa bahay
c. nalimutan na doon pala niya naitago ang mga alahas.
d. Ang latang ito`y ipinasadya na kamukhang-kamukha ng
tomato soup
a. cbda b.dacb c, bdac d. bcda

___________ 43. a. Hanggang sa ngayon ay wala pa ring tumatawag sa kanya


para maibalik ang mga alahas.
b. Ang latang ipinasadya niya na kamukhang- kamukha sa
tomato soup.
c. Marami kasi siyang nakaimbak na tomayo soup sa cabinet
kaya ito ang naisipan niyang ipamigay.
d. Isang mabait na misis sa New Hampsphire, US ang di
sinasadyang naipamigay ang kanyang $20,000 na halaga
ng alahas.
a. acbd b. dacb c. bcda d. Dcba

___________44. Ang tumanggap ng alahas ay ___________


a. Mga magnanakaw
b. Nasalanta sa kalamidad
c. Mga kapitbahay
d. Mga nakasiguruhan
___________45 Ano ang pangunahing diwa sa balita?
a. Pagkamasinop na wala sa lugar
b. Kamangmangan sa takbo ng buhay
c. Kakatawang pagangat
d. Pagbibiro ng tadhana sa isamg maingat
ANG LAWA NG MUHIKAP

Noong unang may mag-asawang madasalin. Mayroon din silang anak na


masakitin. Lagi nilang ipinagdarasal ang kalusugan ng kaisa-isang anak nila.
“Mahalna panginoon” dasal nila, palusugin niyo mahal naming anak. Pahabain
po ninyo ang kanyang buhay.
Naawa ang diyos sa kanila. Sabi niya, “matutupad ang ipinagdarasal ninyo
kung ipapangako ninyong indi siya paatapakin sa lupa” .sumunod ang mag-
asawa, mula noong gumaling at lumakas si Manika ang anak nila. Napakasipag
ni Manica. Tumutulong siya sa mga gawaing bahay. Ngunit kailanman hindi
niya napansin na nahulog sa lupa ang bola ng sinulid. Wala noon ang kanyang
mga magulang. Diyos ko! Dasal niya. Pinilit niyang abutin ang sinulid.
Pagdikit niya sa lupa ay lumubog siya at ang buong pamayanan. Dumaloy ang
tubig nang walng tigil hanggang sa malikha ang isang lawa. Kinuha ang
pangalan ng lawa sa simula ng pangalan na Munica at ang huli ng dalawang
pantig sa katapusan na salitang mahikap na ang ibig sabihin masipag. Mula
noon , tinawag ang lugar na iyon na lawa ng mahikap.

(mula sa: Lahi 1)

Pagsasanay
Panuto: Piliin ang titik na nagpapakita nang tamang pagkasunod-sunod ng
pangyayayari mIsulat ang titik sa patlang

___________ 46. a. “Mahal na panginoon , palusugin ninyo an gaming anak”


b. Noong unang panahon ay may mag-asawang madasalin
c. lagi nilang ipinagdarasal ang kalusugan ng kanilang anak
d. Mayroon silang anak na masakitin.

a. bacd b. bdca c. abdc d. adbc

___________ 47 a. “matutupad ang ipinagdarasal ninyo kung ipapangako


ninyong
hindi ninyo siya patatapakin sa lupa”
b. napakasipag ni Munica
c. Tumulong siya sa mga gawaing bhay ngunit kailanman
ay hindi siya lumabas ng tahanan
e. Sumusunod ang mag-asawa, ula noon gumaling at
lumakas si
Munica. Ang kanilang anak

a. cbda b. abcd c. adbc d. Bdca

___________ 48 a. Hindi niya napapansin na nahulog ang bola ng sinulid sa


lupa.
b. “diyos ko! Tulungan mo po ako”
c. wala noon ang aknyang mga magulang
d. isang araw nanahi ng damit niya si Munica.

a. dacb b. abcd c. adbc d. cbda

___________ 49. Ano ang pangunahing diwa ng kuwento?


a. .hindi dapat sawayin ang kagustuhan ng panginoon
b. Bawal tumuntong sa lupa
c. Ang pagmamahal ng Panginoon
d. Ang batang masunurin ay minahal ng magulang
___________ 50. Ano ang ibig sabihing ng madasalin?
a. Madamdamin ang pagdarasal
b. Mahalagang magdasal
c. Madalas magdasal
d. Madalas na magbantay

You might also like