You are on page 1of 12

GROUP 5 Seksiyon: 11 – Kotler

Pagsusuri sa Epekto ng mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Kasanayang

Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral

PANIMULA

Ang pagbabasa ay isang importanteng aktibidad na halos na araw-araw

nating ginagawa. Ang pagbabasa ay siyang nagbibigay sa atin ng kaalaman

sapagkat ito ay nagbibigay sa atin ng mga impormasyon, at dahil na rin ang

pagbabasa ay ang pinaka pagkain ng ating utak (James Lee Valentine, 2000).

Dagdag pa rito, ang pagbabasa ay tumutulong sa atin na mas maunawaan ang mga

impormasyon, pinapalago ng pagbabasa ang ating kapasidad at bokabularyo. Sa

pamamagitan din nito, nadadagdagan ang ating kakayahan na bigyan nang mas

malawak na interpretasyon ang mga bagay sapagkat tinutulungan tayong mas

maging kritikal sa pag-iisip, ayon nga kay Hank (1983), “Ang pagbasa ay ang pag-

unawa sa kahulugan ng nakalimbag o nakasulat at pagbibigay ng interpretasyon

dito”. Gayunpaman, dapat nating intindihin ang mga simbolo na nakalimbag sa ating

binabasa, sapagkat ang pagbabasa at hindi pag unawa rito ay walang saysay, at

walang kalamangan sa hindi pagbabasa.

Ang pagbasa at komprehensyon ay may kaugnayan sapagkat kung ang isang

indibidwal ay marunong bumasa, kinakailangang marunong rin siyang umunawa. Ito

ang pinakamahalagang proseso ng pagbabasa sapagkat dito nakasalalay ang

lubusang panghinuha sa nilalaman ng binabasa. Nararapat na intindihin ang mga


impormasyon, detalye, at ideya ng akda upang maging mas

makabuluhan ang pagbabasa (Aclan, et al., 2019).

Ayon kina Zawadka et al., (2021) lumitaw sa pag-aaral nila na ang mga mag-

aaral sa naturang paaralan ay mayroong makabuluhang mabigat na suliranin

pagdating sa pang-araw-araw na gawain ng pagbasa gaya ng pag-unawa sa panuto

kahit sa isang maliit na pakete ng pagkain at lebel ng gamot kung kaya’t suporta,

paggabay at pagpapabasa ay higit na kinakailangan nila.

Ayon nga kay Vikrant Parsai, “Ang pagbasa nang walang pag-unawa ay

parang paglunok ng pagkain nang hindi nginunguya”. Kung gayon, marapat lamang

na mapag-tuunan ng pansin ng bawat mag-aaral ang kanilang abilidad sa larangan

ng pagbasa at ang pag-unawa upang mas mapadali ang pagtanggap ng kaalaman.

Kaugnay nito, nais ng pag-aaral na ito na masuri ang mga epekto ng salik na

nakakaimpluwensya sa kasanayang pag-unawa ng mga mag-aaral.

Layunin ng Pag- aaral

Ang kabuuan na layunin ng pag-aaral na ito ay masuri ang epekto ng mga

salik na nakakaimpluwensya sa kasanayang pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-

aaral ng Davao Central College, taong 2023-2024.

1. Ano at saang salik ang nakakaimpluwensya sa kasanayang pag-unawa sa

pagbasa ng mga mag-aaral?

1.1 Impluwensiya ng sosyal medya

1.2 Interes ng mag-aaral

1.3 Lengguwahe

2. Malaman kung anong salik ang higit na nakakaimpluwensya sa kasanayan ng

pagbabasa ng mga mag-aaral.


Kahalagahan ng Pag- aaral

Ang kabuuan na layunin ng pag-aaral na ito ay masuri at malaman ang mga

salik na nakakaimpluwensya sa kasanayang pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-

aaral ng Davao Central College, taong 2023-2024. Ang pag-aaral na ito ay magiging

kapaki-pakinabang sa sumusunod:

Para sa mga guro, makakatulong ito sa kanila na maunawaan ang interes ng

mga mag-aaral na siyang maaaring may relasyon sa kanilang akademikong

pagganap.

Para sa mga magulang, magbibigay daan para sa mas malalim na pag-

unawa ng mga magulang sa mga akademikong pangangailangan ng kanilang mga

anak, at maaaring magsilbing gabay sa pagbibigay ng suporta at pagtutok sa mga

bahay na gawain na naglalayong mapabuti ang pag-unlad ng pag-unawa sa

pagbasa ng kanilang mga anak.

Para sa mga administrasyon ng paaralan, maaaring magbigay sa kanila ng

pagsusuri na siyang magiging pundasyon para sa pag buo at pagsasaayos ng mga

program na pang-edukasyon, na siyang makakatulong sa pag sulong sa

pagpapalago ng interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa na magpapahasa ng

kanilang pag-unawa.

Para sa mga mag-aaral, makakatulong ito sa kanila upang malaman at

maunawaan nila ang mga prayoridad na nararapat nilang gawin upang mahasa ang

kanilang pag-unawa sa mga binabasa nila, at upang mas madagdagan ang kanilang

interes base sa resulta ng pananaliksik.


Para sa mga susunod na mananaliksik, makakatulong ang magiging

resulta nito sa kanila upang kunan nila ng basehan o batayan ng iba’t ibang pag-

aaral kaugnay ng mga salik na nakakaimpluwensiya sa kasanayan sa pag-unawa sa

pagbasa ng mga mag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag- aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagsuri at pag-alam sa mga salik

na nakakaimpluwensya sa kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral

ng Davao Central College. Limitado lamang ang pag-aaral na ito sa limampu (50) na

respondente. Ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral na nasa baitang 11 sa taong

2023-2024.
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG- AARAL

Sa bahaging ito inilalahad ang ilang pag-aaral at literaturang may kaugnayan

sa isinagawang pag-aaral. Malaki ang naitulong ng mga nakalap na datos sa

pagkakaroon ng direksyon ng pag-aaral na ito.

Kaugnay na Literatura

LOKAL

Ang kasanayang pag-unawa sa pagbabasa ay ang proseso ng pag-intindi sa

binabasa. Mayroong pagkakataon na nakadepende ang pag-unawa ng isang

indibidwal sa lengguwaheng ginamit ng teksto, dahil ang unang lengguwahe ay may

posibilidad na malayo sa wikang Ingles.

Ang mga sumusunod na kaugnay na literatura ay nagsasabi kung ano ang

nakakaimpluwensya at nakakaapekto sa kasanayang pag-unawa ng mga mag-aaral.

Batay sa pag-aaral nina Gumla, et al. (2023), ginawa nila ang kanilang pag-aaral o

pananaliksik upang matuunan ng pansin ang problema at sitwasyon na kanilang

kinakaharap, lalo na sa salik ng pagsusuri at paglutas ng kanilang mga problemang

nauugnay sa mga subject na palaging nakasulat sa wikang Ingles, dahil naniniwala

sila na maaapektuhan nito ang lebel ng komprehensyon o pag-unawa ng mga mag-

aaral.

Samakatuwid, may mga mag-aaral na mababa ang antas sa pag-unawa sa

pagbabasa sapagkat hindi sila gaanong pamilyar sa wikang Ingles, hindi gaya ng

ibang mag-aaral na madaling maunawaan ang tekstong ginamit sa wikang Ingles

dahil mahusay at sanay sila sa wikang ito.


Ang indibidwal na interes at motibasyon ay lumilitaw na magkatulad.

Kabilang dito ang kasiyahan at patuloy na pakikipag-ugnayan sa isang gawain para

sa kapakanan ng gawain mismo, at ang pagnanais para sa karunungan.

Kagaya na lamang ng sumusunod na kaugnay na literatura mula sa pag-aaral

nila Moneba et al., (2024), mayroong positibong ugnayan sa pagitan ng motibasyon

at pag-unawa sa pagbasa. Batay sa mga natuklasan, ang ugnayan ng motibasyon at

pag-unawa sa pagbasa ay maaaring linawin sa teorya ng pagpapasya sa sarili kung

saan ang mga mag-aaral na may mataas na motibasyon sa pagbasa, ay maaaring

mapabuti ang kanilang pag-unawa sa pagbasa at maaaring positibong maiugnay sa

akademikong tagumpay.

Samakatuwid, ang mataas na antas ng motibasyon ng mga mag-aaral ay

nagpapahiwatig lamang na ang mga mag-aaral ay mayroong interes at handang

makibahagi sa mga gawain sa pagbasa tungo sa pag-unlad at pagbuti sa pag-

unawa nito.

NASYONAL

Ang pagbuo ng akademikong pagganap ng mag-aaral ay nagsisimula sa

malinaw na pag-unawa sa pinagbabatayan na mga konsepto at ideya. Ang

lengguwaheng ginamit sa teksto ay nakakaimpluwensya sa antas ng pag-unawa ng

mag-aaral. Ang sumusunod na kaugnay na literatura ay nagsasaad sa impluwensya

ng lengguwaheng ginamit ng mga mag-aaral sa pag-unlad ng kanilang kasanayang

pag-unawa sa pagbabasa.

Ang mga natuklasan sa pag-aaral nina Bolado et al., (2021) ay nagsiwalat na

ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral kapag ang materyal ay ipinahayag sa

Mother Tongue ay makabuluhang nauugnay sa akademikong pagganap sa mga


tuntunin ng PHIL-IRI. Silay ay nakakaunawa sa lubhang kasiya-siyang antas sa mga

dyanra ng pampanitikan dahil ito ay nakasulat at iprinesenta sa Mother Tounge.

Samakatuwid, madali at komportableng unawain ng mga mag-aaral ang

tekstong binasa kapag pamilyar sila sa lengguwaheng ginamit. Sa kontekstong ito,

nauunawaan ng mga mag-aaral ang kahulugan ng teksto.

Ang electronic-book ay isang teksto sa digital form. Sa henerasyon ngayon ay

madalas na itong gamitin ng mga mag-aaral dahil makakagugol sila ng mas

maraming oras at madaling bitbitin. Ang sumusunod na kaugnay na literatura ay

nagsasaad sa impluwensya at epekto ng electronic-book sa pag-unawa ng mga

mag-aaral sa pagbasa.

Matapos ang isang masusing pag-aaral nina Machete at Dela Pena (2019),

natuklasan sa nakuha nilang resulta na ang e-Book ay walang anumang paraan o

iba pang nakakaapekto sa pag-unawa sa pagbasa ng nga estudyante sa Naval

School of Fisheries. Dagdag pa, ang antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga hindi

gumagamit ng e-Book ay mas mataas kaysa sa mga gumagamit ng e-Book.

Nirekomenda sa pag-aaral nila na dapat palaging paalalahanan at subaybayan ang

mga estudyante upang matiyak na ginagamit nila ang kanilang oras sa mga kapaki-

pakinabang na aktibidad, sa halip na magbasa ng mga hindi nauugnay na

materyales mula sa kanilang mga gadget at magbasa ng mga materyal mula sa

aklatan, sa halip na gamitin ang kanilang mga smartphone sa halos lahat ng oras.

Samakatuwid, ang pagbabasa ng mga nakalimbag na libro sa mahabang

panahon ay maaaring mapalakas ang mga kasanayan sa pag-unawa ng anim

hanggang walong beses na higit pa kaysa sa digital na pagbabasa. Sila ay madaling


makaintindi at mas naaalala ang nilalaman ng babasahin dahil mas mataas ang

linggwistik na kalidad ng mga tradisyonal na matatagpuan sa nakalimbag na libro

kesa sa mga digital na teksto.

INTERNASYONAL

Ang mga aktibidad ng paggamit ng sosyal medya sa mga mag-aaral ay

lubhang magkakaiba. Gayunpaman, hindi maitatanggi na ang sosyal medya ay

kasalukuyang bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng mga tao, lalo na ang mga

mag-aaral sa kanilang mga aktibidad. Ang sumusunod na kaugnay na literatura ay

nagsasaad sa impluwensya at epekto ng sosyal medya sa kasanayang pag-unawa

ng mga mag-aaral sa pagbabasa.

Ang natuklasan sa pag-aaral nina Yanti et al.,(2020) ay nagpapahiwatig na

ang mas maraming aktibidad sa sosyal medya, mas mababa ang antas ng pag-

unawa sa pagbabasa, ngunit hindi gaano. Bilang karagdagan, ang nabawasang

kakayahan sa pag-unawa sa teksto ng pagbabasa ay nasa hindi gaanong

mahalagang antas na naiimpluwensyahan ng maraming salik, tulad ng dami ng

binabasa, mga uri ng pagbasa, at medya na ginagamit sa pagbabasa.

Samakatuwid, ang paggugol ng mga mag-aaral sa sosyal medya ay hindi

nakakaimpluwensya sa kanilang pag-unawa sa pagbabasa, sapagkat gusto ng mga

estudyante ang mas mabilis at mas madaling maintindihan ang binabasa sa paraan

nila kaysa intindihin ng malalim ang binabasa.


Ang isang mag-aaral ay kailangang magkaroon ng mahusay na kasanayan sa

pagbasa, ang kakayahan at kahandaang magbasa ay malawakang nakakaapekto sa

tagumpay ng mga pag-aaral. Upang maunawaan ang pagbabasa, ang mambabasa

ay kailangang magkaroon sila ng interes. Ang interes na ito ay ang batayan ng

pagganyak para sa mga aktibidad sa pagbabasa. Ang mga sumusunod ay

nagsasaad na ang pagbabasa ng mga mag-aaral ay nakabase sa kanilang mga

sariling interes.

Mula sa resulta na naimbestigahan na ni Alfatihah (2022), natagpuan na may

isang positibong relasyon sa pagitan ng interes sa pagbabasa at pag unawa sa

pagbabasa. Natagpuan ng mananaliksik na ang panloob na salik mula sa mga mag

aaral mismo ay naging isa sa mga salik na nakaaapekto sa interes sa pagbabasa,

mula sa paghahanap halos lahat ng mga respondente ay sumagot na gusto nila ang

pagbabasa dahil masaya sila o nasisiyahan sila sa pagbabasa. Pinatutunayan nito

na ang interes ng mga mag aaral sa pagbabasa ng isang teksto ay maaaring batay

sa sarili nilang interes.

Kung gayon, kung may mataas interes sa pagbabasa ang mga mag-aaral,

mas mataas din ang kasanayan nila sa pag-unawa. Kung mas masipag sila sa

pagbabasa, magiging mataas ang interes nila sa pagbabasa, na maaaring matunton

sa pamamagitan ng antas ng pag-unawa. Ang pagtaas ng interes sa pagbabasa ay

nagpapabuti sa kakayahang maunawaan ang nilalaman.


METODOLOHIYA

Sa bahaging ito ay iprinisinta ang mga pamaraang ginamit sa pananaliksik,

sasaklawin dito ang disenyong ginamit, mga pokus ng pag-aaral, mga instrumentong

ginamit sa paglikom ng mga datos, pamaraan sa paglikom ng mga datos, at

istatistikang ginamit sa pag-aanalisa ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito ang mananaliksik ay gumamit ng Deskriptibong pagsusuri.

Gumamit ng survey questionnaire o talatanungan sa pagkuha ng iba’t ibang datos.

Para sa mananaliksik, ang disenyong ito ang pinakaangkop na gamitin sa pag-aaral

sa paksa dahil mas maraming datos ang makukuha mula sa mga respondente.

Tatangkaing suriin sa pag-aaral na ito ang mga salik na nakakaimpluwensya sa

kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 sa Davao

Central College Basic Education Campus. Gumamit ng talatanungan bilang

instrumento sa pagkuha ng mga datos.

Mga Respondente

Ang kasangkot sa pag-aaral na ito ay mga piling mag-aaral sa Davao Central

College Basic Education Campus na nasa baitang 11 na kumukuha ng

Accountancy, Business, and Management (ABM), Humanities, and Social Sciences

(HUMSS), at Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand na

may bilang na limampu (50) na mga respondente.


Instrumentong Ginamit

Ang pag-aaral na ito ay ginawa sa pamamagitan ng sarbey. Ang mananaliksik

ay naghanda ng adapted sarbey kwestyuner upang maipakita ang mga datos na

kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga katanungan ay ipasasagot sa mga mag-aaral

ng Davao Central College Basic Education Campus, Rasay St. Ang kwestyuner ay

magkakaroon ng sampung (10) aytem kung saan ito ay sasagutan ng mga

respondente nang palihis na linya o tsek, na siyang gagawing basehan ng

mananaliksik sa pagkuha ng average mean.

Pamamaraan sa Pagpili ng Sampol

Ang mananaliksik ay gagamit ng fishbowl method na probability sampling,

kung saan ililista ng mga mananaliksik ang lahat ng pangalan ng mga mag-aaral na

nasa ika-11 na baiting sa strand na Humanities and Social Sciences, Accountancy,

Business, and Management, at Science, Technology, and Engineering, at gagawin

nilang respondente ang mga pangalan na kanilang mabubunot.

Paraan ng Pagkuha ng Datos

Sa pag- aaral na ito, ang mananaliksik ay gumawa ng liham na inaprobahan

ng Tagapayo ng Davao Central College Basic Education Campus. Ang mananaliksik

ay may inihandang katanungan at ang mga mag - aaral ay nakipagtulungan sa

paggugol ng kanilang oras at pagsisikap upang maisagawa ang pag-aaral na ito.

Nabigyang kasagutan naman ng mga respondente ang lahat na mga katanungan

ukol sa kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa na inihanda ng mananaliksik.


Pag- aanalisa ng mga Datos

Ang lahat ng datos na nalikom ay maingat na itatala, ihahanay at iisa- isahing

susuriin at bibigyan ng interpretasyon. Gagamit ang mananaliksik ng istatikal na

kasangkapan na nilangkapan ng angkop at mabisang interpretasyon.

Konseptwal na balangkas

Social Media

Kasanayang Pag-unawa
Sariling Interes
sa Pagbasa

Lengguwahe

You might also like