You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

FAR EASTERN UNIVERSITY


General Education Department
TAMARAW

PASASALAMAT SA PAGLAKBAY NG KAMALAYAN SA TALAKAYAN NG


KULTURA, LIPUNAN, AT WIKA: ISANG MALIKHAING
REPLEKTIBONG SANAYSAY

Para sa Pagsasagawa ng Iniantas na Aktibidad sa Talakayan


sa Makabuluhang Araling Pangkultura, Panlipunan at
Reyalistikong Usapin sa Wika (TAMARAW)

Ginoong Ronnel Talusan


Lisensyadong Propesyonal na Tagapagturo sa GED0118

Sison, Joshua B.

Batsilyer ng Agham Sa Arkitektura


Institusyon ng Arkitektura at Sining Biswal
Seksyon 86

Hulyo 2023
Sulat Salamat

Talakayan sa Makabuluhang Araling Pangkultura, Panlipunan At Reyalistikong Usapin


sa Wika (T.A.M.A.R.A.W) isa sa mga asignatura ngayong midyear term na nagbigay
sakin ng aral at aliw. Kahit na sa maikling panahon lamang ang pagdidiskurso sa
asignaturang ito ay masasabi kong marami akong babaoning mga aral lalo na sa
pagiging Filipino at sa pagmamahal sa Pilipinas.

Ang mga aralin na tinalakay dito ay nagsilbing instrumento upang payabungin ang
wikang Filipino at maging interesado pa sa mga itinatagong ganda ng ating wika.
Natutunan ko sa asignaturang ito na nararapat lang na panatilihin ang pagpapahalaga
sa wikang Filipino sapagkat ito ang nagsisilbing pundasyon ng pagiging isang huwarang
Filipino sa ating bansa. Ito rin ay kailangang isa-isip at isa-puso upang maituro pa ang
iba’t iba pang kasaysayang pumapatungkol sa ating wika na kung san ay halos iilan
lamang ang nakakaalam.

Sa pagpasok ko sa T.A.M.A.R.A.W ay walang araw na hindi ako nagkakaroon ng


panibagong kaalaman. Hinasa ang bawat kaisipan ng mga nakikinig at tinulungan din
ako nito upang mapabuti pa ang aking pagsusulat sa Filipino.

Napakaraming talakayin ang sa isip ko ay nanatili, ngunit ilan sa mga ito ang talagang
nag marka sa aking isipan marahil sa mga naipasa o natapos kong gawain na kung
saan ay nakatanggap ako ng iba’t ibang puro galing sa aking mga kaklase. Ang mga
tumatak sa akin na ito ay una, ang pagsulat ng tula. Napagtanto ko sa aralin na ito na
ang pagsulat ng tula ay para ding pag guhit, kung sa pag guhit man ay gumagamit ng
kamay upang makagawa ng malilikhaing bagay, sa tula naman ay ginagamitan lamang
ng utak. Ang paggawa ng tula para sakin ay isang napaka malikhaing bagay. Sunod
naman sa tula ay ang dagli. Isa talaga ito sa tumatak para sakin sapagkat ngayon ko
lamang narinig ang salitang ito. Ngayon ko lamang natutunan ang mga bagay-bagay na
pumapatungkol sa gawaing ito, at lalong ngayon ko lang nasubukang gumawa nito. Ang
paggawa ng dagli para sakin ay medyo may kahirapan sapagkat kailangan talagang
intindihin at isaisip lahat ng pwedeng mangyari upang hindi magkaproblema. Ang
ibinigay na gawain noong nakaraang linggo na pumapatungkol sa paggawa ng dagli ay
ginawa ko ito na kung saan ay hinango ko ang mga inilagay kong kuwento sa dagli sa
mga totoong senaryo na kung saan ay iniba ko lamang ng kaonti ang pagtatapos ng
mga ito. Sa paggawa nito ay nahahasa ko ang pagiging malikhain ng kaisipan ko. At
para sa huling talakayin o aktibidad na tumatak sakin ay ang pag ganap sa isang
maikling kuwento na sa katunayan ay ito ang pinaka hindi ko malilimutan sa aking
buhay bilang isang estudyante. Simula sa paghahanda, hanggang sa aktwal na
pagganap ay isang alaalang nakatatak na saaming magkakagrupo. Tinuruan kami ng
gawain na ito kung paano makipagtulungan at kung paano magkaisa na sa pagkakaisa
ay tiyak na magkakaroon ng magandang bunga.

Ang asignaturang ito para saakin ay napaka makabuluhan. Masasabi kong marami
akong nakalap na mga bagong aral. Sa palagay ko ay ang ibang mga estudyante rin ay
parehas ang pananaw sakin, parehas sakin na naniniwalang hindi lamang aral na
galing sa libro o kung saan mang iskolaryong mga akda, naniniwala akong marami din
itong naituro tungkol sa buhay, tungkol sa pag-aaral, at marami pang iba.

Ang mga mahahalagang bagay-bagay natutunan ko dito ay sigurado akong hindi ko


mararanasan kung hindi dahil sainyo Sir Ronnel, kaya naman ang mga susunod pang
mga naka akda ay isang pasasalamat sa pagtuturo niyo saamin ng napakaraming
makabuluhang mga bagay.

Marubdob kong ipinapaabot ang aking taos-pusong pasasalamat para sainyo Sir
Ronnel sa inyong dedikasyon at pagsusumikap sa pagtuturo. Sa inyong paggabay at
kaalaman, ako'y lubos na nabiyayaan ng mga bagong kaalaman at kakayahan na
nagbukas ng malawak na mga pinto ng pag-unlad.

Sa bawat aralin at talakayan niyo Sir ay lagi kayong handa na magbahagi ng inyong
mga karanasan at pananaw upang maging mas malinaw at mas makabuluhan ang
bawat konsepto. Hindi lamang kayo nagtuturo ng mga konseptong akademiko, kundi
binibigyang-diin din ninyo ang pagpapahalaga ng pag-unawa sa mga pangyayari sa
paligid, pagpapahalaga sa wika, at sa kultura ng Pilipinas.
Kaya't sa pagkakataong ito, higit sa lahat, nais ko kayong pasalamatan Sir Ronnel sa
pagiging inspirasyon, gabay, at pagtuturo na hindi lamang bumuo sa akin bilang isang
mag-aaral, kundi pati na rin bilang isang taong may pangarap at layunin sa buhay.
Maraming salamat po, Sir Ronnel, sa lahat ng inyong sakripisyo at pagmamahal sa
pagtuturo. Nawa'y patuloy niyo pang maging inspirasyon sa marami pang estudyante
tulad ko.

You might also like