You are on page 1of 1

“Mensahe Sa Iyong Guro at Ano Ang Mga Natutunan Ko Sa Asignaturang Filipino”

Ni: Sheannen Gleih E. Alerta

Isa ka sa mga gurong naging inspirasyon ko bilang mag-aaral. Sa bawat pagtuturo mo sa amin ay
marami akong napupulot na aral. Ang iyong mga salita ang nagging motibasyon ko bilang mag-aaral na huwag
sumuko at lumaban. Mahirap man ang maging mag-aaral nasisiguro ko na mas mahirap maging guro sapagkat
marami kang inaasikasing mag-aaral tulad namin. Nagpapasalamat ako sa iyo, sa iyong walang sawang suporta
at pagintindi sa amin. Nagpapasalamat ako sa iyong pagtuturo na nagbibigay ng motibasyon at inspirasyon sa
aming mga mag-aaral. Ang pagtuturo mo na may kasamang pampasigla para sa aming mag-aaral dahil ayaw mo
na kami ay maburyo at malingat sa iba ang atensiyon.
Nakakatuwa at nakakahumaling kang guro, Binibining Jayrha. Masayahin at masigla. Propesyonal at
may pagpapahalaga. Mahaba ang pasensya at mapagkalinga na nagbibigay sa amin ng kumpiyansa sa sarili at
kaginhawaan sa pag-aaral. Paaging handing making at magbigay ng payo. Ang iyong pagiging masiyahin ay
nagbibigay ng positibong atmospera sa aming mga araw-araw nap ag-aaral. Sa pamamagitan ng iyong mga ngiti
at magaan na pakikitungo, kami ay iyong nahihikayat na maging aktibo at masaya sa pagkatuto sa asignaturang
Filipino. Sa bawat hakbang ng aming pag-unlad, nararamdaman ko ang iyong walang sawang pagsuporta at
pagmamahal na nagbibigay sa amin ng lakas ng loob upang patuloy na magpursigi. Ikaw ang aming ikalawang
ina sa loob ng klase, ganoon din sa aming mga puso.
Ang iyong pagtuturo ay nagpapakita ng iyong pagsisikap upang ito ay aming pahalagahan at nagbibigay
kaalaman sa asignaturang Filipino. Marami akong natutunan sa halos dalawang taon na pag-aaral sa
asignaturang Filipino na nagdudulot ng malalim n pagkaunawa at pagpapahalaga sa wika, kultura, kasaysayan
at kasalukuyang mga pangyayari sa ating bayan. Ang pagsulat ng pananaliksik, maikling kwento, nobela,
parabola, talumpati at iba pa. Ang wastong paggamit nga mga parirala at salita, paggamit ng tamang
pagbabantas at paggamit ng pangatnig upang maipahayag ng malinaw at maayos ang aking mga ideya.
Natutunan kong pahalagahan at unawain ang mga akda ng asignaturang Filipino. Mag akda sa sining,
pag-a-analisa ng mga simbolismo, tema at mensahe na ibinabahagi ng mga manunulat. Pahalagahan ang mga
pag-aaral ng mga epiko, mitolohiya, at iba pang mga akda na naglalarawan ng ating pinagmulan at
pagpapalaganap ng ating kultura sa kasalukuyan. Sa asignaturang Filipino ko natutunan ang kamalayan ng
aking pagiging Pilipino at ang aking papel bilang mamamayan ng Pilipinas na magtataguyod ng ating kultura.
Ang asignaturang Filipino ang aking magiging pundasyon para sa aking patuloy na pag-aaral at paglago
bilang mag-aaral. Ito ang nagbigay sa akin ng kasanayan sa komunikasyon, pag-unawa sa panitikan, at
pagpapahalaga sa ating kultura. At higit sa lahat, nagpapasalamat ako sa aming guro. Sa walang sawang pag-
unawa, pagtuturo, pagpapasensiya at pagpapasaya sa aming mga mag-aaral ng Garcia. Sana ay manatili ang
mga ngiti sa iyong mga labi at ang iyong pagtuturo nap uno ng kasiyahan at kasiglahan.

You might also like