You are on page 1of 2

BSA-A1C

CASTILLO, KRISHA MAE LUBUIT, IVAN DALE RACELIS, ANGELICA


HERNANDEZ, PRINCESS MAE MAPALAD, LAURENCE
ILAGAN, FIONEE MARIE MINGUA, ANDREA DENISE

WIKANG FILIPINO AY TAYO


Nalulungkot sa atin kaibigan
At umiiling si Jose Rizal
Dahil wika natin ay kinalimutan
Sa ating mga ulo
Baguhin kaya ang mentalidad
Bakit hindi niyo subukan?
Susi para tayo ay magkaintindihan

Ang awit ng wikang Filipino


Pahalagahan ngayon
Ortograpiyang Pambansa
Isabuhay muli ngayon

Wikang Filipino ang gamitin


Tangkilikin ang sariling atin
Piliin mo, yakapin mo
Kayamanan natin ‘to
Piliin wikang Filipino

Minsan ating pahalagahan


Wika na ating pinagmulan
Isulong paggamit nito
Sa pakikipagtalastasan
Ito‘y nararapat piliin
Dahil ito’y sariling atin
Kaya’t sa gitna ng globalisasyon
Wikang Filipino sumasabay

Piliin mo wikang Filipino


Wikang Filipino ay tayo
Mahalin mo, tanggapin mo
‘Wag mong ikahiya
Piliin wikang Filipino
Mentalidad nati'y baguhin
Ating wika ang isipin
Sama-samang luminang
Pilipinas magagalak

Piliin mo wikang Filipino


Wikang Filipino ay tayo
Mahalin mo, tanggapin mo
‘Wag mong ikahiya
Piliin wikang Filipino

Wikang Filipino ‘wag mong kalimutan


Simbolo ng ating identidad
Piliin mo, yakapin mo
Baguhin mentalidad
Piliin wikang Filipino

Adbokasiya: Kapangyarihan ang wikang Filipino sa Pilipinas. Kapangyarihan ang


sariling wika. Ang paggamit ng sariling wika ang isa sa bumubuo ng ating pagkatao at
kultura ng bansa. Kung kaya’t, nandidito kami upang maging instrumento sa pagbago
ng mentalidad ng mga estudyante pagdating sa paggamit ng wikang Filipino sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng ortograpiyang pambansa, panghihikayat sumali sa
iba’t ibang aktibidad tulad ng pagbabalik ng pakikipagtalastasan at imungkahi na ang
wikang Filipino ay tayo. Nawa’y sa kanta na aming idudulog ay mapagtanto ng mga
mag-aaral ang halaga ng paggamit ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng sarili,
komunidad, lipunan at mundo.

You might also like