You are on page 1of 2

Alin ang Wika ng Kaunlaran: Wikang Filipino o Wikang Ingles

Adalric G. Cabal

Lakandiwa:
Minamahal naming mga kamag-aral
Mga propesor, dekano at administrador
Mga panauhing pinagpipitagan
Na narito ngayon sating bulwagan
Magandang Umaga po, pagbating marangal
Ang Buwan ng Wika ating ipagdiwang
Inyo pong masasaksihan ang balitaktakan
Nitong mga makatang batikan
Kung mas bihasa kayo ng bahala
Halinat making nang makapagsimula
Ating pakinggan ang tindig nitong mga makata
Wika ng kaunlaran, alin nga kaya?
Salubungin natin sila ng palakpakan
Simulan na ang pangangatwiran.

Wikang Filipino:
Sa inyong naparirito, salamat sa pagdalo
Ngayon masasaksihan nyo bagsik ng pananalinghaga ko
Hayaan nyong ipaglaban ko wikang Filipino
pagkat sa pusot diwa, akoy Pilipino
Sinisintang Filipinas ito ang bayan ko
May sariling wikawikang Filipino
Patuloy na nililinang, pinagyayabong
Kayat sa mga wikang dayuhan nakikipagtagisan
Tunay na sandata tungo sa kaunlaran;
Tunay na instrumento sa pagsulong nitong Bayan!

Wikang Ingles:
Friends, Romans, countrymen, lend me your ears
Call my foe Caesar, panoorin nyo kung paano ko to ibaon ng buhay!
Tignan natin ang mga tagasuporta nya , kung meron man, kung paano mag shed ng tears
Isasama ko rin sa hukay si Filipino language mo na matagal ng patay.
Tapos tinanggal pa ng CHED sa curriculum ng Kolehiyo, double dead!

You might also like