You are on page 1of 2

Paksang Pagtatalunan: Alin ang nararapat na maging Wikang Panlahat,

Wikang Filipino ba o ang ating Lingua Franca?

Isinulatni: Mrs.Ucille P. Galvez


______________________________________

Lakandiwa: Ako’y isang Lakandiwang nagbuhat pa sa ________


sa Paaralang _____________ na ‘king tinatangi,
at ngayon ay boung galang na sa inyo’y bumabati
at umaasang nawa ang paksa ay mapaglilimi
Upang patimpalak na balagtasan ay magwawagi.

Paksang aking ilalatag, pakiwari’y mahalaga


Dahilang pagtatalunan ng ating mga makata
Ay kung anong wika ba ang magiging wikang panlahat
Filipino ba na pambansang wika at kilala pa
O lingua franca na sa pagkabata’y nasa labi na.

Ang hiling ko lamang ay palakpakan silang dalawa


Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.

Wikang Filipino: Ako ay isang batang kay Manuel Quezon nagpupuri


Naniniwalang, Wikang Filipino ang minimithi
Upang bawat Pilipino ay magkakaisa lagi
Lahat ng hangarin ng mga damdaming sumisidhi.

Lingua Franca: Ang iyong lingkod ngayon ay nagmula pa sa malayo


Sa Balagtasang ito, magiliw akong sumasamo
Gamit na wikang nagmula sa kinagisnang ninuno
Aking ipaglalaban upang ating isa sa puso.

Lakandiwa: Atin nang natunghayan mga makatang maglalaban


Nagmula pa sabayang kanilang kinabibilangan
Ang isa’y nagmula pa sa pulong Kabisayaan
Itong magandang dalaga’y sa Katagalugan naman.

Wikang Filipino: Sa ating Wikang Filipino ako ay nagpupugay


Wikang ginagamit sa Luzon, Visayas at Mindanao
Kaya kilalang lahat, ginagamit araw-araw
Kahit saan ka magpunta, siya’y magsisilbing tanglaw.

Lingua Franca: Dahan-dahan sa pagsalita katunggaling maganda


Sapagkat nasasaktan mo mga taong maralita
Sariling wika’y ‘di tumututukoy sa wikang pambansa
Kundi sa wikang nakagisnan at laging nasa baba.

Wikang Filipino: Nagkamali ka sa iyong paniwala katunggali ko


Ang sariling wika natin ay ang Wikang Filipino
Surian ng Wikang Pambansa pa ang nagbuo nito
Upang magkakaintindihan lahat ng Pilipino.
Lingua Franca: Paano magiging panlahat ang wikang Filipino
Kung ang tao ay gumagamit ng mga dayalekto
Lumibot ka sa ‘ting pitong libo’t-isang daang pulo
Mapapatunayan mo na sinasabi ko’y totoo.

Lakandiwa: Sadyang ang ating baya’y punong salinlahi


Saan mangsulok may nagkakaisa’t may minimithi
Gamit na wikang natutunan sa labi namutawi
Ito’y pinapahalagahan at hindi winawaksi.

Ang Lingua Franca’y simbolo sa mayaman nating lahi


Lahing Pilipino’y laging angat sa anumang lipi
Mga dayalekto hayaang mamutawi sa labi
Ating salinlahi dapat ay ating ipagbubunyi.

Wikang Filipino, ang siyang ating wikang pambansa


Nararapat tangkilikin at dapat naidambana
Ito’y magbubuklod sa mga dayalekto ng bansa
Upang tayo’y magkaisa sa puso, isip at diwa.

Ngayong napakinggan na natin ang dalawang makata


Malalaman na ninyo ang hatol ng lingkod nyong aba
Ang kanilang napiling wika kapwa ay mahalaga
Maging Filipino man ang gamit o ang lingua franca
Gamit sa kaunlaran ng ating bansang sinisinta.

You might also like