You are on page 1of 2

Angel Grace B.

Rejas

BA Political Science 2-4

Gawain: Mangyaring ilahad ang inyong inaasahan sa klase.

A. Sa asignatura

Pagdating sa asignatura, isa sa pinaka inaasahan ko ay ang mahasa ko pa ang aking


kakayanan hindi lamang sa pagtuklas at paglaganap ng ating wika kundi pati na rin ang aking
pagkakaunawa sa kahalagahan ng pag-aaral nito. Bukod pa rito, isa rin sa inaasahan ko na sa bawat
talakayan natin sa asignaturang ito ay ang marami pa kaming matututunan na bago tungkol sa
Filipino, tulad ng mga bagong paraan ng paggamit nito, mga kakaibang istilo sa pagsususlat gamit
ang wikang ito at makaunawa ng iba’t ibang mga uri ng panitikan na nakasulat sa sarili nating
wika.. Higit sa lahat, sa pagtatapos ng semestre sa susunod na limang buwan, inaasahan ko na
marami kaming matutuklasan tungkol sa Intelekwalisasyon ng wikang Filipino, at kung paano
namin ito magagamit upang mas lalong mapahusay at mapaunlad ang aming perspektibo at
imahinasyon sa literatura.

B. Sa instructor

Pagdating sa amIng propesor, inaasahan ko na ang aming klase sa Filipino ay maging


parehong masaya at makabuluhan. Nais ko rin na maging aktibo ang aming talakayan kung kaya’t
ninanais ko na sana sa bawat sesyon ay bibigyan kame ng aming guro ng pagkakataon upang
maghayag ng kanya kanya naming saloobin, kuro-kuro o tanong lalo na kapag mayroong hindi
malinaw sa amin o kapag may gusto kaming bigyan ng linaw. Ipinagdarasal ko rin na sana maging
mahinahon at masayahin ang magiging istilo ng pagtuturo ng aming guro upang kaming mag-aaral
ay hindi kabahan tuwing kame ay nagkaklase.
C. Sa sarili

Para sa aking sarili, inaasahan ko na ako ay mas magiging aktibo na sa paghahayag ng


aking saloobin tuwing may talakayan. Bukod pa rito, inaasahan ko rin na maglalaan ako ng sapat
na oras upang magbasa ng maigi na patungkol sa aming paksa na tatalakayin bago at pagkatapos
ng klase. Higit sa lahat, nais ko nang magbago at gumawa ng mga gawain sa tamang oras upang
hindi na ako uuwing luhaan sapagkat ako ay nakakuha ng mababang marka sa kadahilanang parati
akong nahuhuling magpasa ng mga takdang aralin. Nais ko rin na sa bawat miyembro ng aming
klase, maiintindihan pa namin ang gamit at kahalagahan ng interlekwalisasyon ng wikang Filipino
ng higit pa sa kung ano ang inaakala namin.

You might also like