You are on page 1of 2

REPLEKSYON

Bilang isang mag- aaral, ang buong akala ko ay ganoon lang


kasimple ang asignaturang Filipino dahil nga ito ay ginagamitan ng
salitang tagalog, subalit sa pagdaan ng bawat araw masasabi ko na
mas nauunawaan ko ang leksyon na kung saan marami pala mga
ibat ibang bagay na dapat ko pa matutunan. Mga kaalaman na sa
akala ko ay sapat na may alam ako.
Tulad na lamang ng pagsulat ng mga hakbang sa isang
gawain, mahalaga ito upang maisagawa ng maayos ang isang
gawain. Ang mga tamang salita sa paglalarawan ng isang bagay ay
isa rin sa mga natutunan ko, ang bawat pagkilos ko ay may ibat
ibang kahulugan na nakadepende sa kung kelan at paano mo ito
isinagawa. Ang pandiwa, pang-uri at pang-abay ay ilan sa
mahahalagang bagay na dapat matutunan ng isang katulad ko.
Ang pagsabi ng opinyon at katwiran ay nagbigay din sa akin
ng kaalaman na kung saan nalalaman ko ang kahulugan nito at
kung kelan at paano gamitin. Natutunan ko kung paano magbigay
ng sariling opinyon sa isang paksa at ang pagbibigay ng sariling
reaksyon sa isang pangyayari.
Umaasa ako n mas marami pa akong matutunan sa
asignaturang Filipino. Sana mas madagdagan pa ang aking
kaalaman upang lumaki ako na may malasakit sa aking
pamayanan.

PANGAKO
Sabi nila ang pangako, minsan napapako. Subalit
bilang isang mag- aaral ang pangako ay mahalaga dahil
maipaparamdam mo ang pagiging totoong tao mo sa isip,
salita at gawa.
Ako bilang isang mag-aaral ipapangako ko na mas
pagbubutihin ko ang aking pag-aaral, isasapuso ko ang
bawat aral na aking natutunan.
Kung sakaling hindi ko maintindihan ang mga aralin,
sisikapin ko intindihin ito. Hindi sa lahat ng oras ay kaya
ko ang mga aralin pero hindi rin ibig sabihin na sumusuko
ako.
Kung may mga patimpalak sa aming paaralan, sana
makasali ako Manalo man o matalo basta alam ko sa sarili
ko na ginawa ko ang aking kakayanan, kung di man
pinalad ay ok lang dahil maraming laro p dyan ang pwede
ko salihan.
Higit sa lahat ipapangako ko na maging isang
mabuting bata at mag-aaral sa aming paaralan.

You might also like