You are on page 1of 46

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED

MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Argielyn Manuel


Edad: 22
Seksiyon: BEEd 4-A
Bilang ng taon sa Pamantasan: 4
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: Ikalawa at Ikaanim na baitang

N 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Naranasan ko na hindi makapasa sa mga exam dahil nahirapan ako sa aralin na tudlik,
malumi, malumay. Pero nung prelim naman na ay nakabawi.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Hindi maintindihan yung mga subject at topic kaya bumawi sa values. Dahil nga hindi ko
maunawaan kumuha ako ng ibang reference na pag-aaral upang kahit papaano makasabay.

N 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Hindi ako masyadong gumagamit ng Tagalog at English ang medium ng pagtuturo ko
kaya di ko masyado nagagamit ang Tagalog.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Oo, kahit na yung mga bata sanay sa English at mas nauunawaan nila yung tinituro pag
English foundation pa din nila ang Tagalog. Madami kasing mga bata na hindi naiintindihan
yung Tagalog pag iyon ang medium na ginamit sa klase kapagtagalog yung sinasalita ko
nakanganga lang sila hindi naiintindihan kahit yun ang mother tounge nila.

N 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: 3 out of 5 dahil hindi ko pa nararanasan magturo ng Filipino yung half ng 5 is para sa
knowledge at yung half naman ay para sa experience. Hindi pa siya nakakatulong saakin dahil
science at English ang tinuturo ko at ang medium ng mga bata ay English kesa sa Filipino.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Base sa aking karanasan oo magagamit ko ito dahil foundation ang MTB-MLE ng mga
bata. Sobrang halaga nito upang maging parte ng vocabulary ng mga bata. At sa pagiging sapat
naman hindi pa ito sapat dahil naniniwala ako na ang language ay dynamic nagbabago kaya
hindi matatapos yung pag-aaral dahil may susulpot na mga bagong salita at muli itong pag-
aaralan.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Character ng teacher yung pagiging matiyag ng guro para turuan yung mga mag-aaral
niya. Second one is strategies kung paano mamotivate yung students at pagbibigay ng
application na swak sa nga bata kung san matututo ang lahat at walang maiiwan mga aktibidad
na dapat kayang gawin ng lahat kung saan you consider their level of kakayahan.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot:  Learning by doing, scaffolding, pagbibigay ng mga example bago sila ang gumawa.

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Hindi, kasi depende sa teacher yung strategy ehh yung pagkatuto ng mga bata minsan
hindi siya nagiging akma kaya hindi siya sapat dahil ang wika nga ay dynamic may susulpot na
bago at hindi ito magiging sapat.
P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng
mag-aaral?
Sagot: Oo, foundation kasi ito ng mga bata upang lumawak ang kanilang kaalaman at pagkatuto
gayun na din ang kanilang vocabulary.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Marie Kris R. Manalese


Edad: 21
Seksiyon: BEEd-4A
Bilang ng taon sa pamantasan: 4years
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: Grade IV

P 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Bilang Isang mag-aaral o tulad ng nararanasan ng isang mag-aaral nong unang subject na
MTB-MLE. Nahirapan ako ng mabuti dahil mahirap ang subject na ito pero mahirap man ay
kinaya pa rin.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Ang mga stratehiya na natutunan ko dito sa pag-aaral sa Mother Tounge, kailangan Po
kausap mo talaga direct yung bata .Hindi sapat Yung visual aid lang kailangan naririnig din ng
bata at the same time para mas matutunan nya kung ano iyong itinuturo mo. Dito kasi pinag-
aaralan yung mga gitling, kasi may mga salita na  magkakaiba Sila ng basa at meaning
kailangang gumamit Ng audio,mga instructional materials na pwedeng marinig Ng bata para mas
matutunan nya.Halimbawa naman sa ibang estudyante na may ibang lenggwahe kailangan
bigyan ng special treatment upang mas malinawan sya sa kung ano mang asignaturang
ipapagawa mo sa kanila.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Gaya po ng sinabi ko kanina sa estratihiya kailangan na tutukan ang mga bata upang mas
maunawaan nila kung ano ang sinasabi mo. Magagamit ko po yun sa pag-aaply sa literal na
pagtuturo kagaya po ngayon OJT na po ako nagagamit ko yung iba doon sa mga estratihiyang
yun sa aking pagtuturo halimbawa nasa English subject kami hindi lahat ng mag-aaral ay
nakakaintindi na Ng English deretso,kahit na English ang aking tinuturo Ako Po ay nagtatagalog
din sa pamamagitan non ay mas natututo ang mga bata at mas nag oobtain ng knowledge dahil
mas naiintindihan nila dahil gamit namin Yung Mother Tounge namin which is Tagalog. Sa
pamamagitan non ay mas mapapa-unlad ang kaalaman ng isang bata.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Sa akin po yes po dahil napakalaking tulong ng aking natutunan sa MTB-MLE kasi alam
ko po,when I should stop ,kagaya po nong sinabi ko kanina na nagtuturo ako kung English
subject syempre English speaking ang aking ginagamit na lenggwahe tapos napansin ko yung
mga bata di na Sila sumasagot di na rin sila active ,wala ng pumapasok sa utak nila wala na din
silang natutunan kaya yun Yung oras na gagamitin ko ba yung mother Tounge. Kailangan
gamitin ko na Yung kanilang Mother Tounge sa aming pagtuturo. Dito kasi sa Pilipinas pag
englesera ka matalino kana pero sa totoo lang hindi natin mapapaunlad ang edukasyon kailangan
tayong mga guro ang umunawa sa sitwasyon at kakayahan Ng mga bata.Sa aming napag-aralan
sa asignaturang ito ay dapat ang bata ang priority kailangan nauunawaan nila dahil sa iba ang
ginagamit mong lenggwahe wala ring mangyayari priority pa rin ang Mother Tounge ng bata.
Napag-aralan din namin sa asignaturang ito ang ibang lenggwahe,mga few words tulad ng
Ilokano,Visaya ganon just in case na mapunta kami o madeploy po kami sa mga lugar na mga
iyon. Kailangan na alam mo yung mother Tounge ng mga bata upang maiwasan ang ibang
pagpapakahulgan ng mga salita. Tulad ng sitaw sa Tagalog ,utong Naman sa Ilokano.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: Sa ngayon, nararanasan ko ng magturo sa bata sa MTB-MLE nakakatulong sya sakin ng
bongga kaya 5 siya. Kasi ngayon ,yung mga mag-aaral ko gawa siguro ng pandemic hindi sila
gaanong maalam sa English kaya po kahit English subject kami tinatagalog ko pa rin para mas
maunawaan kahit sa pagbabasa nila hindi nagiging monotone tinatamad ko yung mga tono nila
upang hindi mabago yung ibigsabihin Ng word na yun,tulad Po Ng  nabanggit ko kanina may
mga word na iba ang bigkas at kahulugan .Kaya ko po nagagawa yun dahil yun yung mga
natutunan ko sa MTB-MLE kaya po 5 ang maiaantas ko kasi epektibo ko syang nagamit sa
pagtuturo.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Gaya po ng nabanggit ko kanina base sa aking karanasan na nagtuturo na po ngayon.
Gamit na gamit ko Yung natutunan ko sa MTB-MLE. Sigurado po ako na natututo Yung mga
mga-aaral ko dahil pag nag eebalwasyon kami matataas ang kanilang nakukuha ,pag nagtatanong
ako gamit ang Mother Tounge ay active Sila sa pagsagot. Kapag pinaliwanag ang aralin gamit
ang Mother Tounge ay mas active sila,it shows na natututo sila gamit ang Mother Tounge.
Malaki po Ang matutulong dahil epektibo sya sa pagtuturo dahil nararanasan ko. Para sa akin ay
Hindi pa sapat dahil kailangan ko pang pagyamanin kasi hindi Naman maiwasan na araw  araw
ay may mga ibat ibang mag-aaral na dapat tutukan , kailangan ko pang mag-aral upang mas
epektibo at efficient teacher.

N 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Base sa aking karanasan ngayon sa pagtuturo, ang mga bata at hirap sa 4R sa pagcompute
sa pagbabasa ganon po pero sa pagbabasa okay naman. Ang hawak ko ngayon ay Grade 4. Doon
po sa klase ko 8 palang po ang pumapasok pero may isa na hirap sa pagbabasa lalo na sa English
sa Tagalog Naman Po ay parang monotone walang tono, tuloy tuloy siya walang tuldok o kuwit.
Siguro po ang nakakaapekto ay ang pandemic,nag-aadjust pa siguro sila. Grade 2 palang kasi sila
ng magsimula Ang pandemic, modular na ang kanilang naging pag-aaral. Hindi naman lahat ng
magulang ay nakapagtapos ng pag-aaral kaya hirap din silang ipaliwanag yung nasa module Lalo
na sa English at Math. Yung iba kasi ginoogle nalang ang sagot kaya yung iba tinatamad na
imbes na aralin. Kaya yun po siguro ang nakakaapekto yung sa gadgets po kaya hindi nila
napagtutuunan Yung kanilang mga module at napag-aralan ng mabuti.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot:  Learning by doing, scaffolding, pagbibigay ng mga example bago sila ang gumawa.
Sagot: Sigurado ako dito yung hands of learning yung mismong bata pagagawan mo Ikaw na
teacher ay iguguide mo lang sya. Sabi nga nila experience is the best learning.Kapag sila
ang mismong gumagawa mas naeenhance at mas natututo sa kung ano dapat aralin kung paano
ang gagawin.

N 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Base sa napag-aralan ko sa naobtain na knowledge ay sa ngayon Po ay sumasapat Naman
sya pero kung tatanungin nyo Po kung tama na ba o sapat na ba,sa akin Po ay hindi pa ,may
natutunan Ako na epektibo na gamitin para sa mga bata ngunit dipa Po yun sapat para tumigil at
Hindi pa sapat para sabihin na okay na Hindi ko na dapat I improve sarili ko dahil epektibo
Naman na silang natututo, epektibo man o sapat na Yung mga natutunan ko sa ngayon pero
kailangan ko pa ring iimprove di ako mag isstay sa kung Anong natutunan ko.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Yes po, base po sa aking karanasan sa paggamit po nito sa pag OOJT ko nakakatulong po
talaga mas nakikita ko Yung mga mag-aaral ko na natututo.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Cholo B. Mislang


Edad: 22
Seksiyon: BEEd-4A
Bilang ng taon sa pamantasan: 4 years
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT:

N 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Naging mahirap para sa akin na maipasa ang asignaturang MTB-MLE sapagkat
nahihirapan akong unawain ang mga konseptong nakapaloob dito.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Kailangan ay maging creative ang guro sa pagtuturo ng Mother Tounge. Halimbawa na
lang ay dapat mayroong integrasyon ng pag-awit, pagkukwento, at iba pa upang mas maging
magiliw ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Kailangan i-integrate ang pag-awit, pagtula, pagkukwento, at iba pa sa pagtururo ng
asignaturang MTB-MLE sapagkat hindi lamang ang pagbasa at pagsulat ang mapapaunlad nito
kasama nitong mapapaunlad ang kanilang thinking skill.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Naging mabisa naman ang natutuhan ko sa asignaturang MTB-MLE.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: Bibigyan ko ito ng antas na 5, nakasisiguro ako na makatutulong ang MTB-MLE sa aking
pagtuturo sapagkat mas mauunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang first language.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Mas napaunlad ng MTB-MLE ang aking kaalaman sa wika. Nakasisiguro ako na
magagamit ko ang mga natutunan ko sa asignaturang MTB-MLE sa hinaharap sapagkat ang mga
tuturuan ko sa hinaharap ay malamang mas may alam pa sa ibang wika kaysa sa kanilang sariling
wika.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Sa aking palagay, ang way ng pagtuturo ng guro ay nakaaapekto sa pagpapataas ng apat
na antas ng pagkatututo.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Kailangan lamang ay maging creative tayo sa pagtuturo upang mas maunawaan ng mga
bata kung ano ang ating itinuturo.

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Sapat ang mga ito upang makamit ang lubusang pagkatuto ng mag-aaral.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Lubos na makatutulong ang aking karanasan sa paggamit ng MTB-MLE sa pagkatuto ng
mag-aaral.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Alih Shynn Baylon


Edad: 23
Seksiyon: BEEd 4A
Bilang ng taon sa Pamantasan: 4
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: 

N 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Naging mahirap ito sapagkat may mga bahagi ito na napaka hirap  intindihin at ito
talagang dapat mong tutukan, napaka layo din nito sa pamamaraan na kung paano binibigkas ng
mga filipino ang kanilang phonetic.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Ang kahalagahan ng phonetic tricky siya pero malaking tulong sa aking pagtuturo sa
hinaharap.

N 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Sa tamang pamamaraan ng pagbigkas ng mgaa salita dahil nagdudulot ito ng kalituhan at
maling kasanayan.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Oo, dahil mas nagkakaroon ng linaw kung bakit ang mga salita ay may pagkakaroon ng
parehong spelling ngunit ito ay may ibay ibang tunog at gamit na siyang nagpapakita lamang na
ang wika ay masyadong malawak na talakayin at nakadepende pa ito sa kung saan ka nagmula

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: 4, dahil naniniwala ako na mas madami pang dapat alamin at tuklasin sa aralin na ito
sapagkat ang ating mundo ay sumasabay na sa pag angat ng teknolohiya at ganun din ang wika.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Ang pagyamanin pa ang aking kaalaman at patuloy na magsaliksik para lalo itong
yumabong at madali ko ng maituro sa aking mga mag-aaral sa hinaharap.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Base sa aking karanasan ang salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na antas ng
pagkatuto ng mga mag-aaral ay ang kanila ring mundong ginagalawan dahil dito sila unang
natututo at dito nalalaman ang mga bagay-bagay.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Para sa akin ang pinaka epektibong istratehiya na magagamit upang mapataas ang apat na
antas ng pagkatuto ng mag-aaral ay ang pagbibigay sa kanila ng mga gawain o aktibidad na
mabilis na makuha ang kanilang atensyon at madali nilang matututunan.

N 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Hindi dahil ako ang kaalaman ko ay kakaramput lamang at dapat ko pang magsaliksik

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Oo, dahil mas nagiging madali ang talakayan kung ang lahat ng aking mag-aaral ay
lubusang nauunawaan ang aking mga sinasambit.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Lorelyn S. De Guzman


Edad: 21
Seksiyon: BEEd 4A
Bilang ng taon sa Pamantasan: 4
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT:

N 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Bilang isang mag-aaral  hindi naging madali para sa akin ang Asignaturang MTB-MLE.
Sapagkat ang Asignaturang ito para sa akin ay nakakalito at mahirap.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Ang natutuhan kong estratehiya batay sa gamit ng aming guro ay dapat ay ilahok ang
bawat mag aaral sa talakayan maging student centered ng sa gayon ay mas lalong matutuhan ng
mag aaral ang aralin.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Ang estratehiyang ito ay malaki ang maitutulong  sa bawat mag-aaral , katulad na lamang
ng pag awit, pagsulat ng tula at iba. Sa pamamagitan nito mas madali para sa mga mag-aaral na
mapaunlad ang pagbasa't sumulat at pagsasalita..

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Oo, ito ay mabisa sapagkat akin itong nagagamit sa araw araw at ang aking natutuhan dito
ay magagamit ko rin kung ako na ay magtuturo ng asignaturang ito.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: Akin itong iaantas sa bilang na lima sapagkat ito ay talagang makakatulong sa aking
pagtuturo lalo na at sa baitang una Hanggang tatlo ay may asignaturang mtb mle

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Nakatulong ito sa paraan na mas lalo ko pang natutuhan ang aking mga gamit na wika
lalo na ang unang wika. Ito ay sapat na at talagang makakatulong sa akin sa hinaharap

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Malaki ang epekto sa pagpapataas ng apat na antas ng pagkatuto kung ang guro ay
mailalahad ng maayos ang aralin .

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Mapapataas nito ang apat na antas sa pagkatuto kung maituturo natin ng maayos ang
aralin at kung magiging creative tayo sa pag gawa ng mga materials at pagtuturo

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagit: Oo, ang mga ito ay sapat na.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Oo ito ay nakakatulong sa pagkatuto ng bawat mag aaral.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Krystal Allyson Domingo


Edad: 21
Seksiyon: BEED 4A
Bilang ng taon sa Pamantasan: Ikaapat na taon
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: Baitang 6

N 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Challenging po. Dahil mayroon pa rin akong mga bagay na hindi pa nalalaman sa
asignaturang mother tongue. May mga pagkakataon na talagang masaya at nakatutuwa ang mga
pinag-aaralan, ngunit may mga pagkakataon din na nakalilito ang mga pinag aaralan.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Para sa akin, para mas matuto ang mga mag-aaral ay sa pamamagitan ng paggamit ng
kanilang mother tongue at ang pag-apply nito sa pagtuturo. Dahil kahit ituro man ang
asignaturang ito ng paulit-ulit, kung hindi naman ito i-aaply mismo sa pagtuturo bilang midyum
ng pagtuturo ay mahirap pa din itong matutunan.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Sa pamamagitan po ng mga activities na kung saan mas malilinang yung paggamit nila o
pag-aaral sa asignaturang mother tongue. Sa pagbabasa, sa pamamagitan ng mga maiikling tula o
kwento na maaring basahin nil ana may mga kaakibat na tanong upang malaman kung
naunawaan ba nila ang kanilang binasa. Sa pagsusulat naman po, maaaring pagsusulat ng mga
essay na kung saan maibabahagi nila ang kanilang mga saloobin gamit ang mother tongue. Sa
pagsasalita naman po, ay ang pag-apply nito sa klase sa pagtuturo hindi lamang ng guro, kundi
maging mga estudyante man po.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Opo, kasi mas naliwanagan at mas nadagdagan yung mga impormasyon na natutunan ko
po sa asignaturang mother tongue. Challenging man, pero masaya po.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: Para sa akin ay 4, dahil alam ko po na marami pa akong dapat matutunan ngayon, dahil
hindi po sapat na mayroon lamang akong nalalaman kung hindi ay mas mainam na mai-apply ko
din ito sa mga mag-aaral, lalo na sa panahon at sitwasyon natin dahil sa pandemya. Ngunit sa
kabilang banda, alam ko na Malaki ang maitutulong ng asignaturang MTB-MLE pagdating sa
pagtuturo kapag ako ay nagging guro na, dahil mas magagamit ko ito ng maayos at malinaw
upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang mga aralin.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Base sa aking karanasan, mas napalalim ng asignaturang mother tongue ang aking
kaalaman lalo na sa mga salitang may malalalim na kahulugan na hindi ko nalalaman, mga
tamang paggamit at kahulugan ng mga salitang may iba’t ibang diin o pagbibigay ng emphasis
upang mas maunwaan ang kahulugan ng bawat salita. Nasisiguro ko na magagamit ko ito sa
hinaharap, sa panahon ngayon ay mas marami na ang sinasanay ang mga kabataan sa ikawalang
lengwahe na ingles, kaya naman sa pamamagitan ng asignaturang mother tongue ay maibabalik
ang kanilang pagkatuto sa una nilang lenggwahe na dapat matutuhan at malaman.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Halimbawa yung mga estudyante na simula paglaki ay sinanay na ingles ang kanilang
pananalita, kaya kapag lumaki hindi alam gamitin ang kanlang mother tongue language,
halimbawa ay tagalog. Dahil dito, naisasantabi yung kahalagahan ng pagkatuto o paggamit sa
mother tongue dahil sinasanay nila sa ibang lenggwahe kaya once nap ag-aralan aito ay
nahihirapan ang mga estudyante.

P8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Sa akin pong practice teaching, English po ang asignaturang aking itinuturo kaya naman
hindi nagagamit ang mother tongue, na tagalog. Ngunit kapag dumarating ang kanilang
assessment, dito ay hinahayaan sila na magsalita ng tagalog, lalo na kung ang asignatura ay
filipino at araling panlipunan. May mga pagkakataon din na, may mga malalalim na salitang
hindi nila maunawaan kaya naman isa-isa itong ipinaliliwanag sa kanila, upang maunawaan nila
ito at tumatak sa knailang mga isipan.
P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Opo, dahil mas madali at mas mabisa ang pagpapaliwanag o pagkatuto ng mga mag-aaral
lalo na kung ang gagamitin na wika ay alam nila at pamilyar sila. Hindi sila mahihirapan na
unawain ang mga bagay na ipinaliliwanag dahil ito ay naiintindihan nila.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Opo, dahil hindi lamang nila natututo kung hindi, mas napapalalim pa ang kanilang
kaalaman maging ang kanilang bokabularyo sa paggamit ng MTB-MLE. Hindi man ito madali
lalo na sa henerasyon ngayon na marami ang nahuhumaling sa paggamit ng wikang English, mas
naipapaliwanag pa rin ng maayos ang isang aralin lalo na kung ang gagamitin ay ang MTB-
MLE.

"KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Diether Miligrito


Edad: 23
Seksiyon: 4A
Bilang ng taon sa Pamantasan:
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT:

P 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Isang makasaysayan ang pag aaral ng Asignaturang ito maihahambing mo ito sa isang
pagluluto ng Kare-kare na kinakailangan ng kabihasaan, atensyon, at pagsunod ng proseso upang
makamit ang tamang timpla at lasa. Gayin din sa pag aaral nito, Hindi mo maitatanggi na hindi
dapat itong ipagsawalang bahala sapagkat matutunan mo dito ang tamang pagbigkas at
kagagamit ng salita, pagsasahaayos at pagpapahalaga ng maliit na natutunan sapagkat ito ang
iyong sandata upang mas mapalawig ang inyong kaaalaman, kayat masasabi kong epektibo at
progresibo ang lahat ng tinalakay sa panahon na tinatalakay ang MTB-MLE.
P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Kung tayo ay naglalayong turuan ang ating mga anak, estudyante ng tamang pagbigkas ng
salita ang dapat unahin ay kung ano ang Tunog, upang ito ang maging pattern ng bata na siyang
pagkakakilanlan upang maging pamilyar sila sa salitang babanggitin.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot:Una ay pahalagahan at yakapin mo ang iyong Tinuturo sapagkat dapat ay magsimula sa
iyo ang lahat , dahil ito ay magiging motibasyon ng inyong mag-aaral upang matutunan ng
mabuti ang leksyo.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Masasabi kong Oo sapagkat, Nagmula sa aking natutunan ay aking nagamit at naibahagi
sa iba ang kahalagahan ng Pag-aaral ng MTB- MLE.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: 5, dapat lamang ay bigyan ito ng importansya sapagkat magagamit mo ito sa inyong
pagaaral,pagtuturo at araw araw na pamumuhay.

N 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Masasabi ko na hindi ito sapat sapagkat bilang isang indibidwan marapat lamanng na
hindi ka huminto sa pagkatuto sapagkat tumataas ang antas ng kaalaman ng tao, magagamit mo
rin ito sa pang araw araw na pamumuhay.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Una ay ang paglalaan mo ng tamang Objectives para iyong magaaral, gayun din ang
tamang paggamit ng estratehiya upang mas mapadali ang knilang pagkatuto, at ang huli ay ang
kahandaan mo sa bawat leskyon upang maging sapat, handa at kapipakinabang ang bawat salita
na matututunan ng lahat.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Maging malawak ang iyong kaalaman sa bawat talakayan at maging open ka na
tumanggap ng bagong ideya, at higit sa lahat maging reflective ka sa bawat sinasabi sapagkat sa
paraang iyong mas makukuha mo ang atensyon ng bata na maglalayong makatuturang pagaaral.

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Masasabi kong ako ay may baong estratehiya upang mas maging epektibo ang bawat
talakayan subalit ang lahat ng ito at hindi sapat kung kaya ako ay handa upang itama at palakasin
ang bawat kahinaan at kakulangan na upang sagayon ay mas magyaman ko pa ang aking saraili
at ang aking pagtuturo.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Oo, Sa katunayan marapat ma bigyan ito ng atensyon at importansya bakit dahil ito ang
magiging pundasyon ng bata upang maging epektibo, progresibong mamayan at mag aaral sa
susunod na mga panahon.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Loi Casamis


Edad: 23
Seksiyon: BEED-4A
Bilang ng taon sa Pamantasan: Apat na taon
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT:

P 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Ang aking naging karanasan sa asignaturang MTB-MLE bilang mag-aaral ay Hindi Ako
masyadong nahirapan sa pag-aaral dahil sa asignaturang ito malaya Kong naipapahayag Ang
aking mga saloobin at ideya sa bawat paksa na itinuturo ng aking guro.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Ang estratehiyang aking natutunan ay dapat bigyang-pansin natin ang paggawa ng mga
biswal na kagamitang pampagtuturo katulad ng larawan, visual aids, flash cards at iba pa.
Maliban dito, magkaroon din ng compilation ng mga awit at mga listahan ng salitasa sa wikang
kinagisnan ng mag-aaral sapagkat ayon sa pag-aaral na ito, mabisa itong magamit sa MTB MLE.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Sa pamamagitan ng mga estratehiyang aking sinabi mas mapapadali Ang pagkatuto Ng
mga bata dahil sa pamamagitan nito nasusundan at Nalalaman nila Ang tamang pagbasa,
Pagsulat at pagsasalita.. dahil bukod sa gurong magtuturo at gumagabay sa kanila meron din mga
IM’s na magiging gabay nila upang masundan at madaling maunawaan Ang itinuturo ng guro.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Opo, masasabi Kong naging mabisa Ang aking mga natutunan sa asignaturang ito.
Nalaman ko din Ang mga dapat at Hindi dapat sa pagtuturo Ng MTB-MLE.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: 5 dahil kapag Ako ay naging ganap na guro na, Hindi nako maninibago at mahihirapan
Ng husto lalo na kapag nagturo Ako sa kinder to grade 3 dahil may kaalaman na Ako sa
asignaturang ito..at naturo na sa Amin Ang mga dapat gawin at kung ano mga mga estratehiya na
dapat gamitin na angkop sa baitang ng mga mag-aaral.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Ito ay nakatulong sa akin na mas mahalin ko pa Ang aking Unang wika at pangalawa,
Hindi humintong matuto lalo na sa Ingles. Tingin ko naman ito ay sapat na at nakakasigurado
Ako na magagamit ko ito sa hinahanap tulad na lamang sa pagkakaroon ng mas maraming
oportunidad sa mga trabaho na may kinalaman ang komunikasyon, at mas higit pang
pagkakatuto. Dahil kapag Ikaw ay multilingual/bilingual ibig sabihin flexible ka sa anuman.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Base sa aking karanasan nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na antas Ng pagkatuto
kung mabibigyan ng pagkakataon Ang mga mag-aaral na makipag talastasan sa kanilang
kaklase, guro at sa klasrum king saan naibabahagi nila Ang kanilang mga saraling ideya at
karanasan at huli nakakaapekto din na bigyan Ang mga mag-aaral Ng babasahing aklat,
paglikhain at Pagsulatin sila  ng mga tula at dula, pagguhitin at marami pang Iba na
makakatulong sa mga mag-aaral upang mapaunlad Ang wika.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Siguro Yung bigyan sila ng Iba't ibang makatotohanang gawain upang maiparanas sa
kanila Ang tunay na gamit ng wika katulad nga Ng sinabi ko sa number 7. Dahil sa pamamagitan
ng makatotohanang gawain nagkaroon Ang mga bata Ng mabilis na pagkatuto sa pagbasa,
pagsulat, pakikinig at pagsasalita.

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Para sa akin ito'y sapat na Basta maiaaply ito ng Tama at epektibo sa mga mag-aaral
upang lubusan silang matuto at di lumaking mahiyain bagkus Ang bawat isa ay magkakaroon Ng
partisipasyon sa loob ng klasrum.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Oo, ang paggamit ng  MTB-MLE sa mga unang taon ng edukasyon ay makakatulong sa
mas epektibo at mabilis na pagkatuto ng mga mag-aaral dahil ang unang wikang nakamulatan ng
isang bata ay malaki ang naitutulong sa mabisang pagsagap nito ng mga kaalaman.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Hanzeel P. Dumayas


Edad: 23
Seksiyon: BEEd 4-A
Bilang ng taon sa Pamantasan: Apat na taon
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: Unang Baitang

N 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Ang aking naging karanasan sa asignaturang MTB-MLE ay hindi naging madali sapagkat
naging pagsubok sa akin na intindihin ang mga tagalog na sobrang lalalim.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Base sa aking mga naging karanasan ay natutuhan kong ang pinaka magandang stratehiya
sa pagtuturo ng asignaturang ito ay dapat marunong tayong gumamit ng iba't-ibang paraan sa
pagtuturo na makakainganya sa mga bata. Isa rin sa mga stratehiyang ito ang hayaan nating
makapag bigay idea ang mga bata patungkol sa aralin.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Sa pagtuturo ng asignaturang ito kailangan ay alam nating i-integrate o isama ang iba't-
ibang stratehiya na siyang magsisilbing pundasyon ng aralin. Sa tulong rin ng mga stratehiyang
ito ay mas malilinang ang mga bata sa pagbabasa, pagsusulat at pagsasalita. Halimbawa na
lamang ng mga maiikling kwento na ginagamit bilang motibasyon, sa tulong nito nalilinang ang
pagbabasa ng mga bata.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Base sa oras at panahon na ginugol ko sa asignaturang ito ay masasabi kong naging
mabisa ang aking mga natutuhan sapagkat ito ay nagagamit ko ngayon sa aking pagtuturo.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: Bibigyan ko ng 5 antas ang asignaturang ito sapagkat alam ko na malaki ang tulong nito
sa aking pagtuturo. Base na rin sa aking nararanasan sa aking Practice Teaching ngayon.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Isa sa mga naging tulong sa akin ng MTB-MLE ay nalaman ko ang mga salitang hindi ko
maunawaan noon at mas naging mas malawak ang naging kaalaman ko sa ating wikang tagalog.
Nakakasigurado ako na magagamit ko ito sa susunod na panahon ng aking pagtuturo. Maaring
hindi pa sapat at marami pa akong dapat malaman.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Base sa aking naging karanasan isa sa mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat
na antas ng pagkatuto ay ang paraan ng pagtuturo ng guro at mga stratehiyang ginamit.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Ang pinaka epektibong paraan na aking ginamit ay ang paggamit ng mga kwento, Tula at
bugtong sa pagtuturo nito. Mas naging creative ako sa aking pagtuturo upang hindi mabagot ang
aking mga tinuturuan.

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Masasabi kong ito ay sapat sapagkat nakita ko na maganda ang naging resulta nito.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Base sa aking mga karanasan sa asignaturang ito ay masasabi kong lubos na nakakatulong
ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Meca Enriquez


Edad: 22
Seksiyon: BEEd 4-A
Bilang ng taon sa Pamantasan: 4
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: 4

P 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Sa asignaturang ito ay ako nasubok. May mga aralin na medyo nahihirapan kaming
unawain ngunit sa gabay ng aming guro ay unti-unti naming nauunawaan ang konseptong ito.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Unang-una kailangang gumamit ng mga local materials sa pagtuturo at naaayon sa
capabilities ng mga mag-aaral.
P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't
Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Gagamitin ko ang mga stratehiyang natutuhan ko as long as na naaayon ito sa capabilities
ng mga mag-aaral.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Oo dahil ito ang magagamit ng mag-aaral.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: Sa aking palagay na malaki ang posibilidad na malaki ang maitutulong nito sa aking
pagtuturo dahil mas mauunawaan at maiintindihan ang mga aralin.

N 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Masasabi kong may mga kailangan pa akong matutuhan upang mas makatulong sa aking
pagtuturo sa darating na panahon.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Para sa akin ay ang mga estratehiya at pamamaraan na ginagamit sa pagtuturo.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Para sa akin ay biswalisasyon.

N 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Maaaring kulang pa, kailangan ko pang magsaliksik ng mga estratehiya na magagamit ko
sa pagtuturo ng MTB-MLE.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Oo, dahil mas naiintindihan at nauunawaan ang mga aralin.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Jasmin Narciso


Edad: 21
Seksiyon: BEEd 4-B
Bilang ng taon sa Pamantasan: Apat na taon
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: Ikalimang baitang

N 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Sa totoo lang ang naging karanasan ko sa pag-aaral ng Asignaturang MTB-MLE ay
nahirapan ako kasi yung akala kong madali hindi pala dahil madami papalang dapat sundin na
rules tulad sa tamang pagbingkas ng mga salita, sa pantig, sa pagsulat at kung ano yubg tamang
nilang kahulugan kasi may mga salita na magkamukha sa spelling pero magkaiba ng meaning.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Sa aking mga naging karanasan ang mga stratehiyang natutuhan ko pagtuturo ng Mother-
Tounge ay dapat binibigyan siya ng malaking pansin, step by step dapat siyang ituro at ipaintindi
sa mga bata.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Magagamit ang mga istratehiyang aking natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't Sumulat
at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE sa pamamagutan ng

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Opo masasabi kong naging mabisa ang aking mga natutuhan sa asignaturang MTB-MLE
dahil hanggang ngayon ito ay nagagamit ko sa aking pag-aaral at sa pang-araw araw na buhay.
Nakatulong din ang aking natutuhan dahil mas napapadali at napaunlad nito ang aking kaalaam
sa pananalita at pakikipagkomunikasyon.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: Kung iaantas ko ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa
pinaka mababa sa 4 ko ito iaantas na nakasisigurado akong makakatulong ito sa kapag ako ay
guro na dahil iba iba ang learning stlye ng mga bata kaya mahirap iaapply yung mga natutuhan at
karanasan ko sa pag aaral ng MTB-MLE.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Base sa aking karanasan ang naitulong ng MTB-MLE sa akin ay higit akong natututo at
naging mahusay sa pagsasalita at pakikipagkomunikasyon, nahasa din nito ang aking kaalaman
sa ating  sariling wika at dahil dito maa napadali kong isalin sa tagalog ang mga salitang ingles.
Ako ay siguradong sigurado na magagamit ko ito sa hinanarap ngutin gayunbpa man sa ngayon
ay alam kong hindi pa ganoon kasapat ang aking nalalaman tungkol dito.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Base sa aking karanasan ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na antas
ng pagkatuto ay ang mga sumusunod; attention span ng mga bata, kasarian, edad at yung
estratehiya ng magtuturo.
P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Para sa aking ang pinaka-epektibong stratehiya na aking gagamitin upang mapataas ang
apat na antas ng pagkatuto ng mag-aaral ay modelling kasi yung mga bata mahilig silang
manggaya ata para maging madali lang din para sa kanila kailangan muna nilang makita o
marinig bago nila matutuhan.

N 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Sa aking palalagay ay hindi pa sapat ang aking natutuhang estratehiya at kaalam upang
makamit ang lubusang pagkatuto ng mag-aaral sapagkat kakaonti palamang ang aking natutuhan
at hindi pa kagaanong nahahasa, kailangan ko muna ng madaming karanasan para ito ay
lubusang kong magamit sa hinaharap.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Opo, base sa aking karanasan ang paggamit ng MTB-MLE ay nakatutulong sa pagkatuto
ng mag-aaral dahil mas naging aktibo sa klase ang mga bata, mas madali nitong maunawaan ang
sinasabi ng guro at dahil sa paggamit ng MTB-MLE mas  napapaunlad nito ang pananalita,
pagkatutuo at pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Cristine E. De Guzman


Edad: 22
Seksiyon: BEEd 4-B
Baitang ng taon sa Pamantasan: 4
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: Kindergarten
N 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Medyo nahirapan pero masaya. Hindi ganon kadali pag-aralan lalo na pagdating sa mga
tuldik.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Dapat alam mo yung mother tongue ng mga tinuturuan mo para madali mo na maituturo
yung mga lessons.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Sa pagbibigay ng panuto magagamit yung mga natutuhan.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Oo, dahil nagagamit ko na ngayong PT ako lalo na at kinder ang mga tinuturuan ko.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: 5, dahil mas maiintindihan ng mga mag aaral kung mother tongue ang gagamitin lalo na
sa pag bibigay ng panuto.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado
na ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Mas madali kong naitturo ang mga aralin mas naiintindihan ng mga bata at mas
nakakasunod sila sa mga gagawin.

N 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Sa palagay ko yung ginagamit na salita. Maaaring di nila naiintindihan o alam kung ano
yung sinasabi.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Gamitin yung salita na mas madaling naiintindihan ng mga mag-aaral.

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Sa aking palagay oo. Nakakatulong naman para matuto sila.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Nakakatulong naman kasi base sa mga nakukuha nila sa bawat gawain matataas naman.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Glydel Marquez


Edad: 22
Seksiyon: BEEd 4-B
Bilang ng taon sa Pamantasan: Apat na taon
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: Grade 2

N 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Mahirap Siya, kase kailangan Yung mga words na binigigkas ay Tama. Yung tamang
impit, tamang bigkas,yung tamang pantig kase kailangan yung Aralin kase yung mga bata kapag
mali yung bigkas mo hindi nila maintindihan. Nagkaroon ng misunderstanding iba Yung
ginagamit mong word pero iba Yung pagkaka-intindi nila. Kaya talaga alam natin Yung tamang
bigkas,impit at pantig kase lahat yon nakapasok si sa Mother Tounge. Actually 12 students agad
Yung na irregular samin kaya Hindi talaga siya pwedeng baliwalain.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Kailangan po Yung nga words Hindi mo lang Siya basta-bastang sasabihin, kailangan
ipapaliwanag mo din Yung ibig sabihin ng mga iyon, kase Yung mga bata may magkakaibang
pagkaka-intindi for example, nagpapantig ako kahapon merong Isang bata na ang spelling ng
NIYOG ay "N-I-Y-O-G" at may Isang bata naman na Ang spelling ay "I-N-Y-O-G" for you as a
teacher you have to make it clear na they have different spellings pero same siya ng definition.
Localization nagmamatter siya talaga kase Meron Yung mga Taga Bongabon, Palayan,
Natividad, magkakaiba Sila ng mga Punto.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: ‘Yan nga Yung sinasabi ko kanina kailangan nga may tamang impit, ‘Yung tataas Yung
voice tapos bababa siya Doon pumapasok ‘yung impit kase mas madaling maunawaan iyon ng
mga bata. Kailangan lang bigyan mo ng emphasis ‘yung word sa bawat syllables.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Yes, for me mabisa siya, kase kitang-kita naman po na kapag nai-apply mo ng maayos
ang Mother Tounge mas madali na siyang unawain at ituro. Mahalaga talaga na mai-apply mo
Yung mga natutunan mo na iyon kase mga bata Yung tuturuan e Hindi katulad ng mga high
school na malawak Yung pagka-unawa nila.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: Number 4, kase Sabi nga di ba continues process ang learning. Iba-iba e ibat-iba Yung
nga learning strategies na maaari mong gawin as a teacher. Nagbabago -bago kase ang learning
environment nila, sa ganitong strategy mo sila mas mabilis na makuha tapos mamaya-maya
Hindi na naman nila kaya Ikaw as a teacher gumagawa ka ng paraan kung saan Sila mas mabilis
na matututo. Kailangan Flexible Yung strategy.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Malaking part siya kase even na part siya ng subject pero ang importante kase kung paano
mo Siya maituturo. Pinaka importante Dito Yung sa grade 1-3 dahil Sila Yung mga primary Sila
Yung pausbong Palang kumbaga. Nasa kanila ang foundation ng MTB-MLE. Hindi Siya pure
English kailangan itranslae mo Siya ng into Tagalog at ang MTB-MLE talaga ay kailangan na
gamit mo Siya as a medium of instructions.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Unang-una yung pinanggalingan nila, Yung area kung saan Sila nakatira. Sa learnings
naman sa classroom mismo kailangan mameet mo yung attention span nila  Yan ang number 1
na factor para sa asignaturang MTB-MLE.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Pinaka effective dyan Yung modeling, based on my experience lang naman. Kailangan
imodel mo muna sa kanila ganon. Sa mga words kung paano bibigkasin Yung paano mo
ispelling then let them try after you. And syempre sa affective domain natin lagi natin sasabihin
sa kanila Yung improtansya kung bakit natin pinag-aaralan yon at kung bakit ko iyon itinuturo sa
kanila. Kase yung application talaga yung pinaka importante.

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: I think Hindi paren kase tulad niyan grade 2 lang so kung iaapply ko ito sa grade 3,4,5,6
iba iba na Yung magiging approach nila kase hindi mo naman pwedeng ituro sa grade 3 Yung
pang grade 2 at Hindi mo pwedeng ituro sa kanila Yung pang grade 6 na pang grade 2 di ba ibat-
iba kase Yung mga learnings ng mga bata kaya Hindi mo den masisigurado na mauunawaan nila
ito ng mabuti.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Yes, very effective siya,  sa intermediate naman sa grade 4-6 limited nalang at least don
may foundation na sila, alam na nila Yung basic knowledge nila when it comes to definitions sa
mga words kaya sobrang effective to Lalo na sa elementarya.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Mary Grace L. Libid


Edad: 23
Seksiyon: BEED 4B
Bilang ng taon sa Pamantasan: 4
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT:  KINDERGARTEN

P 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Isa sa naging karanasan ko sa Asignaturang MTB-MLE ay patungkol sa tamang
pagbigkas ng mga salitang Filipino, kung saan matatagpuan ang diin, kung saan ba dapat ang
tuldik at marami pang iba. Nahirapan ako sa pag aaral nito dahil halo-halong salita ang naririnig
ko kung saan ako lumaki kaya di ko alam kung saan ko ilalagay ang tuldik. Pero masaya at
nakakatuwang pag aralan ito dahil naprepreserba natin ang mga salita ng ating ninuno.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tongue?
Sagot: Para sa akin ang paggamit ng mga konkretong bagay at pagpapanuod ng mga bidyo (ICT)
na may kaugnayan sa mother tounge. Dagdag pa dito ay ang estratehiyang "cooperative
learning".
P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't
Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Sa pamamagitan ng pag aatas sa mga mag aaral ng mga gawain na batay sa kanilang antas
ng kaalaman.

N 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Oo, dahil mas magagamit mo ang mother tongue kung ito ay talagang naunawaan mo. At
mas magiging mabisang guro ka kung ang mga-mag aaral mo at ikaw ay nagkakaintindihan dahil
mayroon kayong pare-parehas na mother-tongue na sinasalita.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: 5, gaya nga ng sinabi ko, mas magiging mabisang guro ka kung naiintindihan ka ng iyong
mag-aaral. Mahalaga na alam mo ang kinagisnang wika ng iyong mag aaral ng sa gayon ay
magabayan mo at mas maipaliwanag mo ng maayos ang inyong aralin.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Ang karanasan ko dito ay mas naintindihan ko ang kahalagahan ng paggamit ng mother
tongue, lalo na sa mga mag aaral na nasa primary level. Dahil Elementarya ang tuturuan ko
nakakasigurado ako na ito ay aking magagamit, base sa karanasan ko ito ay sapat na, dahil
natutunan ko na at nagagamit ko Ang mother tongue.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Pagpapaunlad ng Pagsasalita, Pagpapaunlad ng Kamalayan/ Cognitive Development,
Pagpapaunlad ng Antas Pang akademiko , Pagpapaunlad sa Socio- Kultural. Isa sa mga salik na
nakakaapekto ay Ang Lugar kung saan nakabilang o pinag mulan ng Isang tao, sapagkat malaki
ang epekto ng (environment hindi ko sure yung term sa tagalog) kapaligiran? dahil dito tayo
unang natututo kung paano magsalita, makisalamuha sa iba at dito din unang nabubuo ang ating
kaisipan tungkol sa mga bagay bagay.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Paggamit ng mga konkretong bagay (larawan, flashcard at iba pa) upang mas maunawaan
ng mga bata kung ano at tungkol saan ang tinutukoy, Lalo na sa mga batang nasa kindergarten,
grade 1 hanggang grade 3.

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Oo ito ay sapat, dahil nasa guro pa din kung paano niya  gagamitin ang mga estratehiya
ng mas kapakipakinabang at mas mabisa para sa mga mag-aaral.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Oo, ang MTB-MLE ay nakatutulong sa pagkatuto ng mag-aaral dahil mas madali nilang
maintindihan o maunawaan ang mga paksa na aming tinatalakay.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Aiza M. De Guzman


Edad: 22
Seksiyon: BEEd 4B
Bilang ng taon sa Pamantasan: 4
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: Grade 1

N 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Nalito at nahirapan.
P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Ang stratehiyang natutuhan ko ay ang modeling.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Magagamit ko ito sa pamamagitan ng pagpapakita o pagmomodelo ng pagbigkas ng mga
salita kung paano  ito bigkasin ng tama at pagpapakita ng paggamit ng mga tuldik sa bawat salita
upang bigyang pansin ang diin at impit ng mga salita.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Opo

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: 5, Nakasisiguro ako na makakatulong ang MTB MLE kapag ako ay guro na dahil ito ang
magsisilbing gabay ko upang makipag komunikasyon sa mga mag aaral mula sa kinagisnan
nilang salita o lengguwahe, hindi lang sa pagsasalita ng tagalog at ingles.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Nakatulong ang MTB MLE sa akin sa pamamagitan ng pagkatuto sa paggamit ng
wastong tuldik upang mas maunawaan ang kahulugan ng isang salita. Sigurado ako na
magagamit ko ito sa hinaharap ngunit sa ngayon ay hindi ito sapat kung kaya't kailangan ko pang
payabungin ang aking kaalaman pagdating sa asignaturang MTB MLE.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Ang salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng tatlong antas ng pagkatuto ay ang kanilang
attention span, at kung paano yung paraan ng pagtuturo ng guro.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Ang mga stratehiyang ginamit ko upang mapataas ang 3 antas ng pagkatuto ng mga mag
aaral ay ang modeling, scaffolding or learning by doing, pag iintegrate ng mga senaryo na
maiuugnay sa totong karanasan o sa kanilang buhay.

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Opo

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Opo

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Shiekah Kaye C. Guinto


Edad: 22
Seksiyon: b
Bilang ng taon sa Pamantasan: 4
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: Kindergarten

N 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: bilang isang mag-aaral, isa sa aking naging karanasan ang ibang pagbigkas ng mag salita
o ang punto kung tawagin. Nag-iiba ang paraan ng pagbigkas ng salita kung kaya’t isa ito sa
naging dahil ng pagkakaroon ko ng mababang marka sa asignaturang ito.
P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Base sa aking mga naging karanasan, dapat ay pag- aralan ng mabuti ang pagkakaiba-iba
ng paraan ng pagbigkas ng salita.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Magaganit ito upang mas mapadali ang pagkatuto ng bata sa pagbasa at pagsulat maging
sa pagsasalita.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Oo.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: 5, dahil ang midyum na ginagamit ng guro sa pagtuturo ay ang MT mas maiintindihan ng
maayos ang isang aralin kung ito ay nasa midyum na MT lalo’t higit kung ang iyong mag-aaral
ay nasa sa kinder hanggang grade 3.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Nakatulong ito upang mapalalim ang aking kaalaman. Makakatulong ito upang
magkaroon ng epektibong ugnayan ang guro at ang mag-aaral kung saan mang lugar ito
mapunta.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Nakaaapekto upang mas tumaas ang antas ng kanilang pagkatuto.
P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Sama-samang pagkatuto.

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Oo.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Oo.

"KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Aileen G. Domingo


Edad: 22
Seksiyon: BEED-4B
Bilang ng taon sa Pamantasan: 4
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: GRADE 2

P 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Ang karanasan ko sa Asignaturang MTB-MLE bilang mag-aaral ay hindi ganun kadali
pero hindi naman ganun kahirap. Isa sa karanasan ko dito ay yung mga tamang pagbigkas ng
mga salitang Filipino. Malalaman dito kung paano o saan matatagpuan ang diin at mga tuldik ng
isang salita.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Ito ay yung mga paggamit ng mga kagamitan katulad ng pag integrate ng ICT na
magagamit upang makapanuod ng mga bidyo patungkol sa Mother Tongue. Nakasama narin dito
ang estratehiyang Cooperative Learning.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Magagamit ko ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mag-aaral ng mga aktibidad o
gawain base sa kanilang mga kaalaman o pagkakaunawa.

P 4.  Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Oo, dahil masasabi mong naging mabisa ka kung alam mong naunawaan mo ang mother
tongue at mas magandang ibahagi ito sa mga mag-aaral kung pareparehas niyong naintindihan o
may pareparehas kayong morher tongue na sinasalita upang mas magkaintindihan ang bawat isa.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: 5, dahil alam ko sa sarili kona mas mabisa kang guro kung ikaw mismo alam mo at
naintindihan mo ang sariling wika mo at wikang ginagisnan ng iyong mag-aaral para sa ganun
magabayan at maipaliwanag mong mabuti ang aralin.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Sigurado na ito ay magagamit ko lalo na ang aking tuturuan ay elementarya na kung saan
mahalaga na mapag-aralan ang mother tongue sa murang edad palang. Sigurado rin ako na ito ay
sapat na dahil ito ay naintindihan ko at nagagamit ko ang mother tongue.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Pagpapaunlad ng Pagsasalita, Pagpapaunlad ng Kamalayan/Cognitive Development,
Pagpapaunlad ng Antas ng Pang-Akademiko at Pagpapaunlad ng Socio-Kultural. Sa tingin ko isa
pang nakaapekto ay ang lugar na kung saan nagmula ang mga salita o maraming matututunan
ang mga mag-aaral. Dito tayo unang natututo ng mga salita na nagagamit o naibabahagi natin
kapag tayo ay nakikisalamuha sa ibang mga tao

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral
Sagot: Paggamit ng mga bagay na nahahawakan o nakikita nila ng maaayos halimbawa nalang
ay yung mga larawan, mga real objects at iba pa. Ito ay mas mabilis nilang mauunawaan ang
mga bagay bagay.

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Oo, sapat na ito sapagkat nasa guro na ang diskarte kung paano niya gagamitin ang mga
estratehiya upang maging epektibo sa mga mag-aaral.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Oo, dahil mas madali nilang naiintindihan o nauunawaan ang aralin na tinatalakay.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Joanna Faye Casinio


Edad: 21
Seksiyon: BEED 4-B
Bilang ng taon sa Pamantasan: 4
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: Grade 5

P 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Bilang isang mag-aaral, ang MTB-MLE ay kinakailangan ng matinding pang-unawa/pag-
intindi sa bawat aralin.
P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Paggamit ng mga halimbawa (visual aids), pagbibigay ng aktibidad (pre-act), pag gabay
at papaliwanag ng konseptong tatalakayin upang mas maunawaan ng mga mag-aaral, at
pagbibigay ng kahalagahan ng talakayin.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Sa pagtatapos ng talakayan, mauunawaan ng bawat mag aaral ang kahalagahan ng aralin
na makatutulong sa pagpapaunalad ng Pagbasa't Sumulat at pagsasalita.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Oo, magagamit ng lubusan ang mother tongue kung ito ay naunawaan at inintindi.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: Oo, magiging mabisang guro ka sa bawat mag aaral kung magagamit at maipapaliwanag
mo ng maayos ang Mother Tongue.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Bilang isang magiging guro sa hinaharap, magiging isang malaking tulong MTB-MLE sa
akin. Dahil maaari ko itong magamit sa pagtuturo at makapagbahagi ng kaalaman sa bawat mag-
aaral.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Nakakaapekto ang salitang nakagisnan ng mga mag-aaral pati na rin ang guro.
P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Pagbibigay halimbawa at panimulang aktibidad sa mga mag-aaral.

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Oo, ito ay sapat. Nasa guro pa rin kung paano niya maituturo ng maayos at epektibo ang
bawat aralin.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Oo, dahil mas madaling maintindihan at maunawaan ang aralin na tatalakayin.

“KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Helen Joy C. Antonio

Edad:

Seksiyon: BEEd 4-B

Bilang ng taon sa Pamantasan:

Baitang ng tinuruan/Kung nag PT:

N 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Bilang isang mag-aaral ako ay nahirapan noon sa asignaturang MTB-MLE lalong Lalo na
sa paglalagay ng tuldik at manner of utterance ng mga salita. Akala ko noon Tama na Ako pero
mali pala kaya medyo hirap ako noon Lalo na kapag sa Pagsusulit.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Mahalagang malaman kung paano ang tamang pagbigkas ng mga salita upang manigyan
ng tamang diin ang bawat salita. Dahil kung Ikaw ay mahkakamali ay maaaring magbagi ang
kahulugan ng salita at magkaroon ng Hindi pagkaka-intindihan.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Sa pagtuturo naman Kasi ng MTB-MLE ay parang nagtuturo kalang din ng Filipino. Kaya
naman katulad ng aking sinabi, dapat alam kung paano ang tamang pagbigkas ng mga salita dahil
kung malinaw ko ilong mabigkas at madali nila itong maisusulat at magaya din nila ang paraan
ng aking pagbasa at pananalita.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Mabisa ito dahil natututunan ko kung paano bigkasin ng Tama ang mga salita. Kaya
ngayon Hindi na Ako mahkakamali ng pagbigkas Lalo na pagnagtuturo ako ng MTB-MLE sa
mga mag-aaral ng grade 2.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: Lima ang pinakamataas. Kagaya ng aking Sabi mahalaga sa mga guro na alam mo kung
paano ang tamang pagbigkas ng mga salita dahil Yoon Ang natututunan at natatandaan sayo ng
mga bata. Yun ang ituturo mo sa kanina at kapag ginamit ko rin ‘yon sa pananalita/pagsasalita.
Yun ang makukuha o magaya nila saaiun . Kaya talagang makatulong ito sa akin Lalo na kapag
ako ay guro na.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Mas nakikilala ko Ang tamang manner of utterance ng mga salita. Kaya naman nagagamit
ko Siya ngayon bilang student teacher at siguradi ako na mas nagagamit ko siya sa hinaharap sa
tingin ko Hindi pa ito sapat. Sabi nga nila kapag leader ka dapat continuous ang learning. Kaya
naman habang nagtuturo ako ng MTB-MLE sa grade 2 ay nadadagdagan pa ang kaalaman ko at
mas madadagdagan pa ito sa hinaharap.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Una sa lahat ay ang aking kasanayan. Mahalaga ito sa pagtuturo dahil kung alam modahil
kung alam mo ang tinuturo mo ay madali mong marating ang mga objectives o layunin na iyong
inaasahang malilinang ng mga mag-aaral.kaya dapat alam mo lahat ng tungkol sa tinuturo
moparang may tanong ng mga mag-aaral ay makakasagot mo matutugunan mo iyon pangalawa
ay ang paggamit ng tamang lenggwahe lalo na kung sa primary grades Palang Sila . dapat na
gumamit ng mother tongue o yung lenggwahe ng kanilang kinamulatan para sa mas madali nila
maintindihan ang iyong mga itinuturo sa tagalog ang kanilang gamit ay iyong dapat ang dapat
gamitin sa pagtuturo kung ng ibang dayalekto naman ay kailangan ng mag ayos para sa mga bata
at pinakahuli dapat alam mong.alam mong pumili ng tamang layunin sa iyong gagamitin hindi
tataas ang antas ng pagkatuto ng mga bata konti konti dapat mahirap o ibaba ang dapat nilang
gawin ang matutunan dapat bilang guroactive at innovative casa pagtuturo para sa gayon ay
matulungan ng tumaas ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral kasi yan ang mayroon na tayo
nang matuto sila at magamit nila ang mga kaalaman sa kanilang buhay.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Para sa akin mahalaga na magkaroon sila ang mga batang detention kaya naman ang
akingmag-aaral ang ari ng pinag-aralan lagi ko rin siya ang tinatanong kung naiintindihan ba nila
ang araling akong may tanong pa ba para sa gayon aymaulit ko sa kanila ang mga tinatalakay
namin para din iyon sa akin bilang isang gurokailangang gumamit ako ng real life situation na
kung saan maka relate sila kasi maaaring naranasan nila ang maaaring nila itong magamit sa
pang araw-araw na buhay at sa huli ng epektibong estratehiya para sa akin ay ang kombinasyon
ng mga gawain kailangan as much as possible madami ka ng nakaambang gawain upang
mapaunlad ang kanilang mga nalalaman habang nagpapa sagot ka nang gawain mayroon ding
pagninilay at doon sa tingin ko ay tumataas ang antas ng kanilang pagkatuto.
N 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Masasabi kung hindi pa ito sapat ang mga estratehiya at kaalaman na mayroon ako
ngayon ay pundasyon lamang na aking magagamit kapag ako ay nasa ganap na guro kagaya ng
sabi ko ang mga guro ay patuloy na nag aaral yan at naghahanap no mga estratehiya
makakatulong sa mga mag-aaralupang makamit ang lubos na pagkatuto bawat mag-aaral kasi m
iba't ibang kakayahan at way ng pagkatuto kaya naman ako bilang guro kailangan ko ng punan
ang mga iyon upang walang maiiwan sa kanilang pag-aaral.kung natututo ang isa ay dapat
natututo rin ang lahat nasa sayo kung paano mapunan ang pangangailangan ng bawat mag-aaral
kaya naman hanggang ngayon at sa mga susunod pang mga henerasyon. magagamit ko pa ito sa
ibang estratehiya sa pagtuturo

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Oo naman masasabi ko makakatulong ito sa mga mag-aaral ang lalo na sa mga grade 1 2
3 dahil mother tongue ang ginagamit sa kanila upang mas madaling maunawaan ang mga aralin
ng pamilyar o alam nila ang lenggwahe gamit mo ay magkakaroon nila ng interes na sumagot sa
mga tanong mo kaya napakalaking maitutulong ng mtb-mle sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

"KARANASAN NG MAG-AARAL SA ASIGNATURANG MOTHER TONGUE-BASED


MULTI-LINGUAL EDUCATION O MTB-MLE”

Pangalan: Jayson B. Bauyon


Edad: 27
Seksiyon: BEEd 4-B
Bilang ng taon sa Pamantasan: ika-apat
Baitang ng tinuruan/Kung nag PT: ika-anim na balitang

N 1. Ano ang iyong naging Karanasan sa Asignaturang MTB-MLE bilang isang mag-aaral?
Sagot: Bilang isang mag-aaral ng Asignaturang MTB-MLE noong nasa unang taon sa kolehiyo.
Masasabi kong sadyang naging mahirap para sa akin ang asignaturang iyon. Sapagkat dito ay
nalaman ko na may iba-iba tayong tinatawag na mother-tongue, hindi lamang tagalog.

P 2. Sa iyong mga naging karanasan, ano ang iyong mga stratehiyang natutuhan sa pagtuturo ng
Mother-Tounge?
Sagot: Paggamit ng mga halimbawa, pagbibigay ng aktibidad, pag gabay at papaliwanag ng
konseptong tatalakayin upang mas maunawaan ng mga mag-aaral, at pagbibigay ng kahalagahan
ng talakayin.

P 3. Paano mo magagamit ang mga istratehiyang iyong natutuhan sa pagpapaunlad ng Pagbasa't


Sumulat at Pagsasalita ng mag-aaral sa pagtuturo ng MTB-MLE?
Sagot: Mauunawaan ng bawat mag aaral ang kahalagahan ng aralin na makatutulong sa
pagpapaunalad ng Pagbasa't Sumulat at pagsasalita.

P 4. Base sa iyong naging karanasan masasabi mo bang naging mabisa ang iyong mga natutuhan
sa asignaturang MTB-MLE?
Sagot: Oo, magagamit ng lubusan ang mother tongue kung ito ay uunawain at iintindihin ng
Mabuti.

P 5. Kung iaantas ang asignaturang MTB-MLE mula sa 5 sa pinaka mataas at 1 para sa pinaka
mababa gaano ang antas na nakasisigurado ka na makakatulong ito sa'yo kapag ikaw ay guro na.
Ipaliwanag.
Sagot: 5, sapagkat kung ikaw ay magigng mabisang guro sa bawat mag-aaral at kung magagamit
at maipaliliwag mo ng maayos ang mother tongue.

P 6. Base sa iyong karanasan ano ang naitulong ng MTB-MLE sa iyo? Gaano ka kasigurado na
ito ay iyong magagamit sa hinaharap? Sapat na ba ito?
Sagot: Bilang isang guro sa hinaharap, magiging isang malaking tulong MTB-MLE sa akin.
Dahil maaari ko itong magamit sa pagtuturo at makapagbahagi ng kaalaman sa bawat mag-aaral.
Marahil hindi pa ito magiging sapat dahil ang pagiging guro ay isang lifelong learner.

P 7. Base sa iyong karanasan, ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagpapataas ng apat na
antas ng pagkatuto?
Sagot: Nakakaapekto ang salitang nakagisnan ng mga mag-aaral pati na rin ang guro.

P 8. Ano ang pinaka-epektibong stratehiya na iyong ginagamit upang mapataas ang apat na antas
ng pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Pagbibigay ng mga halimbawa at mga aktibidad na mapagpapabisa ng gana ng mag-aaral
uapang maunawaan at matuto sa aralin.

P 9. Sa iyong mga natutuhang estratehiya at kaalaman, sapat ba ang mga ito upang makamit ang
lubusang pagkatuto ng mag-aaral?
Sagot: Oo, sapagkat ang pagkatuto ng magaaral ay nasa guro parin, dahil hindi sasabak ang isang
guro sa pagtuturo kung ito ay hindi handa sa kanyang aralin.

P 10. Base sa iyong karanasan sa paggamit ng MTB-MLE, nakatutulong ba ito sa pagkatuto ng


mag-aaral?
Sagot: Oo, dahil mas madaling maintindihan at maunawaan ang aralin na tatalakayin.

You might also like