You are on page 1of 2

Karanasan ng mga Working Student sa Pag-aaral ng Filipino Batay sa Pag-unawa sa Panuto

Batay sa naging panayam sa mga partisipante, pito sa mga partisipante ang

nagsasabing nahirapan sila sa pag-unawa sa mga panuto (P1, P2, P4, P5, P6, P7 at P8) at isa

ang nagsabing hindi nahirapan sa pag-unawa sa mga panuto (P3,).

Talahanayan 2. Karanasan ng mga Working Student sa Pag-aaral ng Filipino Batay sa Pag-


unawa sa Panuto
Tema Sub-tema

Nahihirapan Malalim na mga salitang tagalog


Mahirap unawain
Hindi nahihirapan Naipaliwanag nang maayos

a. Nahihirapan. Pito sa walong partisipante ang nagsabing nahihirapan sila sa pag-

unawa sa mga panuto sa modyul na ginagamit nila sa pag-aaral ng asignaturang Filipino.

Nagbigay din ang mga ito ng iba’t- ibang dahilan at paraan kung paano napagtagumpayan ito.

Ang kanilang mga naging sagot ay makikita sa ibaba:

Ang maiibahagi ko po basi sa aking karanasan sa pag-unawa ng mga


panuto sa gawain, since wala pong nagtuturo sa akin ay ni research ko po siya
sa Google para maunawaan ko po yong mga gawain dahil minsan po talaga
nahihirapan ako. Hindi naging madaling unawain lalo na po na wala po akong
alam sa topic tapos medyo mahirap 'yong mga tagalog na salita dahil malalim po
ito-P1

Hindi naging madali ang pag-unawa dahil may ilang salita na hindi ko
agad naiintindihan at hindi naging malinaw sa akin ang pagpapahayag o
pagpapaliwanag.- P2

Minsan ma’am ay nahihirapan ako sa pag-unawa dahil ang iba ay hindi


ko nauunawaan at kailangan ng ibayong pag-iisip. Dahil sa may mga salitang
ginagamit na hindi pamilyar sa akin kaya ako nahihirapan.-P4

Naging mahirap sa akin dahil may ilang panuto na mahirap unawain. – P5

Basi sa mga panuto sa gawain ay naging mahirap unawain ito dahil


minsan hindi ko na gets ang ipapagawa sa modyul at may iilang mga salitang
malalim na tagalog na kailangan pang e research ito o itanong sa nakatatanda. -
P6

Talagang nahihirapan ako ma’am dahil wala kayo sa aming harapan para
magbigay linaw sa aming dapat na gawin.-P7

Nahihirapan talaga ako sa pag-unawa at sa pagsagot sa modyul dahil


wala akong cellphone na magagamit pang internet,tapos malayo sa akin ang
aking magulang, nahihiya rin akong magtanong sa aking amo dahil alam kong
may ginagawa rin sila. Malaking hamon sa akin ang pag-unawa sa lahat ng mga
nakasulat sa modyul kasi may mga salitang hindi ko nauunawaan.-P8

Mapapansin sa mga tugon ng mga partisipante na nakaranas sila ng hirap o hamon sa


pag-unawa sa mga panuto na makikita sa mga modyul na kanilang ginagamit sa pag-aaral ng
Filipino. Isa sa pangunahing dahilan na nabanggit ng mga partisipante naturang karanasan ay
ang ilang salita na hindi nila maintindihan. May nagsabi din na may iilang mga Filipino na salita
na malalim kaya nahihirapan silang intindihin. Mayroon ding mga pagkakataon na nahihirapan
sila dahil sa hindi malinaw na pagpapaliwag sa mga panuto. Ang naging maganda naman dito
ay natuto silang maging mapamaraan upang matugunan ito. Ang ilan sa kanila ay gumagamit
ng internet o Google upang magsaliksik tungkol sa mga paksa.
Bagamat may isang mag-aaral na kahit na gugustuhing magsaliksik sa internet ay wala
naman siyang cellphone na magagamit. Ayon sa pag-aaral ni Fuadiah & Suryadi (2019).,
malaking bahagi ng karanasan ng mga mag-aaral ang mga gawain upang matutunan ang mga
kasanayang dapat nilang paghusayan. Kaya napakahalaga ang pagkakaroon ng malinaw na
pahayag tungkol sa mga panuto. Idinagdag naman ni Danielson (2012) na isa sa kasanayang
dapat

You might also like